TMH 25

2.1K 69 3
                                    

YUI RANN CHIKAMA

I'm sick. A fvcking sick.

Umikot-ikot ako sa kama dahil sa iritasyong nararamdaman. Kailan pa dinalaw ng isang tao ang isipan ko? Mahigit isang linggo na ang nakalipas at patuloy na umiikot ang mundo para sa panibagong taon, bukas ay may pasok na naman.

"Bullshit" Daing ko ng mahulog ako sa kama.

"Hahahahaha." What the hell?

"Kailan pa naging gubat itong kwarto ko at may naligaw na unggoy?" Tumalon ako sa kama habang nakapalupot parin sa katawan ko ang makapal na kumot.

"Naka handa na po ang iyong pagkain sa ibaba mahal na prinsesa." At kahit hindi ko siya tignan ay nararamdaman ko ang malaking pag ngisi ng gago.

Hindi ako sumagot bagkus ay lalo pa akong sumiksik sa ilalim ng kumot.

"You really want me to carry you huh?" Tss. Bakit ba ang aga itong bakulaw na ito pa ang makikita.

"Fuck you." sabi ko at bumangon na saka dumiretso sa banyo.

Pagkalabas ko ay wala na ang unggoy sa kwarto ko. Bumaba ako at agad na nagtungo sa hapag.

"Good morning." bati ko sa mga itlog na abala sa hapagkainan.

Sabay sabay silang napalingon sa akin at napanganga. Napataas ang kilay ko at umupo. I know. Ye that's not usual.

"Princess, ayos lang kung wala kang sasabihin tungkol sa nangyari sa isla. Kahit na isang linggo na ang lumipas. Wag ka lang maging weird. Please lang. Kaloka." Si Aika. Siya lang naman ang may lakas loob na ganyanin ako.

"A'right." sagot ko saka ngumiti sakanya. Pwe. Ano bang nangyayari sakin? Ngingiti pa tsk.

After that word coming from me ay para na silang bubuyog kung magbulungan.

Pabalang kong ibinagsak ang kutsarang hawak ko na ikinatahimik nilang lahat. Dali dali at kanya-kanya silang kuha ng pagkain at umayos sa pagkakaupo. They've forgotten something.

Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa rooftop ng masyon. Sa di malamang dahilan ay parang nasasakal ako sa loob ng aking kwarto. Tsk.

"Hahaha crazy princess." Bakit ba kung nasaan ako ay nandoon din ang unggoy na to?

Hindi ko siya pinansin at inabala ang aking mata sa buong tanawin na sakop ng empire. Ngayon ko lang nakitang napaka perpekto pala ng pagkakagawa nito. Mula sa mga fine trees na nakahilera ng pazigzag hanggang sa dulo ng napakataas na gate. Sa napakalawak na lupang niyayakap ng vermuda grass. Sa isang malaking bilog na bato sa sentro na napapalibutan ng tubig at mga kumikinang na mga maliliit na bato kapag tinatamaan ng liwanag. Sa bilog na iyon naka-ukit ang pangalang hindi na mawawala sa pagkatao ko. Pangalang kailanman ay hindi ko maitatapon ng basta-basta. Pangalang kailangan kong ipaglaban at ingatan.

"Iniiwasan mo ba ko?" Hindi ko napansin ang pagtabi niya sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Wala akong balak na magkaroon ng conversation sakanya hanggat hindi ko pa nalalaman ang mga lihim niya.

"Hmm? I'll take that as a yes." Aba'y gago. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad patungo sa elevator papunta sa kwarto ko. Ngunit bigla akong natigilan sa sinabi niya.

"Hey! I'll make you fall for me. Hard. Very hard my princess." Sabi niya at nilagpasan ako saka naunang sumakay ng elevator. Gago ba siya? Ako mahuhulog? Ang tanga lang.

"And by the way, thanks for that night." Habol pa niya bago tuluyang sumara ng pinto ng elevator.

That night huh?

Bumaba na ko pero hindi ako nag tungo sa kwarto. Sumakay ako ng motor at nilisan ang mansyon.

Ilang saglit lang ay nasa harapan na ko ng mansyon nina Ysabela.

"So? Anong gusto mong gawin ko? Pang beauty queen na sagot o yung pang dyosang sagot?" Sasagot nalang tataasan pa ko ng kilay. Ang arte talaga ng babaeng to.

"Both." Simpleng sagot ko. Naiinip na ko.

"Ano nga ulit tanong mo?" What the fuck? Inuubos niya talaga ang pasensya ko. Tinignan ko siya ng masama ngunit hindi siya natinag at akmang isasarado ang pinto.

"Shit. Fine! Can I sleep here?" Sabi ko. Naiinis.

"Gotcha. Haha come in." She flips her hair then left me. Psh. Dapat ay pumasok na lamang ako ng walang pasabi. Ang daming arte.

Dumiretso ako sa guess room at saktong pipihitin ko na ang seradura ng pinto ay bigla akong sinunggaban ni Ysaw. Nandito pa pala ang unggoy na ito. Binuhat ko siya at pumasok sa kwarto.

Nagising ako dahil sa nakakairatang tawanan malapit sa kung saan. Marahas kong ibinato ang isang unan sa lugar nila na ikinagulat naman nila. Bakit dito pa? Dito pa talaga nila sa guest room naisipan mag movie marathon? Ng ganitong oras? Its already 12 midnight.

"Hehehe gising kana pala." Naka peace sign na sabi ni Zam at lumapit sa akin.

"Labas." Walang emosyon ko silang tinitigan ngunit bigla lamang akong hinigit ni Zam sa aking braso at hinila sa may sofa.

Napahilot ako sa sintido ko dahil wala na naman akong magagawa kundi samahan sila sa mga kaartehan ng tatlong to sa buhay.

"So tapos na yung pinapanuod natin. What's next to do?" Umaktong nag-iisip si Zam.

"Matulog? Its already 12 midnight for fucking sake." I rolled my eyes.

"Nakakasawa na ang dare game. How about truth game?" Suhestiyon ni Ysabela na para bang walang narinig sa sinabi ko.

Sumang-ayon naman ang dalawa at umayos na pwesto sa hapag habang maayos ang upo ko sa mahabang sofa.

Imbes na bote ang paikutin nila ay si ysaw ang ginamit nila. Seriously? Hindi ko akalain na madali palang umintindi ang unggoy na to.

Tinakpan nito ang kanyang mga mata gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay waring isang arrow na nakatapat sa sino mang tatamaan nito. Umikot siya at sakanyang pag hinto ay tumapat ang kanyang kamay kay Autumn.

"So may tatlong tanong para sayo. Hmm? What's with you and Tuguchie?" Si Ysabela ang unang nag tanong.

"Friends?" Patanong na sagot niya.

"O bakit may question mark?" Tukso ni Zam.

"Tss. Minsan ko lang siya nakausap. I dont have any idea kung friends ba kami o tamang hi-hello lang. That's it." she rolled her eyes.

"Ok. Second question. Yoh Sajie and you are dating?" Si Zam ang sunod na nagtanong. Tahimik lang ako at naghihintay sa isasagot niya.

"Ahmm twice? I dont know! Wala namang matinong nangyayari kapag magkasama kami." at kahit hindi ko siya titigan ay halatang namumula siya.

"Walang matino as in?" nakangising tanong ulit ni Zam.

"Yan na ba ang pangatlong tanong?"

"Ang daya! Sige na nga choco. It's your turn." Naka pout na sabi ni Zam pero wala doon ang presensya ko. Kundi sa iisang tanong.

"Are you inlove with him?" And there. I already asked.

**

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon