Rebelation (Unity Series #1)

By MageAestheria

2.8K 174 159

A story for the common people of the society locked inside the biggest cage in the world. *** More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Ibong Maya

Kabanata 48

22 3 4
By MageAestheria

Kabanata 48

Maginoong Rebolusyonaryong Lider


Sa haba ng oras ng aming pag-asikaso sa susunod na plano na pabagsakin ang Oligarkiya, naging abala ang mga tao sa Manya City.

Nabalitaan kami ng mga grupo ng mangingisda sa Mandaluyong Wall. Naging matagumpay ang kanilang pagsira ng pader. May mga nakapasok naman na mga magsasaka sa Balintawak Wall.

Ang hukbo ng PLD ay inaatake ang nasa Makati Wall, sa Rizal, at Taguig. Ang Liberators naman ay nasa Malate nagmamartsa para sugurin kami.

Handa kaming labanan sila.

Pinagmasdan ko si Eufemio na nagsasalita sa harap ng mga Ibong Maya na nakatingala sa kanya, kapit ang kanilang atensyon sa bawat salita niya, ang mata nila'y puno ng paghanga sa Binatang Bukid ng bansa.

Nahatak din ako sa kanyang boses para lang makinig sa kanya kahit alam ko na ang mga sinasabi niyang plano sa mga kasama namin.

Nakataas ang kanyang noo, matuwid ang tayo, matipuno kahit payat ang katawan dahil ilan araw na kami hindi pa nakakakain. Hindi siya nagpapatinag sa kahit ano man elemento at hadlang na binabato sa kanya ng mundo.

Bumibilis ang aking puso habang pinapanuod siya nang ganito. Parang akong nakakita ng artista o manganganta na sikat sa entablado. Kung tutuusin posible maging sikat si Eufemio sa buong bansa kung nabigyan siya ng tsansa na magkaroon ng magandang buhay ngunit dahil lumaki siya na magsasaka, napatigil siya sa pag-aaral para magbukid, makalipas ng ilan taon, namatay naman ang ama niya at naiwan siyang mag-isa.

Puno man ang trahedya ang kanyang buhay pero walang nagpawindang ng kanyang kagitingan na magpatuloy pang lumaban at harapin ang bagong umaga. Sa ibang paraan naman siyang sumikat at nakuha niya ang puso ng taong-bayan bilang inspirasyon nila.

Ito na siya ngayon, nasa entablado sa harap ng buong Pilipinas, pinapakinggan ang bawat salita niya mula sa kamera na nirerekord ni Joana habang nakatutok ito kay Eufemio.

Nang lumingon siya sa direksyon, lumitaw ang marahan niyang ngiti sa labi niya. Kumaway ako sa kanya habang nakangiti.

Tinapos ni Eufemio ang kanyang paggabay sa mga kasapi. Inulanan nila ng palakpak si Eufemio. Sunod na tumugon sa kanila'y si Tyranny at Ylang-Ylang upang hatiin ulit ang bagong mga grupo.

Bumaba si Eufemio mula sa hagdanan sa likod ng entablado. Sinalubong ko siya roon dahil walang tao sa likod nito, nasa harap silang lahat. Mabilis ang kanyang paglalakad papunta sa direksyon ko.

"Kakain na ba tayo—" hindi ko na natapos ang tanong ko.

Sa hindi ko malaman na dahilan ay hinila ako ni Eufemio palayo sa mga tao hanggang sa nakarating kami sa likuran na walang makakakita sa amin. Kami lang dalawa mag-isa.

Inangat niya ko hanggang sa napapulupot ang aking binti sa balakang niya, isinandal ako sa pader, bago niya ko nilunod ng kanyang malalim na halik.

"Mahal na mahal kita, Malaya. Hindi na kita papakawalan."

"Mahal na mahal din kita, Eufemio. Nandito lang ako sa piling mo."

"Kung napunta sa punto na matatalo o manalo man tayo, sasama ka na sa'kin na tumakas, magsisimula tayo ng bagong buhay. Ayoko na lumaban kung may posibilidad na mawawala ka sa'kin." sinuklay niya ang kanyang mahaba at payat na daliri sa buhok ko, nanghina ako sa ginawa niya.

"Alam mong hindi natin sila pwedeng sukuan at iwanan."

"Alam ko naman..." Napayuko siya.

"May problema ba?" Inangat ko ang baba niya para tingnan niya ko sa mata.

Napalunok siya na siyang nagpaangat-baba ng kanyang lalagukan., napaiwas siya ng tingin.

"Parang huminto ang aking puso noong narinig kong pumutok ang baril... Akala ko talaga tinamaan ka nila..." Umapaw muli ang kanyang luha sa mata niya.

"Ang mga kaibigan natin ang tinamaan."

Niyakap niya ko nang mahigpit, binaon ang kanyang mukha sa gilid ng leeg ko. Ramdam ko ang pagpatak ng kanyang luha sa balat ko. Binalot ko ang aking braso sa kanya at hinagod ang likod niya.

"Napakasakit pa rin na mawala sila... Kapag ikaw ang nawala, hindi ko kakayanin na mabuhay nang wala ka... Mas pipiliin ko pang mamatay na lang..."

"Shh. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Mangako ka rin sa'kin na hindi mo ako iiwan." Inangat ko ang mukha niya at pinahid ang luha sa kanyang pisngi gamit ng hinlalaki ko.

Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang kanyang damdamin.

"Hindi ko magagawa 'yon sa'yo dahil mahal kita. Pangako na mamahalin kita habang-buhay at magkasama tayong tatanda sa ating tahanan."

Naiiyak na ko sa mga salita niya na tagos sa puso. Ang mahalaga nandito siya, humihinga at tumitibok pa rin ang puso, kuntento na ko na magkayakap kami nang ganito.

"Pangako, Eufemio. Sa'yo ko lang ilalaan ang kinabukasan ko para sa'tin dalawa. Lumalaban na lang ako para sa'yo. Nais ko rin matapos na ito para makabalik tayo sa tahanan natin."

Hinalikan ako muli ni Eufemio sa labi, dinadamhan ang bawat segundo ng aming pagmamahalan na mahirap kuhanin ng oras dahil sa digmaan.

May tumatawag sa pangalan namin mula sa malayo na siyang nagpatigil ng aming halikan. Ayoko nang kumawala sa kanyang kapit, ayoko na bitawan si Eufemio at pakawalan siya sa mundo.

Dahan-dahan niya kong binitawan upang makatayo ako nang tuwid. Nanatili pa rin ang aming kamay na nakakapit sa isa't-isa, ipinatong niya ang kanyang noo sa akin, at mariin na ipinikit ang mga mata niya.

"Ayoko na bumalik..." Daing niya.

"Tara na. Hinihintay ka nila." Udyok ko.

Bago pa kami umalis, nagkatitigan kami sa mata bago niya muling sinapo ang aking mukha at hinalikan sa labi, dinama ang bawat segundo ng kanyang tamis bago siya tinawag ulit ng kasama namin.

***

Naghihintay ang mga balangay na makapasok sa Pasig River. Kailangan namin sugurin ang Fort Santiago para makadaan sila.

Agad akong nagpalit mula sa pagiging Maria Clara at bumalik sa pagiging Sampaguita o mas kilala bilang Malaya Emerita Solidad.

Tinapon ko iyong mamahalin na filipinana na pinasuot ng Oligarkiya sa akin na tila bang pagmamay-ari nila ang buong pagkatao ko. Hindi! Tinatanggihan ko ang pag-angkin nila sa akin!

Hindi ako katulad ni Maria Clara, ako'y si Malaya Emerita Solidad, ang nilalabanan ang pamahalaan at militar, handang sirain ang herarkiya at sistema na umaahas sa ating lipunan. Magdadala ako ng armas at sandata upang buwagin ang mga korup!

Susugod ako sa laban na may dalang sandata panlaban para sa aming kalayaan. Susugod ako sa laban na may lakas ng boses na maririnig ng tainga at puso ng mamamayan. Susugod ako sa laban na walang kinakatakutan na baril at tanke sa aking harapan.

Sinuot ko ang puting camisa de chino na hapit pagdating sa aking beywang, pinapakita ang hugis ng aking kurba, ang pulang palda na umabot sa aking puson, at ang bandana na binigay sa akin ni Silang na may ibong maya at pinulupot ito sa aking ulo, hinigpitan ang tali sa likod.

Tumingala ako sa araw kung saan sinalubong ang aking buhok ng ihip ng hangin na siyang nagwasiwas nito sa ere. Nasa kamay ng aming kapalaran kung ano ang ukit ng tadhana ang maiiwan sa amin sa buong kasaysayan.

Sinuot ko ang headband sa ulo ko na may guhit ng ibong maya sa aking noo.

Bumalik ako sa entablado kung saan nakatayo roon si Eufemio. Pinagkakaguluhan siya ng mga tao.

"Eufemio! Eufemio!" sigaw ng mga tao. Parang nawawala na bata si Eufemio na natingin sa paligid hanggang sa natanaw niya ako, sumenyas siya na umakyat ako, na gusto niyang kasama ako sa taas.

Ayoko sana umakyat pero tinatawag din ako ni Tyranny kaya sumunod na lang ako.

Nang sumigaw si Eufemio, tumahimik ang mga hiyawan ng mga tao, sumusunod sa utos niya. 

"Eufemio Iñigo Bonifacio, ikaw ang pinipili ng mga Ibong Maya na maging lider ng ating rebolusyon." bungad ni Tyranny sa kanya.

Sumang-ayon ang mga tao mula sa kanilang hiyawan.

"B-Bakit ako?" Mukha siyang kinakabahan sa bago niyang posisyon.

"Dahil ito ang kakayahan ng boses mo, Eufemio." sabi ko atsaka tinapik ang balikat niya na nakangiti sa kanya. "Tinitingalaan ka ng mga tao dahil sa makabuluhan mong salita at nilalaman ng puso mo, dahil sa kung sino ka, humahanga sila sa'yo at handang sundin ang bawat payo at utos mo sa kanila."

Umiling-iling siya sa akin.

"Hindi ba't ikaw ang mas malakas ang boses? Nawindang ako sa lakas ng 'yong salita na kahit hindi mo tinataasan ang tono mo, nayanig pa rin ang aking pagkatao." sabi niya.

"Ikaw ang pinili na maging lider ng rebolusyon ng buong mamamayan ng Pilipinas mula Luzon, Visayas, at Mindanao." sabi ko at tinapat ang aking palad sa puso niya. "Ikaw ang maginoong rebolusyonaryong lider na hinihintay ng mamamayan na dumating para matupad ang pagbabago."

Napasinghap siya na para bang hindi niya inaasahan na maririnig niya ito mula sa akin. May tiwala ako sa kakayahan niya na gabayin ang Ibong Maya. Pinili siya ng mga tao dahil ang boses niya'y kayang magpatumba ng isang hukbo.

Humilig siya papalapit sa akin upang sandalan ang kanyang noo ang balikat ko. Hinahaplos niya ang aking palad bago niya ito hinalikan.

"Gusto ko lang manatili sa tabi mo, Malaya. Ayoko umakay sa Ibong Maya kung nasa harapan ako at nasa likod ka. Ayokong humiwalay sa'yo." bulong niya para hindi siya marinig ng mga tao.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya upang iharap siya sa akin. Nakanguso na siya, nagpapacute ang asawa ko. Sarap kurutin ng pisngi!

"Huwag ka mag-alala. Ikaw man ang umaakay ng mga Ibong Maya, ako ang magbabantay sa'yo. Sisiguraduhin kong walang mananakit sa Eufemio ko. Sasabayan kitang sumugod." Hinimas ko ang kanyang pisngi bago ito kinurot. Napangiwi siya at natawa kaming dalawa.

"Malaya naman... mahal ko." Hinawakan niya ang palad na humihimas sa pisngi niya atsaka hinalikan ito.

"Payag ka na po ba maging lider namin?" tanong ng isang magsasaka mula sa ibaba.

Nagpalitan ng tingin si Eufemio sa akin at sunod sa madla na sinisigaw ang pangalan niya. Huminga siya nang malalim atsaka pinakita ang malapad niyang ngiti sa kanilang lahat.

"Para sa Ibong Maya!"

***

Ang grupo nina Riyo, Alamon, at Banug ay nakaabang malapit sa Anda Circle Park. Kami naman ang susugod mula sa Plaza Moriones. Papalibutan namin sila.

Matayog iyong mga pader at tarangkahan ng Fort Santiago na siyang ginawa nilang kuta para sa mababagsik na militar, ang isa sa mga malalaking teritoryo ng hukbo ng mga Oligarkiya.

Naalarma ang mga guwardiya sa harapan nang may sumabog sa bandang kaliwang bahagi ng kanilang pader. Sunod kaming sumugod at pinasabog ang harap ng pintuan ng Fort Santiago.

Sa kabila ng mga sundalo na nagbabantay sa loob ng Fort Santiago, sinugod pa rin namin ito. Sa dami namin na sumugod, naging alon kami na lumusob sa loob ng kuta habang binabaril sila. Isa-isa silang nagtumbahan at ang kasama namin.

Binarilan ko ang mga humahadlang sa akin na palayain ang mga kinulong nilang katutubo. Kasama ko si Eufemio at Caloy na binabaril ang nasa gilid at likod namin.

May humagis na bomba sa direksyon namin. Tumakbo kami sa likod ng pader at nagtago. Sumigaw ang kasama namin na naabutan ng bomba bago kami muling lumusob sa bakbakan.

Mahigpit ang kapit ko sa hawak kong baril, mabigat sa kamay, mabalasik ang aking mga mata na inuulanan sila ng mga bala, sumisigaw ako pati na rin ang aking puso.

Walang takot kong iniharap ang hadlang, walang pagdududa na lumaban, hindi ko hahayaan na magiging hantungan ng bansang ito'y na mapasailalim sa mga korup na tao.

Kung si Eufemio'y magiging konduktor ng orkestra ng aming himno, ako'y magtataglay bilang depensa niya kung sino man magtatahimik ng huni ng Ibong Maya at ang kundiman niya.

Nanguna siya sa aming hukbo, dala ang bandila ng Pilipinas na kanyang sinunog, unti-unting nilalamon ng apoy at natunaw na maging abo na lumilipad sa hangin.

May tumuro ng baril kay Eufemio'y at siyang binaril ko ito sa dibdib. Bumagsak ang sundalo sa sahig. Kung sino man magtangkang saktan siya, ako ang papatay sa kanila.

Sumugod ang aming mga kasama, ang mabibigat na yapak nito'y umalingawngaw na siyang naging pagpapanakbuhan sa Fort Santiago. Hindi nagpatalo ang mga sundalo ng Fort Santiago, marami rin silang napatumba na aming mga kasama, umaatras upang hindi sila maabutan ng mga nasugod sa kanila, sumusunod sa estratehia na hindi namin mahulaan.

Kahit naging madugo ang labanan upang mabuksan ang hawla ng lipunan at paliparin ang mga kinulong na ibon, patuloy ang aking katawan na susundan ang awitin ng kalayaan.

May nawalan kaming kasama pero naubos namin sila.

Inangat nila si Eufemio sa kanilang mga braso, pinagdidiriwang ang pagpatumba ng Fort Santiago mula sa mga gabay ni Eufemio at ang iba pa namin mga kasama.

Inangat ni Caloy ang bandila ng Pilipinas atsaka pinalamon ito sa sininding apoy. Iwinagayway niya ito sa ere hanggang sa lumipad ang abo kasabay sa simoy ng hangin, ang aming tagumpay na sakupin ang Fort Santiago.

"Ibong Maya'y lilipad! Ibong Maya'y lilipad!" pag-awit namin.

Lumipas ang pagdiriwang, tumulong pa kaming tatlo ni Caloy at Eufemio kasama sina Riyo, Alamon, at Banug sa mga nasugatan. Dahil wala na si Doctor Lionel, ang anghel namin na bumubuhay sa may sakit at sugatan, ginamit namin ang tinuro niya sa amin upang linisin ang sugat at lagyan ng gaza ang mga pasyente namin.

May isang lalaki na humawak sa kamay ko nang matapos kong balutan ng gaza ang ulo niya, isang mata niya'y natatakpan ng gaza dahil pati iyon ay nasugatan.

"Malaya..." pagtawag ng manong sa akin.

"Ano po iyon?"

"Maraming salamat na tinutulungan mo kami. Naging matapang ako dahil sa inyo."

Napangiti ako sa sinabi niya at nagpatuloy pa kong linisin ang sugat niya sa braso.

***

Dala ko iyong banana cue namin ni Eufemio paakyat sa hagdan ng Fort Santiago. Nanggaling ito sa mga street vendors na namimigay ng pagkain sa mga Ibong Maya nang libre para hindi kami magutom sa bakbakan.

Nang makarating ako sa silid na pinuntahan ni Eufemio, kumatok muna ako bago pinihit ang busol at pumasok sa loob. 

Nasa loob si Eufemio ng isang opisina ng heneral ng Liberators sa Fort Santiago, nakaupo siya sa upuan na may mataas na sandalan at naikot ito, sa likod niya'y malapad ang bintana kung saan matatanaw ang kabuoan ng kuta ng Fort Santiago.

Nakataas iyong paa niya sa ibabaw ng lamesa, ang magkabilang braso niya'y sinasandalan niya sa likod ng kanyang ulo. Lumawak ang ngiti niya pagkapasok ko ng opisina.

"You have a duty, soldier!" Lumawak ang ngisi sa labi niya.

"Anong duty?" Sabi ko bago sinarado ang pinto sa likod ko.

"Lapitan mo ako, aking sinta. Hindi mapakale ang aking puso na wala ka sa tabi ko." Sabi niya na nakangisi.

Ginaya ko ang lakad ng mga sundalo pero may halong panunukso papunta sa kanya. Tumawa lang siya bago niya ko hinila sa kamay na siyang dahilan ng pagkaupo ko sa ibabaw ng kanyang binti.

"Heneral Eufemio, ano po ang iyong gabay sa'kin?" Pumulupot ang aking kamay sa likod ng leeg niya.

"Lambingin mo ako. It's an order." Pinulupot niya ang kanyang braso sa beywang ko.

Parehas kaming humagikhik.

"Roger, Sir. Ano pa po ang matutulong ko sa inyo?"

"Halikan mo ang labi ko."

Inayos ko ang aking pwesto upang nakaharap ako sa kanya habang nakaupo sa ibabaw ng hita niya. Nakatingala siya sa akin, binaba ko muna ang salakot sa likod ng ulo niya upang mahaplos ang kanyang buhok sa daliri ko. Hinimas niya ang aking binti gamit ng isa niyang kamay, iyong isa naman ay nakakapit sa likod ng beywang ko.

Maigi kong sinuri ang mapula niyang labi, nakasapo ang aking palad sa pisngi niya, bago ko siya mariin na hinalikan.

"'Wag na tayo lumabas at magpakita kahit kanino." Bulong niya, dinilat ang isa niyang mata habang nahaplos ang init ng kanyang hininga sa labi ko.

Tumango-tango ako bago niya ko hinalikan muli sa labi.

Ganito lang ang posisyon namin habang kumakain kami ng tinapay. Sinusubo ko sa kanya ang pandesal sa bibig niya at ganoon din ang ginagawa niya sa akin. Uminom pa kami ng tubig sa baso na dala ko bago kami nagpatuloy sa aming lambingan.

Ewan ko ba pero gusto ko lang sulitin ang oras na kasama siya. Habang papalapit kami sa Engrande Palace, mas lalo akong kinakabahan sa magiging kalagayan ng aming samahan. Ayoko munang isipin ang magiging hantungan itong digmaan.

Mariin akong tinitigan ng mapupungay niyang liwayway na mga mata, nakislap mula sa sinag ng araw na sumulpot mula sa bintana.

Mabilis ang tibok ng aking puso. Humigpit ang kapit niya sa beywang ko na halos ibaon niya ang daliri niya sa balat ko. 

Kumalas siya sa halik, humihinga kami nang malalim, tinitigan ko ang liwayway niyang mga mata at ganoon din ang ginawa niya sa akin.

"Kung ako ang lider ng rebolusyon, pwede ko bang sabihin ang misyon ko'y lambingin ka para hindi na ko lalayo sa'yo? Mas mahalaga pa ang labi mo kaysa sa paggabay ko ng rebolusyon." Ngumisi siya bago niya hinalikan ang labi ko.

"Alam mong magagalit sila sa'yo kapag ginawa mo 'yon."

"Ano naman? Masusulit ko naman ang oras ko kasama ka. Pumayag lang ako na maging lider para sa'yo. Basta nasa tabi lang kita na makikita ko, sa tabi ko na pwede kong lapitan at iligtas, sa tabi ko lang na madali kitang hanapin."

"Eufemio naman..."

Humaplos iyong init ng kanyang hininga sa labi ko, ako na ang humilig papalapit upang salubungin ng halik ang malambot niyang labi.

"Pwede natin ikwento sa mga anak natin na ang kanilang magulang ay nagsimula ng rebelyon laban sa mga korup na politiko at napatupad natin ang pagkakaisa ng buong samabayanang pilipino. Ipagmamayabang nila tayo sa mga kaklase nila."

"Mga anak, ah? Dalawa talaga ang gusto mo?" Lumawak ang ngiti ko.

"Oo naman. Ayoko kasi na mag-isa lang ang anak natin, mas maganda siguro kung may kapatid siya para may makakasama siya sa kulitan." Sabi niya bago niya hinalikan ang palad ko na nasa pagitan ng kamay niya.

Hinawakan niya ang tiyan ko, hinihimas niya ito na para bang pinapakiramdaman niya ang buhay na dinadala ko. Pinatong ko ang aking kamay sa kanya na nakahawak sa tiyan ko.

"Hihintayin namin ang pagsilang mo balang araw. Mamahalin ka pa namin. Papasuotin ko pa sa'yo ang paborito kong salakot at tuturuan pa kita kung paano maglakad. Ipapadede ka pa ng nanay mo katulad ng nangyari sa'min sa honeymoon."

"Eufemio!" marahan kong hinampas ang dibdib niya.

Humalakhak lang siya sa naging reaksyon ko. Ang pulang-pula siguro ng mukha ko. Sinapo niya ang aking mukha bago niya inulanan ng halik na siyang ikinatuwa ko. Nagkilitian pa kami, sundot-sundot sa tagiliran, tumatawa na parang nawala lahat ng problema namin.

Lumipas ang oras na ganito lang kami dalawa, nagkekwentuhan, tawanan, at nagkubli sa aming mundo, kinakalimutan ang kung ano man patayan at digmaan na gumaganap sa labas nitong kuta.

Dinadaan na lang namin sa mga biruan namin pero hindi pa rin nawawala ang hapdi sa puso. Nawala ang mga kaibigan namin. Kaya hinahayaan ko ang sarili ko na kumapit kay Eufemio nang ganito dahil ayokong mawala siya at ganoon din ang pinaparamdam niya sa akin.

Ayoko siyang bitawan at pakawalan. Kung kailangan ko pang labanan ang kamatayan para mabuhay lang siya, poprotektahan ko siya sa lahat ng aking makakaya.

***

Hinintay namin ang mga balangay na paparating mula sa Pasig River.

Bumukas ang barikado sa Pasig River mula sa pasilidad kung saan kinokontrol ito. May mga sundalo roon na buhay na kinulong nila, isa sa kanila'y pinabukas ang barikado habang binabantayan ito ni Tyranny.

Naghintay kami ng ilan segundo bago bumungad ang harapan ng balangay at nagpakita ang makulay na layag nito.

Napahanga ako muli sa kagandahan ng mga balangay na pumapasok sa barikado at inaangkin ang daloy ng Pasig River. Sunud-sunod ang paglayag ng mga balangay na siyang nagpangiti sa amin ni Eufemio.

"Gaano sila karami?" tanong ko.

"Halos isang daan na balangay." sabi ni Ylang-Ylang.

May mga dalang pasahero ang balangay mula Visayas at Mindanao. Natanaw ko ang bawat katutubo na may kanya-kanyang mga pananamit, kulay, at hitsura, may mga dalang armas, suot ang Ibong Maya na maskara, handang lumusob sa Manila, ang teritoryo ng Oligarkiya.

Humahampas ang layag sa hangin. Natanaw nila kami mula sa balangay nila. Sumaludo ako sa kanila at ganoon din ang ginawa nila sa amin.

Maliit na porsyente lang ng populasyon ang dala nito pero malaking maitutulong nito dahil dadami ang aming mga kasama na lumulusob sa Manila. Ang iba'y sumusugod pa sa pader para makapasok ng Manila mula sa tulong ng mga magsasaka at mangingisda na ginabayan namin.

"Ilan oras ang kailangan nila para makapasok silang lahat?"

"Kung hanggang anong oras lang ang makakaya natin. Isang buong hukbo sila. Mapapabilis silang lusubin ang Fort Santiago para bawiin ito." paliwanag ni Tyranny.

Bumalik kami ni Eufemio sa opisina ng heneral para makaidlip kahit saglit lang. Magkayakap kami sa isa't-isa sa banig, nakabaon ang aking mukha sa dibdib niya habang siya'y hinahalikan ang ulo ko.

Hindi ako makatulog, pumapasok sa isipan ko ang mukha ni Luisa at Doctor Lionel at ang iba pa namin mga kasama na duguan ang katawan at namumutla ang balat. Dumadagdag ang rason ko kung bakit hindi na ko makakatulog kasi alam kong makikita ko sila sa panaginip ko.

"Malaya?" Iniharap ako ni Eufemio ko sa kanya. Nakadilat ang mata niya, nahihirapan din siyang umidlip.

"Wala na talaga sila." sabi ko.

"Parang nagkaroon ng malaking butas sa pamilya natin." Bumuntong-hininga siya. "Ang butas sa puso natin."

Naging tahimik lang kami na nakatitig sa isa't-isa, nakikita ko ang sarili kong repleksyon pero mas nahumaling ako sa mata niyang may liwanag ng araw.

Wala pang sampung minuto, bumalikwas kami mula sa pagyanig ng sahig. May mga nagsigawan mula sa labas. Tumayo kami ni Eufemio.

"May lindol?!"

Umiling-iling siya.

"Mas malala pa." Sagot ni Eufemio na nakatanaw sa bintana. "Nandito na ang hukbo nila."

Ang bilis nilang dumating. Ang bilis ng oras. Nais ko pang sulitin ang minuto na kasama si Eufemio ngunit hinahatak kami ng tadhana na lumaban, palaging nadadala sa gulo na hindi namin magawang iwasan kahit sa mundo na ginawa namin dalawa.

Binuksan ni Caloy ang pinto na may dalang baril. Namumutla ang kanyang mukha na para bang nakakita siya ng multo.

"Nandito na sila! Maghanda na kayo sa labanan!"

"Malaya," Hinawakan ni Eufemio ang aking palad, nakatitig ang mapupungay niyang mata sa akin.

Kumakabog ang puso ko sa aking dibdib. Hindi ko akalain na makakarating sila kaagad kung kailan kakasakop lang namin ng Fort Santiago pero ang problema...

Hindi pa nakakapasok ang mga balangay sa Pasig River.

Sumilip kami sa may bintana ng tore kung saan may hukbo na naghihintay sa labas ng Fort Santiago, ang mababagsik na behikulo ng digmaan at ang mga nakaunipormeng sundalo.

"Hindi natin kayang pabagsakin ang ganyan karami na hukbo."

"Pero ang mga balangay, kailangan nila ng oras na makapasok."

"Sasaluhin ko ang mga bala kung nakaturo sa'yo ang baril." Hinawakan ni Eufemio ang aking pisngi bago niya ko hinalikan sa labi, sabik at malalim, sa likod ng halik na ito ang salitang kailangan mabuhay tayong dalawa.

Kinuha ni Eufemio ang baril niya at inabot sa akin ang isa. Sinabit ko ang pahabang baril sa balikat ko atsaka kinasa ito.

Tumakbo kami sa hagdan pababa ng tore, papunta kami sa may hagdan paakyat sa mga pader kung saan sila nagbabantay at nakahanda para labanan sila.

Bibigyan namin sila ng oras na makapasok lahat. Lalabanan namin ang hukbo nilang may tanke at walang habag na mga sundalo. Dedepensahan namin ang mga balangay na lumalayag sa Pasig River.

Malawak iyong sinakop ng Fort Santiago na may mga matataas na pader na pumapalibot sa Falsabraga, Baluarte De Santa Barbara, Anda Circle Park, at Baluarte de San Miguel. Ginawa namin itong guard wall para depensahan ang pader mula sa kuta.

Manggagaling sila sa Plaza Moriones katapat ng entrada ng Fort Santiago. Sa malayo pa lang, may maririnig na mabibigat na makina at halimaw na mga behikulo ang dumadaan sa Plaza Moriones.

Sumilip ako mula sa guard wall. Ginulungan lang ng mga tanke ang damo at semento sa Plaza Moriones, kahit ang mga puno na nakaharang sa kanilang daan ay pinatumba nila at ginapangan ito ng tanke.

Sa itaas ng pader ng kuta kung saan may itinayong depensang panangga upang makabaril mula sa ibabaw ng pader, pumwesto ang aming mga kasama upang atakihin ang hukbo nila mula sa itaas ng pader.

Umakyat kami ni Eufemio sa hagdan at nakarating sa panangga ng pader ng kuta.

"Huwag niyo silang ipapasok sa loob ng Fort Santiago! Pabagsakin natin muli ang kanilang hukbo!" sigaw ni Eufemio.

"Lalaban lang ang Ibong Maya!" hiyaw nila na napakalakas, napasigaw na rin ako.

Inangat namin ang mga baril sa kanila at inulanan sila ng mga bala. Umalingawngaw ang mga putukan ng baril na parang mga paputok sa kalsada.

Nagtago ang kanilang sundalo sa likod ng mga tanke upang hindi sila matamaan ng pamamaril namin. Patuloy pa rin silang umuusad kahit inuulanan namin sila ng bala. Mapapasukan nila ang Fort Santiago kung nagpatuloy pa ito.

Umangat ang patusok ng tanke sa entrada ng Fort Santiago. Tinakpan lang namin ito ng yero pero madali nila itong malulusutan kung may mga tanke sila.

"Umalis kayo sa entrada!"

"Takbo! Lumikas kayo!"

"Bobomba ang tanke nila!"

Nagtakbuhan ang mga kasama namin palayo sa entrada bago umatake ang tanke. Humampas ang malakas na pagsabog sa tarangkahan ng Fort Santiago na siyang nagpayanig sa tinatayuan namin. Sa lakas ng puwersa nito'y, may ilan kaming mga kasama na tumalsik dahil doon.

Nagkaroon ng butas ang pader kung saan nakapasok ang mga Liberators.

Binabaril namin ang mga sumusulpot papasok sa Fort Santiago kahit napapalibutan man sila ng usok para takpan sila. May ibang nakakalusot at nababaril ang kasama namin. Masyado silang madami. Kahit ilan beses kaming may natatamaan na sundalo, may dumadating na panibago.

"Barilin niyo lang sila! Huwag kayong papatalo sa mga rebelde!" sigaw ng kumander ng kalaban.

Pumasok ang tanke habang ginagapangan nito ang mga iskombro mula sa naguhong pader ng Fort Santiago. Umikot ang ulo nito na may pahabang ilong hanggang sa nakaturo ito sa pwesto namin ni Eufemio.

"Takbo, Malaya!"

Mahigpit na hinawakan ni Eufemio ang aking pulso bago kaming tumakbo palayo sa pinanggalingan namin hanggang sa natalsikan kami mula sa pwersa ng pagsabog ng tanke roon. Gumulong kami sa may sahig at tuluyan na sumalampok sa pader na siyang nagpatigil sa amin.

Umiikot pa rin ang aking mundo, kumuliling ang aking pandinig at wala na kong ibang marinig. Nakaramdam ako ng kamay na kumapit sa braso ko, niyuyugyog niya ako. Nilingon ko kung kanino ito nanggaling.

"Malaya..."

Nakahawak si Eufemio sa ulo niya. May tumulong dugo mula sa kanyang noo. Inalalayan ko siyang tumayo at sinuri ang sugat niya.

"Agapan ko muna!" sabi ko bago binalutan ng gaza ang ulo niya.

Iniyakap ako nang mahigpit sa dibdib ni Eufemio nang may kasunod na sumabog na bomba ang tumama sa pader. Nayanig kami mula sa pwersa ng pagsabog. Natalsikan kami ng mga pira-pirasong mga bato, napalibutan ng makapal na alikabok.

"Kailangan na natin umalis dito. Hindi tayo pwedeng magtagal sa Fort Santiago. Aangkinin nila ulit ang teritoryo nila." Sabi niya.

Mahigpit kong binuhol ang gaza sa noo niya na siyang nagpangiwi sa kanya. "Paumanhin, mahal ko." sabi ko atsaka hinalikan ang pisngi niya na siyang nagpalitaw ng kanyang ngiti.

Kailangan mapatumba ang tanke nila. Mas napapabilis ang pagpatay nila sa amin dahil sa halimaw na iyon. Hindi pa nakakalusot lahat ng balangay sa loob. Oras. Ito ang hinihiling ng mga nasa balangay. Kung nakapasok ang hukbo nila, panigurado na sasarado ang daan sa Pasig River at mapapatay sila.

May tiwala sila sa amin. Hindi namin pwedeng biguin sila dahil nakasalalay ang kapalaran ng kalayaan sa bakbakan namin ngayon.

Pinuntahan ko ang silid kung saan nakatago ang mga armas na kinuha ng aming mga kasama. May isang kahon na naiwan na puno ng mga granada. Pinagsama-sama ko ito sa isang lambat bago tumakbo papalabas ng taguan ng armas.

Sinundan ako ni Eufemio.

"Bakit may dala kang granada?"

Hindi ko siya sinagot dahil alam kong kapag nalaman niya ang plano ko, hindi siya papayag at baka magboluntaryo pa siya na gawin ito. Hindi. Kailangan maliit ang pangangatawan. Mapapansin agad siya ng kalaban.

Hinawakan ni Eufemio ang braso ko upang pigilan akong makalapit sa kalaban.

"Malaya! Anong gagawin mo?"

"Susugurin ko sila gamit nito."

Inangat ko ang dala kong mga granada. Namilog ang kanyang mga mata na tila bang hindi siya makapaniwala na magagawa kong magdala ng ganito.

"May tiwala ka ba sa'kin?"

"Oo naman pero masyadong delikado itong plano mo! Lalapit ka pa sa kalaban, eh!"

Hinalikan ko ang kanyang labi na siyang nagpakalma sa kanya, nawala iyong tensyon sa kanyang balikat. Kumalas ako sa halik upang tingnan ang liwayway niyang mata.

"Babalikan kita, mahal ko." sabi ko bago ko siya tuluyan tinalikuran at tumakbo papasok sa bakbakan at ingay ng putukan ng mga baril. Hindi ko na pinansin ang pagsigaw niya ng pangalan ko.

Napapalibutan na ang paligid ng usok mula sa mga pasabog, pamamaril, pati na rin sa usok na bomba upang takpan ang mga sundalo nila.

Humiga ako sa sahig at gumapang sa gilid ng mga nakakalat at tambak na iskombro, gamit lamang ng aking siko habang hinihigit ang sarili kong katawan papalapit sa tanke.

Huminto ako sa may tabi ng bangkay ng kasama ko. Nakadilat ang mata nito habang nakatingala sa langit. Gamit ng dalawa kong daliri'y pinikit ko ang kanyang mata. Kinapa ko ang kanyang dugo at pinahid ito sa mukha at katawan ko.

Magpapanggap akong bangkay sa gitna ng bakbakan para makalapit sa kanila.

May naririnig akong mga sundalo ng Liberators, ang kanilang mga yapak na pasulpot-sulpot mula sa usok. Tuwing may nakalapit sa akin, humihiga ako sa sahig at hinihintay na makaalis ang sundalo, sunod na magpapatuloy ulit na gumapang.

Dala ang hawak kong lambat, hinigit ang gatilyo ng aspile, atsaka binuwelo ang aking braso ng buong lakas ko upang ihagis ang lambat na puno ng mga granada sa ilalim ng tanke.

Hindi na ko gumapang, tumakbo na ako pabalik sa pinanggalingan ko at nagtago sa may pader habang nakasilip sa gilid.

Naghintay ako ng ilan segundo hanggang sa tumalbog ang tanke mula sa sumabog na granada sa ilalim nito, tumabingi ang tanke at bumagsak patagilid. Umiikot pa rin ang paa nito ngunit bumagal din ang galaw ng tanke. Bumukas ang ulo nito kung saan may mga sundalo na lumabas at pinabayaan ang tanke nila.

Humarang ang tanke sa entrada ng Fort Santiago kaya hindi na nakapasok ang ibang tanke na naghihintay sa labas, ngunit patuloy pa rin pumapasok ang mga sundalo mula sa siwang at dumadami silang bumabaril sa paligid namin.

Tumakbo ako pabalik kay Eufemio na agad hinila ako sa kaligtasan. May narinig akong mga bala na bumaon sa pader na nilagpasan ko.

"Napakatapang mo, Malaya!" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Huwag mo na ko ulit iiwanan! Natakot ako para sa'yo!"

"Hindi naman kita iniwan, 'di ba?" Ngumisi ako bago siya natawa at umiling-iling.

"Ewan ko ba sa'yo. Handa na kong saluhin ang bomba para sa'yo, eh. Mabuti na lang napatumba mo ang tanke nila." sabi niya at napakamot pa sa batok niya.

Itinapat ko ang aking palad sa dibdib niya. "Wala ka dapat ibang saluhin kundi ako lang at ang pagmamahal ko para sa'yo."

Namula ang buong mukha niya at humagikhik na parang kinilig pa ito. Hinawakan ko ang kamay niya at hinigit siya sa likod ng pader para ulanan ang kalaban ng mga bala namin.

Unti-unting nababawasan ang bilang namin na dumedepensa sa kuta ng Fort Santiago, sunud-sunod na bumabagsak ang katawan nila sa lupa. Masyadong malakas iyong dala nilang hukbo. Wala kaming laban o depensa sa pagbomba nila sa amin lalo na't may mga tanke pang nakaabang sa labas ng kuta.

Ngunit, hindi ako nagpapatinag sa kanila. Hindi ako natatakot na lumaban at protektahan ang aking mga kasama.

Binabarilan ko pa rin ang mga sundalo na nakakalapit sa amin. Isa. Dalawa. Apat. Anim. Hindi ko na mabilang ang nabaril ko. May ilan na nagtatago sa mga poste at likod ng tanke na hindi ko magawang mabarilan.

"Nakapasok na silang lahat! Umalis na tayo rito!"

Umatras ang mga kasama namin na nakikipagbarilan sa harapan. Ang iba'y tumakbo na diretso sa balangay. Ang grupo namin ni Caloy ay nanatiling bumabaril para bigyan sila ng oras na makatakas.

Naghihintay na lang ang huling balangay.

Sinigawan ko ang mga kasama ko na nasa gitna pa rin ng bakbakan na lumikas na sa balangay. Agad silang sumunod sa aking utos, bumabaril pa rin sila pero naatras na sa bakbakan.

Tumakbo na kami ni Eufemio kasama ang grupo namin, nakasalubong namin si Caloy na may ikinakalat na gasolina sa sahig na bumubuntot sa dinaanan namin.

"Caloy! Umalis na tayo!" Hinihigit na siya ni Eufemio pero nagpapatuloy pa rin siya sa pagkalat ng gasolina.

"Hindi ko hahayaan sila na makasunod sa atin!" Nang maubos ang hawak niyang malapad na bote ay hinagis niya ito sa lusak.

"Paparating na sila!" Sigaw ko.

"Tumakbo na kayo!" Sabi ni Caloy na umaapoy ang kanyang mga mata. May inilabas siyang posporo mula sa kanyang bulsa at sinindi ito.

Hinawakan ni Eufemio ang kamay ko at hinila palayo sa mga nakakalat na gasolina. Naghagis si Caloy ng sinindi niyang posporo sa lukas mula sa dinaanan namin bago siya kumaripas ng takbo kasunod namin dalawa.

Lumiyab ang apoy nito na siyang naging pader na namamagitan sa amin at sa mga sundalo. Hindi man ito makakapagpigil sa kanila pero matatagalan silang habulin kami.

Tinalikuran na namin ang hukbo ng Liberators, umakyat sa tulay paangat sa balangay bago hinigit ang hagdanan nito. Kumapit ako sa may puliagan para lang may masandalan ako, hinihingal at pagod mula sa bakbakan.

Tumingala si Eufemio sa akin na sinasandalan ang kanyang tuhod, hinahabol ang kanyang hininga bago niya pinakita ang matamis niyang mga ngiti.

"Bakit?" tanong ko na nakangiti na rin.

"Akala ko pa naman paglulutuan tayo ng isda ni Caloy." biro ni Eufemio.

Napaangat ang kilay ni Caloy na pinagpapawisan pa rin pero tumatawa na siya. "Aba, aba! Hindi nasusunog itong tilapia, noh! Mas masarap ako kapag kinain nang hilaw!"

Humalakhak na rin kami ni Eufemio. Tiningnan kami ng mga kasama namin na parang nasiraan na kami ng ulo, kagagaling lang kami ng bakbakan sabay nagtatawanan kami. Baliw na nga yata kami. Ngayon lang ulit kaming tumawa nang ganito.

"Ito na ba lahat ng kasama natin?" tanong ni Alamon.

"Wala na. Umalis na tayo rito." sabi ko.

Naalala ko ang mga bangkay ng kasama namin at ang mga sundalo sa sahig ng Fort Santiago. Hindi na namin mababalikan ang katawan nila dahil naangkin na muli ng Liberators ang kuta nila.

Tumango si Alamon bago niya nilayag ang balangay na sinasakyan namin sa Pasig River na bumubuntot sa hile-hilerang mga balangay na susugod sa Manila. 


🐦 MageAestheria 🐦

Continue Reading

You'll Also Like

103K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
17K 1.3K 21
The Journey of Isaac Newton Jr., a black cat.
4.7K 832 12
"You're just a wandering soul now, Dora Marquez. Let me make the decision for you... Tanggapin mo ang inaalok kong serbisyo." Swiper the Fox, an anim...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...