The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

71: THE CHOSEN

383 25 2
By elyon0423


Ngumiti ng matamis si Rune at niyakap ako. "Ely, ang totoo, sinubukan ko lang kung talagang kaibigan ang turing mo sa akin. Patawad."

Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Rune ang kanan kong kamay kung saan hawak ko ang dagger ko. Puwersahan niya itong tinulak papunta sa katawan niya habang yakap niya ako. Hindi!

"Arg..." nakarinig ako na parang may binutas na plastic. Sinasaksak ni Rune ang sarili niya. Bakit?

"Rune!"

Pinipilit kong kumawala sa pagkakayakap ni Rune. "M-mata-tapos lang ang laban k-kapag s-sinabi n-ni Mr. Bill kung sino ang panalo."

Shit! Bakit hindi ko agad sinigaw na talo na ako? "Rune... Pakawalan mo 'ko!" mahigpit din ang pagkakayakap ni Rune sa kamay ko na hawak pa rin ang dagger at hindi pa rin niya ito tinatanggal sa pagkakasaksak. Hindi ko rin puwedeng bunutin 'yun basta-basta dahil mas delikado. Parang na-blanko ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Dahil sa mga oras na 'to, nais niyang puwersahang bunutin naman ang dagger at wala akong nagawa dahil parang nanghina ako. Naramdam ko na lang ang buong bigat ni Rune sa katawan ko. Agad kong binitawan ang dagger ko at sinalo ang katawan niya. "Rune! Rune..." nanginginig ang kamay kong tinakpan ang sugat niya gamit ang kamay ko. Saka ko lang naisip na baka ma-impeksyon naman iyon dahil napakarumi ng kamay ko. Tatanggalin ko sana ulit pero hinawakan ni Rune ang kamay ko.

"Ely, ayos lang..."

"ANO KA BA? WALANG MAAYOS SA LAGAY MO!" nasigawan ko na siya dahil sa halo-halong imosyon. Hindi ko namalayan na humahagulgol na rin pala ako habang sumisigaw.

"Ely..." muli na naman niya akong tinawag. "I-ipangako m-mong b-balik ka ng school. A-at i-i-p-angako mo'ng, g-gawin pa rin natin 'yung, usual routine n-natin k-kasama 'y-yung mga boys." Hindi ko alam kung bakit ito sinasabi ni Rune. Siguro dahil natatakot siya na baka pagnakalabas kami rito ay mag-iba ang turingan namin sa isa't isa.

Tumango ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha, pawis, at uhog sa mukha ko. "Ipinapangako kong makakabalik ako ng school basta ipangako mong may babalikan pa ako. Na makikita ko pa rin 'yung Rune na kilala ko. 'Yung Rune na jolly, at maingay."

Ang negative na kasi ng iniisip ko, na baka... hindi na siya makabalik, na baka hindi niya makayanan.

Hindi! Ano ba 'tong iniisip ko?

Kahit na hirap na siya ay tininaas pa rin niya ang kamay niya. "P-pangako." Pagkatapos nu'n ay bigla na lang niyang ipinikit ang mga mata niya.

"Rune!" pinipilit ko siyang gisingin pero hindi na siya magising. May humawak sa balikat ko at nang tingnan ko kung sino... "Mr. Bill."

"Ikaw ang nanalo sa labang 'to, Hiya." Malumanay man ang bigkas ni Mr. Bill, halatang may pag-aalala sa mukha niya.

"P-pero si Rune, Mr. Bill. 'Yung kaibigan ko po, delikado po buhay niya, Mr. Bill. Tulungan niyo po ako." Nagsusumamo na ako kay Mr. Bill. Hindi ako mapapanatag kung mamamatay si Rune. "Ayoko nang may mamatay ng dahil sa akin, Mr. Bill..."

Lumapit na rin si Akihiro sa amin. Umupo siya sa kabilang side ko kung saan napapagitnaan na namin si Rune. Agad niyang pinulsuhan si Rune. "Buhay pa siya..." tumingin na rin siya kay Mr. Bill. "Bill. Pakiusap... Kaibigan namin si Rune." Pagsusumamo rin nito.

Matagal bago nagsalita si Mr. Bill, para siyang nagdadalawang isip pero sa huli ay napapayag na rin siya. Ngumiti siya sa amin na usual na ngiti niya. "Huwag kayong mag-alala. Ako nang bahala sa kanya." Muli, may mga pumasok na mga nakaputing uniporme at kinuha ang katawan ni Rune. Hindi na ako nakatayo. Feeling ko over fatigue na rin ako, kaya tiningnan ko na lang si Rune habang inilalabas nila.

Naagaw ang attention namin sa pagsulpot ng malaking screen at muli naming nakita ang mukha ni Ms. Harmony. "I'm so happy to see you again guys. Congratulations para sa mga nanalo sa laban. At ngayon tayo nang magpatuloy sa huling yugto ng paligsahan."

Lumapit sa tabi ko 'yung baboy-ramo ni Master Hagiza habang nakatingin din siya sa screen na animo'y nauunawaan niya kung ano ang nangyayari.

Hikkk

Ilang buwan pa lang siyang nasa bahay ni Master Hagiza pero hindi ko inasahan na matalino rin pala siya. Muli kong tiningnan ang screen. Nawala ang mukha ni Ms. Harmony. Ipinakita sa amin ng screen ang mga tatahakin namin kung saan kami dapat pumunta at kung paano magtatapos ang paligsahan. "Para sa mga nanalo, kapag bumukas ang malaking pinto ng silid na 'to kailangan niyong makarating sa espesyal na silid kung nasaan ang medalyon."

"Bakit espesyal ang silid?" tanong ni Akihiro.

"Dahil hindi lahat ay maaaring makapasok. At dahil nasa huling yugto na kayo, bibigyan ko kayo ng bonus na babala. May nag-aabang na surpresa sa mga taong nais makuha ang medalyon. Kung hindi ka takot mamatay, at kung confident ka, na ikaw ang itinakda. Ihanda mo na ang iyong sarili." Nawala ang screen sa harap namin. Kasabay nu'n napatingin kami kay Nathaniel dahil biglang nagkaro'n ng butas sa puwesto niya.

"Ah!!!" nahulog siya sa butas kaya nagtaka kami.

"Naninigurado lang ang management na walang makakalusot na hindi nanalo." Paliwanag ni Mr. Bill. Hindi kami makapagsalita pero bakas sa mukha namin ang pag-aalala kay Nathaniel. "Huwag kayong mag-alala, hindi naman siya mapupuruhan sa pagbagsak niya, ligtas pa rin naman siya kung saan man siya dadalhin ng management." Napatingin kami sa isang malaking pinto na dahan-dahang bumubukas. "Humanda na kayo..." sabi sa amin ni Mr. Bill, kaya tumayo na si Akihiro, habang ako naman ay kinuha ko muna ang dagger na nasa sahig, nababalutan pa ito ng dugo ni Rune. Inabutan ako ng malinis na panyo ni Mr. Bill. "Kakailanganin mo pa rin ang bagay na 'yan." Sabi niya. Kinuha ko na lang ang panyo at pinunasan ang dagger ko. Samantala, nasa dating puwesto si Troy at Carlisle, hinihintay lang nilang tuluyang bumukas ang pinto.

"Excited na ako!" sabi ni Troy. Nu'ng una'y nakangiti pa siya pero bigla rin siyang ngumisi na parang may binabalak siyang hindi maganda. "Good luck sa atin." Huli niyang sabi, kasabay ng tuluyang pagluwag ng malaking pinto.

Nagtinginan ang lahat ng nanalo sa isa't isa. Para kaming nagpapakiramdaman kung sino ang unang aabante. Pero sa huli, si Troy ang unang tumakbo. Sumunod na rin tumakbo si Carlisle, Akihiro at ako.

Biglang humarap sa amin si Troy, may kinuha siya sa likurang bahagi ng katawan niya at agad iyon binato sa amin. Maliit ngunit kuminang ang bagay na 'yun nu'ng tinamaan ng ilaw. "Ilag!" Sabi ni Akihiro. Sinalag ng mga sandata namin ang mga maliliit ngunit matutulis na bagay habang muli namang tumakbo si Troy.

Nakarating kami sa dulo ng tunnel at tumambad sa amin ang napakaraming tao kaya napahinto kami, pati si Troy sa pagtakbo. Ang elegante ng mga suot nila. Kung hindi ako nagkakamali sila ang mga business partners ng Dunstan Clan. Lahat sila ay nakatingin sa amin pero parang may kakaiba sa kanila kaya agad nilapitan ni Troy ang isang malapit sa kanya na isang ginang at hinawakan 'to, tumagos lang sa kamay niya ang taong 'yun na nakatingin lang sa kanya. "Woh, hologram lang sila. Amazing!" Sabi niya.

"Nasa ibang lugar sila ng kastilyo. Maaring ipinapakita lang nila kung sino-sino sila dahil nasa huling yugto na tayo ng paligsahan." Paliwanag ni Akihiro.

Hindi ko makita si Master Hagiza at si Master Luis, sa halip si Kyzhen ang nahagip ng mga mata ko. Makahulugan ang tingin niya sa akin pero agad ko ring iniwas ang tingin sa kanya dahil muling tumakbo si Troy kaya ganoon na rin ang aming ginawa.

"Hindi siya maaring makalapapit sa pintuang 'yon." Sabi ni Akihiro kaya agad namang hinagis nito ang sandata niya pero naiwasan 'yon ni Troy. Kusang bumalik ang sandata ni Akihiro sa kanya. May nilabas din si Troy sa bulsa niya at inihagis sa amin.

Lumabas ang maitim na usok ng malapit na ito sa aming katawan. Hindi na namin makita ang paligid. "Kay Dicko ang mga 'to pero paano siya nagkaro'n?" tanong ko.

"Hindi na iyon mahalaga." Sabi ni Carlisle.

Pinilit naming umusad kahit na wala kaming makita. Tinakpan namin ang aming mga ilong upang hindi namin malanghap ang usok. Nang makaalis kami sa usok ay nagulat kami sa matutulis na bagay na palapit sa amin. Agad kaming tatlong nakaiwas. Akala ko kay Troy na naman 'yung mga 'yun pero maging siya ay umiiwas rin sa mga matutulis na bagay habang nagpapatuloy na makalapit sa pinto ng espesyal na silid. Nawala na rin ang mga hologram sa paligid namin.

"Ilag, Elyon!" humarang si Akihiro sa harapan ko, nagulat na lang ako dahil bigla siyang bumagsak sa katawan ko.

"Akihiro!" sigaw ko sa kanya. Sinalo siya ng bisig ko at agad kaming napaupo sa sahig. "Akihiro..." Tinamaan si Akihiro sa dibdib niya. Naiiyak na naman ako dahil bumaon ang matulis na bagay sa katawan niya. Humarang si Carlisle sa harapan namin upang pigilan ang ilang mga matutulis na bagay na papunta sa amin.

"Elyon." Mahina man ang boses ni Akihiro ay agad ko siyang tiningnan. "Umusad na kayo ni Carl. Kailangan---Ah!!!"

"Huwag ka nang magsalita." Saway ko sa kanya at tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Bwisit! Ang iyakin ko na naman, wala na nga akong maitulong napakaiyakin ko pa!

"Kai-Kailangan niyong pi-pigilan si Troy na m-makuha ang medallion."

"Hindi na 'yun mahalaga. Kailangan ka naming mailabas dito."

Umiling lamang siya. "H-huwag niyong sayangin ang p-pagkakataon. Isa sa inyong dalawa ni Carl ang nararapat sa medallion." Dahan-dahan nitong inangat ang kamay niya at pinunasan ang luha ko. "Carl, ilayo mo na si Elyon dito."

"Hindi... Huwag kang hangal." Sabi ko kay Akihiro pero bigla na lamang akong hinatak ni Carlisle sa braso ko.

"Magmadali ka." Sabi niya. Habang busy ang isa pa niyang kamay dahil sa mga matutulis na bagay. Hindi yata nauubusan ang pader magpakawala sa amin.

"Akihiro..." ngumiti lamang si Akihiro sa amin at nawalan na siya ng malay.

"Magmadali ka, nasasayang ang oras natin." Hindi ko na pinansin ang pagsusungit ni Carlisle at agad kong hanablot ang braso ko at tinitigan siya saglit ng masama dahil agad akong nag-focus sa pag-iwas at pagsalag gamit ang dagger, habang patuloy kaming umuusad.

Tumingin kaming pareho sa kay Troy na malapit na sa pinto kung nasaan ang medallion.

Ilang saglit pa ay tila naubusan na ang pader ng mga matutulis na bagay kaya agad naming binilisan ang takbo namin para maabutan si Troy pero mukhang hindi kami aabot kaya binato ko na lang ang dagger ko papunta kay Troy. Wala na akong pakialam kung mawala man ang dagger ko. Saka ko na lang iintindihin ang galit ni Master Hagiza.

Nakaiwas si Troy at bumaon ang dagger sa pinto. Napahinto kami pareho ni Carlisle dahil hawak na nito ang dalawang doorknob na hugis singsing ng malaking pinto kung nasaan ang medallion. Tumingin siya amin at ngumisi. "Paano ba 'yan, sa akin na 'to ah." Pagpapaalam niya sa amin.

Binuksan niya ang pinto at akmang papasok na pero nagulantang kami sa lightning na patungo sa kanya at tinamaan siya. "Ah!!!" Tumilapon ang katawan ni Troy sa harap namin at nagulantang ako dahil nakadilat ang mata niya pero hindi na siya gumagalaw. Nagkatinginan muna kami ni Carlisle, bago niya tuluyang lapitan si Troy.

Maingat na hinawakan ni Carlisle ang pulso ni Troy. "Patay na siya." Deklara nito kahit hindi siya nakatingin sa akin. Mas lalo akong natakot dahil hindi ko inasahan ang nangyari.

Ito ba 'yung sinasabi ni Ms. Harmony na babala sa amin kanina?

Hindi lahat ay maaaring makapasok.

May nag-aabang na surpresa sa mga taong nais makuha ang medalyon. Kung hindi ka takot mamatay, at kung confident ka, na ikaw ang itinakda. Ihanda mo na ang iyong sarili.

Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako, paano kung hindi talaga ako ang itinakda? Magagaya lang ako kay Troy.

Tumayo si Carlisle at tumingin sa akin. Tiningnan niya ang kamay ko kaya tiningnan ko rin iyon.

Nangininig na ito kaya agad kong tinago ang kamay ko sa likod ko.

"Tsk. Hindi mo talaga magawang maitago ang kaduwagan mo." Sabi nito.

"Hindi ba puwedeng pagod lang?"

Pero, posibleng pagod na hinaluan na rin ng takot. Sabi ko nga kanina, feeling ko over fatigue na rin ako. Kaya lang siguro nakatayo pa ako dahil matigas ang ulo ko.

Tumingin siya sa malaking pinto ng silid na hindi kalayuan sa amin. "Kailangan mong tanggapin ang kapalaran mo. Kung mamamatay ka dahil hindi ka tanggap ng medallion, mamamatay kang may dignidad dahil ginawa mo ang lahat upang makarating dito." Nauwaan ko naman ang nais ipunto ni Carlisle, kaya tumango ako bilang pagsang-ayon.

"May naisip ako." Sabi ko sa kanya. Hindi naman ako nakarinig ng protesta sa kanya kaya pinagpatuloy ko ang sasabihin ko. "Pagbilang kong tatlo sabay tayong tumakbo." Nanatili lang siyang nakatingin sa pinto, wala siyang sinabi kaya expect kong sang-ayon siya sa sinabi ko. "Isa..." simula ko. Hinanda namin ang sarili namin.

"Tumakbo ka na hangal." Sabi niya kaya wala sa hulong napasunod ako kahit hindi pa tapos ang bilang ko. Peste talaga 'tong si Carlisle!

Halos magpantay lang kami ni Carlisle sa pagtakbo at nang makalapit na kami sa pinto ay napapikit na lang ako habang pumapasok kami sa loob. May naramdaman akong malakas na puwersa na humihigop sa akin papuntang loob. Pinilit kong labanan iyon pero hindi kinaya ng katawan ko. "Ah!!!"

Ilang saglit pa ang nagdaan at wala na akong maramdamang puwersa, sa halip pakiramdam ko ang gaan ng katawan ko kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mata.

Namalayan ko na lang na nasa harap na namin ang medallion na nakalutang sa hangin. Napatingin din ako sa baba dahil nakalutang din kami ni Carlisle.

"M-multo na ba tayo?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang makasiguro.

"Hindi." Tipid niyang pagkumpirma.

Ibig sabihin buhay pa kami? I-ibig sabihin din ba nito, tinanggap kami ng medallion?

Nakatingin kaming pareho sa harap ng medallion. Alam ko kung ano ang iniisip ni Carlisle, kaya hindi na kami nag-aksaya ng panahon at parehas naming inabot ni Carlisle ang medallion. Sabay rin naming nahawakan ang medallion. Ako sa bandang kaliwa ng medallion, siya naman sa bandang kanan.

"Ah!!!" daing ko. Bigla kasing nagpakawala ang medallion ng nakakabulag na liwanag at puwersa na tila gusto niyang kumawala sa kamay ko, pero diterminado ako, hindi ko bibitawan ang medallion!

Master Hagiza

Sabay na nakapasok ang dalawang bata sa espesyal na silid at agad nagsara ang pinto.

"Anong nangyayari?" tanong ng mga nakasaksi.

"Master..." tawag sa akin ni Jane na may pag-aalala sa kanyang mukha.

"Wala tayong magagawa kung ano man ang kapalaran ng bata." Kahit na nagtataka rin ako sa nangyayari. "Ang importante lang naman sa ngayon ay nakapasok siya sa silid." Iyon nga lang, hindi ko alam kung makakalabas pa siya ng buhay.

"Imposible ito. Bakit dalawa silang nakapasok sa silid?" tanong ng isang panauhin. "Zeus! We need an explanation."

Printing nakaupo lamang si Zeus, habang umiinom ng wine. Sapalagay ko maging siya ay walang idea sa nangyayari.

"Isa lang ang dapat na makapasok sa espesyal na silid base sa sinabi ng anak ni Zeus sa amin." Lumapit sa amin si Kyzhen habang nakatingin sa pinto kung saan lumusot ang dalawang bata.

"Hindi nagsisinungaling ang anak ni Zeus." Pagkumpirma ko. "Kahit wala ang espiritu ng apat na elemento sa medalyon. Ang lumikha mismo ang gumawa sa medalyon bilang kulungan nila. Kaya ang karapat-dapat lang ang makakahawak nito."

"Ibig sabihin..." hindi pa man natatapos ni Jane ang sasabihin ay biglang bumukas ang pinto at halos bulagin kami ng kakaibang liwanag na lumabas doon.

Ilang minuto lang ay unti-unting nawala ang liwanag sa malapad na pinto at may bilog na liwanag din na lumabas sa pinto at bumagsak sa sahig. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dalawang batang wala nang malay. Sila pala ang niluwa ng pinto.

Hindi na nakatiis ang mga tao sa bulwagan, ayaw na nilang manood sa malaking screen. Agad silang nag-unahan sa pinto upang magtungo kung nasaan ang mga bata para personal na masaksihan ang nangyari.

"Masyadong maraming tao, matatagalan pa bago tayo makalabas." Sabi ni Luis. "Sumunod kayo sa akin, may alam akong shortcut." Kaya agad naman namin siyang sinundan, maging si Kyzhen at ang mga kasama niya ay nakasunod rin sa amin.

Nagtataka si Jane kung bakit sila sumusunod sa amin. "Hayaan mo lang sila, kilala sila ng bata." Sabi ko sa kanya kaya iniwas na niya ang tingin sa kanila.

Nakarating kami kung nasaan ang mga bata. At unti-unti na ring dumadami ang mga tao, kaya minadali ko ang paglapit sa dalawang batang walang malay na nakahiga sa malamig na sahig. Kailangan kong malaman agad ang lagay ng bata.

Saktong paglapit ko, agad natuon ang mata ko sa hawak nila.

Anong? Imposible...

Nagkagulo ang mga tao dahil sa nasaksihan.






Nahati ang medalyon!




"Hindi... Ibigsabihin dalawa ang sisidlan?"






ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

321K 7.7K 67
[Acre- UNDER MAJOR EDITING⚠️] Have you ever been in a situation that brought you to tears? Made you laugh? Made you smile? Made you broken into piece...
1.5M 101K 34
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh starts to lasting love, these stories have it all. Unlock now until Sept 22! ** Whe...
24.5K 2.3K 200
Ang kanyang kalooban ay matigas at hindi normal katulad ng sa iba. Gayunpaman, dahil ipinanganak siya sa isang maliit na sangay ng pamilya, ang kany...
578K 20.3K 83
12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have...