Rebelation (Unity Series #1)

By MageAestheria

2.9K 174 159

In a world where people's freedom are stolen and abused by a tyrannical government, everyone became hopeless... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Ibong Maya

Kabanata 4

33 3 6
By MageAestheria

Kabanata 4

Magkaisa


Simula nang maging abo ang bandila, nagbago silang lahat.

Ang ingay ng mga raliyista ay napalitan ng katahimikan. Naalarma ang mga nakatayong kabineta sa balkonahe. Isa lang ang hindi nagbago ang ekspresyon at iyon ay ang pangulo.

Hindi siya ganoon katanga para isipin na artistang raliyista kami. Alam niyang kami ang totoo niyang kinakalaban. Delikado man ang pagharap namin sa kanya pero may dahilan sa likod ng plano ni Tyranny na ito at iyon ang pagsindi ng unang apoy ng pagbabago.

"Ang tapang ninyo para gawin ito sa harap ng pamahalaan, sa lupa mismo ng Engrande Palace," nakataas noo kaming tiningnan ng pangulo. "Mukhang nagkakamali ako. Hindi ito katapangan kundi ito'y katangahan. Magsisisi kayo sa ginawa ninyo."

Sa isang senyas muli ni Pangulo Liberato, tinutok ng mga sundalo ang kanilang baril sa aming direksyon. Suminghap ang mga nasa mediya dahil baka madamay sila ngunit hindi nawindang ang mga Ibong Maya sa kanilang mabagsik na baril.

May binulong ang asawa ng pangulo sa kanyang tainga, sunod ay ibinaba ng pangulo ang hintuturot niya sa amin kasabay nito'y ang pagbaba rin ng mga baril na hawak ng mga sundalo niya.

"Ikukulong ba nila tayo?" bulong ko kay Gumamela.

Ngumisi siya, "Nasa batas ang bandila. Kung sino man ang sumira ng bandila ng bansa ay mapaparusahan."

"At ano ang magiging parusa nila? Ano ang gagawin nila?"

"Mas malala pa ang parusa nila sa'tin."

Napagtanto ko lang ang krimen na nagawa namin, pansin ko ito sa mga nanlaking mata ng mediya, at ang naririnig kong pakiusap na ibang miyembro ng pamahalaan na patumbahin kami ngayon din.

Kapag sinunog ang bandila, katumbas nito ay kamatayan.

Biglang umalingawngaw ang palakpak ni Pangulo Liberato. Kumunot ang aking noo. Hindi man lang siya natakot o nawindang sa pinakita namin sa kanya na tila bang walang makakapalag sa trono niya sa palasyo.

"Hindi ako makapaghintay sa araw na ipapatupad ang aking batas. Sa ngayon, papakawalan ko muna kayo dahil alam kong hindi sapat na ikulong kayong mga ibon ng katangahan."

Kumuyom ang aking kamao, wala pa rin nagalaw sa amin. Nilapitan ko si Gumamela at bumulong sa kanya.

"Bakit niya tayo pinakawalan? Lumabag tayo ng batas sa harap mismo ng pangulo."

"Huwag kang mauto sa nakikita mo dahil hindi niya tayo pinakawalan. Mas malala pa ito kaysa ikulong tayo, mas malala pa kaysa sa kamatayan."

"Paano ito mas naging malala?"

Tiningnan ako nang diretso ni Gumamela na may kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Malalaman mo lang ito kapag kinuha nila ang buhay ng taong mahal mo."

"Magkalat man kayo, pero sa huli'y hahanapin ko pa rin kayong lahat at ang pamilya ninyo. Wala kayong takas sa'kin, tandaan niyo 'yan." Nilingon ko muli ang pangulo na ngayon ay nagkatitigan sa aming mga Ibong Maya habang sumasandal ito sa rehas ng balkonahe.

"Sa tingin niyo ba hahayaan ko kayong makalapit sa kasama niyo na papalag sa aking posisyon? Mananatili lang siya sa kulungan. Hindi kayo makakalapit sa kanilang tatlo." untag ng pangulo sa amin.

Sino ang tinutukoy niya? Sino ang nasa kulungan? Ano ang tinutukoy ng pangulo kina Tyranny?

"Babalikan namin siya sapagkat sa susunod na balik namin ay buong hukbo ang aming dadalhin," malalim ang tono ni Tyranny kasabay ng matatalas nitong mata na nakatingala sa pangulo.

Sumenyas muli ang pangulo at inutusan ang kanyang mga guwardiya na buksan ang gate. Tumingala ako sa kanya at nagtama ang aming mata.

Ilan segundo kami nagkatitigan, ang blanko niyang ekspresyon ay napalitan ng mabangis na ngisi. Sa halip na matakot sa kanya, pinakita ko ang aking katapangan mula sa aking mata bago ko siya tinalikuran.

Tumakbo kami palayo sa palasyo, nilalagpasan ang mga raliyista na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari hanggang sa maglaho kami sa kawalan.

Namarka itong araw bilang simula ng aming gyera sa kanya. Kahit matagal niya nang hinahanap ang mga rebelde upang linisin kaming lahat katulad ng ginawa niya sa mga pulubi sa kalsada, sa ngayon ay tatakbo kami, ngunit lilipad din kami balang araw upang ipaglaban ang aming kalayaan.

***

Pinakawalan niya kami dahil alam niya na kapag pinatay niya kaagad kami roon, hindi niya mahahanap ang iba pa naming mga kasama at ang lugar na pinagmulan namin. Ito'y isang laro ng tagu-taguan at si Pangulo Liberato ang taya.

Napansin ko lahat sila'y nanunuod sa harap ng maliit na telebisyon, inaabangan ang bagong balita tungkol sa kakaibang pangyayari sa Araw ng Kalayaan. Nilapitan ko sila para panuorin ito.

"Umaksyon ang mga rebelde at sinunog ang watawat ng Pilipinas. Hindi pa alam kung anong organisasyon sila pero iniimbestigahan pa ito ng pulisya at hinahanap ang mga suspect na may kagagawan nitong krimen bilang insulto sa gobyerno, bansa, at sa mga pilipino. Ito ang naging pahayag ng pangulo mula sa insidente."

Lumipat ang eksena sa telebisyon, ngayon ay nakatutok na ang atensyon sa pangulo na nakaupo sa kanyang trono sa Engrande Palace.

Nakasandal iyong siko niya sa ibabaw ng lamesa, ang magkakapit niyang kamay ay nagtatakip ng kanyang bibig at ang matalas niyang tingin ay sinasaksak ako mula sa kanyang pagkatitig.

Napalunok ako nang bahagya.

"Ako ay may dugong pilipino at awa ng Diyos. Wala akong kinakatakutan na rebelde na handang ibastos ang ating bandila at ang akin bayan. Ang simbolo ng ating bandila ay ang mamamayan, kung nagawa nilang sunugin ito, sinunog din nila ang puso ng mga tao."

Iyan ang lumalabas sa balita ngayon, ang pagsunog ng bandila ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Ibong Maya. Nagkalat din sa sosyal mediya ang mga litrato at ang maskara namin.

"Paano naman naging insulto sa kanila ang pagsunog ng watawat? Pagmamay-ari ba nila iyon? Kabuhayan ba ang sinunog natin? Hindi naman, 'di ba?" sumimangot ako.

"Ang bandila ay hindi simbolo ng ating bansa kundi ang pride ng kumokontrol sa mga sundalo. Kapag tumigil ang mga tao na sumaludo sa bandila, ito ay malaking takwil sa kanila," tugon ni Binatang Bukid.

"Wala tayong sinaktan sa ginawa natin. Sinaktan lang natin ang kaakuhan ng mga korup na politiko dahil natuklasan nila na may mga grupo na tao na hindi nila magawang kontrolin at tayo iyon," dugtong pa ni Ylang-Ylang. "Ipinagbabawal ang pagsunog ng watawat ng Pilipinas. Nasa batas ito ng pamahalaan na siyang paparusahan ang lumabag nito."

"Napakabaliw ng ideya na ito! Akala ko ba ang kalayaan ang hinahabol natin? Bakit kailangan pa natin gawin ito? Pwede naman magpokus na lang tayo sa pagtulong sa ating kapwa!" saad ko.

"Lahat ng pangyayari ay may epekto sa bawat tao. Isipin mo kung anong mangyayari kapag may nakita ang sambayan na kinakalaban ang gobyerno?" kalmadong sagot ni Tyranny.

"Maaawa sila sa atin dahil alam nilang makukulong o mapapatay tayo?" sarkastik kong sagot

"Buhay pa rin tayo hanggang ngayon. Maaari tayong barilin ng mga sundalo sa isang utos lang ng pangulo pero hindi nila ito ginawa."

"Bakit hindi nila tayo kinulong man lang sa nagawa natin krimen sa harap ng buong gobyerno?"

"Ayaw nilang madumihan ang lupain ng palasyo ng ating dugo lalo na't may mediya na nanunuod sa atin. Masyadong mapanganib ito sa kanilang reputasyon. Gagamitin nila itong tsansa na ipakita sa balita na tayo ang kalaban, hindi sila."

"Paano na tayo? Ngayon, kinikilala tayo bilang mga kriminal at rebelde sa buong bansa."

"Patuloy lang tayo lalaban hanggang sa makalaya tayong lahat."

Napansin ko na hindi nila pinakita ang talumpati namin sa Pangulo na nagpatahimik sa buong mamamayan na nakinig sa amin. Tinanggal nila ito sa balita, tinaboy nila ang boses namin para walang ibang makarinig ng amin hangarin.

Naiintindihan ko na ngayon kung bakit lumalabas sa balita ay tinuturing na kaming masasamang tao, terorista, o demonyo dahil ito

Nilabas ni Gumamela ang kanyang phone, lumabas sa sosyal mediya ang batuhan ng mga opinyon tungkol sa pangyayari na tinatawag nilang Apoy sa Bandila na may kasamang hashtag pa.

"Ipakulong na ang mga 'yan!"

"Apoy sa bandila, putulin niyo ang kanilang dila!"

"Parang mga aso sa lansangan, puro ingay lang pero walang nagagawa!"

May nangangatwiran sa ginawa namin na gusto kaming pabagsakin at may ilan naman ay natuwa sa pagsunog namin ng watawat dahil gusto lang nila makita na may nasusunog.

Itinago na ni Gumamela ang phone niya.

Lumabag kami sa batas mula nang sinunog namin ang watawat ng Pilipinas sa harap ng maraming tao bilang protesta namin sa sistema ng gobyerno.

Panigurado na hahanapin kami ng pulisya upang panagutan ang ginawa naming krimen.

"Huwag kang matakot sa ginawa natin. Tandaan mo na ang watawat ng Pilipinas ay inimbento lang natin iyan. Lahat ng bandila sa mundo ay isa lamang tela ito, hindi nakatali ang atin dignidad at kaluluwa doon. Hindi natin ito pagkatao," sinikuan pa ako ni Ylang-Ylang sa tagiliran upang mawala ang aking tensyon. Ngumiti ako.

"Tingnan mo ang buong mundo. Lahat sila'y may pinagmamalaki na watawat na sumisimbolo ng kanilang bansa. Isa ito sa mga imbensyon na naghihiwalay sa ating kapwa, ang bandilang pumoposas sa ating pagkatao," sumenyas si Tyranny sa kanyang paligid habang hawak ang kanyang baso atsaka nilagok ito.

Tumango-tango ako, naiintindihan ang kanilang pinapahiwatig.

Marami sa atin ay namamatay dahil sa tinatawag natin na pagiging makabayan. Sinusundan natin ang utos ng mga nasa itaas, kunwari na ginagawa natin ito para sa ating bansa ngunit ginagawa lang pala natin ito upang pabor sa kanila, hindi sa bayan.

Ganito ang nangyari sa mga gyera. May mga sakim na tao na gusto manakop, ang pinakamalala sa kanila'y sinasakop nila ang pag-iisip ng mga tao at binago ang kasaysayan upang buhayin ang susunod na henerasyon sa maling katotohanan.

Lahat tayo ay tao. Hindi tayo Filipino, Amerikano, Hapon, Chino, at marami pang iba. Iisa lang ang pinanggalingan natin at iisa lang tayong lahat. Tao lamang at sapat na ito. Hindi natin kailangan makipagtalo, mag-away, at magpatayan dahil magkaiba ang lugar kung saan tayo ipinanganak.

Tandaan niyo na pare-parehas lang tayo sapagkat magkaiba ang puso at isipan, iyon lang ang nangingiba sa ating lahat.

Kumakanta sila sa harap ng apoy, nagdiriwang sa pagsunog namin ng watawat ng Pilipinas.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nila pinagdiriwang ito kung nagsunog lang naman kami ng bandila, pinagmasdan ko silang tumatagay ng kanilang baso at kumakanta habang ang iba ay nasayaw.

Inaasahan ko na may iba pa kaming gagawin bukod pa rito, iyon ang inaabangan ko, ang pagtulong sa kapwa. Gusto kong abutin ng kamay ang mga nangangailangan ng tulong.

"Bakit ito ang naging unang misyon ko?" tanong ko kay Gumamela.

"Lahat tayo'y may kailangan isakripisyo bago tayo makakalipad at ang sinakripisyo mo'y ang kaligtasan mo."

Kinilabutan ako sa sagot niya. Simula nang lumipad ako kasabay nila, natatakot ako na baka mahulog lang ako mula sa himpapawid at babagsak sa lupang tinalikuran ko.

Huminga ako nang malalim. Delikado man ang ihip ng hangin na nililparan namin ngunit hindi ako hihinto sa paglipad. Makakaraos din itong puso ko sa takot na kumukulong sa akin.

Humarap muli ako sa telebisyon kung saan bumungad muli si Pangulo Liberato.

"Ano po ang pakiramdam niyo noong sinunog ng mga rebelde ang ating bandila?" tanong ng reporter.

Huminga nang malalim ang pangulo, rinig ang mga pagkislap ng mga kumukuha ng litrato sa kanya.

"It has been my greatest disappointment to discover that the rebels insulted, betrayed, and attacked our country. Hindi ko akalain na sa panahon natin ngayon na puno ng oportunidad, kagandahan, at kalayaan ay may mga tao pa rin na magagawang sumira ng ating kapayapaan."

Maganda ang bungad ng kanyang talumpati. Panigurado nakukulam ngayon ang masa sa kanyang mga salita.

Sinandal niya ang kanyang braso sa ibabaw ng lamesa, seriosong nakatingin sa amin ang makapangyarihan niyang mga mata.

"Huwag ninyo gayahin ang kanilang ehemplo dahil masama ito. Walang matinong tao na gagawa ng ganitong karumal-dumal na bagay upang mapatunayan lang sa mundo na may naigagawa sila sa lipunan."

Pinakita sa telebisyon ang imahe ko na sinusunog ang bandila habang hawak ni Binatang Bukid ang patpat. Nagpalitan kami ng tingin ni Binatang Bukid at ngumiti sa isa't-isa bago ulit humarap sa telebisyon.

"Pangako akin kababayan na bibigyan ko ng hustisya ito. Iimbestigahan namin ang ugat ng problema at tuluyan ipipitas ito sa mga sanga bago pa bumunga ang kanilang lason."

Inulanan siya ng palakpakan bago komentuhin ito ng reporter sa balita, pinupuri ang kanyang maaliwalas na pahayag.

Napakuyom na lang ako sa aking kamao.

Imbes na makita kami bilang mga rebelde ng kalayaan, naturing pa kaming mga kriminal ng buong bansa. Lumabag kami sa batas kahit wala kaming sinasaktan na tao.

"Ang akala nila ay hindi nila naipakita sa buong bansa ang pangyayaring kahihiyan sa pamahalaan pero nakuhanan ito ng ating kasamahan," nakipag-apir pa si Binatang Bukid kay Tyranny ngunit hindi siya inapiran pabalik kaya sa akin na lang siya lumapit at ginawa ito

"Mas tumatatak ang aksyon kaysa ang salita sa isipan at puso ng tao. Hindi sapat na mag-ingay lang tayo katulad ng ginagawa ng mga raliyista o gumawa ng gulo katulad ng ibang mga rebelde."

"Kapag may maipakita tayo sa kanilang daan patungo sa kalayaan, panigurado na sasabay sila sa ating hakbang."

Uminit ang pakiramdam ng aking puso na siyang nagpangiti sa akin, dumadaloy ang kakaibang pag-asa at tapang na harapin ang mundo.

May nilipat na channel si Tyranny sa telebisyon, ang nag-iisang channel na pinapanuod lahat ng mamamayan, ang Makabayan Channel.

Sa kalagitnaan ng balita, bumungad sa telebisyon ang isang tao na may ibong maya na maskara na nagtatakip ng kalahati niyang mukha. Nakatingin lang siya nang diretso, may suot na Barong Tagalog at salakot sa kanyang ulo.

"Aking kababayan, pakinggan ninyo ang aking pahayag. Isang layunin at pangarap ang itutupad namin at ito ang mapakinggan ang boses ng masa."

Nilingon ko si Binatang Bukid, kaboses niya ang nagsasalita. Siya iyong nasa telebisyon.

"Wala kaming political ideology na nilalandasan. Wala kaming gobyerno na sinusundan. Wala kaming relihiyon na niluluhuran. Isa lamang akong tao na manunumpa sa ating pagkakaisa."

Pinakita ang record ng alitan namin sa Pangulo, ang lupain ng palasyo ay napalibutan ng mga Ibong Maya at katapat namin ay mga sundalo ng pangulo.

Bumibilis ang pintig ng puso ko habang pinapanuod ang pagsunog ko ng bandila sa harap ng gobyerno, ang hawak naming apoy na inaangat namin sa ere hanggang sa iwinagayway ko ang bandila na nasusunog.

Lahat nakuha nila ang mga pangyayari kahit hindi ito sinama sa balita.

"Ito ang mga Ibong Maya, lilipad para sa ating kalayaan!"

Naglaho si Binatang Bukid at naging static na lang ang telebisyon. Pinatay na ito ni Tyranny bago siya lumingon kay Binatang Bukid at tinapik siya sa balikat.

"Napakahusay magbigay ng mensahe. Isa kang inspirasyon," tinapik siya sa balikat ni Tyranny.

"Oo nga. Ang galing mo. Sana matuto rin akong ibahagi ang boses ko." bulong ko.

Tumayo na ako habang inuulanan siya ng puri. Mukhang hindi niya rin narinig ang sinabi ko kaya hindi na ko nagtagal doon sa kampo.

Malakas ang epekto ng boses ni Binatang Bukid. Kaya niyang paluhurin ang mga bundok sa kanyang katapangan at gawin anghel ang mga demonyo mula sa kanyang marahan na kabaitan.

Nais ko rin ilahad ang aking boses sa mundo pero hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan, kung tama ba ang sasabihin ko, kung sapat na ba itong mensahe ko.

Nagising ako sa tuliro nang mapagtanto ko na nakabalik na ko sa mga hilerang tolda. Papasok na sana ako ng tolda ko nang may naramdaman akong tumapik sa balikat ko.

Nilingon ko siya at laking gulat ko na makita si Binatang Bukid sa harap ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

"May gusto lang akong sabihin sa'yo," tinitigan niya ako ng mapupungay niyang mata.

"Ano iyon?" bumibilis ang pintig ng puso ko.

Humakbang siya papalapit sa akin. Kinabahan ako bigla at binalutan ng nerbyos. Kinuha niya iyong palad ko, hinawakan niya ito atsaka itinapat sa kanyang puso, ang mariin niyang mata'y nanatili lamang sa akin.

Napahinto ako sa pag-atras dahil nasa likod ko na ang tolda. Nakatingala lang ako sa kanya, nalunod sa kanyang anghel na mata.

"Magtiwala ka sa boses mo, Sampaguita. Dadating din ang araw at titingala sila sa'yo upang mapakinggan ang iyong mensahe. Naririnig kita at papakinggan kita hanggang sa matahimik ang mundo dahil nakikinig silang lahat sa'yo."

Itinapat niya ang palad ko sa kanyang labi atsaka hinalikan ito.

***

Ito ang misyon ko.

Wala man akong pera pero may mga kamay ako na aking malilingkod upang iabot ito sa mga nangangailangan at iangat ang aking kapwa.

Naniniwala ako na lahat tayo ay may bayani sa ating puso. Lahat tayo ay may kakayahan na makatulong sa ating kapwa gamit ng sarili natin matulungin na kamay at pagmamahal na damdamin.

Sapat na ikaw ang maging daan para lahat tayo maging konektado sa isa't-isa.

Naglakad ako sa bangketa kasama si Binatang Bukid, naghahanap ng pwede namin makalap sa amin samahan. Maingay ang mga bumubusinang jeepney at bus, may mga ingay din sa palengke, at ang mala-dagat na mga tao sa kapaligiran.

Humaplos sa ilong ko ang amoy ng kanal, usok, at pawis mula sa aking paligid. May mga itim na usok ang sumusulpot sa likod ng mga jeepney at bus, humahalo sa aming paghinga at paparating sa kalangitan para sakalin ito.

Umiiwas ako sa mga tao na nakakasalubong ko, may ibang nagmamadali sa trabaho, ang iba naman ay pinapawisan na kargador na may dalang sako sa ibabaw ng kanilang balikat.

Hindi ako makapag-isip nang maayos lalo na't ang busina ng mga kotse at daldalan ng mga tao ay binabalutan ang katahimikan ng isip ko.

Nakikita ko ang agwat sa amin. Ang bawat tayo ay may sariling mundo na pinagtutuonan, hindi pinapansin ang mga nasa paligid nila, kung ano ang nangyayari sa labas ng kanilang mundo.

Kaming mga rebelde ang umoobserba sa labas, babaguhin at wawasakin ang agwat na namamagitan sa ating lahat.

Uunahin natin ang mga walang-wala na, ang mga pasikot-sikot sa lansangan, ang mga nakatira sa bangketa, ang nawawalan ng landas sa buhay.

Matutulungan namin sila. Tiwala lang.

Marami na kong nakita na mga katulad ko na nagmamalimos sa overpass o lansangan. Wala rin makain at kumakalkal na lang sa basurahan.

Alam ko rin kung gaano kahirap na humingi ng tulong sa ibang tao lalo na kung iisipin nila na wala naman silang mapapakinabangan sa'yo.

May iba pang nagpapanggap, tutulungan ka lang upang magmukhang mabait sa paningin ng ibang tao. Mas malala pa sila kaysa sa mga tao na kahit mapanakit magsalita totoo naman ang kanilang sinasabi.

"May kakilala ka ba na nakatira lang sa kalsada?"

"Palipat-lipat kasi kami ng lugar at karamihan sa kanila ay kung saan-saan na rin nakakarating."

Tumango-tango si Binatang Bukid, iniintindi ang sitwasyon. Naglibot pa kami hanggang sa may napansin si Binatang Bukid at tumakbo ito.

"Saan ka pupunta?! Teka lang!"

May nilapitan siyang batang babae na may hawak na sirang tsinelas, nakapaa lang ito at halos nangitim na ang paanan niya sa dumi nito.

"Nasaan ang magulang mo, hija?"

Umiling-iling ang batang babae. Isa lang ang ibig sabihin nito dahil hindi lang isang beses ito nangyari kundi marami na. Mga bata na mag-isang kumakalkal ng basura para may makain, nagmamalimos sa kalsada ng barya, natutulog sa kariton na walang kasama.

Sila ang mga nakatakas mula sa Cleaning Operation ng Liberators sa kalsada. Madali lang sila makatakas dahil bata pa sila at maliit lang, madaling sumikot-sikot sa makitid na lugar at magtago, hindi katulad sa mga matanda na o ang ibang nakakatanda na may kapansanan.

Isa lang ang indikasyon ko kapag mag-isa ang bata sa lansangan. Halos parehas lang kami, nawawala at hindi alam kung saan lulugar, nawalan ng pamilya na pinatay nila.

"Isama natin siya," suhestiyon ko. "Masyadong delikado para sa kanya kung maiwan siyang mag-isa lalo na kapag gumabi na."

Naalala ko ang mga dugo na kumalat sa kalsada noong binaril nila ang pamilya ko. Kumuyom ang aking kamao, naninikip ang aking dibdib na para bang sasabog ako sa galit at kalungkutan.

Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko hahayaan ang ibang kabataan na maging biktima ng kanilang bala at malunod sa sarili nilang dugo.

Marumi ang suot niyang sando at shorts, nakapaa lang siya at halos nangitim na ang paanan niya sa sobrang dumi nito. Napansin din ito ni Binatang Bukid habang nakatingin sa paa niya.

Tinanggal ni Binatang Bukid ang suot niyang tsinelas at pinasuot ito sa kanya. Nakapaa na lang ngayon si Binatang Bukid at siya na rin ang nagdala ng sirang tsinelas ng bata.

Nakakatuwa ang kabutihan ni Binatang Bukid, malaki iyong tsinelas niya kaya nagmukhang bibe ang paa ng bata upang ihatid siya kay Ylang-Ylang. Sunod ay bumalik kami sa paglalakad para maghanap pa ng aming makakalap.

Napatigil kami sa paglalakad nang may matanaw kaming mga grupo ng lalaki na naglalasing sa ilalim ng palyo. Napansin nila kami at napatigil sila sa pagtawanan. Kakaiba iyong tingin nila sa akin habang nakangisi ito.

"Ganda ng asawa mo pare, ah!" inangat ng lalaki na may malaki ang tiyan ang hawak niyang alak.

"Baka pwede siya makiinom sa amin?" aya pa ng isa na shorts at tsinelas lang ang suot.

"Hindi ko hahayaan ang asawa ko sa inyo," madiin na sagot ni Binatang Bukid sabay inakbayan niya pa ako sa balikat. Namula ang pisngi ko sa ginawa niya.

"Huwag mo na lang pansinin!" pabulong kong suway.

"Dali na, saglit lang naman. Ang KJ naman ni gago."

"Ang sarap niya kasi tingnan, pre."

Kumagat labi pa ang isang laki habang tinitingnan ako na may pagnanasa. Hindi ako naging komportable sa pagtingin nila sa akin.

Hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin dahil madalas akong palibot-libot sa kalsada para makahanap ng makakain. Tuwing may nalapit sa akin na lalaki na hindi ko kilala o tinatawag ako, iniiwasan ko lang sila at sinasabi na may kasama ako kahit wala naman talaga.

"Ang mga babae ay hindi dapat binabastos, lalo na ang asawa ko." nagtiim ang panga ni Binatang Bukid, iyong kamao ay nakakuyom na.

"Umalis na lang tayo. Tara na," hinigit ko na siya palayo sa grupo ng mga lasing.

Nang makasigurado na nakalayo na kami sa kanila, tumigil kami sa bangketa na may dalampasigan at pantalan. Rinig ko ang alon ng tubig at ang hunihan ng mga ibon ng karagatan.

"Sampaguita, galit ka ba sa akin?"

Huminto siya sa paglalakad at ginaya ko rin siya. Humarap siya sa akin na may mapupungay na mata.

"Hindi. May problema ba?" kunot-noo kong tugon.

Serioso ang tingin niya sa akin, iyong tipong nagpakaba sa akin na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Alam ko ang pananaw namin ay lahat tutulungan namin ngunit may mga ganitong klaseng tao na hindi natin maaaring tulungan. Sila ang mga klaseng tao na magagawang manakit ng iba para sa pang sariling kaligayahan."

Hindi naman nila magagawa iyon, lasing lang kasi sila, iyon ang gusto kong sabihin pero lumaki na ko sa kalsada at marami na kong na engkwentro na manipulang tao. Hindi ko lang pinapansin ang mga ito ngunit hindi pa rin pwedeng ibalewala ang kanilang ugali.

Huwag gamitin ang pagiging lasing nila bilang dahilan kung bakit nagiging tarantado sila. Sadyang may mga tao na nagtatago ng kasamaan hanggang sa nahuli ka nila sa kahinaan mo.

"You don't always blame the system. Sometimes, people were just born to be cruel." paliwanag niya. "Sila ang mga tipo na hindi mo na magagawang baguhin dahil gano'n na talaga sila."

"Paano ka nakakasigurado na masama silang tao?" mausisa kong tanong. Gusto ko lang malaman kung paano ito nalalaman ni Binatang Bukid. Marunong ba siya magbasa ng tao?

Nilapitan niya ako at tumitig siya sa aking paningin.

"Sa mata nakikita ito. Tiningnan ka nila na may pagnanasa. Ang matinong tao ay hindi titingnan ka na gano'n." tumayo siya nang tuwid, nagtitiim ang panga niya.

"Hindi na ba sila mababago pa kahit bigyan ng pangalawang pagkakataon na maturuan sa tama?"

Desperada rin akong malaman ang ganito, kung may mga masasamang tao na pwedeng gawin mabuti muli. Posible rin ba ito mangyari?

Bumuntong-hininga siya.

"Depende sa ginawa niya at kung sino siya. Komplikado ang ating mundo at walang simpleng sagot na maibibigay dahil lahat ay magulo. Ang ating moralidad ay batay sa prinsipio at integridad ng isang tao na gumawa ng mabuti. Kung harap-harapan ka nila binabastos, paano pa kaya kapag nasa dilim na sila? Iyon ang hindi ko matatanggap na mga tao."

"Pero paano natin sila matutulungan?"

"You can't always help everyone." tinapik niya ang balikat ko bago siya nagpatuloy sa paglalakad.

Sumunod na ko sa kanya.

Marami kaming nilapitan na mga taong lansangan, isa-isa namin sila kinausap at may ibang pumayag na pakinggan ang sasabihin ko sa Luneta Park.

"Katulad ko lang din kayo! Nakatira ako sa ilalim ng tulay ng EDSA! Ang pamilya ko ay tinuturing na pulubi sa kalsada! Parehas man tayong naghirap pero pwede tayong magtulungan upang umangat!"

Nakuha ko ang kanilang atensyon, ang natutulong nilang kaluluwa ay gumising na mula sa likod ng kanyang lumiliwanag na mata.

"Pakinggan niyo ako! May pag-asa pa kayo na mabuhay na mapayapa! May tsansa pa kayong magkaroon ng magandang buhay!"

May isang pulubing matanda, puno ng balbas ang mukha at sira-sira na ang ngipin ang lumapit sa akin, tiningnan niya ako nang masama.

"Paano mo magagawa ito kung isa ka lamang pulubi? Ano naman maaambag mo kung wala ka rin naman katulad namin?"

"Ang aking boses ang sandata ko!" sigaw ko. "Pwede pa natin mabago ang kapalaran na ito, ang mabuhay at mamatay na mahirap! Pwede pa rin tayo magkaroon ng tsansa na umahon sa kahirapan! May oportunidad tayong baligtarin ang mundo!"

Nilingon ko si Binatang Bukid, nakangiti siya sa akin.

"Nangako ako sa pangalan ng aking ama, ina, at kapatid na wala na mabubuhay na mahirap! Nasa atin ang kapangyarihan at gagamitin ko ito upang makalaya tayong lahat!"

Natahimik sila nang ilan segundo. Ang iba sa kanila ay nagbulungan, may napansin pa kong umiiling.

May ibang mga pulubi na wala na talaga sa katinuan, nakatulala lang sa pader at kinakausap ang sarili. Ang iba naman ay nilagpasan lang ako, hindi pinapansin ang mga salita ko.

Nadismaya ako sa sarili ko. Akala ko may kakayahan din ako katulad nila na maliwanagan ang isipan ng ibang tao, ang maturuan sila upang mabago ang pananaw nila sa buhay.

Hindi pa ba sapat ang boses ko?

Tinapik ni Binatang Bukid ang balikat ko. Tumingala ako sa kanya.

"Huwag ka mag-alala kung walang nakikinig sa'yo ngayon dahil balang araw ay maririnig din nila ang boses mo sa kanilang puso."

Napangiti ako na siyang nagpaginhawa ng nagdududa kong kalooban.

Masaya rin ako na kasama ko si Binatang Bukid, pakiramdam ko hindi lang ako nag-iisa sa laban na ito, na kahit may pagkukulang man ako ay hindi niya pa rin ako sinusukuan.

Naglibot pa kami sa Manila, kung sinu-sino na mga taong lansangan ang nilapitan namin para matulungan sila. May mga pamilya na tumanggi na sumali sa samahan dahil pinili nilang unahin at alagaan ang kanilang anak kahit inalok namin na pwede rin nila itong gawin sa samahan.

Mukhang may ibang mga taong lansangan na hindi kayang pakawalan ang nakasanayan nila. Kahit sinabihan namin na mabibigyan namin sila ng pagkain, tolda, at panibagong buhay sa aming samahan, tinatanggihan pa rin nila kami dahil mas pipiliin pa nila ang pamilyar kaysa ang lingid ng mundo.

Karamihan sa kanila ay mga bata na tinalikuran na ng magulang nila, pinabayaan sila na alagaan ang sarili sa murang edad. Nakwento pa ng isang binata na binenta raw siya ng magulang niya para may pambili sila ng droga.

Nakakapanghinayang na ang kanilang kabataan ay napunta sa ganitong punto ng kawalan. Maraming nasayang at nawala.

Ito ang ayaw ko na mangyari sa mga kapatid ko kaya kahit nanghihina ang magulang ko ay ako na ang umaalaga sa kanila.

Napakasakit makita na may mga bata na imbes na naglalaro ng mataya-taya o nag-aaral sa paaralan, naghahanap sila ng makakakain sa basurahan at namamalimos na lang, ang iba pa sa kanila ay nalulong sa droga at gumagawa ng krimen dahil tuluyan na silang nawalan ng landas at hindi naturuan ng kabutihan.

Nasayang ang kabataan nila. Kinailangan na nilang maghanap-buhay at makaraos sa kanilang sitwasyon. Ang iba ay nilamon na ng galit ng mundo.

"Iyan na ba lahat na bagong kaanib natin?" tanong ni Tyranny. Binilang niya pa sila na nakakumpol sa harap niya.

"Ang daming mga bata, Tyranny..." puno ng pag-aalala ang tono ni Ylang-Ylang.

"Mabuti na 'yong sa atin sila lumapit kaysa sa iba na gagamitin sila sa maling paraan."

Nanlumo ako bigla. Paano na lang ang ibang kabataan na hindi pa namin nalalapitan?

***

Matapos namin dalhin ang mga pulubi na sumali sa aming samahan sa kampo, tumulong ako sa pagtayo ng panibagong tolda para may matulugan sila. Bumili si Ylang-Ylang ng sisig, adobo, at sinigang sa labas at nagsaing naman kami ng bigas mula sa kanilang rasyon. Isa-isa namin ito nilagay sa mangkok at inaabot sa mga pulubi.

"Saan kayo nakakakuha ng pagkain? May pondo ba tayo?" sunud-sunod kong tanong habang sinasalin ang mga ulam at kanin sa mangkok atsaka inaabot ito sa kanila.

"Ah, may magsasaka kasi sa atin. May mga tinanim siyang bigas noon atsaka dinala ang buong rasyon na kailangan natin para may makain tayo. Minsan nabili rin si Ylang-Ylang kapag nagkulang ang dala namin na panustos."

"Hindi ko akalain na may natulong sa atin mula sa labas."

"Hindi lang tayo nag-iisa sa laban na ito. May ibang tutulong sa atin at tayo rin ang tutulong sa kanila."

Dumadami na rin ang mga miyembro ng aming samahan. Kinailangan pa ng iba makihati ng tolda dahil naubusan na ito.

"Paano kapag dumami pa sila? Mapapakain ba natin silang lahat?"

Bumuntong-hininga si Gumamela.

"Sana lang. Paliit nang paliit ang hinahati namin na pagkain para lahat mayroon makain kaya naisipan ni Tyranny na bumalik muna sa ating tinubuang bayan."

"Tinubuang bayan?"

"Atsaka mo na malalaman kapag aalis na tayo."

Tumabi ako kay Gumamela na kumakain sa hawak na mangkok na inabot ko sa kanya. Sinabayan ko siyang kumain sa harap ng siga. Nakinig lang ako sa mga tawanan at kantahan nila habang nililiwanagan kami ng apoy at nagbibigay ng kahel na taginting sa aming mukha.

Hindi magtatapos dito ang pagtulong namin sa aming kapwa dahil hindi lang ang mga taong lansangan ang kailangan ng tulong. Mahirap na mabuhay sa panahon ngayon, upang makaahon sa hirap at pamumuhay, kailangan nating magkaisa.


🐦 MageAestheria 🐦

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 737 20
[ An epistolary novel ] Dear Mr. Villamor, I think your daughter stole my heart-literally "stole" my heart, sir. --- (Complete)
2.7K 397 7
Writing a letter is one of the ways to show how much you appreciate someone. The thought of making an effort in writing each and every letter, the th...
2.3M 110K 61
Avery Devon, an elf, is supposedly the Empress of Elfania but Severus Montfort managed to conquer her Empire and other Elven Kingdoms. Upang makataka...
50.9K 4.8K 69
"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Brianno...