The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)

374 25 4
By elyon0423

Makikitang malikot ang mga mata ni Nicole, pinapakiramdaman niya ang sarili kung saan lilitaw si Carlisle.

Segundo lang ay bigla itong nagpakita sa itaas niya at iwinasiwas nito ang espada, umiwas si Nicole pakanan, pero agad ring nakabawi si Carlisle at muli siya nitong inatake.

Matindi ang konsentrasyon ng dalawang magkatunggali upang maiwasan ang injury sa isat-isa.

Nang makalapag si Nicole sa sahig, pinakawalan niya ang arrow pero mabilis na naiwasan iyon ni Carlisle at nagulat na lang siya dahil nasa harapan na naman siya nito kaya tumalon ito para umiwas, subalit magkasing bilis lang silang dalawa kaya nang muli siyang makalapag ay sakto rin ang atake ni Carlisle sa kanya. Sinangga naman ng bow ni Nicole ang atakeng iyon.

Nasa ganoon silang kalagayan nang ilahad ni Nicole ang kaliwa niyang kamay na may ilang hibla ng buhok na biglang tumigas at naging matulis na bagay. Agad niyang inatake si Carlisle sa likod nito habang busy itong makipagtagisan ng lakas gamit ang kanilang mga sandata.

"Ah!" nagulat si Nicole dahil bukod pala sa espada nito'y may isa pang espada na bigla na lang sumulpot sa kaliwang kamay ni Carlisle kaya, nahiwa nito ang braso niya. Agad lumayo si Nicole sa kanya at napaluhod din ito. Nabitawan niya ang bow at hinawakan ang brasong may malaking hiwa. Hindi maikakaila ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pagbabago ng expression nito, tila naghahabol din siya ng hangin, patunay na mabigat ang laban nilang dalawa.

"Sumuko ka na bago pa mahuli ang lahat." Mahinahong sabi ni Carlisle.

"At kailan ka pa naging joker? Hindi bagay sa'yo ang magpatawa. Hindi rin bagay ang cold hearted na kagaya mo ang mag-alala, lalo na sa kalaban." Napakaraming dugo man sa mga kamay ni Nicole ay muli niyang kinuha ang bow at dahang-dahang tumayo. "Sumuko? If I remember there's no 'give up' na word sa dictionary ko." Muli niyang hinanda ang sandata niya para sa pag-atake. "In this ironic life, ang salitang pagsuko ay para lang sa mahihina. I did my best ever since, kahit na alam kong mas malakas ang mga kapatid ko kaysa sa akin, pinilit kong pantayan sila but they always treat me like a princess at sila ang knight's ko. I hate it... Kahit ayaw nila ay pinilit kong subukan na makuha ang loob ng four elements. I was really excited and hoping na sa aming lahat ako---ako ang mapipili nila." Tiningnan ako ni Nicole. "...pero nabigo ako. Gusto mong malaman kung paano pumipili ang apat na elemento ng vessel?" tanong niya sa akin.

Bakit ako na naman puntirya niya? Nakalimutan ba niya na hindi ako ang kalaban niya?

"Forget it... I'm sure hindi mo 'yun magagawa. Ang four elements ay para lamang sa malalakas na nilalang. Hindi kakayanin ng katawan mo ang tulad nila. Patunay lang na mahina ka dahil bukod sa new soul ka pa lang. Walang kahit na anong background ang magpapatunay na special ang ancestors mo. Mamamatay ka lang kung ipipilit mo ang sarili mo. Nakatitiyak ako sa bagay na 'yun."

Napayuko na lang ako. Bakit ba palagi na lang nilang sinasabi na mahina ako? Na hindi ko deserve ang maging sisidlan?

"Hindi ka kabilang sa apat na elemento at mas lalong hindi ikaw ang lumikha para sabihing karapat-dapat ang isang nilalang."

Nagulat ako at agad napatingin kay Carlisle.

"Carl..." mahinang sabi ni Akihiro.

"Tama ba ang naririnig ko? Sa pananalita mo'y tila pinagtatanggol mo ang mahinang ito. Bakit? May gusto ka ba sa kanya?" napangisi si Nicole.

"Ayoko talaga sa mga taong madaldal. At sa lahat ng madaldal, ikaw ang pinakamasakit sa tainga pakinggan. Walang basehan ang pinagsasabi mo, bukod sa may lahi ka nang mangkukulam ay naging manghuhula ka na rin." Inangat ni Carlisle ang espada niya. "Tapusin na natin 'to para makapagpahinga na ang tainga ko."

Halatang naasar si Nicole sa sinabi ni Carlisle. "Ikaw... Wala kang karapatang pagsalitain ako ng ganyan!!! Walang sino man ang may karapatang insultuhin ako! Kahit ang isang katulad mo!"

"Parang timang, siya nga diyan 'yung kanina pa nang iinsulto eh. Maganda lang pero may saltik ang utak... Hay sayang." Sabi ni Troy habang napapa-iling. Tiningnan niya ako at kinindatan. "Hihi... Nga pala baka puwedeng makita ko rin mukha mo. Baka kasi mas maganda ka kaysa du'n kay Miss Golden hair." Sinamaan ko siya ng tingin. "Damot..." bulong niya habang nakanguso.

Iniwas ko na ang tingin sa kanya at binalik ang tingin kay Carlisle at Nicole. Tumalon si Nicole at umikot ang katawan niya ng 360 degrees habang hawak ang bow and arrow. Tinutok niya ito kay Carlisle. Habang si Carlisle pinuwesto sa harap ang espada, marahil ay naghahanda siya sa pag-atake ng kalaban.

Pinakawalan ni Nicole ang arrow pero hindi iyon iniwasan ni Carlisle at hindi na rin niya hinintay pang makalapit ito. Agad niyang sinalubong ang arrow at ginamit niya ang espada upang hatiin ito sa gitna. Sunod-sunod ang atake ni Nicole pero malakas ang dipensa ni Carlisle. Nang makalapag si Nicole ay patuloy siya sa pag-atake habang tumatakbo papunta sa ibat ibang direksyon upang hindi makalapit sa kanya si Carlisle.

Muling dumami ang espada ni Carlisle at ang tatlo'y diretsyong pinuntirya si Nicole. Medyo nagulat si Nicole dahil sa bilis ng pagbulusok ng mga espada sa kanya, mabuti na lang at nakaiwas pa rin siya rito. Hindi na niya nagawa pang magamit ang bow and arrow. Bago pa tuluyang sumayad ang tatlong espada sa katawan niya ay bigla na lang humaba ang buhok niya, at pinalibutan ang boo niyang katawan.

"Wow! Ang dami pa lang gamit ng buhok niya, puwedeng maging shield." Sabi ni Troy na tila aliw na aliw sa mga nasasaksihan habang kami nama'y nakatutok na lang sa dalawa. Ayokong ma-distract ngayon at baka hindi ko masundan ang mga nangyayari. Malakas ang dalawang ito at hindi mo malalaman kung sino sa kanila ang matatalo.

Hindi na inalis ni Nicole ang shield kaya hindi na namin makita ang boo niyang katawan. Hindi na rin siguro nakatiis si Carlisle at sinugod na niya si Nicole pero nagulat siya dahil biglang naglabasan ang mga patalim na buhok ni Nicole mula sa shield at inatake siya nito.

"Hah!" nagawa niyang mailihis ang ibang patalim gamit ang kanyang espada ngunit... "Urgh..." tinamaan siya ng iba pa sa ibat ibang bahagi ng katawan niya, dahil sa dami nang mga iyon ay imposible niyang maiwasan lahat lalo pa't mukhang hindi niya talaga inasahan ang atake nito.

"Ha-ha-ha!!! You deserved it." Halos mag-echo na lang ang boses ni Nicole. Medyo gumalaw ng bahagya ang buhok ni Nicole banda sa kanyang ulo at umuwang ang isa niyang mata. Marahil upang makita niya ang itsura ng kalaban. "Aw, masakit ba? Nakakatuwa ka namang tingnan."

Tila hirap na hirap si Carlisle sa itsura niya. "Kung sugat lang ang pag-uusapan, kayang kaya naman ni Carlisle kahit gaano pa karaming sugat ang matamo niya." Sabi ni Akihiro.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Hindi sugat ang nagpapahirap sa kanya, kundi ang Juliet potion na humalo sa buhok ni Nicole."

Umiiling si Carlisle na parang pinipilit niyang hindi makatulog, tinusok niya ang dulo ng espada sa sahig upang masuportahan nito ang bigat niya dahil halos bumagsak na siya sa sahig. Hinawakan niya rin ang dibdib niya, marahil ay umiipekto na ang potion sa puso niya, hingal na hingal na rin kasi siya at kahit medyo malayo ako'y kita ko ang mga pawis na lumalabas sa kanyang noo.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi pa tuluyang mawawalan ng tibok ang puso mo, kaunting potion pa lang ang nakakapasok sa katawan mo. Darating din tayo du'n. Ha-ha-ha."

Hindi naman pinatulan ni Carlisle ang sinasabi ni Nicole. Muling naging lima ang espada ni Carlisle pero imbis na sumugod ang mga ito sa kalaban ay sa sarili niya ginamit.

"Anong..."

Nagulat ako dahil lahat ng sugat niya'y pinuntirya niya ng espada kaya mas lumaki tuloy ang mga sugat niya at dumaloy ang masagana niyang dugo. "Urgh..." daing nito. Nakahalo sa dugo niya ang ilang kulay itim na likido. Marahil iyon ang potion. Ganoon pala ang kulay ng potion kapag humahalo na sa dugo.

Hindi naman natuwa du'n si Nicole kaya muli siyang sumugod rito. "Humanda ka!"

Samantalang si Carlisle naman ay nanatili lang sa kanyang puwesto, hindi alintana sa kanya ang papasugod na mga patalim na buhok ni Nicole.

"Tingnan mo ang bibig ni Carl." Sabi ni Akihiro.

Pagkakataon mo na, gawin mo kung anong gusto mo...

Iyon ang nabasa ko sa pagbukas ng kanyang labi. "Sinong kinakausap ni Carlisle?" takang tanong ko.

"Katapusan mo na!" sigaw ni Nicole.

Nanlaki ang mata ko dahil may biglang niluwa si Carlisle sa bibig niya na parang apoy at lumutang sa harap niya.

"Ako nang bahala!" sabi ng nagliliwanag na bolang apoy at agad sinugod ang mga patalim ni Nicole. Dumikit ang mga buhok na patalim sa bolang apoy at nasunog lang lahat ito.

"Huwag mong sabihing iyan ang..."

"Santelmo."

Pagpapatuloy ni Akihiro sa sinabi ko.

"Walang dating sa akin ang mga buhok!" napakatinis ng boses nito na akala mo may naipit na ugat sa lalamunan. "Ako naman!" agad itong sumugod kay Nicole.

Si Nicole naman ay hindi makapaniwala pero muli niyang tinago ang mata niya sa kumpol na buhok na ginawa niyang pananggalang, subalit... "Ahhh!!!" nang tamaan ang shield ni Nicole ay umapoy ito at unti-unting natupok kaya lumantad ang buong katawan ni Nicole. Nakakamangha lang dahil hindi natupok ang damit ni Nicole subalit umikli ang napakaganda nitong buhok. Sobrang dungis na nga lang ng buo niyang katawan. Lumayo ang santelmo sa katawan ni Nicole at dahil doon ay napaluhod na rin si Nicole habang umuusok ang boo niyang katawan. Halos hindi makapaniwala ang expression ng mukha niya. Ilang sigundo pa ay biglang sumuka si Nicole ng itim na dugo.

"Anong nangyayari sa kanya?"

"Iyan ang sinasabi kong tamang panahon... Ahihi, ang galing galing ko na talaga." Bilib na bilib si Troy sa sarili niya. "Iyon nga lang ang tagal bago tumalab sa kanya pero kahit paano satisfied naman ako, kung mapapadali ang epekto sa kanya ng potion baka wala tayong masasaksihang magandang laban ngayon. Ang saya!!!"

Tiningnan ko lang si Troy.

"Hindi porke anak siya ng mangkukulam ay hindi na tatalab sa kanya ang potion. Hindi nga lang umipekto sa kanya agad dahil kasama itong nire-released ng buhok niya, ganoon pa man mas maraming amount ng potion ang nakuha ng katawan niya at dahil same blood sila ng pinagmulan ng potion kaya mas malaki ang naging epekto nito sa kanya."

"Pa-paano mo nalaman?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. "Theory ko lang hehe..."

Tumango na lang ako kahit na hindi ako sigurado kung dapat ba akong makumbinsi sa sinabi niya.

Matapos niyon ay biglang bumagsak si Nicole, habang si Carlisle naman ay pinilit na tumayo habang lumilipad sa tabi niya ang santelmo. "Tapos na." Sabi nito sa kanya. Hindi naman umimik itong isa, ni hindi man lang nagpasalamat sa santelmong tumulong sa kanya.

"Tapos na ang laban, ang nanalo ay si Carlisle Montefalco!" announced ni Mr. Bill. "Mangyaring..." hindi pa naman natatapos ang pagsasalita ni Mr. Bill ay biglang bumagsak si Carlisle.

"Carl!" tumakbo kami papunta sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko pero hindi ako sinagot ni Akihiro.

"Patingin ako..." sumulpot sa tabi namin si Mr. Bill at pinulsuhan si Carlisle. "Mamamatay na siya." Sabi nito.

Shocked ako sa sinabi ni Mr. Bill. Hindi ako ready na mamatay si Carlisle. "Si-sigurado po ba kayo? Dalhin na po natin siya sa hospital!" nagpa-panic na talaga ako.

Umiling si Mr. Bill. "Hindi makakatulong ang doctor sa kanya." Tumayo ito at tiningnan ang palutang lutang na santelmo. "Kailangan mong bumalik sa katawan niya." Sabi nito sa santelmo.

"Ang ibig niyo pong sabihin, ang buhay ni Carlisle ay nakasalalay sa santelmo? Alam po ba ni Carlisle ang bagay na 'yun?" tanong ko kay Mr. Bill. Hindi ito sumagot kaya I considered na 'oo' ang sagot niya. "Pero bakit po niya niluwa ang santelmo kung alam pala niyang mamamatay siya?" napatingin ako sa walang malay na si Carlisle. Nakakaramdam na ako ng halo-halong imosyon na hindi ko na maisalarawan pa. Tiningnan ko ang santelmo at bahagyang lumapit sa kanya. "Bumalik ka na sa katawan ni Carlisle." Utos ko rito.

"Gustuhin ko man pero hindi ko kaya na ako lang mag-isa. Kailangan may hahawak sa katawan kong kayang indahin ang init ng aking katawan at ipasok sa katawan niya." Paliwanag nito.

"Lumapit ka sa kamay niya dahil siya lang makakagawa nu'n." Sabi ko.

"Hindi na kaya ni Carl, Elyon." Sabi ni Akihiro. "Mahina na siya..."

"Malakas na nilalang ang puwedeng humawak sa katawan ng santelmo at upang mapuwersa ang pagpasok nito sa loob. Mahihirapang makapasok sa bibig ni Carl ang santelmo dahil wala na siyang kakayanang lunukin pa ito, ang pinakamagandang solusyon ay padadaanin sa katawan niya ang santelmo." Paliwanag ni Mr. Bill.

Napahawak na lang ako sa aking noo at napatingin sa katawan ni Carlisle. "Letche talaga siya!" Lumapit ako sa katawan niyang walang malay at kinuwelyuhan siya. Wala akong pakialam kung mahina na siya, I'm sure maririnig pa rin naman niya ako dahil siya si Carlisle. "Hoy hangal! Akala ko ba malakas ka? Huwag kang magpatay patayan diyan! Gumising ka! Sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin para mabuhay ka kahit wala ang santelmo!"

Hinawakan ni Akihiro ang magkabila kong balikat. "Elyon, tama na..."

"Sino sa atin mas hangal ngayon huh!!! Ang yabang mo pa pero hindi mo rin pala kayang iligtas ang sarili mo..." hindi ko alam pero na-iiyak na ako. "Sabihin mo... Sabihin mo kung anong dapat kong gawin." Tila nanghina na lang ang mga kamay ko kaya nabitawan ko na lang ang kuwelyo ni Carlisle at napahawak sa aking maskara na sa likod nito'y ang aking mukhang basa na ng luha. "Kahit halimaw ka, kahit nakaka-inis ka, wala kang karapatang mamatay." Hindi ko alam pero, ayokong mamatayan ng kakilala. Hindi ko matatanggap iyon.

"Tsk, ngayon mo patunayang hindi ka mahina. Huwag kang shunga, ang santelmo lang ang tanging solusyon para mabuhay si Mr. Montefalco." Napahinto ako sa pag-iyak at tiningnan si Nicole na ngayo'y inaalalayan ng mga nakaputi ang kasuotan. Hindi pa pala siya nawawalan ng malay pero halata sa kanya na hinang hina na siya, habang pinupunasan niya ang bibig niyang may bahid pa ng itim na dugo. "Bakit hindi ikaw ang gumawa? Tutal naman pinipilit mo ang sarili mo rito. Kung talagang gusto mo siyang mabuhay, gawin mo iyon para sa kanya."

"Elyon huwag kang makinig sa kanya." Pigil sa akin ni Akihiro. "Ako na ang gagawa." Pagpiprisinta nito. Ngumisi lang si Nicole sa kanya at hinayaan si Akihiro na makalapit sa santelmo.

"Akihiro..." tawag ko sa kanya pero nginitian lang niya ako.

"Kaibigan ko si Carl, at responsibilidad ko ang mga kaibigan ko." Sabi nito. Naantig ako sa sinabi ni Akihiro, napaka-pure talaga ng puso ni Akihiro kaya masuwerte ang mga kaibigan niya sa kanya.

Hindi na namin siya pinigilan ni Mr. Bill. "Mag-iingat ka." Iyon na lang ang nasabi ko.

Dahan-dahan lang ang paglapit ng mga kamay niya sa santelmo. "Heto na." Sabi nito at agad hinawakan ang santelmo. Noong una'y parang okay lang sa kanya pero hindi pa masyadong nagtatagal sa kanya ang santelmo, nakikita ko na sa mukha niyang nasasaktan na siya. Hindi pa man sila nakakalapit sa katawan ni Carlisle. "Ahhh!!!" hiyaw nito.

"Aki bitaw na!" sabi ni Mr. Bill.

"Hindi puwede. Mahalaga ang buhay ni Carl!"

"Matutusta ka kapag pinagpatuloy mo pa!"

"Ahhh!!!"

Pinilit ni Akihiro pero hinawakan na siya ni Mr. Bill, hanggang sa nabitawan nito ang santelmo. Umusok ang katawan ni Akihiro habang injured ang mga kamay nito. "Nakaka-inis!" nasuntok niya ang sahig kahit na may injury na siya dahil sa frustration.

"Ano? Tatanga ka na lang ba diyan?" hindi pa pala lumalabas si Nicole. Hinihintay niya sigurong ako ang gumawa.

"Urggh..." napatingin kami kay Carlisle na parang may nais kumawala sa katawan niya hanggang sa sumuka na ito ng dugo.

"Masama ito, wala na siyang natitirang oras." Sabi ni Mr. Bill.

"Huh! Mahinang nilalang." Sabi ni Nicole at nagpatulong na ito sa mga nakaputing kasuotan upang ilabas siya rito.

"Elyon!" tawag sa akin ni Akihiro.

Tumayo ako sa harap ng santelmo. "Gagawin mo talaga?" sabi ni Nicole na hindi na pala itinuloy ang paglabas. Umikot ang mata ko ng 360 degress at nakita ko ang iba pang narito na nakatingin sa akin. "Hmmm, go... Para naman sabay na tayong malabas dito." Hindi ko na siya pinansin dahil nakatutok ako sa santelmong nasa harap ko ngayon.

"Sigurado ka ba?" tanong ng santelmo sa akin. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon. "Kung iyan ang nais mo." Iyon lang at inangat ko na ang aking magkabilang kamay. Wala na akong pakialam kung masunog pa ang buo kong katawan, basta bago man lang ako masunog ay maipasok ko kay Carlisle ang santelmo.

Dahan-dahan ang aking paglapit hanggang sa pikit mata kong hinawakan ang katawan ng santelmo kasabay ang pag-usad ng panalangin na kung mararamdaman ko man ang sakit ay magawa ko itong indahin. "Carlisle, hintayin mo ang santelmo. Ihahatid ko siya sa'yo..."



ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

228K 3.6K 53
[COMPLETED] [UNEDITED] This is a Fantasy Story. This work is not perfect so expect some grammatical and typographical words. All Rights Reserved.
9.8M 533K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
28.1K 1.3K 55
Do you want to study in X.O.S Academy? An academy in an extraordinary world? A world that no one think exist. A world where you are obliged to play a...
153K 3.9K 68
12 ZODIAC SIGNS, 13 PROTECTORS. Why is it 13 kung 12 lang talaga ang Zodiac signs? Simple lang ang pamumuhay ng mga kabataan na 'to. Nabago na lang...