The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)

642 28 6
By elyon0423

"Humanda ka?!" sigaw ni Nicole. Kasunod nu'n ang pagbunyag ng kanyang abilidad. Naglabas siya ng gunting at pinutol ang humaba niyang buhok. Ilang segundo lang ay kusang gumalaw ang bawat hibla ng buhok ni Nicole. Kusang nagkadikit-dikit ang mga ito, tumigas at naging isang patalim. Ilang patalim din ang nagawa gamit ang mga buhok ni Nicole.

Hindi ko alam kung anong abilidad meron siya subalit nakakamangha iyon. Ngumisi siya na parang proud na proud siya sa mga nangyayari. "My mom was a witch, and before she died pinamana niya sa akin ang abilidad niya. Ginagamit niya ang buhok niya para gumawa ng lason." Tumingin sa akin si Nicole. "Do you remember the Juliet potion?"

Hindi ako umimik kahit tandang-tanda ko pa kung paano pinalabas ni Master Luis and Lady Margareth ang kamatayan ko. Kung hindi ako nagkakamali ako pa lang ang unang taong naka-inom ng potion na 'yun.

"One of the ingredients that my brother used was the hair of my mom. Since it was urgent that time they never tried it to animals, so that means..."

"Alam ko... Huwag ka nang mag-explain. Nasabi na rin sa akin ni Master Luis na ako ang kauna-unahang gumamit nu'n. It was successful by the way kaya nakatayo pa rin ako sa harap mo." Bakit pa niya kailangan ipaliwanag ang bagay na matagal ko nang alam? Hay naku.

Pumikit na lamang siya saka muling dumilat. "Nakakalungkot lang..." pagpapatuloy niya. "Hindi ko totally namana ang abilidad ni mom. Instead, iba ang kinalabasan ng buhok ko. Noong una I hate it. Dahil binibigyan ako nito ng matinding head ache lalo pa kung papaano ko gagawing kapaki-pakinabang ang buhok ko, but now? Syempre iba na ang sitwasyon. Lalo pa ngayon na naka-abot ako rito."

Noong una pa lang alam ko nang may kakaiba sa buhok niya. Para kasing may sarili itong buhay sa tuwing naglalakad siya.

Itinaas ni Nicole ang kamay niya at biglang nagsikilos ang mga buhok na patalim at inatake nito si Carlisle pero parang hindi man lang siya nabahala sa kung anong mangyayari sa kanya sakaling tamaan nang mga 'yun.

Marami ang nagawang patalim ni Nicole at lahat ng iyon ay bumagsak din sa direksyon ni Carlisle. Dahil sa sunod-sunod na atake ng patalim ang iba ay dumiretsyo na lamang sa sahig kaya nagkaroon ng ingay na tila may winawasak na matitigas na bagay, at dahil doon ay nagkaroon ng nakakabulag na usok na nagmula sa mga nawasak na simento kaya natakpan nito ang imahe ni Carlisle.

Ilang segundo lang ang lumipas at unti-unti na ring nawawala ang mga usok, hanggang sa bumungad sa amin ang mga mas maliliit pang pirasong buhok na animo'y pinagtatapyas, may hawak rin na kumpol ng buhok si Carlisle na wala nang buhay. Samantala pirmi lang sa kanan niyang kamay ang espada nitong tila nagkaroon ng kinang.

"Teka, kanina lang parang simpleng wooden sword lang 'yun 'di ba? Paanong nagkaroon ng talim iyon?" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Gusto kong malaman kung ano nga bang abilidad mayroon si Carlisle.

"Ang totoo wala akong maikukuwento dahil hindi ko rin alam kahit pa palagi kaming magkasama." Sabi ni Akihiro.

Napangisi si Nicole. "I knew your not an easy target but I was surprised on how pathetic your friends was. They don't know you at all kahit palagi pa kayong magkasama." Muling humaba ang buhok nito at ginupit iyon, muling bumuo nang panibagong patalim ang bruha. This time palakol naman ang nabuo niya at agad sumugod kay Carlisle.

Si Carlisle naman ay kalmado lang ang pag-iwas sa bawat atake ni Nicole. Sinusubukan din niyang hiwain ang mga ito.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko kay Nicole kahit nakakainis na siya. May alam ba siya kay Carlisle?

"Take a wild guess, idiot."

Biglang naglabasan ang ugat sa noo ko dahil sa sinabi ni Nicole. Tinawag ba naman niya akong idiot eh. "Nagtatanong ako ng matino. Kaya ine-expect ko matinong sagot din mare-received ko sa feeling magandang kagaya mo." Naubusan na ako ng pasensya sa bruhang 'to.

Kumunot naman ang noo niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko na 'feeling maganda' siya. Ganoon pa man mamangha ka sa konsentrasyon niya dahil nakatutok pa rin siya sa target niya. Although pirming nakatayo lang ang katawan niya, alam kong nangangailangan ng matinding konsentrasyon ang paggalaw ng buhok niya.

Habang tumatakbo si Carlisle ay sinusundan siya ng buhok na palakol ni Nicole. Nang halos malapit na ang buhok na palakol ay agad itong umasiwas upang tamaan ang katawan niya. Napalingon ng bahagya si Carlisle saka tumalon upang maiwasan ito. Nang dahil sa ginawa niyang pag-iwas ay nailantad ng magulo niyang buhok ang itinatago niyang mata. Sa sahig ang nahiwa ng palakol ni Nicole subalit biglang nanlaki ang mata ni Carlisle dahil mukhang hindi niya nagpaghandaan ang sunod na atake. Hindi pa kasi siya nakababa ay biglang umangat ang palakol at agad siyang sinugod. Pagwasiwas nito ay agad na dumipensa si Carlisle sa pamamagitan ng hawak niyang sandata. Marahil hindi niya nakayanan ang bigat ng atake kaya nabitawan niya ang espada at timilapon ito sa kung saan.

Muling bumalik sa dating anyo ang espada. Naging isang ordinaryong wooden sword na lamang ito.

Samantala paglapag ng katawan ni Carlisle ay agad siyang tumakbo upang kunin ang espada niya, at sakto namang paghawak niya'y nasa likod na ang palakol ni Nicole. Agad siyang humarap at saktong nagbanggaan ang dalawang sandata. Muling naging patalim ang hawak na espada ni Carlisle.

"Parang hindi si Carl ang nakikita ko," komento ni Akihiro. "Hindi siya ganyang makipaglaban. May dinaramdam ba siya?"

"Ano bang sinasabi mo diyan?" tanong ko kay Akihiro, pero hindi na ito umimik. Mukhang may malalim siyang iniisip.

Sa inis ko ay sumigaw na ako. "Hoy, Carlisle na masungit!" tinuro ko siya habang nakikipaglaban siya sa buhok na palakol. "Hindi kita gusto dahil bukod sa sobrang talino mo kahit panay lang ang tulog mo sa klase, eh saksakan ka ng kaangasan."

"Na praning ka na ba idiot?" kutya ni Nicole pero hindi ko siya pinansin. Kay Carlisle lang ako nakatingin.

"IPAKITA MO SA AKIN ANG YABANG MO HINAYUPAK KA! SI NICOLE LANG 'YAN!" napakamot na lang ng ulo si Akihiro sa akin.

"Isa ka pang maingay." Walang kalatuy-latoy na sabi ni Carlisle. At least nagsalita siya. Akala ko hindi niya ako papansinin eh. Satisfied naman ako sa ginawa ko kaya huminto na rin ako.

Tila parang nabuhayan naman ng loob si Carlisle at nagawa niyang makipagsabayan ng kaunti kay Nicole. Iyon nga lang parang hindi pa rin ganoon ka sapat dahil puro pag-iwas lang ang madalas niyang ginagawa. "Ano ba talagang nangyayari? Hindi kaya mahina na talaga siya?" posible kasing matindi ang naging laban niya bago siya nakarating dito.

"Imposible, hindi ganoon na klase si Carl. Isa pa matagal siyang nakapagpahinga." Pagtanggi ni Akihiro.

Nagulat na lang kami dahil bumulagta si Carlisle sa harap namin. May hiwa na ang tiyan niya at tumutulo na ang sariwa niyang dugo. Kung kanina ay madungis siya, parang mas madungis pa siya ngayon. Sa totoo lang nag-aalala na talaga ako. "Carlisle..." mahina kong tawag sa kanya.

"Ha-ha-ha!" napatingi kami kay Nicole na halos mamula-mula sa itsura. "Talagang wala kayong alam ano? Hay naku, hindi mo man lang sinabi sa kanila Mr. Montefalco. That means hindi mo sila tinuturing na mga kaibigan. Assuming lang pala sila."

"Tumahimik ka!" kahit na nahihirapan ay nagawa pa ring makatayo ni Carlisle, pero sobra na talaga akong naiintriga sa sinasabi ni Nicole... Nakakainis kasi eh. Pinapabitin pa kami. Puwede namang sabihin na agad.

"Anyway, don't worry guys, hindi naman ako kagaya ng iba na sinasamantala ang kahinaan ng kalaban. Marunong naman akong maghintay kaya inuunti-unti ko lang itong si Mr. Montefalco." Sabi ni Nicole. "But I'm afraid na baka hindi ka na umabot sa tamang oras." Tumingin siya kay Nathaniel. Napatiim bagang na lang ito sa kanya. "Hindi ako kasing duwag at kasing hina ng iba."

"Ako ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Nathaniel kay Nicole.

"Wala akong binabanggit na pangalan."

"Tsk."

Ibinalik ni Nicole ang tingin kay Carlisle upang muling umataki. Ikinumpas ni Nicole ang kamay niya papunta sa direksyon ng kalaban kaya muli siyang sinugod ng sandata nito. Subalit si Carlisle panay pa rin ang salag at pag-iwas lang ang madalas niyang ginagawa. Hanggang sa muli na naman siyang tamaan nito sa kaliwa niyang binti.

"Ano bang hinihintay nilang tamang pagkakataon?" frustrated na ako sa nangyayari.

Hindi pa man siya nakakatayo ay inatake na naman siya ng sandata ni Nicole. Agad naman siyang naka-iwas subalit nagpagulong na lang si Carlisle kasama ng mga nawasak na bato.

Muli sanang susugod si Nicole subalit napahinto siya nang marinig ang pagtunog ng orasan.

Napatingin ako kay Mr. Bill dahil nakatingin na ito sa wrist watch niya, pati tuloy si Akihiro ay ganoon ang ginawa. Dahil sa kuryosidad ay tiningnan ko na rin ang oras sa relo ko. 7:30 na ng gabi. Teka? 7:30 pa lang ng gabi? Bakit parang ang bagal naman yata ng oras?" Pakiramdam ko tatlong araw na akong nakikipaglaban.

"Dahil iyon sa dimension na pinasok natin kanina. Huminto ang oras noong nasa dimension tayo pero sa realidad halos tatlumpong minuto lang talaga tayo nawala. Isa pa, ang lugar na ito ay dimension din subalit kumpara sa naunang dimension ang konsepto naman nito ay upang pabagalin lamang ang oras kaya akala natin matagal na tayong nandito," paliwanag ni Akihiro.

"Teka kung tatlumpong minutong huminto ang oras sa naunang dimension ibigsabihin late ang orasan ko?"

Tumango lang si Akihiro.

"Nakakapagtaka. Hindi ba dapat tumutunog ang oras pagsapit ng midnight? Pero bakit parang nakapa-aga naman yata?" muli kong tanong.

"Hay naku! Sino pa kayang capable na gagawa nu'n mga ignorante!" sabi ni Nicole. Tinuro niya si Mr. Bill na pirmi lang nakatingin sa wrist watch niya. "Alam kong ikaw ang nag-set ng oras na iyon para malaman ng isa rito hindi ba?"

Ngumiti muna si Mr. Bill. "Ipagpaumanhin mo Miss Dunstan subalit hindi na kailangan pa ng hudyat para malaman ni Carlisle ang oras dahil natural siyang lumalakas kapag tuluyan nang nagdilim."

"Tsk. Anyway, okay lang naman sa akin iyon since mas gusto kong patas kami nitong kalaban ko. I think, I deserved a simple thank you from Mr. Montefalco right?"

Bukod sa kayabangan ni Nicole, eh naiinis din ako dahil wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila. "Puwede ba sabihin niyo ang mga nalalaman niyo?"

Napatingin kami kay Carlisle na dahan-dahang tumatayo dala ang kakaibang enerhiya. Kung titingnan parang wala lang sa kanya ang mga natamo niyang sugat. A-ang lakas... Ganito ba talaga kalakas ang tunay na Carlisle? Sa tindi ng enerhiyang nararamdaman ko parang nanlalambot ang tuhod ko. At dahil doon ay bigla akong inalalayan ni Akihiro.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Pinilit ko na lang tumango sa kanya. "Hindi ko inaasahan na mas higit pa roon ang lakas niya. Hindi kasi ganito ang usual na energy niya everytime na may training kami," sabi ni Akihiro.

"May nais akong ikuwento sa inyo kung pahihintulutan ninyo ako." Paalam ni Mr. Bill. Wala namang tumutol sa kanya kaya pinagpatuloy niya ang pagsasalita. "May nabasa ako noon sa isang lumang magazine. October 4, alas tres ng madaling araw nang may batang nakahiga noon sa dalampasigan. Na-amazed ang batang iyon sa meteor shower, hindi niya napansin na naglalakad na pala siya papunta sa tubig, hanggang sa may isang bulalakaw na nahulog sa harap niya. Manghang mangha ang batang iyon dahil sa ganda ng kinang nito. Ang sabi ng batang iyon nakakita siya ng santelmo at kinausap siya nitong kainin siya dahil nais nitong mabuhay pa ng matagal. Ginawa naman ng batang iyon ang nais ng santelmo. Kinabukasan natagpuang patay ang bata na palutang lutang sa tubig. Ang sabi nila nalunod raw ito. Hindi agad naimbalsamo ang bata dahil hinintay pa ang mga magulang nito na nasa Maynila. Pagsapit ng dapit-hapon nagulat sila dahil biglang nagkapulso ang bata, hanggang sa tuluyan itong nagising pagsapit ng dilim. Ang kaso lang tuwing sumasapit ang araw ay nanghihina ang bata kaya natutulog ito sa umaga at buhay na buhay naman sa gabi. Hanggang sa naka-imbento ng supplement para magkaroon siya ng lakas kahit maaraw," kuwento nito.

Dahil sa kuwentong iyon kaya parang luminaw na sa akin ang lahat. Napatingin ako kay Carlisle. "Siya ang batang iyon tama po ba?" tanong ko kay Mr. Bill. Hindi naman ito umimik. "Kaya siguro siya madalas natutulog sa klase, pero kung may naimbento na supplement bakit panay pa rin ang tulog niya?"

"Maaring limited lang ang kayang ibigay ng supplement. Madalas sigurong sini-save niya ang energy sa umaga sa pamamagitan ng pagtulog niya." Sabi ni Akihiro.

"Teachers and staffs knew his condition, kaya like you meron din siyang special treatment. I'm okay with that, but you? It's disgusting na malamang ang hampas lupang gaya mo ay nagkaroon ng special treatment," sabi ni Nicole.

Hindi ko na lang pinansin si Nicole. Nakakasawa na rin kasing patulan ang isang 'to.

"But even na mahina ako every morning it doesn't mean na hindi ko na alam ang kakayahan ng mga tao," sabi ni Carlisle. Napatingin siya sa akin kaya nakaramdam ako ng pangingilabot.

I-ibig sabihin ba nu'n alam niya kung gaano ako kahina? D-Dapat ba akong matakot du'n?

ITUTULOY...

Note: Ngayon ay March 25, 2020 at kasagsagan ng covid-19. Manatili lamang po tayo sa ating mga bahay. Please huwag pong matigas ang ulo specially sa mga kabataan. Ang dami ko pong nababalitaan na hinuhuli ngayon dahil sa pagtambay sa labas. Ang ating frontliners ay ginagawa po ang lahat ng makakaya nila at sinusuong ang buhay nila para po sa atin. Tulungan po natin sila. Stay home po tayo, para hindi na rin ma-extend ang quarantine. Maraming salamat po and keep safe.

Elyon Dela Cruz

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 127K 54
Allisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be...
25.3K 1.2K 50
[Mystic Academy: Book I] π•±π–Žπ–—π–Š, π–‚π–†π–™π–Šπ–—, 𝕰𝖆𝖗𝖙𝖍 𝖆𝖓𝖉 π•¬π–Žπ–—. π•Ώπ–π–Š π–‹π–”π–šπ–— π–’π–†π–Žπ–“ π–Šπ–‘π–Šπ–’π–Šπ–“π–™π–˜ 𝖙𝖍𝖆𝖙 π–π–Šπ–Šπ–• π–™π–π–Š 𝖇𝖆𝖑𝖆�...
196K 7.7K 61
[CLANNERS 01] She is Nariah Riye VelniroΓ±ia, a woman who had no idea who she really is. She only lives in an orphanage avoiding the people around her...
1M 60.4K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***