E N G K A N T O

By RoseTanPHR

84.9K 2.4K 215

Ma-ENGKANTO sa Manila International Book Fair 2017, September 16-17, sa SM Mall of Asia. More

P R O L O G U E
CHAPTER ONE
Chapter Two
chapter three
Part 4
Part 5
Untitled Part 6
Untitled Part 7
Untitled Part 8
Untitled Part 9
Untitled Part 10
Untitled Part 11
Untitled Part 13
Untitled Part 14
Untitled Part 15
Untitled Part 16
Untitled Part 17
Untitled Part 18
Untitled Part 19
Untitled Part 20
Untitled Part 21
Untitled Part 22
Untitled Part 23
Untitled Part 24
Untitled Part 25
Untitled Part 26
Untitled Part 27
Untitled Part 28
Untitled Part 29
Untitled Part 30
Untitled Part 31
Untitled Part 32
Untitled Part 33
Untitled Part 34
Untitled Part 35
Untitled Part 36
Untitled Part 37
Untitled Part 38
Untitled Part 39
Untitled Part 40
Untitled Part 41
Untitled Part 42
Untitled Part 43
Untitled Part 44
Untitled Part 45
Untitled Part 46
Untitled Part 47
Untitled Part 48
Untitled Part 49
Untitled Part 50
Untitled Part 51
Untitled Part 52
Untitled Part 53
Untitled Part 54
Untitled Part 55
Untitled Part 56
Untitled Part 57
Untitled Part 58
Untitled Part 59
Untitled Part 60
Untitled Part 61
Untitled Part 62
Untitled Part 64
Untitled Part 66
Untitled Part 68
Untitled Part 70
Untitled Part 71
Untitled Part 73
Untitled Part 75
Untitled Part 77
Untitled Part 79
Untitled Part 83
Untitled Part 84
Untitled Part 86
Untitled Part 86
Untitled Part 88
Untitled Part 92
Untitled Part 92
Untitled Part 94
Untitled Part 96
Untitled Part 96
Untitled Part 98
Untitled Part 99
Untitled Part 101

Untitled Part 90

654 21 1
By RoseTanPHR


"SILID ng sining at kasaysayan," sabi ni Lakan kasabay ng pagbukas nito sa malaking pinto. Parang sinabi lang na iyon ang banyo at para kay Bechang, kabastusan ang kawalan ni Lakan ng emosyon.

Dahil pambihira ang kuwarto. Pabilog iyon, mas malaki pa sa buong bahay nila. Dome ang kisame at may nakalawit na malaking bilog na ilaw. Inang-Buhay. Parang araw nga ang liwanag doon.

Hindi niya alam kung nasa pang-ilang palapag sila ng palasyo o kung nasaang tore sila. Basta bumaba sila sa isang balkonahe, sumakay sa 'elevator,' umakyat ng isang flight, naglakad sa hallway. Huminto sa dulo.

At...

Iyon ang pinakamarangyang kuwarto na nakita ni Bechang doon so far. Iba ang sahig. Hindi mapula. Parang marmol na kakulay ng langit at dagat—asul, puti, silver. May kau-kaunting dilaw, purple, orange, green, itim.

Planet earth.

Ang paikot na dingding, sa unang tingin akala mo ay karugtong ng sahig dahil ganoon din ang mga kulay ng pintura. Pero hindi pala pintura. Paintings.

Murals. Floor-to-ceiling.

Para siyang nasa loob ng globe.

Walang patlang ang paintings, hindi mo alam kung saan nagsimula, saan natapos.

Lumapit si Lakan sa kaliwang panig, may itinuro. "Ang mandirigma base sa imahinasyon ng pintor."

Matabang mama na nakapusod ang buhok. Singkit. Pataas ang dulo ng kilay. Ganoon din ang bigote.

"Intsik?" bulalas ni Bechang. "Mga Intsik talaga—" May nakasulat sa ibaba ng painting: dzEngIs ka n. "Ano'ng ibig sabihin nito?"

Binasa iyon ni Lakan. "Ganap... Pinakamataas na Hakim."

"Ano'ng basa? Dezengis ka na—"

"Geng-his kan," sabi ni Lakan.

"Huwhaaaat?" Tingin uli si Bechang sa painting. Sa likuran ng matabang lalaking singkit, mga mandirigmang nasa kabayo, pinapatay—minamasaker ang mga bata, matanda, babae, lalaki. May umuusok pa, may guho-guhong mga structures. May tumatalsik na mga ulo. Hindi mo aakalaing ganoon kabayolente ang painting dahil sa mga kulay. "Si Genghis Khan? Siya ang mandirigmang... OMG. Hindi pala Intsik. Mongol. Mukha nga siyang Malus." Mai-Google pagbalik ko.

Tiningnan niya ang mga katabi pang painting. Parang everyday life ng mga Nalla. Nagsasaka, nagpapahinga, mga batang naglalaro. Huminto lang siya sa harap ng isa na namang portrait. Lalaki. Guwapo, mukhang mabangis. Mahaba ang buhok at matigas ang panga, nakamalong at nakabuhol iyon sa balikat.

"Sino?" turo niya.

"Azra."

"Ha?" Tiningnan uli ni Bechang ang painting. "B-ba't... Nasa'n?" Nawala ang lalaking mukhang God of thunder, ang nakikita na niya ay diyosa na suot ang parehong malong, mahaba rin ang ginintuang buhok, nakalitaw ang isang dede.

Ini-adjust ni Lakan ang balikat niya. Nagbago nang kaunti ang anggulo ng painting.

"'Ayan na uli! Ang galing!" May anggulong lalaki si Azra. May anggulong babae.

Pero nawala ang excitement ni Bechang sa husay ng pintor nang makita ang mga kasunod na painting.

Mga patay. Duguan. Mga nanay na umiiyak, may bata pang nakatuhog sa sibat. Mga buntis na hiniwa ang tiyan, hinaltak ang sanggol. Mayroon ding mga orgy. Mga hubo at hubad, nakikipagtalik—babae at lalaki, lalaki at lalaki, babae at babae... mayroon ding babae at lalaki na nakikipagtalik sa mga hayop... sa mga bata. May nakikipaghalikan sa pugot na ulo ng isang babae, dilat pa ang mga mata ng ulo, may nakadungaw na uod.

Ang mas nakakasindak sa lahat ng iyon, hindi ang painting mismo. Ang pakiramdam habang tinitingnan niya. Parang nararamdaman ni Bechang ang kasiyahan ng pintor habang iginuguhit ang lahat ng iyon. Sa painting ay maganda ang sikat ng araw, parang ang aliwalas ng panahon.

Sa gitna ng mga karahasan at kasamaan, ang mga kristal ng Malus. Magkapatong na parang pugad ang mga itim na kristal, nagliliwanag sa mga ugat ang apoy ng Malus.

"Hala," anas niya, napaatras. Bigla siyang nahilo.

"Kailangan mo nang kumain," sabi ni Lakan.

Itinuro niya ang painting. "Ganyan ang nangyayari 'pag nanaig ang Malus?"

"Ayon sa kasaysayan."

"G-gusto ko nang magpahinga, Lakan."

"Kakain ako."

"S-sige, sasamahan kita."

Lumabas sila ng kuwarto, bumalik sa kinaroroonan ng 'elevator.' Kinokontrol ni Lakan kung saang palapag hihinto sa pamamagitan din ng kawit, pinipigilan o binibitawan. Parang tinitimpla.

Nakarating sila sa isang loft, ang nasa ibaba ay komedor. May tatlong tao roon na kumakain.

"'Di kaya maubos ang food n'yo?" tanong niya kay Lakan. "Daming nakikikain, eh."

"Hindi nauubos ang biyayang ibinabahagi sa lahat. Lahat ay nagtatanim at napapastol. Lahat ay may pagkain."

Tameme na naman si Bechang.

Bumaba sila ng loft. May nagbigay agad sa kanila ng mga prutas at karne. Ang lalaki ng hiwa.

Generous.

Wala lang tawanan at ngitian, pero lahat handang magbigay. Wala man lang iringan.

Naiiyak na si Bechang. Sa bahagi ng mural na dedicated sa pamamayagpag ng Malus, ang daming bata at matanda na buto at balat.

Taggutom.

Naudlot lang ang luha niya nang biglang dumating si Elekia. May sinabi kay Lakan.

"Ano raw?" tanong niya sa lalaki.

"Kailangan na naming magsanib. Hindi na siya makapaghintay."

Atat. Dahil iyon ang gusto ng Amulaki. Napamata lang si Bechang sa babae. Bukod sa malaisdang features ng mukha, may iba pa siyang nakikita.

Sa mga mata nito na nakatingin kay Lakan.

Mahal nito si Lakan. Nakipagsabwatan si Elekia sa mga Amulaki dahil sa pagmamahal na iyon.

"Puwede ba kayong magsanib kahit walang bigkis?" tanong niya kay Lakan.

"Kailangan ang gintong sinulid." Tumingin ito kay Elekia. Nagsalita ang babae. Tinranslate iyon ni Lakan. "Nakausap na niya si Inang-Lupa. Kasabay ng pagsikat ng Inang-Buhay gagawin ang bigkis. Doon sa templo."

Hindi na nakayanan ni Bechang ang lahat. Tumakbo siya pabalik sa loft, sumakay sa elevator. Hinayaan na lang niyang dalhin siya sa kung saan iyon hihinto.

Tore.

Mas mataas sa ibang tore dahil tanaw niya ang mga iyon sa ibaba. Parang ang lapit niya sa buwan. Ang paniwala nina Lakan, ang buwan ay enerhiya rin ng Inang-Buhay na iniiwan kapag kailangang bantayan ang ibang bahagi ng sukod. Hindi paglubog ng araw ang tawag ng mga ito roon. Paglipat. Napangiti siya na nauwi sa hikbi.

Ang lapit ng buwan. Kapag itinaas niya ang kamay, parang hawak na niya.

Parang si Lakan. Akala niya, hawak na niya. Hindi pala.

Hindi puwede.

Hindi puwedeng manaig ang Malus. Malagim ang mangyayari sa emperyo. Baka... baka mapahamak pa si Lakan sa kamay ng mga Amulaki. Maraming nilalang ang mamamatay. Maghihirap.

Maiiwasan lang iyon lahat kung mananatili ang Adomina.

Adomina.

Walang patayan, walang kasakiman. Bawat nilalang, minamahal ang kapwa. Ligtas ang lahat. Hindi bale nang walang tawanan o kahit anong kasiyahan. Saan ba nagmula ang mga iyon, in the first place? Sa hangarin na takpan ang kalungkutan. Pero kung hindi naman nalulungkot...

Iyon nga siguro ang tunay na kaligayahan. Kapag hindi mo na hahangaring gumawa ng ikasisiya mo dahil hindi mo alam kung paano malungkot.

Pero paano ako? hikbi niya sa buwan.

Gustong-gusto nang maipadama ni Bechang kay Lakan ang pagmamahal niya... lahat ng hindi niya ginawa noon. Hindi na siya makapaghintay gawin at makita ang kaligayahan sa mukha nito.

Gusto na niyang ibigay ang lahat. Puso, kaluluwa... puso... buong puso... habang-buhay. At kapag yayakapin si Lakan, kapag hahalikan, mararamdaman niya ang katugon ng kanyang damdamin.

Gusto niyang makulong sa mga bisig ni Lakan. Marinig sa mga labi nito kung gaano siya kamahal. Hindi rin siya magsasawang sabihin kay Lakan kung gaano niya ito kamahal.

"Bakit ako?" iyak ni Bechang. "Sino ba ako? Hindi ko kaya, eh. Mahal na mahal ko siya... 'Wag n'yo 'kong pamiliin... Paano ko pipiliin 'yong hindi ko kaya? Si Lakan lang ang nagmahal sa 'kin, paano ko siya isusuko? Lahat ng pagmamahal na nasa puso ko, sa kanya ko lang gustong ibigay."

Sabi ni Lakan noon, mali raw ang luha niya. Umiiyak siya sa maling bagay. Hindi raw lumuluha ang laska.

Hindi niya naiintindihan.

Paanong hindi siya luluha dahil sa laska? Paanong hindi siya iiyak kung ang kapalit ng pagmamahalang pangarap niya ay ang pagguho ng emperyo? Ng mismong tahanan ni Lakan.

Tuwing yayakapin siya ni Lakan, hindi ba niya maiisip ang mga nilalang na nahihirapan? Nagugutom? Pinapatay? Mga nilalang na wala namang kasalanan sa kanya. At si Lakan, magkakaroon ba ito ng katahimikan kung merong digmaan?

Naramdaman ni Bechang ang batong-puraw na tumutusok sa kanyang dibdib. Dinukot niya iyon. Ang laki. At marami pang ganoon sa loob ng damit. Aanhin niya ang ganoon karaming diyamante kung wala naman doon ang kaligayahang gusto niya?

"Ang sakim ko." Napahagulhol siya at inihagis ang batong-puraw. "Ang sakim ko." Nasasaktan siya, umiiyak dahil... hindi niya nakukuha ang mga gusto.

Niya.

Ako. Damdamin ko. Pangangailangan ko.

Kailan siya huling nag-abot ng limos sa pulubi? Hindi matandaan ni Bechang. Paano kung totoong pulubi at napakahalaga ng limang piso? Ng kapirasong tinapay?

Masaya lang siya kapag nakukuha niya ang gusto... kapag pabor sa kanya ang mga nangyayari.

Kaya kay daling mawala ng kaligayahan.

Walang kasinsakit nang mawala ang mga magulang ni Bechang. Pero bakit kapag magulang ng iba ang nawawala, hindi niya nararamdaman ang sakit gayong alam niya ang sakit ng mawalan? Wala siyang pakialam sa ibang namamatayan. Nawawalan. Nahihirapan. Sariling pagdurusa lang ang umaantig sa kanya.

Kahit maubos ang mga kapitbahay niya... Walang magagawa, ganyan talaga.

Mali nga ang luha niya kung ganoon dahil para lang iyon sa kanyang sarili.

Dumukwang si Bechang sa tore. "Josh! Josh! Yoo-hoo! Josh!"

I don't know why I'm getting teary-eyed.

Kukurap-kurap din si Bechang, tumigil sa pagbubuklat ng photo albums. "'Yon ang pinakamabigat na desisyong ginawa ko sa buhay ko. Pero lumaya ako... hindi ko ma-explain ang pakiramdam. Sobrang gaan."

"Truth will set you free. 'Yon siguro."

"Katotohanan na akala ko, mabait ako. Na akala ko, nasasaktan ang damdamin ko kasi inaapi ako, may umaaway sa 'kin, may nag-iisip ng masama sa akin. Hindi pala 'yon. Sarili ko lang ang iniiyakan ko. Kahit minsan, sa mga pelikula at palabas sa TV ako naiiyak, dahil din 'yon sa sarili ko. Nakaka-relate ako, nakikita ko ang sarili ko sa mga madramang sitwasyon. Ako pa rin. Tungkol pa rin sa 'kin."

Tumango ako at para gumaan ang dibdib namin, "Si Genghis Khan? Nasa Nalla ang remains?" Curious din talaga ako at I know for a fact, hindi pa nahahanap hanggang ngayon ang tomb ni Genghis. Dahil wala palang tomb?

Oh.My.God. 

Continue Reading

You'll Also Like

588K 17K 22
Beau HATES Oliver Fowler. But Oliver doesn't hate Beau.. quite the opposite actually. Oliver is the univeristies 'Golden Boy', adored and admired by...
535K 57.8K 24
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
3M 248K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
986K 23.7K 42
Limitied Time Only: Binge this series for a chance to win FREE coins until June 2! Read 10+ chapters of this story and win 30 Coins (2000 Winners) Wh...