Untitled Part 57

514 20 0
                                    


PUMIHIT si L'aq'n at dinaklot ang kuwelyo ng blusa ni Gigi nang makita itong nakatayo sa may pinto.

"Nasaan si Bechang?"

"Uh, calm down. She's just—"

"Nasaan?" sigaw na niya, sumulak ang lakas. Naiangat niya si Gigi.

Nanlaki ang mga mata nito. "Wh—"

"Sabihin mo kung nasaan si Bechang." Mas itinaas pa niya ito.

"Put me down—I don't know—she's with the Senator—please don't hurt me—"

"Nasaan ang senador? Saan niya dinala si Bechang?"

"H-hindi ko talaga alam... but... I can find out... Ibaba mo muna ako, Lakan, please—"

Ibinaba niya ito.

"T-thank you." Nawala ang kulay sa mukha nito. "Oh, my God... oh, my God. What are you—"

Sinigawan uli niya ito. "Si Bechang!"

"O-oo. Oo. I need my phone." Kinapa ni Gigi sa bulsa ng palda ang selpon. "M-may tracker akong inilagay sa sasakyan ni Senator. L-la-log in lang ako sa server, malalaman natin kung nasaan siya... kung... kung dala niya ang sasakyan."

Hinaltak na ito ni L'aq'n sa braso. Nang maramdaman niyang nagkakandarapa ang babae, binuhat na niya, isinampay sa kanyang balikat, at patalon-talon nang binaba ang hagdan.

"W-wala nga siya. Dala niya ang Subaru," sabi ni Gigi. Nanginginig ang kamay habang pinipindot ang selpon.

"Nasaan sila?"

"SLEX."

"Saan 'yon?"

Nagtaka ang anyo ni Gigi. "'Yong dinaanan natin—kailangan natin ng sasakyan para masundan sila... A-ang susi ko, nasa jacket, kukunin ko."

Para matiyak na hindi ito tatakas, sumama si L'aq'n pabalik sa loob ng bahay. Deretso si Gigi sa bahaging hindi pa niya nakikita. Napakalaki ng bahay. Nakakalito ang mga silid. Bumaba sila sa mababang hagdan gawing kaliwa ng pinto at panibagong sala ang nabungaran niya.

At isang malaking larawan ng lalaki. Umahon ang galit at masidhing takot sa kanya.

"Runo," sabi niya, nagtatagis ang mga bagang.

"Si Senator Joe Siruno," sabi ni Gigi.

"Bilisan mo!" sigaw niya. "Dadalhin niya si Bechang sa emperyo!"

"Saan?!"

Senator Joe.

"Wala namang senador na gano'n," sabi ko. Siruno. Never heard.

"Basta," sagot ni Bechang.

Napaisip ako. Kung gawa-gawa lang ni Bechang ang kuwento, bakit senador pa ang napiling isali sa cast? Kilala ng mga Pinoy kung sino-sino ang mga senador nila.

"Anong basta?" Natatawa ako. Kay Bechang. Sa sarili ko.

"Alam ko, mahirap paniwalaan," sabi pa niya. "Kaya nga ngayon ko lang naikuwento sa iba. Pero okay lang din kung hindi ka maniwala. Hindi kita pipiliting maniwala." Tumingin siya nang deretso sa akin, parang nakikiusap na makinig pa ako.

Intense ang titig niya. De pagbigyan.

"Ano'ng nangyari sa 'yo sa emperyo?" tanong ko na lang. Si Shaider ang naaalala ko, sa totoo lang. Si Shaider at si Puma Lear—forgive the spelling. Doon ko naririnig ang 'emperyo' noon, eh.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now