Untitled Part 13

983 29 3
                                    


"NASA'N ang alaga mo?" tanong ni Ka Bibe.

"Nasa 'taas lang ho. Nakikinig ng radyo," sagot ni Bechang at diniinan ang hagod sa matabang likod ng manikurista slash ahente ng lupa. Dahil wala na naman siyang trabaho, balik siya sa dating gawi. Hilot slash albularya ng Sirang-Lupa. Kailangan niyang kumita kahit paunti-unti.

"Kaguwapo n'on, eh. Kung ako sa iyo, pipikutin ko na. Nang malahian ka ng European."

Galing Norway, apo ng founder ng EURAID—organisasyon ng mga European na nagkakawanggawa, kliyente ng call center na pinasukan ni Bechang. Totoo naman iyon. Ang hindi totoo ay iyong kinatuwaan siya ng taga-EURAID para pagkatiwalaan ng apo.

Pero so far ay tanggap naman ng mga kapitbahay nila ang 'press release' niya tungkol kay Lakan. Backpacker ito na nasa pangangalaga nila ngayon dahil na-holdap sa Mt. Guiting-Guiting, natangay pati passport at iba pang mahahalagang dokumento. Ang natira lang ay kapirasong papel na pabaon ng 'lola' nito nang malamang pupunta ito sa Pilipinas. Mobile number ni Bechang ang nakasulat sa papel. Tinawagan siya. Sinundo niya sa pier dis-oras ng gabi.

Kung may butas man ang kuwento niya, mukhang walang nakakaisip. Dahil habang nagpapaliwanag siya sa mga nagtatanong, nakatunganga ang mga ito kay Lakan. Bata, matanda, dalaga, binata, biyudo, biyuda, lahat ay parang humihinto ang isip. Hindi masisisi si Bechang. Nakakatanga naman talaga ang kaguwapuhan ng lalaki. Maging siya ay napapatunganga na lang kadalasan kapag magkaharap sila habang tinuturuan niyang magsalita ng Tagalog.

Dumighay siya. Bentahe niya iyon bilang hilot. Ang dumighay nang dumighay. Minsan sinasadya niya, para bumilib ang pasyente. Minsan naman ay nangyayari talaga nang kusa. Ang paliwanag ng Mamay Berto noon, nasasagap daw niya ang 'lamig' o 'hangin' sa katawan ng hinihilot kaya siya napapadighay.

Taka lang niya, hindi naman dumidighay ang kanyang mamay kapag nanghihilot. At kung hangin ang sanhi niyon... buti't hindi utot. Wala siyang fallback career kung nagkataon.

Biglang napatingala si Ka Bibe. "Ano 'yon?"

Parang yumanig ang bahay nina Bechang, may mabigat na yabag sa itaas at nalaglag pa ang mga alikabok mula sa siwang ng sahig sa itaas. Noong una, nagugulat din sila. After five days, sanay na sila.

"Si Lakan ho. Big foo—" At rumagasa pababa ng hagdan ang engkanto, dala ang cell phone niya.

"Dinapwan! Dinapwan!" Excited ito. "Kuringring! Kuringring e'to!"

Natawa si Ka Bibe. "'Kakatuwa magsalita. Sawit na sawit."

Huminto si Lakan pagkakita kay Ka Bibe. Yumuko mula sa baywang. "Ganda. Araw. Po."

"Gandang araw din," bati ni Ka Bibe at patingalang luminga kay Bechang. "Maalam nang mag-Tagalog."

"Oho. Mabilis namang matuto. May sarili lang accent." Na alanganing Chinese, Japanese, French, German. Minsan pa, walang patlang ang mga sentences, tuloy, parang nagsapaw-sapaw sa dila ang mga syllables, hindi mo na maintindihan ang sinasabi.

Tumunog uli ang cell phone niya.

"Kuriring!" bulalas ni Lakan, ibinigay sa kanya ang cell phone.

Nanlumo si Bechang nang makita ang caller. Iyong pinagsanlaan nila ng lupa two years ago na. Naospital ang Mamay Berto, nangutang sila sa five-six ng pambayad. Para makabayad pagkatapos, naisanla nila ang lupa. Iilitin na raw kapag hindi sila nakapagbigay maski interest man lang.

End call. Ipinasa uli niya kay Lakan ang cell phone. "Pakipatong diyan," nguso niya sa patungan ng TV.

Sunod naman agad ang engkanto. Pero pagtalikod para gawin ang utos niBechang, lumantad sa kanila ang puwit. anIPO

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now