Untitled Part 26

561 26 1
                                    


MAS SOSYAL ang hotel na pinagdalhan sa kanila ng matandang lalaki. Manong Jim na lang daw ang itawag nila rito. Tahimik lang si Lakan sa buong biyahe papuntang Roxas Boulevard.

Hinarap ni Bechang ang engkanto nang iwan na sila ni Manong Jim sa kuwarto. Nasa bintana ito, nakatanaw sa view ng Manila Bay. Papalubog pa lang ang araw.

"P-paano mo ginawa 'yong kanina?"

"Sumusunod sila sa atin. May masama silang balak."

"Paano mo nalaman?"

"Nagbago ang mga hakbang nila. Naghahanda sila sa gagawin. Kailangan ko nang kumilos."

"N-namatay yata, Lakan." Ang daming dugo kanina.

"Hindi ako ang pumaslang sa kanya."

"Ginawa mo siyang panangga sa saksak."

"Bakit ko naman isasangga ang sarili ko? Kumilos lamang ako ayon sa aking nararamdaman. Nasa panganib ka at... ayokong mapahamak ka." Tinitigan siya nito. "Mahalaga ka sa akin."

"Lakan—" Hindi maipaliwanag ni Bechang ang nararamdaman. Natutuwa siya pero nahihirapan ding paniwalaan ang naririnig, kahit nakikita naman niya sa mukha ni Lakan na nagsasabi ito ng totoo.

Natatakot siyang maniwala.

Natatakot siyang tanggapin na posibleng... may nagmamahal sa kanya nang totoo na hindi 'Inay' at 'Mamay' ang tawag niya.

Engkanto si Lakan. Paano kung bigla na lang may mangyaring kababalaghan pagkatapos ay hindi pala siya totoong mahal? Paano kung maalala nito bigla ang lahat-lahat at bigla na lang umuwi sa pinanggalingan?

Humawak ito sa balikat niya, yumuko.

"Alam mo na ang mangyayari, Lakan," sabi niya.

"Tatanggapin ko, mahalikan lang uli kita." Hinaplos nito ang kanyang pisngi at hinalikan nga siya.

"Eh, di wow," sabi ni Bechang nang maglaho na naman si Lakan sa harap niya. "O-order muna ako'ng food."

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now