Untitled Part 14

995 33 3
                                    


Dahil WASAK ang pundyo ng suot nitong pajama ng mamay hanggang puwit, litaw ang berdeng brip din ng Mamay Berto.

Ganoon na lang ang palatak ni Ka Bibe. "Nakupooo! Ano ga iyan, Bechang? Bilhan mo naman ng damit, nakupo!"

Natawa na si Bechang. "Lakan, bakit sira damit mo?" Itinuro niya ang sariling pundyo.

"Sira ko. Hindi kilos husay," sagot nito.

"Hindi daw siya makakilos nang maayos? Kaya sinira?" Si Ka Bibe. "Ay, uu nga naman! Masikip, eh. Sa liit na iyon ng mamay, sa laki niyang si Lakan... Hindi mo man lang maibile maski tig-sisingkuwentang shorts?"

"Wala pa hong pera, eh." Pati T-shirt ni Lakan, sa mamay. Masikip din sa braso at dibdib. Machong-macho ang engkanto. Sinitsitan niya ito. "Akyat ka sa kuwarto, hindi puwedeng ipakita ang puwit—" Hinawakan niya ang sariling puwit para ipakita kay Lakan kung ano ang puwit. "Bawal."

Umiling ito. Hindi na rin bago kay Bechang na minsan... at kadalasan, hindi masunurin ang engkanto. Kapag ayaw gawin ang isang bagay, hindi nila mapilit. May attitude.

Imbes na umakyat, naupo ito sa sofa. Upong hari. Tuwid na tuwid, akala mo may nakapatong na korona at mag-uutos na ipakain sila sa leon.

"Dito na me," sabi ni Lakan. Seryoso.

Hagikgik si Ka Bibe.

"De sige, diyan na you," sabi naman ni Bechang. Tinapos na niya ang panghihilot kay Ka Bibe. Binilinan na huwag munang maliligo at bumalik sa kanya sa Martes at Biyernes. Puwede namang hindi na. Pero sayang ang ibabayad sa dalawang araw na iyon.

Inayos ni Ka Bibe ang polo at tumayo. "Siya, salamat. Umalwan nga ang pakiramdam ko. Napasok nga siguro ako ng lamig sa SM, pagkalamig doon kahapon. Minsan naman, init na init." Dumukot ito sa shorts. Two hundred pesos ang iniabot kay Bechang. "Ibili mo ng matinong shorts 'yang alaga mo, ha."

"Sure ho kayo?" Ayaw pa niyang kunin ang pera. Nakikiramdam pa siya kung may maririnig na 'pag-iimbot' kay Ka Bibe.

"Oo, kunin mo na't 'kakaawa areng si Lakan. Poging-pogi, eh, walang damit."

Walang pag-iimbot ang offer ni Ka Bibe. Tinanggap ni Bechang ang pera, isinuksok sa bra dahil naka-leggings siya, walang bulsa. "Salamat ho." Biniro pa niya si Ka Bibe. "Mapera yata kayo ngay'on?"

"Nakakomisyon ako sa lupa ni Lupe."

"Ah." Tumango siya. Nagpasalamat uli at inihatid hanggang sa pinto ang babae.

Naupo si Bechang sa tabi ni Lakan pagkatapos. Nag-inat. Nag-close-open ng mga kamay. Manghilot ay 'di biro.

"Ano 'yan?" Nakaturo si Lakan sa dibdib niya.

"Ito? Dede? Meron ka rin, o. 'Yan." Dinutdot niya ang dibdib nito.

Ang hard. Grabesha.

Iling na naman ang engkanto. "No. Hindi." At dinaklot nito ang harap ng tank top niya. "'Yon!"

"A-alin?" Atras ang leeg ni Bechang habang akala mo ay may hinahanap si Lakan sa kanyang dibdib.

"'Asan? Wa-la," sabi nito.

"Wala talaga. 'Yan lang ang nakayanan ko since puberty." 34B. Litaw na ang strapless niya sa paghaltak ni Lakan. Ano ba ang balak nito? Rape-in siya? Bakit ayaw niyang tumutol?

Bigla itong nag-angat ng mukha, nakangisi. "Boobs."

Nganga si Bechang.

"Boobs!" ulit ni Lakan.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now