Untitled Part 30

606 23 0
                                    


IBINABA ng Matandang Asoge sa bukana ng yungib ang buslo, hinayaang gumulong ang laman niyong mga bungang-kahoy. Naupo siya sa isang bato para magpahinga.

Mayamaya ay ramdam na niya ang paglabas ni Kunig. Marahan ang mga hakbang, tila nangangamba. Pero hindi na rin natiis ang pagkain. Nang makita ang mga bungang-kahoy ay sinunggaban na.

"Ikinalulungkot ko, Kunig. Hindi ka pa maaaring lumabas. Pinaghahanap ka pa rin ng mga kawal." Nagawang lumipad ng kemira palayo mula sa bintana noong maramdaman nila ang mga paparating na kawal. Alam naman niya kung saan ito pupunta. Sa yungib na laging pinupuntahan ni L'aq'n.

Umangil si Kunig. Hindi gusto ang narinig.

"Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Kinausap ko na ang ibang Asoge, gumagawa na sila ng hakbang laban sa—" Natigilan si Hamil. May nalanghap siyang mabango.

Hindi rin iyon nakaligtas kay Kunig. Humanda itong lumipad palabas ng yungib ngunit nagsulputan mula sa mga pinagtataguan ang mga kawal, inambaan ng mga sibat at pana ang kemira. May humaltak sa Matandang Asoge palabas ng yungib.

"Huwag n'yong saktan si Kunig!" sigaw ni Hamil. Nasundan pala siya ng mga kawal. Kung ganoon, hindi niya nakumbinsi ang mga ito noon na hindi niya alam kung nasaan ang kemira ni L'aq'n. Sinubaybayan siya.

Nahawi ang mga kawal sa bungad ng yungib para bigyang-daan ang reyna. Ito ang mabango.

"Hamil," sabi ni Irin. "Nagtiwala ako sa iyo, ito pala ang igaganti mo."

"Unawain mo si Kunig, Irin. Alang-alang kay L'aq'n," pakiusap niya.

"Tinangka akong patayin ng kemira," sabi ni Irin at nag-utos sa mga kawal. "Hulihin n'yo na! At si Hamil!"

Gilalas ang Matandang Asoge. "Kamahalan?"

"Sapagkat nagtaksil ka sa emperyo, Hamil. Ikinalulungkot ko." Tumalikod na si Irin habang hinawakan na ng mga kawal si Hamil. "Kapkapan siya at halughugin ang yungib!" utos pa nito.

Binuksan ng anak ko ang pinto. As usual, undershirt at boxers lang ang suot.

"Ano 'yan?" Nakatingin sa hawak kong supot.

"Lomi. Ni Kining." O Timing.

"Yess!" Napasuntok sa hangin. "Ilan?"

"Dal'wa." Isang malaking-malaking bowl ang equivalent. Kayang-kaya iyong ubusin ng bagets.

Ipinatong ko sa computer table slash dining table ang supot. Oo, sa dining table ko na inilagay ang computer. Sabi kasi do'n sa huling parenting seminar sa school nila, dapat daw magkasabay lagi sa pagkain ang pamilya. Eh, hindi sumasabay sa 'kin ang alaga ko, kumakain siya sa harap ng PC.

De ako na nag-adjust.

Sabay kami laging mag-dinner ngayon. With matching kuwentuhan. Kasi, multitasker naman ang mga milenyal. Kayang-kaya manood ng YouTube, kumain, at magsalita all at once. One thing I learned: You can't beat the wind of change. You just have to find a way to use it to suit your parenting goals.

Nagkalat ang mga balat ng Oreos sa buong mesa, pati sa ilalim.

"Ang pinagkainan mo, ha. Ligpitin mo."

"Mamaya."

"Siguruhin mo," sabi ko. "Aalis pa ako, may kausap ako, si Bechang. Nando'n sa may gate. Punta ako sa bahay nila."

"Sino 'yon?"

"Classmate ko sa gym. May kilala daw siyang engkanto."

"Eh?"

"Uu daw. Titingnan ko kung meron nga." Naghubad ako ng trainers at medyas. Nagtsinelas na lang ako. "Aalis na ako, ang pinto, ha."

"Anong oras ka uuwi?" Inihahanda na ni alaga ang lomi, nakuha na ang pinakamalaki naming bowl—binili ko talaga para sa lomi.

"Mga seven or eight." Lumabas na ako. "'Wag kang magpapapasok, lock mo lahat."  

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now