Untitled Part 56

541 20 1
                                    


ANG MALUS ay salitang ginagamit ng mga mangmang at duwag. Ang itinuturing na masama ay pagtuklas at paggamit lang ng kakayahan ng isang nilalang. Bawat nilalang ay may kanya-kanyang lakas at talino. Mananatili iyong nakakulong kung hindi dahil sa enerhiyang Malus.

Walang paglago kung mananatiling magkasama ang Malus at Adomina sa emperyo. Hindi mawawala ang mga tamad at kontento na sa pamamalakad ng kasalukuyang pamunuan. Limitado ang paglikha... ang pag-unlad.

Mula sa balkonahe ay pinapanood niya ang mga manggagawa sa burol. Pinamumunuan ng mga Amulaki ang pagtatayo ng altar.

Bagong altar. Ng Kambal na Malus.

"Malapit na." Ah, kay sarap ng ganoong damdamin. Ang masidhing pananabik ay haplos sa puso dahil nakatitiyak siya sa kanyang tagumpay. Siya ang magpapalaganap ng Malus sa bawat sukod hanggang masakop niya ang mga iyon. Nasa Malus ang kapangyarihang ganap.

Ibinaba niya ang salaming nagpapalapit sa malalayong bagay. Natuklasan iyon ng Amulaking Ohana. Kapag inukit nang pauka o pakurba ang isang kristal, magbibigay iyon ng kakaibang paningin sa mga bagay kapag inilapit sa mga mata.

Nilinga niya ang naramdamang kawal.

"Paumanhin, Kamahalan." Yumuko ito. At, "Nadakip na ang mga Asoge."

Ah, ang mga rebeldeng Asoge. Nagkaisang magtipon sa Banal na Hardin ng Adomina matapos mabalitaan ang nangyari kay Hamil. Hindi na kailangan ng emperyo ang mga tagapagturong paham. Papalitan niya ang mga iyon ng mga Amulaki. "Dalhin sila sa burol." Ang mga panaghoy at luha ng mga Asoge ang lalo pang magpapalakas sa Malus. Sa bandang huli, dugo ng mga iyon at iba pang alipin ng Adomina ang didilig sa lupa ng buong emperyo.

Ngunit bago mangyari ang lahat ng iyon, kailangang harapin muna niya ang mga suliranin.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now