Untitled Part 52

527 16 0
                                    


NASA subdivision ng mga yayamanin sa Makati ang mansiyon ng senador. Ang haba ng bakod, isang bloke na ang sinakop. Matayog ang gate. May security guard. Pumasok ang sasakyan nila sa driveway na paikot. May guwardiya rin sa front door na mukhang pinto ng cathedral. Sa tapat niyon huminto ang SUV.

"Tara na," yaya ni Gigi at nangunang bumaba ng sasakyan. Sumunod na sina Bechang at Lakan. Tahimik pa rin si Lakan, dinededma siya. Pinauna na lang din niya ang engkanto. Sumabay ito kay Gigi pagpasok sa foyer.

Kahit hindi dapat magselos si Bechang dahil wala namang pakundangan si Lakan magpahayag ng pag-ibig, nagselos pa rin siya. Bagay sina Lakan at Gigi, habang siya ay mukhang julalay sa likuran ng dalawa.

Kasalanan din niya. Binilhan niya ng Levis si Lakan, orig na Timberland boots, Guess na pullover. Eh, di lalong gumuwapo ang walanghiya. Kung sa tokong ng Mamay Berto ay kaakit-akit na ito, doon pa kaya sa mamahaling mga damit?

Hindi niya masisi si Gigi.

Sobrang HOT talaga. Umuusok!

Nakarating sila sa sala. Nandoon lahat ng bagay na aasahan mo sa bahay ng mayaman. Luwang, aliwalas, kinang, bango. Sa bandang kanan ang maluwang na hagdan. Dark wood. Sobrang kinang. Walang alikabok kahit saan dahil... nahihiya sila.

Dalawang flights ang hagdan. Hingal na si Bechang nang makarating sila sa ikalawang palapag. Pumasok sa isang hallway si Gigi, huminto sa dulo at kumatok.

"Sumama ka muna sa akin, Lakan," sabi nito.

"A-ako?" tanong ni Bechang.

"Tumuloy ka muna sa study." Inilahad nito ang kamay sa double door na tinutumbok ng hallway. May sinasabi ang isip nito. 'I don't understand any of these.'

Napataas ang kilay ni Bechang. Ano kaya ang ibig sabihin niyon? Pero nabuksan na ang pinto.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now