Untitled Part 90

654 21 1
                                    


"SILID ng sining at kasaysayan," sabi ni Lakan kasabay ng pagbukas nito sa malaking pinto. Parang sinabi lang na iyon ang banyo at para kay Bechang, kabastusan ang kawalan ni Lakan ng emosyon.

Dahil pambihira ang kuwarto. Pabilog iyon, mas malaki pa sa buong bahay nila. Dome ang kisame at may nakalawit na malaking bilog na ilaw. Inang-Buhay. Parang araw nga ang liwanag doon.

Hindi niya alam kung nasa pang-ilang palapag sila ng palasyo o kung nasaang tore sila. Basta bumaba sila sa isang balkonahe, sumakay sa 'elevator,' umakyat ng isang flight, naglakad sa hallway. Huminto sa dulo.

At...

Iyon ang pinakamarangyang kuwarto na nakita ni Bechang doon so far. Iba ang sahig. Hindi mapula. Parang marmol na kakulay ng langit at dagat—asul, puti, silver. May kau-kaunting dilaw, purple, orange, green, itim.

Planet earth.

Ang paikot na dingding, sa unang tingin akala mo ay karugtong ng sahig dahil ganoon din ang mga kulay ng pintura. Pero hindi pala pintura. Paintings.

Murals. Floor-to-ceiling.

Para siyang nasa loob ng globe.

Walang patlang ang paintings, hindi mo alam kung saan nagsimula, saan natapos.

Lumapit si Lakan sa kaliwang panig, may itinuro. "Ang mandirigma base sa imahinasyon ng pintor."

Matabang mama na nakapusod ang buhok. Singkit. Pataas ang dulo ng kilay. Ganoon din ang bigote.

"Intsik?" bulalas ni Bechang. "Mga Intsik talaga—" May nakasulat sa ibaba ng painting: dzEngIs ka n. "Ano'ng ibig sabihin nito?"

Binasa iyon ni Lakan. "Ganap... Pinakamataas na Hakim."

"Ano'ng basa? Dezengis ka na—"

"Geng-his kan," sabi ni Lakan.

"Huwhaaaat?" Tingin uli si Bechang sa painting. Sa likuran ng matabang lalaking singkit, mga mandirigmang nasa kabayo, pinapatay—minamasaker ang mga bata, matanda, babae, lalaki. May umuusok pa, may guho-guhong mga structures. May tumatalsik na mga ulo. Hindi mo aakalaing ganoon kabayolente ang painting dahil sa mga kulay. "Si Genghis Khan? Siya ang mandirigmang... OMG. Hindi pala Intsik. Mongol. Mukha nga siyang Malus." Mai-Google pagbalik ko.

Tiningnan niya ang mga katabi pang painting. Parang everyday life ng mga Nalla. Nagsasaka, nagpapahinga, mga batang naglalaro. Huminto lang siya sa harap ng isa na namang portrait. Lalaki. Guwapo, mukhang mabangis. Mahaba ang buhok at matigas ang panga, nakamalong at nakabuhol iyon sa balikat.

"Sino?" turo niya.

"Azra."

"Ha?" Tiningnan uli ni Bechang ang painting. "B-ba't... Nasa'n?" Nawala ang lalaking mukhang God of thunder, ang nakikita na niya ay diyosa na suot ang parehong malong, mahaba rin ang ginintuang buhok, nakalitaw ang isang dede.

Ini-adjust ni Lakan ang balikat niya. Nagbago nang kaunti ang anggulo ng painting.

"'Ayan na uli! Ang galing!" May anggulong lalaki si Azra. May anggulong babae.

Pero nawala ang excitement ni Bechang sa husay ng pintor nang makita ang mga kasunod na painting.

Mga patay. Duguan. Mga nanay na umiiyak, may bata pang nakatuhog sa sibat. Mga buntis na hiniwa ang tiyan, hinaltak ang sanggol. Mayroon ding mga orgy. Mga hubo at hubad, nakikipagtalik—babae at lalaki, lalaki at lalaki, babae at babae... mayroon ding babae at lalaki na nakikipagtalik sa mga hayop... sa mga bata. May nakikipaghalikan sa pugot na ulo ng isang babae, dilat pa ang mga mata ng ulo, may nakadungaw na uod.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now