Untitled Part 68

476 19 0
                                    


"IBINIGAY ko ang ekina sa mahal na prinsipe at ako ang naatasan upang ipaalam sa 'yo, Kamahalan, na nagbalik na ang Bagong Hakim. Nakita namin siya sa talon ng santelmo."

"Nasaan siya ngayon?" Inaasahan na niya ang balita noon pang nabasag ang salamin.

"Tinutugis nila sa kagubatan ang Salamancero. Gaya ng sinabi n'yo, Mahal na Reyna, sa pagbabalik ng prinsipe ay igigiit niyang nakalalaya pa si Runo."

"Sinunod n'yo ba ang bilin ko?" Paraan niya iyon para makatiyak na walang kawal na tutulong kay L'aq'n para hadlangan si Runo.

"Opo, Kamahalan. Maliban kay Lozar. Pinili niyang maniwala sa prinsipe at patungo na sila sa templo upang pigilan ang sinasabi niyang Hubri—"

Hindi na niya kailangang masaksihan ang nangyari sa templo upang malamang nabigo si L'aq'n. Kitang-kita niya iyon sa mga mata ng kaharap na kawal. Naglaho ang kislap ng damdamin. Patuloy pa rin itong nagsasalita ngunit wala nang halong pagmamalaki sa tinig.

Maging sa sarili ay nararamdaman na rin niya ang pagkalat ng Adomina. Kung hindi pa siya lalayo doon, pati siya ay masasakop na ng nasabing enerhiya. Iniwan na niya ang kawal at nagtatakbo pababa sa paikot na hagdan.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now