Untitled Part 83

483 21 1
                                    


IPINAPAKITA ni L'aq'n sa bawat babaeng naroroon ang kanyang kaliwang palad. Ipapatong doon ng babae ang kaliwa rin nitong palad. Ayon sa mga nauna sa kanila, makakaramdam siya ng init sa tamang palad.

Wala pa siyang nararamdamang init mula sa mga palad na nakadaupan. Pero kung hindi raw nila makita ang kasanib sa gabing iyon, marahil ay sa kasunod na pagdiriwang... at sa kasunod.

Ngunit nagsisimula pa lang ang gabi at marami pang dumarating sa Dagtum. Sa katunayan, tanaw niya ang panibagong grupo at kasama ng mga iyon si Bechang.

"Lakan!" tawag ni Bechang. Tumakbo na ito palapit sa kanya. "Ano ito? Bakit ka nandito... Ano'ng ginagawa n'yo sa palad n'yo?"

"Hinahanap ang kapareha."

Nganga ito. "Ha? 'Yong—kasanib?"

"Oo. Ngayon ang gabi ng paghahanap."

"Paano—ganito?" Inilahad nito ang palad.

"Hindi ka tagarito."

"Kahit na. Try lang."

Pinagbigyan ni L'aq'n si Bechang. Kinuha niya ang kamay nito at ipinatong sa kanya. Agad nitong pinisil ang palad niya. "Ano ba dapat ang mararamdaman?"

"Init," sagot niya. At hindi niya iyon nararamdaman sa babae. Sumagi lang sa isip niya ang isang alaala. Ang pag-iyak nito habang pinahahawakan sa kanya ang kamay ng may karamdaman. Parang batong-puraw na kumikislap sa Dagtum ang luha ng babae.

Pinagmasdan siya ni Bechang.

Hindi makakurap si L'aq'n. Ang mga mata ng babae ay nanunuot sa kanya at tila... tila gusto uli siyang halikan. Yumuko siya para pagbigyan ang Dinapuan.

May nagsalita sa tabi nila. "Prinsipe L'aq'n."

Isang babae. Agad niya itong hinarap at ipinakita ang palad. Ginagap iyon ng babae. Napasinghap siya.

Mainit.

Nagbabaga.

"Ikaw," wika niya.

"Ako nga. Ako nga pala si Elekia."

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now