Untitled Part 45

608 19 0
                                    


IBINABA ni Lakan ang balde ng tubig sa tabi ni Bechang, pagkatapos ay tumalungko rin sa tabi niya ang engkanto, pumitas ng dahon ng siling labuyo. Bago pa ito natanong ni Bechang kung ano ang gagawin sa dahon, piniraso na nito iyon.

"She love me," sabi nito. Piniraso uli ang dahon. "She love me not."

Ganoon na lang ang tawa ni Bechang. "Saan mo natutunan 'yan?"

Hindi siya pinansin ni Lakan, seryoso sa ginagawa hanggang tangkay na lang ang matira sa dahon. Tumingin sa kanya na nakangisi. "She love me."

"May 'es.'"

"She love-es me."

"Loves."

"She loves me."

"Korek. Pero mali pa rin. Hindi dahon ang ginagamit. Bulaklak."

"Walang bulaklak, eh."

"Oo nga, eh. Kaya tigilan mo na 'yang ganyan, mga bagets lang ang gumagawa niyan. Diligan mo na lang 'yang mga tanim ko." Walang magawa si Bechang, napagdiskitahan niyang ayusin ang mga halaman sa tabi ng bakod. Binunot niya ang mga damo at inihilera nang maayos ang mga sili, kalamansi, kamatis—mga butong hinahagis nila doon kaya basta na lang sumibol. May kasama pang buto ng mangga na ngayon ay may dahon na. Inilipat niya iyon sa sulok para kung maging puno, hindi naman nakahambalang sa gitna ng bakod.

"Mahiwaga ka, eh, 'no?" Sinalok ni Lakan ng kamay ang tubig, iwinisik sa mga halaman.

"Makaimik ka ng mahiwaga—" sabi niya. "Sino kaya sa 'tin ang engkanto?" Dinampot ni Bechang ang nabunot nang suloy ng buto ng kaimito. Parang tanda pa niya kung kailan lang niya hinagis doon ang mga buto ng pinapak na kaimito. Kailan lang. Wala pa si Lakan sa buhay nila. Kailan lang, pero ang dami nang nagbago sa buhay nila. "Bakit ako naging mahiwaga?" tanong niya, sinimulan nang itanim sa ginawang hukay ang suloy ng kaimito. Malapit iyon sa gate. Para kapag naging puno, may lilim sa gate nila.

"Pinapatigil mo 'kong gawin ang mga bagay na gusto mong gawin ko," sagot ni Lakan, kinuha ang kamay niya at hinubaran ng rubber gloves. At saka siya muling pinahawak sa basa-basang lupa.

"Marumi, eh," angal niya. Papasukin ng putik ang kanyang French tips.

Parang walang narinig ang engkanto, patuloy lang na ginabayan ang kamay niya sa pagtatanim.

"'Yan ka na naman, eh... Baka may uod—" angal pa ni Bechang.

"Bakit mo pa ginagawa ang isang bagay kung ayaw mo namang maramdaman nang lubos?" tanong ni Lakan. Dumakot ito ng putik, isinalpak sa palad niya. Ikiniskis.

Malamig. Malagkit. May buha-buhangin pa at ibang buo-buong bagay na kaduda-duda. Hindi lupa. Hindi bato. Jackpot na natuyo. Napangiwi na lang siya, hindi niya mahila ang kamay kay Lakan.

"Lakan, iiii—" ungot niya.

"Sshh," saway nito. "Hindi mo ba nararamdaman ang enerhiya? Hindi mo ba nararamdaman ang dahilan kung bakit ito ipinagkaloob ni Inang-Buhay?"

"Ramdam ko." Ngiwi pa rin si Bechang. "Ramdam na ramdam ko ang jackpot."

"Huh?" Kasabay iyon ng malakas na busina. Sabay silang napatingin ni Lakan sa labas. May dumadaang ambulansiya, binusinahan yata ang asong nakahara.

"Ang ninang!" bulalas niya, dali-daling hinugasan ang mga kamay sa balde. Nanginginig na siya. Bakit inuwi na ng ambulansiya ang ninang niya? Isinauli na ng ospital? Hindi na kayang gamutin? Wala na talagang pag-asa?

"Tara!" yaya niya kay Lakan at mabilis na lumabas ng gate. Lakad-takbo sila papunta kina Dok Raul. Naabutan nila na ibinababa mula sa ambulansiya si Ninang Vangie, nasa stretcher, tulog.

Diced. Cubed. Hindi himay-himay ang chicken sa salad. May sahog iyong carrots at patatas at pineapple chunks. May minced onion, paminta. May nalalasahan at nalalanghap din akong something citrusy. Hindi lemon.

"Ano 'yong parang... kalamansi?" tanong ko.

"Rind ng kalamansi. Mahal ang lemon, eh."

"Okay, ah. Am'bango. Sarap ng salad mo." Sumubo uli ako at ikinumpas kay Bechang ang tinidor. "May lilinawin lang ako. 'Yong Salamancero, isa ring engkanto—quote-unquote—na nakarating dito."

Oo daw.

"'Tapos nagka-jowa at nang magkasakit, bumalik si Salamancero sa Nalla para kunin ang bulaklak ng... something. Nasa kanya 'yong Hubri na n'ong napatay ang Hakim na tatay ni Lakan, napahagis at dumapo sa 'yo. Mahirap ipunin ang Hubri kaya kailangang mahanap ng Salamancero si... ikaw. Hindi niya agad hinanap?"

"Noon pa niya hinahanap kaso, hindi nga nakikita sa salamin."

"Sana nanawagan siya sa lahat ng may uban."

"Paano niya ipapaliwanag kung bakit siya interesado? At malay ko ba kung noon pa siya naghahanap ng may uban, hindi lang niya ako natitiyempuhan."

"Ano ga talaga 'yong Hubri?"

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now