Untitled Part 59

513 16 0
                                    


"A-ANO ang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan—gusto mong maniwala ako sa mga sinasabi mo? Lakan, hindi ko kaya... Hindi ko kayang ipaliwanag, eh."

"Hindi mo maiintindihan kung ayaw mong paniwalaan," sagot ni L'aq'n kay Gigi. Nasa sasakyan sila papunta sa bahay ng senador. Nakikita raw sa selpon ni Gigi kung nasaan na si Bechang. Selpon. Kaya inutusan din niya si Gigi na tawagan ang senador. Hindi raw sumasagot.

"Gusto mong maniwala ako na... engkanto ka?!"

"Engkanto sa inyong salita. 'Yon ang tawag n'yo sa amin. Mga nilalang din kaming kagaya n'yo."

"F-from the other... side?"

Hindi na sumagot si L'aq'n. Tinatanong siya, nang sagutin niya, ayaw namang maniwala. Ibang-iba ang babaeng ito kay Bechang.

"Bakit dadalhin ni Senator sa... sa... sukod n'yo si Bechang?" tanong uli ni Gigi.

"Dahil sa Hubri. Gusto niyang pahinain ang Malus para makuha niya ang Adomina. Hindi maaaring tumuntong sa emperyo si Bechang. Hindi maaaring manaig ang Adomina," sabi niya. Nagsisisi siya kung bakit hindi agad niya sinabi kay Bechang ang totoo nang maalala niya ang lahat. Tiyak na luluha ang babae at... mabigat sa damdamin.

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now