Untitled Part 86

530 23 0
                                    


"OKAY, ah." Inayos ni Bechang ang kanyang 'bra.' Mabigat na at tumutusok sa dede niya ang mga edges ng batong-puraw. Unti-unti nang nagsisiuwi ang mga nilalang doon. Kanya-kanya na ng kapareha. "Instant jowa. Meron din ba na walang nakikitang kapareha ang palad?" tanong niya kay Lakan.

"Mga Asoge."

Tagapagturo. Teacher. Natawa si Bechang. "'Gang dito ba naman, api ang mga teacher?"

"Walang api."

"Alam ko. May babae bang Asoge?"

Tumango si Lakan.

"Ano tawag?"

"Asoge. Hindi mahalaga kung lalaki o babae."

"Pantay lang," sabi niya at tumayo. "Okay rin naman ang Adomina. Tara na sa palasyo. Tawagin mo na si Kunig, ayoko nang maglakad. Ang layo kaya." May dinaanan pa sila kaninang batuhan. Ang nakapagtataka lang at kagila-gilalas, parang hindi naman siya napagod masyado.

Sa hangin kaya? Ang sarap singhutin. O baka dahil relaks na relaks ang mga kasabay niya, hindi nagmamadali. Nagkukuwentuhan pa habang naglalakad—ganoon ang impression niya kahit parang mga nagbabasa lang ang tono. Walang padamdam ang mga sentence.

Nakaka-miss pala ang tandang padamdam.

"Mahirap tawagin si Kunig 'pag naglalaro sa Dagtum. Puntahan na lang natin siya," sabi ni Lakan.

"Owws? Kunwari ka pa. Gusto mo lang akong makasama nang matagal. Sa kaibutuuuuran ng puso mo, nararamdaman mo ang laska. 'Di ga? 'Di ga?" Sinundot niya ang tagiliran ni Lakan.

Napaigtad ito. "Huwag mong gawin 'yan."

"Nakikiliti ka?" Inulit niya.

"Huwag." Walang padamdam at poker-faced pero napalukso na.

Tumigil na si Bechang dahil siya lang naman ang naaaliw sa ginagawa. Kumapit na lang siya sa braso ni Lakan habang naglalakad sila. Ngayon lang niya napansin na hindi nababasa ang bota niya. Waterproof. "Bongga talaga kayo." Naisipan pa niyang tikman ang tubig. "Maalat din... paano nga kaya nalikha ang mga sukod? Alam n'yo ba na may iba pang sukod? Kami kasi, hindi namin talaga alam. Feeling lang namin, may mga ibang nilalang, mga engkanto. Pero... obviously, mali ang intindi namin sa inyo."

"Amulaki ang nakatuklas sa kabilang sukod."

"'Yong si Azra?"

Umiling si Lakan. "Nauna pa kay Azra. Sabi sa alamat, naligaw siya sa kagubatan at hinabol ng vulpa. Lumundag siya sa talon at napunta sa landas ng santelmo. Nakipamuhay siya kasama ng mga mandirigma n'yo."

"Mandirigma? Anong klaseng mandirigma?"

"May larawan sila sa palasyo, iginuhit sa dingding ng pintor na Amulaki."

"'Pakita mo sa 'kin." Curious si Bechang na malaman kung sino ang mandirigmang sinamahan ng ninuno ni Azra. "Anyare pagkatapos n'on?"

"Nalaman niya kung ano ang Malus. Nasa paligid sa lahat ng dako ang enerhiya pero mas malakas sa mga lugar ng digmaan at karamdaman. Nadiskubre din niya na nagbibigay 'yon ng lakas at tapang sa mga mandirigma. Habang dumarami ang napapatay, palakas nang palakas ang Malus na nakapalibot sa mandirigma... pati sa mga bagay na pag-aari niya... sa tahanan."

"Ba't hindi namin alam 'yon?"

"Hindi matalas ang pandama ng karamihan sa inyo sa mga enerhiya."

"'Tapos?"

"'Tapos napaslang ang mandirigma."

"Paano napaslang kung may powers nga dahil sa Malus?"

"Dahil sa Hubri. Noon ay alamat lang ang Hubri pero napatunayan na ni Runo na totoo ang Hubri."

"Okay. Ano ang ginawa n'ong Amulaki nang mamatay ang mandirigma?"

"Ninakaw niya ang katawan ng mandirigma, dinala dito. Itinago niya sa kuweba ng mga kristal. Hindi na siya lumabas doon, ikinulong niya doon ang sarili niya. Doon na rin siya namatay. Sa paglipas ng panahon, ang kuwento niya at ng mandirigma ay itinuring na lang na alamat. Pero pinaniniwalaan ng mga Amulaki. Hindi sila tumigil sa paghahanap sa yungib na gumuho na at natabunan dahil sa mga pagyanig—lindol."

"Hanggang nahanap 'yon ni Azra."

"Sa ilalim ng lawa ng santelmo."

"Ah!" bulalas ni Bechang. "Kaya siguro do'n lumabas ang santelmo."

"Siguro. Mga itim na kristal ang nakuha ni Azra. Kristal ng Malus. Nang iahon 'yon ni Azra sa tubig, kumalat ang Malus sa Nalla. Nagbago ang ugali ng mga nilalang. Nagkaroon ng malagim na digmaan sa pangunguna ng mga Amulaki. Iniluklok ni Azra ang sarili bilang Hakim."

Parang bothered na si Bechang sa kuwento. Kaso lang,

Kailangan ko 'yong Malus.

Malapit na silang lumampas sa pinakamataas na batuhan nang parang may narinig siya sa likod ng mga bato. Pamilyar ang boses.

"Sshh." Pinahinto niya si Lakan. Nakinig pa siya at nakiramdam. "Dito," bulong niya. Umakyat siya sa malalaking tipak ng bato, dumapa sa isa pa para silipin ang nagsasalita. Tama siya. Iyong kasanib-to-be ni Lakan, may kausap na... magandang babae. Kumikinang sa ganda, mukha nang aparisyon.

Kinalabit ni Bechang si Lakan. "Translate mo sinasabi nila," bulong niya.

Ginawa naman ni Lakan.

"MAINIPIN ka, Layna. Isang Dilim na lang ay mamumukadkad na ang Adomina," wika ni Elekia.

"Hindi ko maiwasang mangamba. Delikado ang mga susunod na mangyayari. Sa kaunting pagkakamali o pagkaantala ni Runo, tuluyang mamamatay ang Malus. Kaya ako naririto. Kailangan mo nang makipagsanib kay Lakan. Kailangan mong mapunlaan at magsilang ng sanggol upang sa ganoon, magtagumpay man o hindi si Runo na mailayo ang Adomina, may panghahawakan ako kay Lakan."

"Ako?"

"Tayo."

"Maniwala ka, Layna. Gustong-gusto ko... nasasabik na akong makipagsanib kay Lakan, subalit sumama siya sa Dinapuan." 

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now