Untitled Part 38

586 22 1
                                    


DUMAGSA ang mga miron sa bakuran nina Bechang kinaumagahan. Ipinagkalat nina Buknoy na tutulian si Lakan. Buong baryo, gustong manood. Akala mo may 'aparisyong' inaabangan ang mga kababaryo nila. Maski iyong mga walang pakialam kadalasan, nakikiusyoso.

"Parang mga gago 'tong mga 'to," reklamo ni Bechang kay Inay Biring.

"Hindi ko mapaalis, eh. Nag-akyatan sa bakod."

Si Bechang na ang lumabas. "Hoy! Hoy! Hoy! Magsiuwi kayo! Uwi! Uwi! Alis! Alis!" Nakahagip siya ng isang binatilyo, itinulak niya palabas ng gate. "Hindi kayo puwedeng manood. Labas! Labas! Kayo lahat, labas! LABASSSS!"

"KJ naman," reklamo ni Kelang, hawak ang cell phone.

"Isa ka pa! Gusto mo lang manilip!"

May ibang lumabas. Mas marami ang matigas ang ulo.

"Isusumbong ko na kayo kay Kapitan!" banta ni Bechang. Hindi pa rin natinag ang matitigas ang mukha. Binuksan niya ang gate. Magsusumbong na talaga siya sa kapitan.

Pero sinalubong siya ng mga bakla. Stampede ng mga diyosa!

"Magpapahilot kami sa Mamay. Hindi sa 'yo," sabi ni Miami, ang leader. Taas-baba, liyad ang dibdib, kendeng na walang kinabukasan.

"Tama! Masakit ang mga kasu-kasuan namin!" segunda ng mga alagad ni Miami. Mga naka-shorts at step-in. Mukhang nag-day off sa kanya-kanyang parlor.

"Tara na!" sabi ni Miami, tinabig si Bechang, deretso sa bahay nila.

Kandahabol siya. "Teka muna! Bawal kayong pumasok!"

Nakapasok na ang mga bakla. Kanya-kanyang kaway kay Lakan na nakaupo sa sofa.

Nagsunuran kay Bechang ang matitigas ang ulo, sa pangunguna ni Kelang.

"Ano ga?" asik niya sa babae, itinulak niya para hindi makapasok. Nang makatiyempo, pabagsak niyang isinara ang pinto. Bahala na kung may naipit.

Ang problema, hindi naman niya mapapalabas ang mga bakla dahil kapag binuksan niya ang pinto, dadagsa na naman sina Kelang.

Inis na ipinagsasara niya ang mga bintana.

"Lakan, sa 'taas ka na! Mamay, doon na ho kayo!" sabi niya.

"Sasama kame!" Si Miami.

Tumayo si Lakan, umakyat sa hagdan.

"Lakan, 'wag mo kaming iwan!" emote ng mga diyosa.

Dinuro ni Bechang ang mga ito. "Subukan n'yong umakyat, gugulong ang mga ulo n'yo palabas diyan. Inay, ang itak!"

"Ayyyy! Kaloka!"

Dinig pa ni Bechang. 'Gusto lang naming makakita ng mestisong supot!' at, 'Sheeet, tsalap-tsalap ni Lakan! Suwerte ang pohtang Bechang na 'to. Sama ng ugali, naka-jackpot ng guwapo.'

Kinuha ni Bechang sa Inay Biring ang itak. "Dadaan kayo sa bangkay ko bago n'yo masilipan si Lakan."

E N G K A N T OWhere stories live. Discover now