The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)

880 38 6
By elyon0423

Kayapala sabi niya nagkaroon lang siya ng idea noong mabasa niya ang Death note. Kahit ako ay nalinlang niya.

"Pero paanong nangyari iyon?"

"Ang dugo niya ay galing mismo sa demon." Napatingin kami kay Dick. "Troy. Totoo bang kinuha niyo ang dugo ni Auntie Farrah kapalit ng dugo ng demon?"

Hindi ko siya maintindihan kaya tiningnan ko si Dick dahil pamilyar sa akin ang pangalang Farrah. "Si Auntie Farrah ay asawa ni Master Luis." Pagbubunyag nito. "Pinasok nila ang castle upang hanapin ang sisidlan. Ang tanging tao lang noong mga oras na iyon ay si Auntie Farrah at ang cousin naming si Luisa. Nakatakas si Luisa ngunit pinatay si Auntie Farrah at kinuha ang dugo nito. May sabi-sabi noon na hinahalo sa mga building ang dugo ng mga inosenteng tao upang mapagtibay ito. Isa sa business ng Vergara Clan ay ang matatayog na condominium."

"Pero hindi hinalo ang dugo niya sa building. Bagkus ay inalay ni daddy kay Asmedai upang magkaroon siya ng kapangyarihan." Pagsisiwalat ni Troy.

"Ang hari ng mga demon." Sabi ni Dicko. "Ang lahi ni Auntie Farrah ay galing kay Sarrah. Ang babaeng iniibig at pinagnanasaan ni Asmedai. Hindi niya nakuha ang katawan at kaluluwa ni Sarrah dahil kay Solomon."

"Nalaman ni daddy ang tungkol sa pinagmulan nito kaya inalay niya kay Asmedai ang dugo nito kapalit ng buhay na walang hanggan. Tuso si Asmedai at hindi siya papayag sa nais ng daddy ko. Kung magiging imortal si daddy hindi niya makukuha ang soul nito. Dugo ang pinambayad ni Daddy kaya dugo lamang ni Asmedai ang makukuha niya. Kung nakuha sana nito ang katawan mismo ni Sarrah o kahit man lang ang buto nito baka sakali pang matupad ang nais niya. Ganoon pa man, okay na rin ako sa dugo niya dahil nagamit ko iyon. Muntikang mamatay si daddy nang inumin niya ang dugo ni Asmedai. Kaya sobra ang ang pangaggalaiti niya nang maka-recover siya. Muli niyang binalikan si Asmedai. Sinabi nitong hindi para sa kanya ang dugo niya kundi para sa akin. Dahil bata pa ang katawan ko at kakayanin pa nito ang lakas na mayroon ang isang demonyo."

Sobra na talaga ang kasamaan ng lahi nila. Hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala ang kamay ko kaya hinawakan naman iyon ni Dick.

Dapat pala hiniling ko na lang na ako ang nakaharap ni Troy. Gusto kong maghiganti para kay Luisa pero alam kong masama iyon.

Hinarap ni Troy ang kalaban. Magsasalita pa lamang siya ngunit naunahan na siya ni Leigh sa pagtugtog ng flute na ngayon ay nakatayo na. Walang lumutang na bato ngunit may nakikita kaming enerhiyang bigla na lamang sumulpot sa kung saan-saan. Kulay purple ang enerhiyang iyon. Bigla itong sumabog sa mismong paligid ni Troy kaya natakpan siya ng usok. Sa sobrang kapal nito hindi na namin makita ang imahe ni Troy.

Minuto lang ang lumipas. "Sa taas!" Sigaw ko.

Hindi ko man siya makita ramdam ko ang kilos niya. Saktong pagtingin ni Leigh ay halos ilang pulgada na lang ang lapit nito sa kanya. Hinampas ni Troy si Leigh ng kaliwa nitong braso na hindi pa napipinsala. Tinamaan ang mukha nito at tumilapon sa malayo. Nabitawan niya ang gamit niyang flute pero pinilit niyang gumapang at saktong pagtihaya ni Leigh pabagsak na ang katawan ni Troy sa kanya. Hinarang ni Leigh ang kanyang flute at doon tumama ang sipa nito.

Mabuti na lang matibay ang flute ni Leigh.

Lahat ng atake ni Troy ay sinasalag ng kanyang sandata. Gumulong si Leigh para hindi siya matamaan ng suntok ni Troy. Saktong pagtayo niya ay agad siyang nasipa ni Troy. "Arg." Daing nito.

Sunod-sunod ang suntok at sipa ni Troy pero dinidipensahan lang ng flute ni Leigh ang mga iyon.

Tumambling si Troy at mabilis tumalon papasugod sa kanyang kalaban.

Parang bumagal ang eksena nila ng makalapit ng tuluyan si Troy sa flute ni Leigh.

Nahati sa gitna ang sandata nito kaya ngumisi si Troy. "Tapos ka na." Isang malakas na suntok ang pinakawalan nito sa sikmura ni Leigh. Nagsuka ng dugo si Leigh pero hindi natamaan ng dugo nito ang katawan ni Troy. "Mamamatay ka sa mga kamay ko." Umilaw ang braso ni Troy na may sulat na pangalan ni Leigh. Nagkaroon ng parang tintang itim ang shoulder ni Troy hanggang sa unti-unti nitong sakupin ang boo niyang braso.

"Ano ito?" Wala sa hulo kong tanong. Iba na rin ang itsura ng lahat ng taong nakakasaksi sa pangyayari. Maging si Nicole ay halos makitaan mo na rin ng takot sa kanyang mukha dahil tila nasasaniban na ang itsura ni Troy.

Sinakal niya si Leigh at inangat ang katawan nito. Ginalaw-galaw pa ni Troy ang ulo niya kaya mas lalo siyang naging creepy. "Ganito pala ang pakiramdam kapag dumadaloy sayo ang dugo ng isang akuma."

Pinipilit pa rin ni Leigh na gumalaw ngunit mukhang huli na ang lahat hanggang sa hinagis nito ang katawan niya. Mabilis na nawala si Troy sa kanyang puwesto at napunta siya sa ere kung nasaan ang katawan ni Leigh. Bago pa makalapag sa sahig ang katawan nito ay muli nitong sinikmuraan si Leigh.

Nanlaki ang mata ko nang makitang bumaon ang kamao nito sa kaawa-awang katawan ng kanyang kalaban. Napapikit na lang ako dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko.

Namalayan ko na lang na bagsak na si Leigh. Dilat ang mata nito ngunit mahahalatang tila binawian na ito ng buhay. Habang si Troy naman ay dinilaan pa ang kamao niyang may bahid ng dugo ng kanyang pinaslang.

Leigh...

"Ang nanalo." Panimula ni Mr. Bill. "Si Mr. Troy Vergara!"

Isang ngisi ang pinakawalan ni Troy at naglakad ito palapit sa amin habang nakatingin sa akin na tila ako ang nais niyang puntiryahin kaya humarang si Dick at Akihiro sa harapan ko.

"Relax! Wala akong gagawin." Sabi nito na may ngisi pa rin sa labi.

May mga pumasok sa kabilang pintuan. Naka white sila mula ulo hanggang paa. Nakatakip din ng mask ang kanilang bibig. Kinuha nila ang katawan ni Leigh at umalis na rin agad.

"Mangyari lamang na magtungo na gitna ang susunod na lalaban." Agad namang nag-forward si Akihiro pati ang lalaking may hawak na karit. "Akihiro Yamada at Nathaniel Adeen. Maari niyo nang umpisahan ang laban."

Agad naghanda ang dalawang magkatunggali. Pinaikot ni Nathaniel ang kanyang scythe at inilagay sa gitna na parang gina-guard siya nito. Kinuha naman ni Akihiro ang kanyang twin swords sa kanyang likuran at inihanda rin iyon.

Hindi na nila pinatagal ang laban at agad sumugod ang dalawa. "Ha!" Ipinagkrus ni Akihiro ang twin swords niya upang dipensahan ang atake ni Nathaniel. Nang magtama ang tatlong blade ay agad tinulak ng kalaban si Akihiro kaya napaatras ito. Dinipensahan niya ang kanang bahagi sa pamamagitan ng isang espada dahil agad itong nakalapit sa kanya at nais nitong ikarit ang ulo niya. Hihiwain sana ni Akihiro ang tiyan ni Nathaniel pero agad itong tumalon palayo sa kanya.

Hindi na nito hinintay na sumugod ang kalaban kaya siya na mismo ang unang gumawa ng move. Sunod-sunod ang atake nito sa kalaban ngunit nadedepensahan ito ni Nathaniel.

Matapos ang ilang minuto wala pa ring nagkakaroon ng galos sa kanilang dalawa kaya huminto muna sila at nagkatitigan. "Tsk. Kainis!" Halos bulong lamang ang sinabi ni Nathaniel pero narinig ko pa rin. Muling pina-ikot ni Nathaniel ang kanyang karit at tinusok ng bahagya sa sahig ang dulo. Hindi naman ito bumaon pero hindi iyon ang concern ko kundi ang blade mismo. Biglang nagpatay sindi ang bawat spot lights pero bumalik din naman agad ito sa normal.

Naningkit ang mata ni Akihiro dahil kuminang ang karit nito. Sumugod si Nathaniel pero parang hindi kumikilos si Akihiro.

"Anong nangyayari?"

Nagulat si Akihiro nang makalapit na ito sa kanya. Nagawa man nitong dipensahan ang sarili pero napahiga pa rin siya sa sahig at nabitawan ang isa niyang espada. Napatingin si Akihiro sa kanyang kamay dahil tila nanginig iyon. Agad siyang tumingin sa kalaban na muling sumugod kahit hindi pa siya nakakatayo. Gumulong siya upang hindi tamaan ng atake ni Nathaniel.

Bumaon ang talim ng karit nito sa sahig kaya nanlaki ang mata niya. Muling sumugod si Nathaniel kaya ginawa niyang pandipensa ang isa pa niyang espada. Nang magtama ang blade nila ay sinipa nito ang kalaban. "Arg." Tinulak niya si Nathaniel, dahilan ng tuluyan nitong paglayo sa kanya.

Agad siyang tumayo at tumakbo upang kunin ang isa pa niyang espada.

Hindi katulad sa naunang naglaban. Mas seryoso ang dalawang magkatunggali.

Muling inulit ni Nathaniel ang ginawa niya kaya naistatwa na naman si Akihiro. Nang muli itong sumugod huli na para dumipensa. "Ah!" Hiniwa nito ang likod ni Akihiro. Muntikan na siyang mapasubsob sa sahig pero ginawa niyang panungkod ang isa sa sandata niya.

"Hi-hindi ko makita ang kilos niya." Napatingin sa akin si Dick. "Iyon ang sinabi ni Akihiro." Matalas ang pandinig ko kahit hindi ako nakapiring. Bukod doon nakita ko rin ang galaw ng kanyang bibig kaya sigurado akong iyon ang kanyang sinabi.

Isang ngisi ang pinakawalan ni Nathaniel. "Ang tawag ko sa teknik na gawa ko ay moon shadow."

"Sounds familiar." Si Dicko ang nagsalita. "Gumagamit siya ng illusion from the blade of his scythe." Tumingala ito at tiningnan ang bawat spot lights. "Hinihigop ng blade ang light na mayroon ang paligid upang makakuha ito ng enough na liwanag para magawa ang perfect illusion. Once natuon ang isip ng kalaban sa blade magdidilim ang paligid nito at ang tanging makikita na lang niya ay ang blade na mukhang half moon sa madilim na gabi."

Ngumisi si Nathaniel sa paliwanag ni Dicko. "How did you know?"

"Simple. Because that scythe belongs to me a long time ago. That weapon was one of my masterpiece and gave it to my friend as a gift. After a years my friend killed and since then I never seen it. Don't tell me your the one who---"

"Oo. Hindi ko itatanggi." Mabilis na tugon ni Nathaniel. "Your friend killed my big brother. Isa siyang butler at matagal nang naninilbihan sa family ng kaibigan mo pero dahil isa siyang brat kaya gusto niyang subukan kung gaano ka-effective ang karit na ito. Hindi siya nakuntento sa mga mannequin dahil hindi naman ito gumagalaw kaya sinubukan niya sa kuya ko. Hindi raw niya sinasadyang mapatay ito." Napayuko si Nathaniel. "Kayong mga mayayaman. Wala kayong ibang alam kundi gawin ang gusto niyo. Tingin niyo lang sa mga katulad namin ay walang halaga ang buhay, isa lamang kaming mababang-uri nilalang, alipin, isang kasangkapan na maari niyong paglaruan at itapon kapag wala nang pakinabang." Nakayuko man si Nathaniel ay nakikita ko pa rin ang luhang bumabasa sa kanyang pisngi. "A-ang kuya ko. Siya lang ang mayroon ako, ang buhay niya ay kasing halaga ng buhay ninyong mayayaman para sa akin. Pinagsilbihan niya ng buong puso ang pamilya ng kaibigan mo pero anong ginawa nila? PINAGPRAKTISAN NIYA ANG KUYA KO!"

Sa totoo lang naaawa ako kay Nathaniel kahit hindi ko alam ang boong kuwento niya. Siya at ang kuya niya ay biktima ng mapang-abusong mayayaman. Hindi lang si Nathaniel ang may ganitong kuwento. Kung lalabas ako ng Winter Town marami pa akong maririnig na ganitong kuwento mula sa mga simpleng tao. Ang mali lang niya ay nagpadala siya sa kanyang pagkamuhi at halos wala na rin siyang pinagkaiba sa mga kinamumuhian niya. Subalit may karapatan ba akong ipamukha sa kanya iyon?

Nagpapatawa ka ba? Ang layo na ng narating ko para lang dito tapos aatras lang ako?

Ngayon malinaw na sa akin kung bakit nasabi niya iyon noong mag-uumpisa pa lang ang totoong paligsahan.

"How boring." Sabi ni Troy pero walang pumansin sa kanya.

"Humanda kayong mga mayayaman. Sisiguraduhin kong ako ang makakakuha ng medalyon!" Muling inulit ni Nathaniel ang kanyang teknik habang pinilit namang tumayo ni Akihiro.

"Kung hindi ako nagkakamali ordinaryong tao lang naman si Nathaniel tama?" Tanong ko kay Dick.

Tumango ito sa akin. "Kung wala ang scythe babalik siya sa pagiging ordinaryong tao. Though sa light kumukuha ng energy ang scythe kailangan pa rin malakas ang magpapagalaw sa weapon, not just physical but also emotional and mental. Inspired by for elements ang paggawa ni Dicko sa weapon na 'to. Katulad sa kanila pumipili rin ang scythe ng karapat-dapat upang mapalabas ang totoong kakayahan nito. Narinig ko na ang kuwento tungkol sa kaibigan ng kakambal ko. Sinabi ng kapatid ko ang totoong kakayahan ng scythe sa kaibigan niya pero hindi ito lumalabas every time na inaatake niya ang mga mannequin na pinagpa-pratisan niya kaya siguro naka-isip ito na subukan sa tao. Siya pa lang ang namumukod tanging tao na nakapagpalabas sa kakayahan ng weapon."

ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

199K 6.6K 61
◈◈BOOK I of Curse Saga◈◈ I was just a thief in a division and eversince then I didn't expect that when I opened my eyes I already have a guardian. M...
9.8M 532K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
123K 3.5K 91
How did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as s...
85.3K 1.8K 38
GODDESSES SERIES #1 A girl who treated her ability as a Curse. Akala niya ito ay isang sumpa na kailangang kasuklaman. Ngunit ika nga nila. "With gr...