The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

57: MATCH (THE REVELATION 3)

874 39 4
By elyon0423

Ang nakaraan:

"Habang sinusugod siya ni Leigh unti-unti na niyang sinusulat ang pangalan nito sa kanyang notebook. Hindi mo lang iyon mapapansin basta-basta dahil masyado tayong naging abala sa atake ni Leigh." Paliwanag ni Dick.

"Nauunawaan ko na. Kung tutuusin kaya namang wasakin agad ni Troy ang mga atake ni Leigh pero hindi niya agad ginawa, kaya din niyang makalapit agad sa kanya dahil napatunayan niya iyon ng ilang beses kanina, sinadya rin niyang matamaan siya ng ibang atake upang linlangin ang kalaban na nakakalamang ito." Ngayon nakukumbinsi na nga talaga ako na magaling siyang magpanggap.

Tumango si Dick at Akihiro sa paliwanag ko.

Medyo nakakaramdam na ako ng kilabot dahil unti-unti ng pinapakilala ni Troy ang sarili niya sa amin. Lalo na sa akin dahil classmate ko siya.

"Kinailangan niya ng panahon para gawin iyon ng hindi napapansin ng kalaban." Sabi ni Akihiro.

"Nakakatuwa... Pwede na ba akong pumalakpak sa mga sinabi niyo?" Sabi ni Troy habang dahan-dahan itong lumalapit kay Leigh na sa mga oras na ito hindi pa rin makagalaw kahit nagbibigay na ito ng effort. "Isinulat ko rin sa notebook na susundin ni Leigh ang lahat ng gusto ko." Sabi ni Troy.




Sa tuluyang paglapit ni Troy inilapit nito ang kanyang mukha kay Leigh na animo'y hahalikan niya ito. "Ouch!" Nagulat kami dahil may bumato ng sandok sa kanya. "Sino 'yun?" Inis ang mukha nito.

Lahat tuloy kami ay tumingin kung saang dereksyon nanggaling ang sandok. Isa lang ang kilala kong bumabato ng sandok.

Nakangiti si Mr. Bill ng sobrang lapad na halos hindi mo na makitaan ng mata. "Pasensya na Iho. Nadulas sa kamay ko."

Paano siya nagkaroon ng sandok?

Napakamot na lang tuloy si Troy sa kanyang ulo. Agad naman niyang binalingan ang kanyang kalaban na magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin makakilos. "Subukan natin kung gagana." Isang ngiti ang rumihistro sa labi ni Troy. Ngiting nakakapanayo ng balahibo. "Itaas mo ang iyong kamay."

Nagulat ako dahil biglang naging blanko ang mga mata ni Leigh at unti-unti nitong itinaas ang kanang kamay."

Teka. Parang may naalala ako sa bagay na iyon!

Nagpatuloy si Troy sa pagbibigay ng utos kay Leigh. "Sampalin mo ang iyong sarili." Ginawa nga niya ito. Halos nag-mark ang palad ni Leigh sa kanyang pisngi. Blanko ang mukha ni Leigh at halos walang buhay ang kanyang katawan. "Tusukin mo ng flute ang katawan mo." Itinaas ni Leigh ang kamay nito na may hawak na flute at walang alinlangang tinusok ang kanyang dibdib. Tumulo ang masaganang dugo nito pero hindi mo pa rin siya makikita ng pamimilipit sa sakit.

Paanong masusugatan ng ganoon na lang ang katawan mo sa pamamagitan ng flute?

Lumapit si Troy kay Leigh at binulungan niya ito.

Tumango si Leigh at agad nagpatugtog ng flute. Umangat ang mga bato at umatake ito...

"Ilag!" Sigaw ng hindi ko na malaman kung sino sa mga kasama ko.

Nagulat ako dahil papunta na sa amin ang atake ni Leigh o mas tamang sabihin sa akin.

Dahil hindi ako ready kaya hindi ako naka-alis sa puwesto ko pero nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Carlisle at agad nitong prinotektahan ako sa pamamagitan ng kanyang espada.

Iwinasiwas nito ang sandata at hiniwa ang bato kaya nahati ito sa gitna.

Nakahinga ako ng maluwag doon. "Salamat." Hindi tumingin si Carlisle sa akin. Bagkus ay nakatingin lamang siya sa dalawang tao na nasa sentro.

"Hindi mo pa rin ba nahahalata?" Maangas ang boses ni Carlisle pero hindi ko na iyon iniisip. Sa halip tumingin din ako kay Troy na ngayon ay nakangisi na sa mga oras na ito habang nakatingin sa akin.

Bakit? Bakit ako ang inatake niya?

Tiningnan ko ang mga mata ni Leigh. Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala.

"Ikaw!" Sigaw ko kay Troy. "Ikaw ang may gawa n'un kay Phoebe!"

"Finally nalaman mo rin Elyon." Parang ang giliw pa ng itsura nito nang malaman ko iyon. "Hindi lang si Phoebe. Maging ang kaklase nating nagpakamatay."

"Bakit?" Wala sa hulo kong tanong sa kanya. "Bakit mo ito ginawa?"

"Na-boring ako kaya napagdiskitahan ko ang mga kaklase natin. Nakakatuwa silang pagmasdan habang wala silang kaalam-alam sa mga mangyayari sa kanila." Inangat nito ang notebook na hawak niya. "Kakabasa ko kasi ng Death note kaya nagkaroon ako ng idea na subukan sa kanila since bago ko pa lang nadiskubre ang kakayahan ko. Sa sobrang tuwa ko kay Phoebe kaya tatlong beses kong ginawa sa kanya. Hindi ko nga lang inaasahan na mabubuhay pa siya ngayon. Ang swerte ni Phoebe hindi kagaya ng kaklase nating namatay. Hihi..."

Base sa mga sinasabi niya parang wala siyang pakialam kahit may napatay siyang inosenteng tao.

"Bakit mo ako dinamay sa mga ginawa mo? Sino ka ba talaga?" Sa akin kasi lahat idinidikit ang mga pangyayaring hindi ko naman ginawa.

"Inutos ni daddy na ipapatay ka."

"Kung ganoon bakit hindi mo ginawa? Marami kang pagkakataon para magawa iyon pero bakit dinamay mo pa ang mga inosenteng tao?"

"Wala nang thrill kung papatayin kita agad. Ginamit ko na lang sila para naman masiyahan ako kahit kaunti at para makita ko kung ano ang kakayahan mo. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit isa kang banta sa amin gayong hindi lang naman ikaw ang kasali sa paligsahang ito. Sila ang pinuntirya ko dahil naging involved sila sayo. Inutusan ko si Phoebe na kunin ang bag mo at ikalat ang lahat ng gamit mo. Try lang talaga iyon noong una pero natuwa ako kaya sinubukan ko naman sa kaklase nating si Reyes. Inutusan ko siyang pumunta sa rooftop at tumalon kapag nakita ka niya. At para lalong mapunta sayo ang atensyon muli kong ginamit si Phoebe para isulat ang lahat ng notes and vandalism. Ang effort nga eh. Kaya natuwa ako at hindi ko na siya pinatay. Kayalang medyo sablay ako dahil naalala nga pala niya na ako ang nakausap niya bago siya sumailalim sa kapangyarihan ko. Masyado siyang makulit eh. Gusto niyang malaman kung anong nangyari sa kanya at kung anong ginawa ko sa kanya. Kaya ipinakita ko kung paano ko ginawa. At dahil nakasulat pa ang pangalan niya kaya inutusan ko siya na sa darating na Halloween ay magpapakamatay siya."

Kayapala madalas na niyang lapitan si Troy dahil unti-unti na nitong naaalala ang lahat.

"Binisita ko siya sa Hospital. Nagmakaawa siya sa akin na huwag ko siyang sasaktan o papatayin. Dahil mabait ako kaya nagkaroon kami ng agreement na wala siyang pagsasabihan ng kahit na sino."

Ang sama niya! Naikuyom ko ang aking palad dahil sa sobrang galit. Susugurin ko sana siya pero pinigilan ako ni Dick.

Pinakalma ko ang sarili ko. "Sinong daddy ang tinutukoy mo?" Muli kong tanong sa kanya.

"Wala ka bang natatandaan sa mukha ko? Sabi niya kapag nakita mo raw ako matatandaan mo siya."

Napakunot naman ang aking noo. Ilang minuto kong pinagmasdan ang kanyang mukha at isang tao lang ang biglang sumagi sa isipan ko. "Hindi... Hindi ito maaari!" Bakit ngayon ko lang naalala? "Kamukhang-kamukha mo ang lalaking naging dahilan ng kamatayan ni Luisa."

Napatakip ako sa aking bibig.

"Kung ganoon ikaw nga talaga ang batang babaeng tinutukoy ni daddy. Ha-ha-ha. Akalain mo nga naman. Hindi inaasahan ni daddy na sa inyong dalawa, ikaw pa ang mabubuhay at magiging banta sa amin. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nais ka niyang ipapatay."

Hindi na halos kaya ng kokote kong i-absorb ang mga sinasabi ni Troy. Ipapatay? Ilan pa ang mga taong gusto akong mamatay? Ang masama pa nito kilala ng clan ni Troy kung sino ako. At kung kilala nila ako malamang kilala na rin nila ang pamilya ko. Ano nang gagawin ko?

Hinawakan ni Dick ang kamay ko.

"Kumalma ka Elyon. Huwag kang magpakita ng kahinaan sa kalaban."

Tumango naman ako sa kanya at pinilit kong muling pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong malampasan ang paligsahang ito upang makausap ko si Master Luis.

"Mr. Vergara hindi maaaring puntiryahin ang hindi mo kalaban." Sabi ni Mr. Bill.

"Okay, I'm sorry." Tila hindi sincere si Troy sa sorry niya.

 Muli nitong binalikan si Leigh na nasa ilalim pa rin ng kanyang kapangyarihan.

Ano nang gagawin ni Leigh? Paano siya makakatakas sa siraulong si Troy?

"Pumulot ka ng bato at ipukpok mo sa iyong sarili." Utos nito. Agad nga itong pumulot ng bato at walang alinlangan pinukpok sa ulo niya. Muling dumaloy ang masagana nitong dugo.

Sa totoo lang hindi ko na gusto ang nakikita ko. Naaawa na ako kay Leigh at parang gusto ko na siyang tulungan.

"Leigh... Gumising ka." Bulong ko.

Tortured. Ito ang mas angkop na salita sa ginagawa ni Troy sa kanya. Nagpatugtog ito at muling umangat ang bato pero ang sarili niya ang kanyang pinatamaan.

Marumi na ang kanyang katawan at marami na rin itong galos pero hindi pa rin siya nagigising magpasahanggang ngayon. Bukod doon nakakatayo pa rin siya kahit na halos hindi mo na siya makilala.

Isa pang atake ni Leigh sa kanyang sarili at halos hindi na siya makatayo. Nilapitan ni Troy si Leigh. "Hmm... Siguro kailangan ko na rin isulat kung paano ko wawakasan ang buhay mo?" Muli nitong binuklat ang kanyang notebook. Sakto naman sumuka si Leigh ng dugo at namantsahan niya iyon. "Hey!" Reklamo ni Troy.

Napatingin naman siya sa notebook niya. Nag-iba ang timpla ng mukha ni Troy nang makita ang notebook. Bago pa siya makalingon muli kay Leigh ay hinampas siya nito ng kanyang flute sa mukha.

Hindi pa naka-recover si Troy ay muli siya nitong sinipa sa tiyan kaya tumalsik ito.

"Papaano siya nagising?" Tanong ni Dick.

Kahit medyo hirap ay muling tumugtog si Leigh at agad pinuntirya ang hawak ni Troy. "Ah!!!" Daing ng kalaban niya. Binagsakan kasi nito ng malaking bato ang braso ni Troy.

Lupaylay man ay dahan-dahan pa ring lumapit si Leigh kay Troy. Agad nitong pinaghahampas ang mukha at katawan ni Troy ng kanyang hawak na flute. Kinuha nito ang notebook at lumayo sa kalaban.

Muling nagpatunog si Leigh at binaksakan ng maraming bato si Troy. Nailibing siya ng buhay.

Binuklat ni Leigh ang notebook at nakita naming puro dugo na lang ang naroon. Wala na ang pangalan ni Leigh.

"Mapapawalang bisa ang kapangyarihan ni Troy kapag nabura nito ang pangalan mo." Paliwanag ni Dicko.

Iyon pala ang dahilan. Noong sumuka ng dugo si Leigh sakto namang namantsahan nito ang pangalan niya.

"Hindi pa masyadong bihasa si Troy sa paggamit ng kakayahan niya. Hindi siya aware sa ganitong pangyayari."

Tama. Ang sabi niya bago pa lang niya nadiskubre ang abilidad niya. Hindi niya siguro napag-aralan kung hanggang saan lang ang limitasyon ng kakayahan niya.

Inihagis ni Leigh ang notebook at muli itong nagpatugtog. This time walang bato ang lumutang. Kundi isang enerhiya lang at wanasak nito ang notebook.

Tapos na ba ang laban?

Napa-upo na si Leigh sa lapag. Halatang pagod na siya. Ang nakakapagtaka lang hindi pa rin nag-announce si Mr. Bill kung sino ang panalo.

Huwag niyang sabihing?

Nagulat kami dahil nawasak ang mga batong pinaglibingan ni Troy. Nagliparan ang bawat piraso nito hanggang sa makaabot sa amin. Kaya agad naming dinipensahan ang aming mga sarili.

Nang muli naming silipin ay nakatayo na si Troy pero halos hindi ko na makita ang kanyang mga mata. Bukod doon para akong nakakakita ng awra sa boo niyang katawan. Punit na ang ibang bahagi ng damit nito, marumi na rin ang kanyang boong katawan, at tumutulo ang kanyang dugo sa ulo.

Muli na naman nitong nilabas ang kanyang ngisi. At dahan-dahan niyang inangat ang kanyang mukha. "Sinira mo ang notebook ko!" May diin at nakakapangilabot ang kanyang boses, maging ang expression ng kanyang mukha ay sobrang ibang-iba sa madalas nitong ipakita. 

Laglag na ang isang kamay nito dahil sa ginawa ni Leigh sa kanya. Feeling ko durog na ang kanyang buto o kung hindi man maaring grabe ang pilay nito.

"Wala na siyang kakayahan dahil wala na ang notebook at ballpen niya." Sabi ko.

"'Yun ba ang pagkaka-alam mo?" Napatingin kaming lahat kay Carlisle. Mabuti naman at naririnig ko na rin ang boses ng kumag na ito. "Hindi sa notebook o ballpen nagmumula ang kanyang kakayahan."

"Ano kamo?" Agad kaming tumingin kay Troy. Hinawakan nito ang kanyang ulong patuloy lamang sa pagdurugo. Nagkaroon ng bahid ang kanyang kamay at unti-unting sinulat ang pangalan ni Leigh sa braso nitong hindi na magagamit.

"Hindi sa notebook at ballpen, kundi ang dugo niya mismo ang dahilan." Sabi ni Carlisle.



ITUTULOY...





Continue Reading

You'll Also Like

182K 2.8K 35
Wearing a thick black wig to hide her insecurities and whole identity. Ayesha Luna's mission in this world is to become the people's Great Water Elem...
48.1K 2K 47
Natatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang...
222K 1.6K 7
Eindy... ang pinakapaboritong i-bully ng kanyang mga kaklase since nung bata pa siya.. Mabait, masipag,.matulungin, at maganda kasi siya.. Kontento...
85.3K 1.8K 38
GODDESSES SERIES #1 A girl who treated her ability as a Curse. Akala niya ito ay isang sumpa na kailangang kasuklaman. Ngunit ika nga nila. "With gr...