The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

55: MATCH (THE REVELATION 1)

942 52 8
By elyon0423

*Hi, super sorry sa sobrang tagal na pag-uupdate. Medyo frustrated ako dahil kung kailan malapit ko nang matapos ang book 1 na ito tsaka naman naging demanding ang schedules ko. So sa ngayon baka buwan na naman ang aabutin para sa pag-uupdate ko pero hopefully magkaroon pa rin ako ng pagkakataon this month na makapag-update pa kahit isang chapter lang ulit.

For now lets proceed to chapter 55.

************************************

Humugot muna ako ng malalim na hininga. 

Kahit halos lantang gulay na ang aking katawan ay pinilit ko pa ring umatake at pantayan ang gagawin ng kalaban ko. Sumugod sa akin ang nilikha nitong crystal arrow kaya hinanda ko ang aking dagger. 

Iwinasiwas ko iyon kaya nagbanggaan ang talim ng aming mga sandata. Hindi na rin ako mabilis tumakbo dahil pakiramdam ko ang bigat bigat na ng katawan ko. 'Yun bang halos buhatin ko na ang sarili kong katawan. Hindi puwede 'to...

"Do I need to celebrate now? You look very weak na." Nakarehistro na rito ang nakaka-insultong ngiti nito kahit na medyo hindi na rin siya okay, lalo na ang kanyang mga mata. 

"Yah!" Sigaw ko para mapilit ko ang aking katawan na makapag-produce pa ng lakas. 

Wasiwas ng dagger at pag-iwas sa atake ang paulit-ulit na senaryo ko hanggang sa hindi ko na talaga kaya.

"Katapusan mo na!" 

Tinitigan ko na lang ang arrow na unti-unting pumupunta sa direksyon ko. Inantay ko na lang na dumampi ito sa aking balat hanggang sa naaramdaman ko na lang ang hapdi at lamig sa aking kanang dibdib. 

Tinusok ako ng crystal arrow kaya malayang umagos ang aking dugo subalit nagulat ako dahil hindi iyon malalim. 

"Arggg." Napatingin ako kay Richard at nagulat ako dahil lumuluha na siya ng dugo.

A-anong nangyayari?

Kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Richard ay ang pagkatunaw ng crystal arrow sa aking dibdib. Pakiramdam ko dininig ng langit ang panalangin ko, akala ko talaga katapusan ko na.

"He-he..."Nakakabilib na nagawa pa rin niyang tumawa kahit na halos takasan na ng ulirat si Richard. "N-natalo a-ako ng i-isang babae." Pagdedeklara nito.

"Huwag ka nang magsalita." Saway ko sa kanya habang dahan-dahan akong lumalapit. 

"H-huwag k-kang l-lapit." Pigil nito sa akin. Paano niya nalaman na lalapit ako sa kanya? Halos habol habol na nito ang hininga at kita mo sa expression ng kanyang mukha na may iniinda siyang kirot. "S-sorry sa g-ginawa ko sa'yo at sa mga sinabi ko." Sa totoo lang hindi ko talaga ine-expect na hihingi siya ng tawad sa akin. "Isang karangalan sa akin na makaharap ka Elyon. Sa l-labang ito ikaw ang n-nanalo kaya k-kung maari sana ay magtungo ka na sa susunod na pagsubok at huwag mo na akong subukang tulungan pa dahil kahihiyan iyon para sa akin."

Tsk, ayaw talaga nilang bitawan ng pride nila kahit nasa ganito na siyang kalagayan. Wala talaga akong masabi sa Dunstan Clan.

Kahit ayaw ko siyang iwanan wala na akong nagawa. Yumuko ako bilang baggalang sa kanya. "Karangalan ko rin ang makalaban ka. Maraming salamat." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago ko siya tinalikuran.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko pero halos umiikot na ang paligid ko at namalayan ko na lang na bumagsak na rin ako sa malamig na lupa. H-Hindi ko na talaga kaya... Nagpapanggap na lang kasi talaga ako kanina na pero this time parang ayaw nang sumang-ayon ng katawan ko. 

Hindi ko alam kung ilang minuto na ako na nasa ganoong kalagayan pero nanatili na lang akong nakapikit. Ilang laban pa kaya ang mangyayari? Pakiramdam ko kasi walang katapusan ang paligsahang ito. 

Naramdaman ko na lang na may dumikit sa aking kamay kaya ng imulat ko ang aking mata nakita ko si Sky na nasa bibig ang aking maskara. Mabuti na lang at tinakpan ng aking buhok ang mukha ko. Pinilit kong kunin iyon at dahan-dahan akong umupo, habang sapo ng kanan kong kamay ang kalahati ng aking mukha.

Nang maka-upo ako ay saka ko inilagay ang maskara sa aking mukha. Nakita ko sa gilid ni Sky ang isang malaking mansanas. Natawa tuloy ako sa kanya, imbis na ako ang magpapakain sa kanya ako tuloy ang pinapakain niya. Hidi ko akalain na makakasama ko si Sky sa ganitong klase ng laban. Kapag nalusutan ko ang paligsahang ito gagawin ko ang lahat para maging mabuting amo ng owl na ito.

Hinimas ko ang kanyang puting balahibo na hindi naman niya ikina-angal. "Maraming salamat kaibigan."

Kinuha ko ang mansanas at sinumulang kagatin iyon. Inabot ko ang aking kamay sa kanya at walang alinlangan itong humakbang papunta sa aking kamay. 

Tumayo ako habang ngumunguya ng mansanas. Agad kong inihagis si Sky upang malaya itong makalipad at makalayo sa lugar.

Ngayon, handa na ako sa susunod na laban...

Nakaka-ilang hakbang palang ako ay sumulpot sa aking harapan ang malaking screen. "Congratulations Miss Angel of Music, tingnan mo nga naman ang swerte. Masyado ka yatang pinagpapala ngayon pero tingnan natin sa susunod mong laban kung kakabitan ka pa ng swerte." 

Tsk...  Hindi ko pa rin siya sinagot at hinayaan lang na sabihin nito ang susunod kong gagawin. "Please proceed to the right side of the castle. May makikita kang makalaking pintuan doon. Itulak mo lang iyon at makakarating ka na sa susunod na paligsahan."

Matapos mawala ang screen ay agad na nga akong naglakad papunta sa sinasabi nitong lugar. Nagulat ako sa laki ng pintuan ng makarating ako, bukod doon hindi ko makita ang door knob. Papaano ko bubuksan 'to?

"I forgot to tell you..." Napaatras ako dahil nagulat ako sa paglitaw ng screen sa aking harapan. "Kailangan mo itong itulak upang ma-open ang door na iyan." 

Seryoso 'yun?

"Good luck!" Ito ang huling salitang binitawan niya bago ito tuluyang mawala sa aking harapan. 

Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko. Naman oh! sa itsura palang halatang mabigat 'yung pintuan eh. Naalala ko tuloy 'yung sikretong pintuan para makalabas ng winter town, mas malaki nga lang ang isang'to. Lumapit ako sa pintuan at boong lakas na tinulak iyon pero hindi bumukas. 

Nakakinis... 

Hindi ba nila alam na galing pa sa ibang laban 'yung mga papasok dito? 

Hindi ko muna sibukan ulit buksan. Kailangan ko munang magpahinga ng kaunti para magkaroon ako ng sapat na lakas. 

Matapos ang ilang minuto, muli akong nagconcentrate, lumapit ako sa pintuan at tinulak iyon. "Yah!!!" Sa pagiging desperada ko ramdam kong tumutulo na ang ilang dugo sa aking mga bukas na laman dahil sa pwersang binibigay ng aking katawan. 

Umuwang ang pinto kaya wala akong sinayang na pagkakataon at halos patalon akong pumasok sa loob, kaya bumulagta ako sa sahig. "Arg... Ha...Ha..." Habol ko ang hininga ko at sobrang kirot na ng mga sugat ko, bukod doon nanunuyo na ang lalamunan ko. "T-Tubig. Kailangan ko ng tubig." Ilang minuto akong nasa ganoong kalagayan nang maramdaman ko na lang na tila may bisig na sumuporta sa aking ulo at inangat ako ng bahagya. Naramdaman ko rin ang malamig na likidong dumampi sa aking labi kaya agad kong nilaguk ang lahat ng laman ng bote. Nang idilat ko ang aking mga mata, isang malabong imahe ang bumungad sa akin.

"Patay ka na ba?" 

Naibuga ko ang ilang tubig na hindi ko pa nalulunok dahil sa boses ng estranghero. Shit... Kilala ko 'yung boses na 'yun! Anong ginagawa niya rito? "H-Hindi ka nakakatulong." Hanggang dito ba naman ganyan pa rin ang asal nang Carlisleng 'to?

Kasabay nang pagmulat ng aking mga mata ay pinilit kong muling umupo dahil ayokong magpakita ng kahinaan kay Carlisle kahit mukha namang halata na. "Hindi mo na kakayanin." Sabi nito sa akin na hindi mo makitaan ng kahit anong expression.

Napangisi na lang ako sa kanya. "Eh ano ngayon sayo?" Kung titingnan si Carlisle may mga sugat na rin siyang natamo, madumi na rin ang kanyang damit pati ang ilang bahagi ng kanyang katawan pero halatang malakas pa siya kumpara sa akin.

Matapos akong tingnan nito nang ilang minuto siya na rin ang unang tumayo at naglakad palayo sa akin pero huminto rin siya kaya nagtaka ako. "Bilisan mo!" Utos nito.

Tsk, masakit man ang buo kong katawan ay agad na rin akong tumayo at sinundan na lamang si Carlisle kung saan kami dadalhin ng tunnel.

Pagdating sa dulo nakita namin ang isang pabilog na space.

Sa kabilang pintuan na malayo sa amin ay nakita ko ang ibang mga kalahok, ganoon din si Mr. Bill na nasa pinakasentro ng malawak na espasyo. "Mag-antay pa tayo ng ilang minuto para sa ibang kalahok." Sabi ni Mr. Bill.

Kahit medyo malayo nakita ko pa rin kung sino ang mga kalahok sa kabilang pintuan. Si Dicko na kakambal ni Dick at ang kapatid nilang si Nicole. May tatlo pa silang kasama, 'yung lalaking balot na balot sa tela at halos hindi mo makitaan ng mukha, 'yung lalaking may hawak na karit, at 'yung...

Teka parang kilala ko 'yung babaeng kasama nila na may hawak na flute. "Siya ba 'yung babaeng na-bully ng schoolmates natin na tinulungan ni Alex? Siya rin 'yung babaeng nakita ko noon na tumutugtog ng flute sa park at sa acquaintance party."

Hindi umimik si Carlisle sa sinabi ko at nakatingin lamang siya sa mga kalahok nasa kabila.

Ilang minuto lang at nakaramdam na kami ng mga naglalakad sa tunnel na nilakaran namin.

Paglingon ko sa likuran ay nakita ko ang tatlong lalaking palapit sa direksyon namin. Si Dick, Akihiro at...

"Troy?"

"Oh, Hi Elyon." Isang malapad na ngiti ang iginawad nito sa akin na halos mawalan na siya ng mata.

Sa totoo lang hindi ko inaasahan ito. Bakit hindi ko man lang nalaman na may kaka-iba pala sa lalaking ito?

Ang tanong ngayon sa akin ay kung ano ang kakayahan niya?

"Elyon!"

"Ely!"

Halos sabay akong tinawag ni Akihiro at Dick kaya nagkatinginan silang dalawa pero agad ding nag-iwasan at patakbo silang dalawang lumapit sa akin.

Bakit? Anong meron sa dalawang 'to?

Kitang kita ko ang pag-aalala sa kanilang mukha. "Okay ka lang?" Tanong ni Akihiro habang hinuhubad nito ang kanyang jacket at akmang ipapasuot sa akin kaya napaatras ako.

"A-ayos lang ako." Hindi ko talaga gusto ang pagiging concern nila sa akin. Naiilang talaga ako lalo na at mga lalaki sila. 

Hindi nagpatinag si Akihiro, hinila ako nito at sinuot sa akin ang jacket kaya wala na akong nagawa.

"Kailangan mong magamot." Sabi ni Dick. Agad itong naglabas sa maliit niyang bag ng gauze at ilang herbal medicine.

Ayoko sana pero wala na akong nagawa dahil inuumpisahan na nitong gamutin ang mga sugat ko.

"Woh, ang dami naman palang nagmamalasakit kay Elyon eh." Sabi ni Troy kaya sinamaan ko siya ng tingin. Katabi niya si Carlisle na printing nakasandal lamang sa pader. "Kamusta bro?" Bati nito sa supladong si Carlisle pero hindi siya nito inimik. Ano bang aasahan mo sa kupal na ito? 

"Ehem." Napatingin kaming lahat kay Mr. Bill habang hawak nito ang pabilog at maliit na orasan. "Ipagpaumanhin ninyo subalit kailangan na nating magpatuloy." Hindi na muna tinapos ni Dick ang paggagamot sa akin para mabigyan ng atensyon ang sasabihin ni Mr. Bill. "Ngayon ay malapit nang matapos ang paligsahang ito dahil mabilis nalagas ang ilang kalahok at tanging kayo na lang ang natira." Inilabas ni Mr. Bill ang box na hindi naman ganoon kalahakihan. "Kailangan niyong maglaban sa lugar na ito. Kung sino ang limang mananalo ang siyang makakarating sa huling paligsahan. Kailangan niyong bumunot sa box na ito upang malaman kung sino ang makakalaban ninyo. Kung sino ang may kaparehong numero ang siyang maglalaban."

"Maganda ito." Napatingin ako kay Troy na tila excited pa sa kanyang nalaman.

Kung ako ang papipiliin wala akong gustong makalaban sa kanila. Hindi dahil sa pagod na ako kundi dahil halos lahat sila ay kilala ko na at naging bahagi ng buhay ko. Lalo na si Akihiro, Dick, at Carlisle kahit na napakasama ng ugali niya. Ayoko rin namang makaharap ang mga kapatid ni Dick dahil kamag-anak sila ni Lady Margareth, ayoko ring makalaban si Troy dahil classmate ko siya kahit hindi ko pa alam ang kakayahan niya, pati ang babaeng may hawak na flute dahil mukha siyang inosente at parang napilitan lang siya sa paligsahang ito.

"Lumapit na kayo rito." Agad naman kaming lumapit sa box at isa-isang bumunot.

Tiningnan ko ang nabunot ko at five ang rumihistro sa papel ko.

"Mangyari lamang na magtungo na sa sentro ang nakakuha ng unang numero upang umpisahan na ang unang laban." Sabi ni Mr. Bill. 

Ramdam ko ang tensyon sa bawat isa dahil hindi namin alam kung sino ang unang sasabak sa laban hanggang sa umabante si Troy, ganoon din ang babaeng may hawak na flute sa sentro ng malaking espasyo. "Muli kong ipapaalam na walang rules ang larong ito. Malaya kayong gawin ang nais niyo."

Ito ang pinaka nakakatakot sa ganitong klase ng paligsahan. Kahit mandaya ang kalaban o makapatay siya wala iyong kaso. "Elyon." Napatingin ako kay Dick. "Kailangan mo ng malunasan para makapagpatuloy ka sa laban." 

Hindi ko siya tinanggihan kahit naiilang akong mahawakan niya ang balat ko dahil halata naman sa akin na kailangan ko talaga ng pahinga at gamot sa oras na ito. Hinubad ko ang jacket na pinahiram sa akin ni Akihiro upang masuri nito.

"Hindi ko gusto na nasa ganito kang kalagayan." Sabi ni Dick habang pinupunasan nito ang aking mga sugat. "Ganoon pa man nakahinga pa rin ako ng maluwag dahil nakarating ka hanggang dito." Tiningnan ko siya subalit nakatoon lamang siya sa paggagamot sa aking mga sugat.

"Wala akong choice kundi ang lumaban at mabuhay." Bahagya lamang siyang tumingin at muling ibinalik ang tingin sa mga sugat ko.

"Anong dahilan?" Tanong ko sa kanya kaya napakunot naman ang noo ni Dick. "Sinabi sa akin ng kuya mo na nais akong ipapatay ni Master Zeus kaya anong dahilan kung bakit tinutulungan mo pa rin ako?" Bahagya lamang siyang huminto ngunit muli na naman nitong pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. 

"Kung gusto kitang patayin magagawa ko na ngayon palang. Pwede kong lagyan ng lason ang katawan mo sa mga oras na ito pero hindi ko ginawa." 

"Bakit?"

"Dahil kaibigan kita at wala rin akong choice kundi ang tulungan ka sa abot ng aking makakaya." 

"Huwag mo akong linlangin dahil may pagpipilian ka."

"Wala kang tiwala sa akin ano?" Tumingin ito sa akin pero agad din siyang umiwas at tumingin sa ibang kasama namin. "Akihiro!" Lumapit si Akihiro sa pwesto namin na bakas ang pagtataka dahil sa pagtawag sa kanya ni Dick. 

Paglapit ni Akihiro ay muling tumingin sa akin si Dick. "Elyon, kailangan mong hubarin ang damit mo para malagyan ko ng maayos ang sugat mo ng gauze."

"ANO?" 

ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

1M 60.4K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
5M 228K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
25.3K 1.2K 50
[Mystic Academy: Book I] π•±π–Žπ–—π–Š, π–‚π–†π–™π–Šπ–—, 𝕰𝖆𝖗𝖙𝖍 𝖆𝖓𝖉 π•¬π–Žπ–—. π•Ώπ–π–Š π–‹π–”π–šπ–— π–’π–†π–Žπ–“ π–Šπ–‘π–Šπ–’π–Šπ–“π–™π–˜ 𝖙𝖍𝖆𝖙 π–π–Šπ–Šπ–• π–™π–π–Š 𝖇𝖆𝖑𝖆�...