The Cold Mask And The Four El...

Por elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... Más

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

54: MATCH (The Crystal Arrow 3)

859 51 11
Por elyon0423

"You brat!" Sigaw nito. "Ah!!!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya na parang may umatake rito. Inangat ko ang aking mukha at inuwang ng bahagya ang aking daliri upang makita ng aking kaliwang mata ang nangyayari.

Nanlaki ang aking mata...

"Get off!!!" Pilit nitong itinataboy ang umaatake sa kanya.

"Sky..." Bulong ko sa aking sarili. Walang takot nitong pinagtututuka si Richard sa kanyang ulo kaya hindi ito nakagawa ng crystal arrow.

Anong ginagawa niya rito?

Hinampas ni Richard si Sky kaya nakalipad ito nang malayo. Alam kong masakit iyon dahil natanggal ang ilang balahibo nito at narinig ko rin ang daing ng matapang na kwago pero wala na akong sinayang na pagkakataon. Tinanggal ko ang ponytail ng aking buhok kaya malayang bumagsak ang kulay itim at mahaba kong buhok.

Makakatulong ito upang takpan ng kaunti ang aking mukha. Muli kong tinakpan ang aking kaliwang mata sa pamamagitan ng aking palad.

Salamat Sky... Hindi ka isang alaga lang kundi isang matapang na ibon. Malaki ang naging tulong mo.

Wala akong kahit na anong nakikita subali't hindi ito naging hadlang upang hindi ko maramdaman ang enerhiya ni Richard.

"Ginalit ako ng ibon mo! Humanda ka dahil hindi na ako maaawa sayo!"

Tsk, napangisi na lang ako dahil sa wakas naasar din ang kupal.

Hindi ako nagsalita bagkus ay inantay kong gamitin nito ang kanyang enerhiya. Mas malakas na enerhiya mas malaki ang chance na maramdaman ko kung nasaan siya.

Muli na naman siyang lumikha nang crystal arrow kung kaya't ramdam ko ang pagpapakawala nito ng enerhiyang kinakailangan ko upang maramdaman ang mga atake nito.

Ramdam kong ang kakaiba nitong enerhiya na papasugod sa direksyon ko kaya agad ko iyong iniwasan. Mas mabilis na ang mga atake nito kaya naman sinabayan ko ang bilis niya.

Tumalon ako at tumambling sa ere upang maiwasan ang atakeng pailalim, hindi pa man ako nakakatapak ramdam ko nang may arrow na papasugod sa itaas kaya muli akong tumalon at tumapak sa isang sanga pero hindi din ako nagtagal dahil may panibago na namang paparating kaya muli akong tumalon upang lumanding sa lupa.

Hindi ako sanay gumamit ng dagger sa kaliwa kaya ginamit ko ang kaliwang habagi ng aking kamay upang iyon naman ang ipantakip sa kalahati ng aking mukha. Tinago ko muna ang aking dagger at kinapa ang whistle sa na nakasabit sa aking leeg.

Alam kong kalabisan ito kay Sky subalit siya lang ang isa sa nakikita kong solusyon ko upang maisakatuparan ang plano ko. Nagtago ako sa isang malaking puno habang pinatutunog ang whistle, may dalawang enerhiya akong nararamdaman at walang dudang sa crystal arrow iyon, pero bukod doon ramdam ko ring may isa pang nilalang na papunta rin sa akin.

Sinalubong ko si Sky at sakto naman ang landing niya sa aking balikat, agad kong kinuha ang aking dagger at winasiwas iyon sa ere. Dinig ko ang pagbangga nito sa katawan ng crystal arrow, kung hindi ako nagkakamali nahiwa ko iyong muli.

Kailangan kong doblehin ang effort ko para rito dahil mukhang hindi ako tantantanan ng crystal arrow ni Richard.

"Makinig ka Sky..." Sabi ni Master Hagiza matalino si Sky kaya't alam kong mauunawaan niya ako. Matapos kong sabihin ang dapat niyang gawin agad itong umalis sa aking balikat. "Ngayon, umpisahan na natin ng tunay na laban."

"Tunay na laban huh?" Hindi ko man makita ang kanyang mukha alam kong sobrang nagtataka siya sa mga binitawan kong salita. "Aha! I think unti-unti ka ng nasisiraan ng bait? Well, hindi kita masisisi, siguro hindi na kayang i-handle ng utak mo at ng body mo ang aking kakayahan? Pity you, young lady."

Hindi ko siya pinansin, bagkus ay nagconcentrate ako at pinakiramdam ko ang aking paligid. Naalala ko ang ginagawa ko noong training ko sa labas ng winter town.

Ang kalikasan ay kasamang nakikibahagi sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at napakalaki ng ambag ng kanilang enerhiya upang tayo ay maging malakas at matatag na harapin ang bukas...

Ang kalikasan, nais kong humiram ng lakas mula sa energy ng kalikasan.

Alam kong bahagi nang kalikasan ang apat na elemento, ngunit naniniwala akong hindi ko man kabahagi ang mga nagkokontrol sa kalikasan, hindi ibigsabihin nu'n na ipagdadamot na nito ang enerhiyang kakailanganin ko. Noon pa man, hindi kailanman nagdamot ang kalikasan sa pagbibigay ng enerhiya para sa tao. Alam ko, lalo na sa twing naglalakad ako sa kagubatan, sa dalampasigan, kapag tumitingin ako sa kalangitan, kapag tumatambay ako sa ilalim ng puno noong bata ako, kapag tumitingin ako sa umaagos na tubig sa water falls, sa fountain ng isa sa mga mall sa Maynila noon. Ngayon alam ko na kung bakit muli akong sumisigla at gumagaan ang pakiramdam ko.

Ramdam kong ang atake ni Richard pero mabilis akong umalis sa aking pwesto. "Anong?" Dinig ko ang pagkagulat sa binitawang salita ng kalaban ko.

Mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon niya, mukha namang napapantayan pa rin niya ang bilis ko dahil pilit akong hinaharangan o pinipigilan ng mga crystal arrow niya.

Kung hindi pag-iwas, pagsangga sa atake ang ginagawa ko. Bahagya kong inuwang ang aking daliri upang makita ko ang expression sa mukha ni Richard, sa unang tingin aakalain mong kalmado pa rin siya subalit kita ko na ang unti-unting pangungunot ng kanyang noo. Medyo humihina na rin ang enerhiya niya kaya wala na akong sinayang na pagkakataon. Muli kong tinakpan ang aking kanang mata at pinakiramdaman ang paligid.

Konti na lang at malapit na ako sa kanya.

Agad akong nag-iba ng direksyon, sinubukan kong sa likuran niya umatake subalit mabilis din siyang nakagawa ng crystal arrow at muling bumalik sa dati nitong energy.

Hindi ko akalaing mabilis lang siyang makakarecover.

"Hinding hindi mo ako mapapantayan."

Hindi ko napansin na mayroon palang crystal arrow na nakahilata sa lupa at naghihintay lang ng makalapit ako. "Ah!!!" Tinamaan ako nito sa aking binti. Agad ko iyong hinati sa gitna pero matapos n'un ay tuluyan na akong nawalan ng balanse. Tinusok ko ang dagger sa lupa at sinayad ang tuhod ko upang masuportahan nito ang bigat ng aking katawan.

"You think na hindi ko alam ang plano mo? Minamaliit mo ang kakayahan ko, right Elyon?"

Muli ko na namang naramdaman ang panibagong crystal arrow, kaya bago pa man ito tuluyang mabuo ay agad ko na siyang sinugod. "Yah!" Ramdam kong napaatras siya subalit nagawa pa rin niyang umatake. "Ah!" Tinamaan na naman ako sa iba't-ibang bahagi pero wala na akong pake.

Patuloy ako sa pag-abante. "Matibay ka rin ah!" Sabi nito sa akin.

Mabilis akong sumabay sa hangin, sa isang iglab lang nasa gilid na niya ako. Ibinuwelo ko ang aking dagger at agad inatake si Richard subalit mabilis nakapagresponse ang kanyang crystal arrow kaya nagawa nitong masangga ang atake ko.

Pagtapak ko sa lupa agad akong tumalon ng mabilis, tumambling ako sa itaas at tinutok ang aking dagger subalit bigo pa rin akong malapitan ang kanyang katawan kaya bago pa man ako muling lumapag ay hinagis ko na ang aking dagger sa direksyon niya.

Dinig ko ang pagbanggaan ng talim ng dalawang dagger. Pagbagsak ko sa lupa, tinungkod ko ang aking kanang kamay at agad tumakbo pa kaliwa upang kunin sa ere sa ang sandata ko.

Tama ang aking pagkalkula kaya bago pa sumayad sa lupa ang dagger ko ay nahawakan ko na ito.

Muli akong sumugod pero talagang matibay ang dipensa ni Richard kaya habang nililito ko siya sa aking ginagawa agad kong pinatunog ang aking whistle.

Mabilis kong winagayway ang aking dagger at unti-unting lumapit sa kanya. Kahit natatamaan ako nang iba niyang atake ay hindi ako nito napigilan. Itinaas ko ang dagger ko at lahat nang energy ko ay ibinuhos ko sa aking kanang kamay upang atakihin siya. Dinig kong may tinamaan akong matigas na bagay, at nang muli akong sumilip halos konti na lang ang agwat ko sa kanya. Kung hindi dahil sa crystal arrow niya baka bumulagta na siya ngayon sa malamig na lupa.

Titig na titig ito sa aking kanang mata.

"Yah!!!" Ubos lakas kong winasak ang kanyang dalawang crystal arrow pero bago pa man siya makagawa nang panibago... "Ngayon na!" Sigaw ko sa kawalan.

"Ah!" Muli siyang inatake ni Sky kaya nawala siya sa focus, muli, mabilis na nakarecover si Richard dahil saglit lamang ang atake ni Sky pero bago pa niya tuluyang magawa ang perpektong arrow...

"Yah!" Ubos lakas kong pinakawalan ang huling atake ko. Pinuruhan ko siya sa kanyang magkabilang kamay upang hindi na siya makagawa pa nang panibagong arrow.

Humalo ang kanyang dugo sa yelo na nakaratay sa lupa. Ilang minuto lang at tuluyan na siyang napa-upo sa lupa. "Pa-paano?" Tanong nito.

"Ito lang ang tanging paraan upang pigilan kang makagawa ng panibagong arrow."

"Kung ganoon bakit hindi mo pa ako tapusin?"

"Hindi na kailangan. Sapat na sa akin na pigilan kang makagawa ng arrow, at isa pa, hindi ako pumapatay ng kadugo ni Lady Margareth." Iyon lang at agad ko na siyang tinalikuran.

Hindi pa man ako nakakailang hakbang ay nakarinig ako nang impit na tawa, kaya ng humarap ako ay hindi na nito naitago at tuluyan na siyang humalakhak ng napakalakas. Baliw na ba 'to?

"Hangal ka nga talaga Elyon." Sabi nito sa akin kaya nanlaki ang aking mata.

Magsasalita pa sana ako subalit naramdaman ko na lang na may humiwa sa aking likuran. Parang bumagal ang oras nang unti-unti akong mapadapa sa lupa.

Ramdam ko ang lamig ng yelo na unti-unting kumakain sa aking katawan, ganoon din ang sakit ng panibagong sugat na nasa aking likuran.

"Nagkamali ka nang kalkula young lady. Hindi sa aking mga palad kundi sa aking mga mata ang source of energy ko. Ang kailangan ko lang gawin ay tingnan ang target ko at makakabuo na ako ng crystal arrow."

Hindi ko alam at hindi ko napansin ang mga mata niya, akala ko kaya lang na mga mata niyang mag-adjust kung gaano kalayo, kadilim, at kalabo ang paligid niya. Iyon pala may mas malalim pang kakayahan iyon. Kayapala hindi niya magawang mapuntirya si Sky ng crystal arrow dahil nakaset sa kanya na ako lamang ang target niya at para sa akin lamang iyon.

"Pasensya ka na, mali ka rin ng desisyon na hindi pagpaslang sa akin. I'm sorry but I didn't change my mind."

Ramdam kong gumagawa na naman siya ng crystal arrow pero kataka-takang hindi na iyon ganoon kalakas. Pinilit kong galawin ang aking kanang kamay at muling tinakpan ang kalahati ng aking mukha, bahagya kong inangat ang aking ulo at kita ko sa kanya ang lalim ng kanyang paghinga, at parang may namumuong pawis sa kanyang noo.

"Huwag na nating patagalin ito... Katapusan mo na!"

Agad akong gumulong upang tumihaya, naramdaman ko man ang kirot ng malaking hiwa sa aking katawan pinilit ko pa ring magconcentrate upang mapunan ang tamang kalkula sa pagpigil sa arrow na papunta sa akin.

Huminto ang crystal arrow malapit sa gitnang bahagi ng aking noo. Halos konti na lang sayad na ito sa aking balat kung nahuli pa ako nang kaunti.

Hawak ko ngayon ang katawan ng arrow at boong pwersa kong pinutol iyon.

Kinuha ko ang dagger ko na malapit lamang sa akin at pinilit kong tumayo. Halos laglag na ang kanang kong kamay habang hawak ang aking dagger, hindi na rin maayos ang pagkakatayo ko dahil ramdam ko na talaga ang pinsala ng aking boong katawan. Punitpunit na rin ang ilang bahagi ng aking damit kaya exposed na aking balat.

Kailangan na naming tapusin ang laban. Kung magtatagal pa ito baka susuko na ang aking katawan.

Dinig ko ang buntong hininga nito. "C'mon, don't fool yourself. Hindi mo na kaya pero pinipilit mo pa rin."

"Coming from you?" Medyo nagulat siya sa sinabi ko. "Sapalagay ko nameet mo na rin ang hangganan ng kakayahan mo."

Ilang minutong katahimikan ang dumaan sa aming dalawa at dahil doon kapansin pansin tuloy ang malakas na hangin na dumaan kaya tinangay nito ang mahaba kong buhok. "Ha-ha-ha, disgusting." Si Richard na rin ang bumasag ng katahimikan. "I did an effort to hide my limitations but you still noticed it. How funny isn't it? My abilities required more energies to make a perfect crystal arrow. I thought mabilis kong matatapos ang labang ito pero masyado kitang minaliit... Magkagoon pa man hindi pa rin magbabago ang isip kong kitilin ang buhay mo kaya gawin mo ang makakaya mo Elyon."

"Tsk." Hinanda ko na ang aking sarili. Kahit na mahina na ang energy niya hindi ibigsabihin n'un ay tabla na kami.

Muli itong lumikha ng crystal arrow, kahit ramdam kong mahina na siya alam kong matalas pa rin iyon at puwedeng makapatay kapag hindi ako nag-ingat.

Ginamit ko ang natitirang lakas ko ngunit halos manalangin na ako na sana matapos na ang labang ito. Kung ano mang maging resulta nito... Bahala na.





ITUTULOY...

Seguir leyendo

También te gustarán

2.2K 259 21
Si Alice ay isinilang na may dalang sikreto, ngunit lalaki siyang hindi alam ang buong kuwento. Ang akala niya'y nagsakripisyo ang ina upang iligtas...
579K 28.4K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
228K 3.6K 53
[COMPLETED] [UNEDITED] This is a Fantasy Story. This work is not perfect so expect some grammatical and typographical words. All Rights Reserved.
153K 3.9K 68
12 ZODIAC SIGNS, 13 PROTECTORS. Why is it 13 kung 12 lang talaga ang Zodiac signs? Simple lang ang pamumuhay ng mga kabataan na 'to. Nabago na lang...