The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

53: MATCH (The Crystal Arrow 2)

865 51 2
By elyon0423

Hinawakan ko ang katawan ng arrow at agad ko iyong hinugot mula sa aking bukas na laman. "Ah!!!" Daing ko dahil sa sobrang sakit.

Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat at pagkamangha. Pinilit kong tumayo at ipustura ang aking katawan upang paghandaan ang susunod niyang atake. Feeling ko kung aatake agad ako baka maubos ang aking lakas lalo na at may sugat na ako sa hita at hindi pa rin magaling ang paso sa braso ko. Kung madadagdagan pa ang pinsala sa katawan ko baka hindi ko na kayanin ang mga susunod na laban.

Kumurba ang ngisi nito sa kanyang labi at muli na naman siyang nagtago sa hamog. Muli kong pinakiramdaman ang paligid ko kaya ilang minuto lang ay muli na naman itong nagpa-ulan ng arrow sa hangin kaya iniwasan ko iyong lahat.

May pagkakataong nadadaplisan ako pero iniinda ko iyong lahat. At dahil nasasanay na ang aking katawan kung kaya't halos kabisado ko na ang kanyang atake.

Sa muling pagpakawala nito ng arrow, tinansya ko ang eksaktong direksyon nito at kung saan parte niya akong maaring matamaan. Kaliwa, banda sa aking dibdib. Hindi ko iyon iniwasan, bagkus ay nagconcentrate ako at nang matansya ko na kung gaano na ito kalapit sa akin ay agad ko itong pinigilang tumama sa aking puso sa pamamagitan ng aking kamay. Kung nahuli ako ng konte maaari ko iyong ikamatay.

Muling lumitaw si Richard sa aking harapan. "Hmmm. Not bad."

Binali ko ang arrow na nasa aking kamay at inihagis sa kanyang harapan. "Duwag ka ba?" Pagkagulat ang rumihistro sa kanyang mukha.

"What?"

"Hindi ka lang duwag bingi ka pa." Ang kalmado niyang mukha kanina ay unti-unti nang makikitaan ng inis. Ngayon, ako naman ang magdadaldal. Hindi ko na inantay ang sagot niya. "Hindi ito nagkataon lang pero pinili mo talaga ang lugar na ito hindi ba? Pinaghandaan niyo talaga ito." Tahimik lamang siyang nakikinig. "'Yung apat na pintuan kanina, kung hindi ako nagkakamali sinigurado ninyo na kung makakalabas ako ng dimension, isa sa inyo ang makakaharap ko sa laban." Mabuti na lamang at hindi si Dick ang nakaharap ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. "Duwag ka dahil alam mong malaki ang advantage mo kung dito mo ako kakalabanin. Duwag ka dahil nagtatago ka sa hamog upang atakihin ang target mo."

"Ha-ha-ha, I'm impressed. May part na you are right maliban sa sinasabing mong kaduwagan ko. Sabihin na lang natin na ito ang isa sa kakayahan ko."

Isa sa kakayahan? Ibig sabihin may iba pa siyang kayang gawin?

"Kayang mag-adjust nang aking mata kahit gaano pa kalayo ang aking target at kahit gaano pa kadilim o kahamog ang lugar. So kahit walang fog kaya kitang atakihin kahit sobrang layo ko sa iyo."

Talaga lang ah?

"Base sa iyong expression mukhang hindi ka naniniwala kaya sige na nga tama ka." Nag-aadik ata ang kuya ng mga Dunstan. Mukha lang siyang mabait tingnan pero mukhang maloko rin ang isang 'to. Naalala ko ang una naming pagkikita noon sa gubat, hindi siya ganito noong una kaming magkita. Hindi ko akalain na ganito pala ang totoo niyang pagkatao. Sa kanilang magkakapatid parang si Dick lang ang matino sa kanila o baka nagpapanggap din si Dick?

Binitawan nito ang kanyang bow and arrow. "I think time na para ipakita ang totoo kong kakayahan." Naningkit ang aking mata dahil sa narinig ko at nakaramdam din ako ng kaba dahil doon. Itinaas nito ang kanyang kamay habang nakabukas ang kanyang palad.

Napatingin ako sa kalangitan ng muling umulan ng snow. "You know I like winter."

Walang may pake.

"Wala ka man lang bang sasabihin sa akin?"

"Ang daldal mo..."

"Ha-ha-ha. Nakakatuwa ka pala talaga. That's why my brothers and sister interested in you."

Akala ko pa naman maaasar siya hindi naman pala. Nanlaki ang mata ko ng biglang magkaroon ng parang energy sa ibabaw ng kanyang palad. Lahat ng snow flakes na hindi pa bumabagsak sa lupa ay hinihigop ng enerhiyang iyon at pagkatapos ng ilang minuto ay nabuo ito bilang arrow?

"I called this crystal arrow."

Teka bakit ganun? Parang lahat ata ng kasali dito may espesyal na kakayahan. Bakit ako wala?

Napalunok ako ng laway dahil kung lugi ako kanina, ano pa kaya ngayon? Siyete naman eh.

"You know what? You are brave despite na wala kang kahit na anong kakayahan. I thought na hanggang sa dimension ka na lang pero masyado ata kitang minaliit. I wonder kung anong espesyal na kakayahang mayroon ang isang ordinaryong tulad mo." Sa pamamagitan ng pagkumpas ng hintuturo nito ay gumalaw ang arrow at papunta na ito sa direksyon ko kung kaya't agad akong tumakbo.

Halos madapa-dapa pa ako dahil sa dulas ng tinatapakan ko. Naramdaman kong malapit na siya sa akin kung kaya't dumapa ako sa mayelong lupa. Lumampas ang arrow subalit bumalik ito kung kaya't agad akong tumayo at muling tumakbo. Nagtago ako sa isang puno subalit umikot lamang ito kaya nang humarap ako sa aking likuran nagulat ako nang mabilisan itong nagtungo sa akin kaya napapikit na lamang ako at inantay ang sakit ng pagtama ng crystal arrow sa aking balat.

Ilang minuto ang nagdaan subalit wala akong maramdamang sakit kaya't dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Nanlaki ang mata ko ng nakalutang ito at nakatutok sa aking leeg. Hindi ko puwedeng ikilos ang aking katawan dahil halos konti na lang ang agwat nito sa leeg ko.

"Nice one pero tinatakot lang kita. It was really fun to saw my target scared and hopeless." Sabi nito na parang tuwang tuwa talaga sa nakikita niya.

Dahan-dahan kong inilabas ang aking dagger pero nagulat ako nang biglang gumalaw ang arrow at tinusok nito ang aking braso dahilan ng pagbitaw ko sa aking sandata. Nararamdaman ko ang lamig sa aking laman, kaya parang namamanhid na ang boong braso ko, subalit bago pa ito muling gumalaw ay lakas loob ko na itong hinatak mula sa aking bukas na laman. "Ah!" Dumaloy ang sariwang dugo at humalo sa namumuting lupa dahil sa yelo.

Shit...

Unti-unting natutunaw ang crystal arrow sa aking kamay hanggang sa mawala na lang ito.

Kahit masakit ang aking braso ay nagawa ko pa ring pulutin ang aking dagger. Mahirap nang mawala sa akin ito baka malagot na naman ako sa matandang hukluban.

"Hmmm... Matibay." Medyo malayo na siya sa akin at hindi ko na masinagan ang kanyang imahe. Ganoon pa man bumase ako sa talas ng aking pakiramdam. Ito lang ang tangi kong pag-asa upang kahit paano'y magkaroon ako ng pag-asang magpatuloy.

Naglakad ako pabalik sa aking kalaban. "'Yun lang ba ang kaya mo?" Yabang ko pa diba? Ito na lang kasi ang kaya kong gawin. Ang mang-asar sa kalaban baka kasi madistract ko ang concentration niya subalit ngumiti lamang ito at muling itinaas ang kanyang kamay.

Ngayon nakalutang na sa ibabaw ng kanyang palad ang crystal arrow.

Relax lang ang kanyang mukha at tanging kamay lang ang pinagagalaw nito.

Ikinumpas niya ang kanyang kamay kung kaya't muling gumalaw ang arrow at mabilisan itong nagtungo sa akin. Sinubukan kong salagin ito sa pamamagitan ng aking dagger. Nangilo ako sa pagkiskisan ng dalawang sandata at nakaramdam ng kirot sa aking mga sugat pero pinilit kong patibayin ang aking braso upang pantayan ang lakas ng arrow.

Nang magawa ko itong mapigilan ay agad ko itong naputol pero muli itong bumalik sa dati nitong anyo at sumugod sa akin kaya panay ang salag ko upang hindi ako nito mapuruhan. Kahit walang humahawak nito ramdam ko pa rin ang bigat ng atake nito marahil dahil ginagamitan ito ng enerhiya.

Habang tumatagal pabilis ng pabilis ang bawat pagsugod nito sa akin sa iba't-ibang direksyon. Sa taas, sa ibaba, gilid, likod at kung saan saan pang anggulo na posible niya akong mapuruhan. Halos nakikipagsayaw na ako sa arrow na ito pero hindi ko hinayaang muli ako nitong masugatan.

"You look serious and it's kinda cute for a girl like you even I didn't see your face. Hope it will not end soon because I was enjoying the moment."

"Ah!" Nagkamali ako ng tansya kaya nadaplisan nito ang aking bewang. 

"Ops, sorry."

Asar... Ang daldal kasi niya nawawala tuloy ang concentration.

Ilang minuto na halos pagsangga at pagputol lang ang nagagawa ko pero nakakabadtrip dahil kahit pa maputol ko ang arrow nakakagawa pa rin siya ng bago o kaya nabubuo niya ulit ang naputol na. 

Muli akong tumakbo at tumalon sa ibabaw ng sanga ng puno pero sinundan ako nito kaya't tumalon ako paibaba. Tinamaan nito ang sanga at nabali iyon, ngayon naman pasugod na ito sa akin sa ibaba kaya agad akong tumakbo.

Napapagod na ako, ang bigat na ng aking paghinga, at tagatak na ang pawis ko kahit napakalamig ng panahon. Kailangan kong maka-isip ng paraan dahil baka kung matagal pa ang labang ito ay mahirapan na ako sa susunod na laban.

Napatingin ako sa direksyon ni Richard na pirming nakamasid lang sa bawat kilos ko. 

Kailangan kong makalapit sa kanya pero paano?

Kailangan kong buwagin ang concentration niya.

Iwinasiwat ko ang aking dagger nang makalapit ito sa akin. Naiba ang direksyon nito at bumaon ang talas nito sa katawan  ng puno. 

Unti-unting natunaw ang crystal arrow subalit may panibago na namang paparating sa direksyon ko. Muli na naman akong tumakbo at nagtago sa puno. "Boring..." Sabi ni Richard. "I think kulang pa ang isa." Sabi nito kaya nagtaka ako.

Mula sa isa pa niyang kamay ay may muling naboong isa pang arrow. 

Siyete... Isa nga lang hirap na ako dadagdagan pa niya! Mabilisan itong nagtungo sa aking direksyon kung kaya't pinaghandaan ko iyon.

Itinaas ko ang aking dagger at inabangan ang paglapit nito. Nagulat ako ng bigla itong nag-iba ng direksyon at napunta sa aking likuran, agad ko iyong sinundan pero hindi ko napaghandaan ang isa pang arrow na nag-aantay lang din pala ng tiyempo. "Ah!!!" Tinamaan nito ang aking balikat.

Bago ko pa hawakan ang arrow ay agad na itong natunaw at muling dumaloy ang aking likido.

Feeling ko mauubusan na ako ng dugo. Nang tingnan ko ang aking dagger halos magdalawa na ang tingin ko rito. Kumurap-kurap pa ako upang maibalik ang aking sarili sa katinuan. Hindi ito maaari...

Napapagod na rin talaga ako. "Ah!!!" Hindi pa man ako nakakarecover ay muli akong inatake ng dalawang arrow. This time hindi niya ako pinuruhan. Puro daplis lang ang ginagawa niya na para bang unti-unti niya akong tinotortured.

Hanggang sa...

Tinamaan nito ang gilid ng mukha ko.

Pakiramdam ko bumagal ang oras nang marinig kong may tumunog na parang nabaling pisi sa aking tenga at unti-unting nahulog ang aking aking maskara mula sa lupa.

Dinig na dinig ko ang tunog nang aking silver mask nang tuluyan itong sumuko sa malamig at maputing lupa. 

Agad kong tinakpan ng palad ang aking kalahating mukha at yumuko.

"Finally, I removed your mask."

A-ano nang gagawin ko?

Hindi ko na maikilos ang aking katawan dahil natataranta at natatakot na ako. Alam kong nakita na niya ako pero hindi ko pwedeng ilantad ang aking mukha dahil alam kong nakakalat ang hidden camera sa paligid. Malalantad ang tunay kong itsura at baka ikapahamak iyon ng aking pamilya kung malalaman nang lahat kung sino ako.

"What? C'mon don't be shy..."

Nakayuko lamang ako at hindi kumikilos. Nararamdaman ko ang panginginig ng aking boong katawan, hindi ako sigurado kung dahil ba sa limig o dahil sa takot.

"Ah!!!" Naramdaman kong may umatake sa aking kanang braso. Ganoon din sa aking kamay na ginamit kong pantakip sa aking kalahating mukha.

"Don't be so stubborn Miss. Elyon." Sabi ni Richard. "Reveal your face or else I will kill you!" Medyo inis na ang boses nito pero kahit nanghihina na ako at sobra na ang sakit ng nararamdaman ko dahil sa mga sugat ko hindi ko siya sinunod.

"Kill me..." Sabi ko na lang. "Kill me now!!!" Ubod lakas kong sigaw. Kahit anong mangyari hinding hindi ko ipapakita ang mukha ko. Handa kong protektahan ang aking mukha gaya nang pagprotekta ko sa aking pinagmulan kahit ikamatay ko pa.

ITUTULOY...

*Hello, pasensya na po kung sobrang matagal ako ngayong mag-update. Pagpasok kasi ng January ang daming nangyari kaya wala akong time upang makapag-isip ng matino para sa susunod na update. Pinahinga ko muna yung utak ko at yung puso ko... Charot dun sa puso. Haha...

Anyway sana nagustuhan niyo ang chapter na ito at pengi na rin ng konting motivation. Ngayon lang ako manghihingi ng comment and votes sa inyo if nagustuhan niyo ba talaga ang story na ito. Alam niyo na... Minsan kailangan din ng kadramahan ng isang simpleng author na tulad ko haha. *kamot ulo*

Kamsahamnida

Arigatou

Salamat

Thank you

*Elyon Dela Cruz*

Continue Reading

You'll Also Like

165K 5.7K 28
I'm Key Alexian Gregg... Xian Cradse.... or should I say Diel Lou Primrose... the los----- ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ooppss di ko muna sasabihin!!! he...
48.1K 2K 47
Natatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang...
30.7K 1.7K 26
She was called as the rebel of the skies, the heavens are her limits, the rules of the gods were nothing to her, the call of the guardians is somethi...
28.1K 1.3K 55
Do you want to study in X.O.S Academy? An academy in an extraordinary world? A world that no one think exist. A world where you are obliged to play a...