The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

48: MATCH (WARM-UP)

929 47 5
By elyon0423

Hindi ako mapakali ngayon dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Pakiramdam ko rito palang sa aking kwarto ay hindi na ako aabutin sa mismong lugar nang paligsahan dahil 'yung kaba ko ay dinig na dinig ko.

Nagulat ako dahil may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. "Young lady si Grace po ito. Inaantay na po kayo ni Miss Jane at Master Hagiza sa baba."

Humugot muna ako nang malalim na hininga bago ko tuluyang ihakbang ang aking mga paa. Napahinto ako dahil nakita ko ang aking sarili sa salamin. Naka purong puting long sleeve ako na makapal na sinakop ang boong leeg ko sa bandang collar, makapal na pants na kulay puti rin at puting boots. Sa ganitong katinding lamig na panahon ganito lang ang isusuot ko upang mas makagalaw ako ng maayos. Mabuti na lang sinanay ni Master Hagiza ang aking katawan sa lamig.

"Young lady." Muling tawag ni Grace kaya naglakad na ako papuntang pintuan. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang maamong mukha ni Grace. "Young lady ayos lang po kayo?"

Tumango na lang ako kahit ang totoo ay hindi ako maayos. "Bumaba na tayo."

Pagbaba ko naabutan ko sa baba si Jane at Master Hagiza na seryoso ang kanilang mga mukha. Hindi ko alam kung kinakabahan din sila sa mangyayari. Mukha akong hahatulan dahil sa ambiance ng paligid. "Mukhang handa ka na kaya umalis na tayo." Sabi ni Master Hagiza kaya tumayo na rin si Jane.

Ang elegante nang suot ni Master Hagiza at Jane. Para silang aattend ng ball na para lamang sa mga mayayaman. Hindi ko na iyon pinuna dahil naunahan na naman ako ng kaba.

Naunang lumabas si Master Hagiza, samantalang sumunod naman si Jane sa kanila. Susunod na rin sana ako pero naramdaman kong may humawak ng braso ko, pagtingin ko nakita ko sa mukha ni Grace ang pag-aalala. "Young lady. Aantayin ko po ang pagbalik ninyo."

Gusto kong maiyak dahil sa sinabi niya. "Grace... Ate Grace maraming salamat sa lahat." Napatingin naman siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Pagbalik mo lulutuan kita ng paborito mong tinola." Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Ayokong mangako kaya hindi na lang ako nagsalita.

Nang maghiwalay kami ng yakap ay agad na akong sumunod sa labas at naabutan kong nakasakay na si Master Hagiza at Jane sa karwahe.

"Young lady." Tawag sa akin ni Eman kaya lumapit na ako. "Mag-iingat po kayo." Malungkot din ang mukha nito pero isang ngiti ang iginawad ko sa kanya. Isinuot nito sa akin ang makapal na jacket.

"Salamat E --- Kuya Eman." Ngumiti naman ito sa akin. Sumakay na ako sa karwahe na katabi ni Jane at katapat ni Master Hagiza.

"Susunod na lang si Luis sa lugar." Tumango na lamang ako. Balot na balot din ang dalawa sa makapal na jacket.

Sa castle mismo ang paligsahan na malapit lamang dito, kaya mabilis lamang ang aming biyahe.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa castle. "Kailangan mo nang bumaba bata." Sabi ni Master Hagiza. Ang lahat nang kasali sa paligsahan ay magkikita sa labas ng castle. Samantalang ang mga panauhin ay nasa loob mismo nang castle.

"Nakakalat ang hidden camera sa boong lugar maging sa loob ng gubat." Paliwanag ni Jane. Kung ganoon doon nila kami panonoorin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad ko nang hinubad ang aking makapal na jacket at bumaba na ng karwahe.

"Bata..." Napatingtin ako kay Master Hagiza. "Tandaan mo sa paligsahan hindi lang lakas at talino ang pina-iiral." Tumango na lamang ako. "Mag-iingat ka."

Naglakad na ako palayo sa karwahe. Muli itong umandar at lumayo na rin sa akin. Tumambad sa akin ang napakaraming tao. Hindi ko akalain na ganito pala karami ang sasali sa paligsahan. Isa pa parang hindi ko sila kilala. "Sa-saan sila nanggaling?" Nagulat ako dahil 'yung iba sa kanila ay may hawak na sandata samantalang ako simpleng dagger lang ang mayroon ako.

"Good morning fighters. Wow! Hindi ko akalain na marami ang sasali sa paligsahang ito." Napatingin kaming lahat sa babaeng nagsalita mula sa screen. Nanlaki ang mata ko nang makilala ang babaeng iyon. "By the way tawagin niyo na lang akong Miss  Harmony. At dahil hindi namin inaasahan ang bilang ninyo kung kaya bibigyan namin kayo nang kaunting warm up, okay ba iyon?"

"Huh? Bakit may ganoon pa?"

"Tumigil ka nandito kami hindi para makipag biruan sa inyo!"

"Relax lang, kayo naman! Nais ko lamang sabihin na walang rules ang paligsahang ito. Ang mahalaga ay makarating kayo hanggang sa pinakahuling pagsubok." Paliwanag pa niya. "Ngayon uumpisahan na natin ang warm-up ninyo. Narito ang clue."

Nagmula sa itlog, subalit nang mapisa ay naging halaman pero mukha namang hayop kapag tumuntong sa tamang gulang.

"Mayroon lamang kayong isang oras para sa warm-up na ito. Good luck fighters." Nawala na siya sa malaking screen, ang pumalit ay ang mga numerong nababawasan sa bawat minutong lumilipas.

"Ano? Iyon lang ang clue niya?"

"Papaano natin masasagot iyon?"

"Baliw na sila. Pinagtitripan nila tayo."

Lumibot ako sa boong paligid, hindi ko makita si Carlisle at ang magkakapatid na Dunstan dahil sa dami nang tao. Mukhang tama nga sila. Kailangan nga talaga naming mabawasan.

Ang tanong ngayon ano ang ibigsabihin ng riddle na iyon?

Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko na nakangisi sa mga oras na ito habang nakatingin sa screen. Mukhang confident ang itsura niya. Alam ba niya ang sagot?

Dahan dahan itong umatras at umalis kaya sinundan ko lamang siya nang tingin.

Nagmula sa itlog, subalit nang mapisa ay naging halaman pero mukha namang hayop kapag tumuntong sa tamang gulang.

Itlog.

Halaman.

Hayop.

Parang pamilyar sa akin ang mga clue na ito. Tumalikod ako at tumingala sa sanga nang puno na walang kahit isang dahon. Nanlaki ang mata ko ng may maalala ako sa Science subject namin.

Sana tama ito...

Kung sa normal na riddle sasabihin mo lang at huhulaan ang sagot mo pero dahil paligsahan ito naniniwala akong kailangan may maipakita kaming sagot.

Agad akong nagtungo sa gubat, nagbabakasaling makahanap ako ng ganoon. Napahinto ako nang maalalang hindi sa panahong ito makikita ang ganoong uri nang bagay at ang tanong din ngayon, mayroon ba 'nun sa Pilipinas?

"Alam ko na ang sagot!" Sigaw nang isang lalaki. Hindi pa naman ako masyadong nakakalayo sa castle. Agad kong nakitang paparito na ang mga tao.

Siopao...

Tumakbo na ako. Takteng 'yan nag-uunahan na sila rito sa gubat eh. Mukhang sinabi nang lalaking sumigaw kung ano 'yung nasa riddle. Kainis ang engot niya. Tuloy para kaming timang ngayon.

Nagulat ako dahil hinagis nang isang lalaki 'yung dagger niya sa unahan kung kaya't tinamaan nito ang isa pang lalaki sa tuhod. "Ah!!!" Sigaw nito. Nawalan siya ng balanse at napasubsob sa lupa.

Napatingin naman ako sa paligid ko dahil halos nagkakasakitan na ang lahat. Hindi ko akalaing ganito agad ang mangyayari sa warm-up palang. "Walang rules kaya malaya tayong gawin ang gusto nating gawin binibini." Napatingin ako sa lalaking mukhang adik dahil napakaraming hikaw nito sa katawan. Nakatingin na siya sa akin at mukhang ako ang target niya. Nagulat ako nang ilabas niya ang mga pako sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

Inihagis niya ito sa direksyon ko kaya napayuko ako, tinamaan niya ang isang babae sa ulo at agad itong humandusay sa lupa. Hindi!

Wala siyang paki-alam kahit makapatay pa siya. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo na lang pero hinabol niya ako. Inilabas ko ang aking dagger upang maging panangga sa mga atake ng kalaban. Panay ang hagis niya nang pako sa direksyon ko habang sinusundan niya ako. Napahinto ako ng may humarang na malaking lalaki sa harapan ko na ilang agwat lang ang layo sa akin. Galit na galit ang mukha niya at mukhang nais niya akong pipiin. Napatingin naman ako sa aking likuran na patuloy pa ring tumatakbo 'yung lalaking maraming hikaw. Muli siyang naglabas ng pako kung kaya't naka-isip ako nang paraan. Sumugod sa akin ang malaking lalaki kung kaya't saktong paglapit niya sa akin ay tumalon ako paitaas. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko pero nabitawan niya ako ng may tumama sa dibdib niya na pako. Nawalan ako nang balanse kaya napasubsob ako sa lupa. Subalit hindi na sa akin nakatingin 'yung malaking lalaki kundi sa lalaking may hawak na mga pako. Napahinto naman sa pagtakbo ang lalaki ngunit nakatingin pa rin ito sa akin. Susugurin na sana niya ako, subalit biglang humarang 'yung malaking lalaki sa daraanan niya.

Siya tuloy ang naging target nito.

Sila na ngayon ang nagkakasakitan sa isa't-isa. Wala na akong sinayang na pagkakataon at agad na akong umalis sa lugar.

Tumakbo ako nang tumakbo habang naghahanap sa gubat. Luminga-linga ako sa palikid dahil baka may bigla na namang umatake sa akin.

Halos nasayang na ang higit tatlumpong minuto ko sa paghahanap  ng sagot sa riddle pero hindi ko makita ang aking hinahanap. Baka wala naman sa gubat? O baka wala talaga dahil ang alam ko July hanggang September lamang iyon makikita.

Muli akong naglakad hanggang sa nakarinig ako nang mga boses. Nagtago ako sa puno upang walang makakita sa akin. Dalawang binatilyo ang nakita kong naglalaban. 'Yung isa may bitbit na isang bagay. "Iyon ang..."

"Magtatago ka na lang ba diyan?" Nagulat ako sa boses na nasa aking likuran. Pagtingin namukhaan ko agad ito. Siya 'yung babae kanina na unang pumasok sa gubat. Hanggang ngayon ba hindi pa rin siya nakakakita? Samantalang siya ang nauna rito.

Naging alerto ako sa maaari niyang gawin. Luminga-linga ako at nakita ko mula sa isang sulok nang puno ang kulay pink na mukhang octopus ang mga galamay. Nagkatinginan kaming dalawa.

Halos sabay kaming tumakbo pero hinila nito ang aking paa kaya napasubsob ako sa lupa. Sinipa ko naman siya kaya medyo nakawala ako nang kaunti pero nakabawi siya kaya mula sa paa ay binuhat niya ako at inihagis sa puno. Tumama ang katawan ko sa puno. Ang lakas niya! Agad akong bumangon dahil muli na naman siyang tumakbo. Pumulot ako ng malaking bato at inihagis sa direksyon niya.

Tinamaan ito sa kanyang ulo kaya napayuko siya. Agad akong tumakbo dahil mabilis lamang siyang nakabawi. Pagsipa ko agad siyang humarap sa akin at sinalag iyon. Susuntukin niya ang aking mukha pero hinawakan ko ang kamao niya at  inikot ko siya pero siniko naman niya ang likod ko, tinamaan nito ang gitnang buto ko kaya napaliyad ako.  Nabitawan ko nang tuluyan ang kamay niya. Sisipain niya ako sa tiyan pero sinangga ko iyon at ginamit ko ang braso ko upang atakihin ang mukha niya. Tinamaan ko iyon.

Hindi ko na siya inantay na makabawi kaya binali ko ang tuhod niya. "Ahhh!" Daing nito.

Agad akong tumakbo upang makuha ang halamang octopus na iyon. Nang mahawakan ko na ito nagulat ako dahil sinalubong ako ng braso nang babae at inipit niya ang leeg ko hanggang sa nakasandal ako sa puno. Napatingin ako sa kanyang mata na biglang nagbago pati ang itsura niya ay unti-unting naging pusa. Nangangalit ang kanyang ipin at naglabas ito nang tunog na maririnig mo sa pusa kapag galit na ito o naghahandang umatake. "Meow!!!" Dahil sa gulat hindi agad ako nakakilos. Kinuha nito ang hawak ko at umalis na sa aking harapan.

"Pasensya na girl pero akin na ito ngayon." Unti-unting bumalik sa dati ang kanyang anyo habang naglalakad ito palayo sa akin. "See you!" Isang pang-asar na ngiti ang ginawad nito sa akin.

Hindi ko na siya hinabol pang muli. Nagpagpag ako ng yelo na dumikit sa aking damit at agad naglakad pabalik sa harap ng castle dahil matatapos na ang oras.

Pagbalik ko marami pa rin naman kami pero hindi tulad kanina na halos hindi na kami mahulugang karayom. Hindi ko talaga ineexpect na ganoon karami ang inimbitahan sa ganitong paligsahan. Ang alam ko kasi pili lang ang pinadalhan ng imbitasyon.

Natapos na ang oras kaya lumabas muli, mula sa screen si Ms. Harmony. "Hello everyone. Ngayon tingnan natin ang inyong sagot."

"Devil's fingers mushrooms!"

"Clathrus Archeri!"

Sigaw nang mga tao. "Hindi ko akalaing marami agad makakakuha sa inyo. Ang Devil's fingers mushrooms o Clathrus Archeri ay isang uri ng fungus which has a global distribution. Nag-uumpisa ito mula sa egg hanggang unti-unti itong magkakaroon nang mga galamay na katulad sa isang octopus, pinkish-red ang kulay ng katawan nito, at nagtataglay ng putrid flesh na amoy. Originally hindi sa panahong ito makikita ang ganitong uri ng halaman, at mas lalong wala nito sa ating bansa. Anyway, congratulations. Ngayon nais kong makita ang inyong dala."

Kung wala nito sa Pilipinas bakit kami nakakuha ng ganito sa gubat? Siguro inilagay lang nila ito.

May lumabas sa malaking pintuan nang castle. Nagulat ako ng makilala ko ang matandang lalaki na may kakaibang ngiti.

Si-Si Mr. Bill.




ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

86.7K 2.6K 78
May mga taong nagsasabi na ang mga kapangyarihan o ano mang bagay na mayroong mahika ay impossible. Hindi niyo ba alam na ang salitang "Impossible" a...
579K 28.4K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
30.7K 1.7K 26
She was called as the rebel of the skies, the heavens are her limits, the rules of the gods were nothing to her, the call of the guardians is somethi...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...