The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

47: VISIT

919 47 1
By elyon0423

Pagpasok sa kwarto, nagtungo ako sa study table upang gawin ang mga assignment ko. Napatingin ako sa nakadisplay na kalendaryo na may mga marka ng pulang ballpen ang mga nakalipas na araw.

Ilang araw na lang pala...

Napabuntong hininga na lang ako at sinimulang buksan ang texbook ko sa English.

Ilang oras ang nagdaan isang papel na ang nakalagay sa table ko. Nakasulat doon ang pangalan ni Rune at Kyzhen.

Ngapala, ayos lang na magkaroon ka ng mga kaibigan pero mag-iingat ka pa rin sa mga kakaibiganin mo.

Sa mundong ito marami pa tayong hindi alam kaya mag-iingat ka kay Kyzhen. Mukhang mananatili siya rito.

Naalala ko ang isa sa sinabi ni Master Luis nang minsan siyang dumalaw dito. Naalala ko rin ang sinabi ni Master Hagiza matapos umalis nila Vincent.



Kinabukasan.

Lumabas ako ng kwarto nang nakasuot ang makapal na Jacket. "Aalis na ako." Paalam ko habang patakbong bumababa nang hagdan.

"Young lady!" Tawag ni Jane pero kunwari hindi ko siya narinig at patakbo akong lumayo sa bahay.

Sumuot ako sa gubat. Nagpalinga-linga ako sa paligid kahit alam kong walang makakakita sa akin. Hinubad ko ang aking maskara at itinago sa isang malaking puno kasabay nang aking bagpack at uniform. Kumuha ako nang mga sanga at inilagay sa lugar kung saan ko tinago ang mga gamit ko.

Ginamit ko ang hood ng jacket upang hindi masyadong makita ang mukha ko. Kung suot ko ang maskara ko makikilala agad ako ng mga tao at kung suot ko ang uniform ko malalaman nilang nag-aaral ako sa academy.

Naglakad ako hanggang makarating sa tapat ng Dark Cafe. Nakasabit sa entrance ang "Close" na sign.

"Iha." Napatingin ako sa aking likuran at tumambad sa akin ang ginang na nagmamay-ari ng katapat na shop. "Mamaya pa mag-oopen iyan."

Yumuko ako sa ginang. "Kilala niyo po ba ang nagmamay-ari ng Cafe?"

"Sino ba ang hindi makakakilala sa maginoong iyon?" Mukhang sa tono ng pananalita ng ginang hindi masama ang reputasyon ni Kyzhen. "Pero kung siya ang hinahanap mo parang nakita ko siyang lumabas kanina at hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon."

Muli akong yumuko sa ginang. "Maraming salamat po." Iyon lang at naglakad na ako palayo sa Cafe. Tumambay ako sa 'di kalayuan upang mag-abang.

Ilang oras na ang nagdaan at nakita ko na ang pakay ko. Si Kyzhen.

Kahit sobrang kapal nang kanyang jacket ay nakilala ko pa rin siya. Napagdesisyunan ko ring maglakad hanggang sa tiningnan niya ako.

Hindi ko alam pero hindi ako nag-iwas ng tingin. Ayoko kasing mahalata niya ang kinikilos ko. Parang bumagal ang oras nang halos magkalapit na kaming dalawa hanggang sa nilagpasan namin ang isa't-isa. Mukhang hindi naman niya ako namukhaan kaya muli akong huminto at lumingom sa direksyon niya.

Nag-oopen na ito ng kanyang Cafe. Sinilip ko ang aking pambrasong orasan. Kaunti na lang at mahuhuli na ako sa klase pero hindi pa rin lumalabas ang isa pang taong inaantay ko.

Baka naman nagkakamali lang ako?

Ilang oras pa ang lumipas subalit wala nang lumabas ng Dark Cafe. Kaya nagpasya na akong bumalik sa gubat kung saan ko iniwan ang mga gamit ko.

Matapos makapagpalit ay patakbo akong bumalik nang village hanggang sa makarating ako ng academy.

Hindi ako pumasok sa Math kaya nagulat ang mga kaklase ko nang makita ako. "Ely!" Tawag sa akin ni Dexter. "Anong nangyari sa iyo? Akala ko hindi ka na papasok eh."

"Sumakit ang tiyan ko kanina." Pagdadahilan ko na lang.

Agad akong umupo sa aking puwesto pero napatingin din ako kay Carlisle. Gusto ko sanang itanong sa kaklase ko sa upuan kung nagising ba siya sa first subject namin kanina. Pero naisip ko na huwag na lang.

Natapos ang boong araw ko sa school pero hindi nagpakita sa akin si Rune. Iniiwasan siguro niya ako.

"Ely." Napatingin ako sa babaeng patakbong lumapit sa akin. "Akala ko hindi ka pumasok hindi kasi kita nakita kaninang umaga?" Tanong ni Rune sa akin.

"Sumakit ang tiyan ko kaninang umaga kaya nagpalate ako."

"Mabuti okay ka na ngayon." Tumango na lang ako bilang tugon. "Ayun na pala sila Alex oh!" Kumaway naman ang apat na lalaki habang papalapit sa amin.

"Ely babes kamusta? Parang hindi kita nakita kanina?" Tanong ni Alex sa akin.

"Sumakit kasi ang tiyan niya kaya late na siyang nakapasok." Si Rune na ang nagsalita para sa akin. Ilang tao pa kaya ang sasabihan ko na sumakit ang tiyan ko?

"Mabuti at okay ka na Noona?" Tanong ni Francis.

Sabaysabay kaming naglakad palabas ng academy at naghiwalay nang nasa village na kami.

Palihim kong sinundan si Rune kung saan ito pupunta pero laking pagtataka ko nang sa ibang direksyon siya pumunta. Hindi kasi doon ang papuntang Dark Cafe. Kung magkamag anak sila dapat nasa iisang bahay lang sila, malaki ang bahay ni Kyzhen. Hindi kaya may pupuntahan lang si Rune o kaya nililinlang niya ako?

Huminto ito sa isang bahay at pumasok doon.

Lumapit ako hanggang sa katapat ko na ang isang pintuan. May nakapaskil sa gilid na "Girls Dormitory." Hindi ito ang inaasahan ko pero tumuloy pa rin ako sa loob.

Nagtungo ako sa reception area. "Ah Miss." Tawag ko sa matabang babae na abala sa panonood sa kanyang phone habang tumutulo ang luha. "Miss." Muli kong tawag sa kanya. Subalit hindi niya ako naririnig dahil may sapak ang tenga niya na earphones.

Pinatunog ko ang lamesa. "Ay multo!" Nagulat siya nang makita ako. Natakot siguro siya dahil nakamaskara ako.

"Ely." Napalingon ako sa tumawag. Si Rune. Agad itong lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi ako nagsalita. "Ate Hana bisita ko po."

"Bi-bisita mo ba talaga iyan?" Alanganin niyang pagsasalita. "Juskong bata ka bakit ka ba nakacostume? Tapos na Halloween ah."

Matapos ang ilang pag-uusap ay pinayagan na rin ako ng ginang. "Close ko si Ate Hana kaya nakalusot ka. Isa pa never pa akong nagkaroon ng bisita kaya pinayagan na rin niya ako." Paliwanag ni Rune sa akin habang umaakyat kami sa ikatlong palapag.

Nadaanan namin ang ilang pintuan hanggang sa huminto kami sa isang room. Binuksan niya ito. "Pasok ka Ely." Pagpasok ko tumambad sa akin ang mga nagkalat na libro, balat ng tsitsirya, bottled water, kumot, gamit sa pagpipinta at kung ano-ano pa. Mukhang shock ang itsura ni Rune nang mapatingin ako sa kanya. "Naku pasensya ka na. Hindi ko kasi alam na magkakaroon ako ng bisita kaya hindi ako nakapaglinis." Agad niligpit nito ang mga kalat sa kanyang mini table. Winalisan nito ang sahig. "Upo ka muna sa kama." Tumango na lang ako pero bago pa ako maka-upo nakita ko ang bra sa kama niya. Hahawakan ko sana iyon pero agad naman niya itong kinuha sabay ngumiti ng pilit.

Habang busy si Rune pinagmasdan ko ang boong dorm nito. Hindi naman ganoon kalaki subalit sapat para sa isang tao. Kinuha ko ang isang libro na tungkol sa greek mythology.

"Naku nandyan pa pala iyan. Hindi ko pa nasasauli sa library." May bitbit nang dalawang c2 si Rune at cookies. Nilapag nito sa mini table niya ang mga iyon.

Naalala ko bigla 'yung cookies na nakita ko sa locker ko. Kung hindi ako nagkakamali ng pagkakatanda siya ang unang tumikim ng cookies at nasabi nitong home made iyon nang malasahan niya. Tama siya na home made cookies nga iyon kung totoo ang sinabi ni Frigelle.

"Anong meron Ely at napadpad ka sa dorm ko?" Napatingin ako kay Rune. Ilang minutong katahimikan ang dumaan. Hindi ko alam kung dapat ko nga bang sabihin sa kanya ang hinala ko. "Mukhang alam ko na kung anong pakay mo rito. Gusto mong malaman kung ki---"

"Gusto ko lang bisitahin ka." Hindi na nito tinapos ang pagsasalita. "Ang ganda ng kwarto mo. Kahit hindi ganoon kalaki pero komportable naman." Alam kong mayaman ang pamilya ni Rune. Kung hindi, wala sana siya sa winter academy pero humahanga ako dahil nakaya niyang maging independent. Iyon nga lang walang naglilinis ng kwarto para sa kanya, walang nagluluto para sa kanya, walang naglalaba para sa kanya. Sixteen year old pa lamang si Rune pero heto na siya ngayon. Dapat akong mahiya sa kanya dahil ako itong hindi mayaman pero may tatlong tao na tumutulong sa akin sa bahay tapos hindi ko pa pinapakikisamahan nang maayos. Nasa malaki, malinis, at maaliwalas akong bahay. Siguro dapat ko ring pasalamatan si Jane, Eman, at Grace dahil naandyan sila upang tulungan ako.

Matapos ang ilang oras ay napagpasyahan ko na ring umalis sa dorm ni Rune. Sinamahan ako nito hanggang sa labas. "Maraming salamat sa pagbisita Ely." Napatango na lang ako at agad na siyang tinalikuran.

Hindi pa man ako nakakarami ng hakbang ay lumingon na ako sa kanya . Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa dorm. "Rune..." Napalingon ito sa akin. "May tiwala ako sayo." Iyon lang at tuluyan na akong lumayo sa lugar.

Naglakad ako hanggang sa makarating sa tapat ng Dark Cafe. Sakto namang biglang lumabas si Kyzhen at nagulat pa ito sa akin, akma sana siyang babalik pero nang bubuksan niyang muli ang pintuan ay napahinto na naman siya at muling humarap sa akin. Napahawak naman siya sa kanyang batok. "E-Elyon i-ikaw pa-pala iyan."

Hindi ako nagsalita. Nakatitig lamang ako sa kanya. "Gusto mo bang ma---" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil naglakad na ako palayo sa lugar. "Sa-sandali!" Pigil niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"Napadaan lang ako." Iyon lang at muli ko na siyang tinalikuran pero napahinto rin ako dahil may biglang pumasok sa isip ko. "May whole cake sa Cafe mo?" Usually kasi sliced cake ang siniserve sa cafe at dahil hapon na maaaring wala nang boong cake akong maabutan.

"M-may bago akong bake na cheesecake." Agad naman akong naglakad palapit sa kanya kaya medyo napaatras siya.

"Bibilhin ko." Nauna akong pumasok kaya, sumalubong sa akin ang halo-halong amoy nang kape at bagong lutong cake. Nakatingin naman sa akin ang mga customer pero hindi ko na lang sila pinansin at naglakad ako papuntang cashier, gulat naman 'yung mga taong nasa harapan ng pila. Nang makalapit na ako kay Frigelle ay agad itong ngumiti sa akin. Magsasalita pa lamang ako pero inilapag na agad niya ang isang kahon.

Binuksan niya ito at pinakita sa akin ang laman. "Whole cheesecake for Miss Elyon and we will give you a discount." Tumango na lang ako at hindi tumanggi sa discount. Sayang 'yun eh.   Inabot ko ang bayad para sa binili ko at sinuklian naman niya ako. "Thank you Ma'am, come again." Hindi na dapat ako magtaka dahil ito ang pinaka standard sa pag-assist sa customer.

Napatingin naman ako kay Kyzhen dahil parang nahihiya siya na ano sa itsura niya. Agad naman siyang naglakad papuntang pintuan kaya nagtaka naman ako. Binuksan niya ito para sa akin? Wala naman akong nagawa kundi ang lumapit agad dahil pinagtitinginan na ako ng mga customer. "Salamat." Lumabas ako at hindi na siya nilingon pa.

"Salamat din sa pagdalaw." Napahinto ako sa sinabi niya pero hindi na ako lumingon. Kung alam niya lang kung bakit ako naandito ngayon, hindi para dalawin siya, hindi rin para bumili ng cake. Hindi ko maisatinig na gusto ko siyang komprontahin dahil sa hinala ko. Itinuloy ko na ang paglalakad palayo sa Dark Cafe. Siguro kailangan ko munang isantabi ang hinala ko. Kailangan ko munang ihanda ang sarili ko sa mga posibleng mangyari sa hinaharap, hindi lang ang pisikal kong kakayahan, maging ang aking emosyon. Alam kong may tamang panahon upang makamit ang kasagutan. At kung dumating man iyon sana handa na ako.

Pagdating ko sa bahay gulat na gulat sila Jane. "Y-young lady bakit ang aga mo ata?"

"May dala akong cake para sa inyo." Itinaas ko yung binili kong cake sa kanila.

"Tapos na ba kayong magtraining?" Muling tanong ni Jane kaya umiling ako.

"Padadalhan ko na lang ng sulat si Master Hagiza." Agad namang kinuha ni Grace 'yung cake. "Pakitawag na lang si Eman."

"Sige po young lady."

Umakyat ako ng kwarto upang magpalit nang damit. Nagsulat ako sa isang maliit na papel at nirolyo iyon. Kunuha ko ang whistle na nakasabit sa aking leeg at nagtungo ako sa terrace upang tawagin si Sky.

Pagbaba ko nakahain na ang cake sa lamesa kasama ang mainit na tsokolate. Nasa hapagkainan na rin si Jane, Grace, at Eman. "Kain na po young lady." Sabi ni Jane kaya naman umupo na ako.

"Anong mayroon ngayon at may dala po kayong cake?" Tanong ni Grace.

"W-wala naman." Ayoko kasing aminin na pasasalamat ko ito dahil naandyan pa rin sila sa tabi ko. Kukuha na sana ako pero nagulat ako dahil inunahan na ako ni Grace at inalagay niya sa plato ko.

"Maraming salamat young lady sa cake. Paborito ko po ito." Sabi ni Grace.

"Ako rin young lady." Sabi naman ni Eman.

Lihim akong napangiti sa sinabi nila. Malapit na ang paligsahan kaya dapat ko nang sulitin ang ganitong moment. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin doon, wala akong ideya sa mga magaganap, ilang araw ko na lang makakasabay sa pagkain ang mga taong ito kaya dapat ko nang sulitin ang pagkakataon, at higit sa lahat hindi ako sigurado kung makakabalik pa ba ako sa kanila ng buhay.


ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 259 21
Si Alice ay isinilang na may dalang sikreto, ngunit lalaki siyang hindi alam ang buong kuwento. Ang akala niya'y nagsakripisyo ang ina upang iligtas...
30.7K 1.7K 26
She was called as the rebel of the skies, the heavens are her limits, the rules of the gods were nothing to her, the call of the guardians is somethi...
178K 6.9K 54
Kamatayan. Isa 'yon sa pinakakinakatakutan ng lahat. May mga iilang nagsasabi na hindi ito mapipigilan, at lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan. Ngu...
123K 3.5K 91
How did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as s...