The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

35: FIRST SNOW FALL

1.2K 56 21
By elyon0423


Medyo ilag man pero nagawa pa rin nilang maikumpas ang kamay kaya wala akong sinayang na pagkakataon at tumakbo agad ako kung saan ang tinuro ng kaklase ko.

Nakarating ako ng music room at pabagsak na binuksan ang pintuan. Nagulat si Dexter na kasalukuyang may hawak na gitara. "Ely?" lumapit ako sa kanya. "A-anong ginagawa mo rito?"

"May sasabihin ka sa'kin kanina diba?! Tungkol ba iyon kay Phoebe?" dire-derestyo kong tanong.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Dexter. "Ang totoo gusto ko lang talagang mag-sorry." Ibinaba nito ang gitara at umupo sa isang bakanteng upuan. Inaya niya ako pero hindi ako nagsalita at nanatili sa pwesto ko.

"Sorry? Para saan?"

"Noong naabutan mo kami ni Phoebe na nag-uusap. Naramdaman ko lang na need kong mag-sorry sa iyo. Siguro dahil guilty rin ako dahil may alam ako sa mga ginagawa ni Phoebe." Pagpapaliwanag nito. "May nakalimutan ako noon sa classroom natin. Kaya bumalik ako. Pagpasok nakita ko si Phoebe na may hawak na bag at nagmamadaling umalis. Akala ko nga bag niya pero pagtingin ko sa upuan niya naandun pa ang kanya. 'Yung vandal sa locker mo at 'yung mga notes na nasa loob ay galing din sa kanya. Gabi niya iyon ginagawa pagkatapos ng practice naming dalawa."

"Tungkol sa bagay na iyon. Sabi ni Phoebe wala siyang matandaan tama? Paanong nangyaring wala siyang matandaan sa nangyari?" takang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang noong ginagawa niya iyon parang ang blanko ng mga mata niya. Para siyang zombie na ewan." Base sa expression ni Dexter parang nagsasabi naman siya ng totoo.

"Wala ba siyang nasabi sa iyon na kahit na ano?"

Umiling lamang si Dexter kaya naman tumango na lamang ako at yumuko. "Salamat." Iyon lang at tumalikod na ako upang lisanin ang music room.

"Wait lang..." Napahinto ako sa paglalakad. "May naalala ako na may nabanggit siya sa akin. Bago iyon may lumapit sa kanya at kakausapin daw siya pero hindi na nito matandaan kung sino. Basta namalayan na lang niya ang sarili na nakatayo malapit sa lugar kung saan nakakalat ang mga gamit mo."

Napakunot ang aking noo. Sino naman kaya iyon? At kung sa break time niya iyon ginawa bakit parang wala namang tumayong witnessed?

Pero ano pa nga bang aasahan ko sa mga tao rito? Muli akong nagpasalamat kay Dexter at tuluyan nang nilisan ang music room.

"Good afternoon Winter Town." Paglabas ko ng building ay naagaw ang atensyon namin ng announcement na nagmumula sa mga speaker na nakakalat sa boong town. "...nais magpasalamat ng Dunstan Clan sa inyong patuloy na pagtangkilik. Visitors, Friends, Business Partners, and to all residence of this Town. Hindi na namin paaabutin ang Nobyemre upang masaksihan ang first snow fall. Sanay masiyahan kayo sa aming munting regalo." Matapos ng announcement ay agad bumuhos ang niyebe mula sa kalangitan. 

Hindi... 

Mula sa matataas na pader ng Town nagmula ang niyebe. Nakakamangha kung paanong naipapakalat ang niyebe sa boong Town. Aakalain mong nagmumula talaga ito sa langit.

Tumingala ako upang pagmasdan pagbuhos ng niyebe. Finally, dumating na rin ang taglamig. Gusto kong matuwa dahil first time ko lang maranasan ang ganito pero hindi ko magawa dahil sumisiksik sa aking utak ang paligsahan.

Kinuha ko ang aking bike at sinimulang magpidal. Habang palabas; palayo ng school ay nakita ko na naman ang lalaking madalas tumambay sa tapat ng school. Nakita ko dating nilapitan siya ni Rune pero ngayon kausap naman niya si Frigelle. Yung totoo? Sino ba talaga ang girl friend niya? Tumingin na naman siya sa akin kaya agad din naman akong umiwas at tumingin sa unahan. Mahirap na. Baka makabangga ako ng wala sa panahon.

Pagkamangha.

'Yan ang nakikita ko sa bawat taong madaanan ko sa Village. 

The first snow fall. 

Tila isang karangalan para sa mga first timer na maranasan ang ganito. Maliban sa akin.

Masyado na kasi akong maraming iniisip kaya hindi ko ma-enjoy ang moment. Ang nangyari kay Phoebe. Ang kausap nito bago mangyari iyon. At ang paligsahan sa taglamig. Idadag mo na rin ang nakuha ko sa exams. Laglag na naman ang balikat ko. Sana hindi muna bumalik si Master Luis.




-------------------------------------------------------



November

Nanunuot sa aking katawan ang sobrang lamig na panahon. Nararamdaman ko ang patuloy na pag-ulan ng niyebe. Wala akong masyadong patong na damit sa katawan dahil pinagbawalan ako ni Master Hagiza na gawin iyon. Mas mahihirapan daw ako kung sobrang kapal na damit ang susuotin ko. Pero bwisit naman mamamatay naman ako sa lamig.

Nakikiramdam ako sa paligid. Tinatansya ko kung saan susugod si Master Hagiza. Kung bakit kasi naisipan nitong matandang hukluban na sa gubat mag-ensayo. Badtrip talaga!

Nakapiring pa rin ang aking mata. Bahagya kong pinustura ang aking katawan upang maging handa sa anumang pag-atake ni Master Hagiza. Nakarinig ako ng bumubulusok na hangin papunta sa aking harapan kaya agad akong umiwas. Narinig ko na lang na tila bumaon ito sa isang matigas na bagay. O baka sa puno. Hindi pa man ako nakaka-recover may bigla na lang sumipa sa aking mukha. Bumagsak ako pero agad ring tumayo.

"Ang daya, bakit po may dagger kang dala?" kainis 'tong matandang ito.

Hindi siya sumagot kaya muli na naman akong nakiramdam.

Naramdaman kong may aatake sa akin mula sa itaas kaya agad akong tumalon upang umiwas. Hindi pa man ako nakakatapak sa lupa ay may naramdaman na naman akong bulusok na hangin kaya agad kong pinagkrus ang aking braso upang dipensahan ang atake niya.

Naramdaman ko na lang ang sunod sunod nitong pagsuntok. Sa kaliwa sa kanan sa itaas at maging sa aking tiyan ay pilit nitong pinuntirya subalit matikas ko rin iyong sinasalag.

Nakalapat na ang aking mga paa sa lupa pero hindi pa rin natapos ang atake ni Master Hagiza. Ramdam kong seryoso ito sa ginagawa niya dahil hindi ko man lang ito narinig na nagsasalita. Bukod doon mas mabibigat pa ang atakeng binibitawan niya.

Hindi lang pagsuntok ang ginagawa niya. Binubuo ko ang imahe ni Master Hagiza sa aking isipan. Ang pustura niya. Ang mga atake niya. Sumipa siya kaya tumambling ako upang maiwasan iyon. Ilang beses niyang ginawa iyon kaya panay ang pagtambling ko pero bigla niya akong hinawakan sa kamay at inikot. Hinagis ako nito pero pinilit kong iwagayway ang aking mga paa. Tumapak ako sa katawan ng puno. Bumuwelo at bumulusok sa kanya. "Yah!!!" sigaw ko.

Sinalag niya ang atake ko. Itinaas niya ang aking kamay at sinikmuraan ako. Napayuko ako. Sinuntok niya ang aking mukha kaya napa-upo ako sa lupa.

Naramdaman kong papasugod siya... Lapit pa. Hindi naman ako nabigo kaya sinipa ko siya ng malakas. Alam kong nagtumpay akong atakihin siya. Wala akong sinayang na pagkakataon kaya bago pa siya makabawi ay agad na akong tumayo at umatake.

Sumuntok at sumipa ako ng sunod sunod pero lahat ng iyon ay nasasalag niya. Bambihira talaga ang matandang 'to!

Hindi ako pwedeng huminto. Kunti na lang muli ko na naman siyang malalamangan. Naramdaman kong tumalon siya kaya ginawa ko rin iyon pero hindi ko natansya ang tinapakan ko kaya nawalan ako ng balanse at muntikang mahulog sa malaking sanga. "Ah!!!" tinapakan niya ang kamay ko kaya napabitaw ako sa sanga at inantay na lumapat ang aking mga paa sa lupa.

Siopao ang sakit ng daliri ko.

Paglapag ko ay sakto naman ang pag-atake niya. Kaya panay ang salag ko sa mga iyon. Ramdam ko ang pag-atras ng katawan ko at ang sakit ng bawat atake niya. Mas malala talaga ito.

Nagkamali ako ng pagsalag kaya tinamaan ako sa tagiliran --- kasunod ang nakakamatay na suntok sa aking mukha. Tumilapon ako at napahiga sa lupa. "Bilisan mong tumayo!" demand ng matanda kaya ginawa ko naman. Hindi na ako makareklamo dahil tila nakakatakot na ang boses ni Master Hagiza. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking labi at nalasan ang sarili kong dugo. Dumura muna ako at pinusan ang aking labi. 

"Hindi po ako puwedeng matalo sa'yo... Hindi ngayon!" determinado ako na gawin ang lahat upang kahit paano ay maka-survive ako sa paligsahan. Imposibleng matalo ang matandang ito pero walang masama kung susubukan.

Kung ilang oras na ang nagdaan? Hindi ko alam. Hindi ako sigurado kung pawis o natunaw na yelo ang tumutulo sa boo kong katawan. Habol ko ang aking hininga. Masakit na rin ang katawan ko dahil wala pa akong pahinga. Idadag mo pa ang sobrang lamig na panahon. "Ano? Suko ka na?" tanong nito sa akin.

"Hindi pa..." muli na namang tumahimik. Sinamantala ko ang pagkakataon na magpahinga. May naramdaman akong naputol na sanga malapit sa akin kaya agad akong  humarap kung saan nanggaling ang tunog.

Napangisi ako at inikot ang aking katawan. Inipon ko ang natitirang lakas na meron ako sa aking kanang binti at sinipa ng ubud lakas si Master Hagiza na nagmula sa aking likuran.

"Arggg." Dinig kong daing ni Master Hagiza. Kasunod n'un ang pagbagsak ko sa mayelong lupa.

"Haa... Haa..." hingal na hingal ako habang tinatanggal ang aking piring. Nag-adjust ang aking mata pero halos madilim na rin ang nakikita ko. Kita ko ang usok na lumalabas sa aking bibig dahil sa lamig ng panahon. Tumigil na rin pala ang pag-ulan ng yelo.

"Master!" tawag ko sa kanya pero hindi siya sumagot. "Master!" muli kong tawag sa kanya.

"Ang ingay mo." Saway nito sa akin.

"Aminin mo. Malakas po iyon 'di ba?" hindi na naman siya nagsalita pero makulit talaga ako. "'Di ba? 'Di ba?"

"Isa pang ingay at ipagpapatuloy ko ang pag-eensayo."

Tsk, ayaw pang aminin. Hindi naman niya ikamamatay.

"Tumayo ka na diyan at maghahanda ka pa ng hapunan!"

"O-okay po."



---------------------------------------------------------



Master Hagiza

Bago ako tuluyang magpatiuna ay tiningnan ko muna ang batang iyon. "Tumayo ka na diyan at maghahanda ka pa ng hapunan." Iyon lang at naglakad na ako pabalik ng bahay.

"O-okay." Himalang hindi ata nagreklamo ang uhugin at lampang iyon. Napahawak ako sa aking tiyan at tiningnan ito ng bahagya.

Hindi ko namalayang napangisi na pala ako. Hindi ko akalain na makakatagal siya hanggang dito. Ang akala ko ay maaga siyang susuko pero nagkamali ako. Tsk... Kahit paano ay napabilib na ako ng determinasyon niya.

Sineryoso ko ang laban upang malaman kung hanggang saan na ang improvement ng bata.

Medyo malakas at napag-isipan nito ang huling atakeng ginawa niya. Lumakas siya ng bahagya subalit kulang pa.

Ang isa pa sa napansin ko habang tumatagal ay kung saan siya kumukuha ng lakas? Gayundin ang bilis ng pakikibagay niya sa paligid.

Hindi sumagi sa isip ko na mabilis niyang makukuha ang paggamit sa ibang pandama. Pero maaga pa para makasiguro.

Maigi sigurong mas pahirapan ko pa siya sa mga susunod na araw.

Tingnan na lang natin sa mga susunod na araw kung makatagal ka pa.



--------------------------------------------------------



Elyon

Matapos makapagpalit ay agad na akong lumabas sa kwartong inukupa ko upang makapaghanda na ng makakain. Pagod na ako pero hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil baka makatikim na naman ako sa matandang iyon.

Dahil bakasyon kaya wala akong choice kun'di ang manatili muna sa bahay ng matandang hukluban.

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng baboy-ramo sa aking harapan. Buwisit ginawa na talaga niyang alaga  ang isang 'to ah!

Ang sama ng tingin sa akin ng baboy-ramo. Siguro hindi pa rin siya maka-move on sa ginawa ko sa kanya. Naglakad ako at nagtungo sa kusina upang kumuha ng kutsilyo dahil nararamdaman kong nakasunod pa rin ito sa akin. "Master 'yung baboy mo. Ano pong lutong gagawin ko?"

Bigla namang nagbago ang itsura ng baboy at agad tumakbo. Hinabol ko siya pero isang malakas na kotong ang naramdaman ko. "Aray!!!"

"Kesa nakikipaglaro ka bakit hindi mo na umpisahan ang inuutos ko sa'yong bata ka!"

"Aray... Aray... Oo na nga po eh. Ginagawa ko na." Piningot na naman niya ang tenga ko. Letche talaga.

Nakasuot ako ng pang winter na jacket at nakapulupot ang makapal na balabal sa aking leeg. Tapos na ang training kaya maaari na akong magsuot nito. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa likod bahay dahil nanduon ang lutuan ni Master Hagiza.

Matapos makapagluto at makapaghain ay nag-umpisa na kaming kumain ng hapunan.

Agad akong nagsandok ng maraming kanin at ulam. Kumain ako na parang wala ng bukas. Halos hindi ko na nginunguya ang pagkain dahil sa sobrang gutom ko. Maghapon kaming nag-ensayo at kaninang umaga pa ang huling kain ko.

Si Master naman ay tahimik lamang na kumakain. Parang hindi naman siya masyadong nagugutom sa itsura niya gayong pareho lang naman kaming walang kain ng tanghalian.

"May petsa na kung kailan magsisimula ang paligsahan." Naibuga ko ang kinakain ko dahil sa biglaang pagsasalita ni Master Hagiza.

Agad akong uminom ng tubig. 

Isang masamang tingin ang pinukaw ni Master Hagiza. Paano ba naman halos mapuno na ang mukha niya ng kanin. Lagot...



ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

228K 3.6K 53
[COMPLETED] [UNEDITED] This is a Fantasy Story. This work is not perfect so expect some grammatical and typographical words. All Rights Reserved.
56.8K 1.9K 50
Bakit nga ba nagiging duwag ang isang tao? Dahil takot silang masaktan. Isa na duon si Veichleo Vali, isa sa mga Wizard na lalaban para sa mundo at...
22K 1.2K 16
ULTARA, a world from a far distance. A world so different to ours. A world full of magic and wonders. A world governed by different laws and regulati...
6.1K 306 36
Is this fantasy? Started: April 20, 2017