The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

34: PHOEBE

1.2K 56 20
By elyon0423

"Paano kung sabihin kong gusto ko ring makita ang mukha mo papayag ka ba?"



Naibuga ko ang aking kinakain at napatingin sa kanya. "Seryoso ka ba?" nagkatitigan kaming dalawa pero si Dick ang unang nag-iwas at tumawa ng malakas.

"Joke lang. Tungkol sa mga kaibigan mo..." ibinaba nito ang bento box na wala ng laman "...hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit mo sila nilalayuan."

Halos patapos na ang aking kinakain pero tila nawalan na ako ng gana at naibaba ko na lamang ito sa aking tuhod. "H-hindi naman sa nilalayuan ko sila... Paano ba? Ahm." Para akong tanga. Hindi ko masabi 'yung totoo kung bakit nga ba.

Bumuntong hininga muna ako bago nagpatuloy. "Pasensya na. Hindi talaga ako sanay na ino-open ang sarili ko sa iba. Nasanay kasi ako ng mag-isa. Nasanay ako na ako lang ang tumutulong sa sarili ko. Noong oras na iyon. Natutuliro ako. Hindi ko alam ang dapat kong gawin at hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Pero ngayon napag-isip-isip ko na mas maiging lumayo na lang sila sa akin. Matapos ng mga nangyari ayokong madamay sila." Shems, nagiging madaldal na ako.

"Ganoon pala ang dahilan." Tumayo si Dick at inabot ang kanyang kamay upang alalayaan ako. "Bumalik na tayo." Tumango ako at kinuha ang kamay niya.

Nakabalik kami ng Academy at bago kami maghiwalay ni Dick ay pinayuhan pa niya ako. "Mas nakakagaan ng loob kung may kaibigan kang masasandalan lalo na sa panahon ng kagipitan." Hinimas nito ang aking bunbunan. Nagmukha tuloy akong bata sa ginawa ni Dick. "Pupuntahan kita mamaya sa uwian. Antayin mo ako." Iyon lang at nauna na siyang umalis.

Napangiti na lamang ako at bumalik na sa aking klase. Nagkasabayan pa kami ni Troy sa pagpasok. "Naku sorry Elyon sige mauna ka na."

Yumuko ako bilang pasasalamat at nagtungo na sa aking upuan. Nakatingin si Phoebe kay Troy. Crush na rin siguro niya ang lalaking 'yun. Simula nang mangyari iyon hindi na kinukulit ni Phoebe si Dexter. Kaya siguro sa iba na siya tumitingin.

Pumasok na ang aming teacher at nagsimula na ang klase.

Matapos ang ilang oras ay tumunog  ang bell at isa-isa nang nagsilabasan ang mga kaklase ko.

"Troy!" tawag ni Phoebe sa kanya noong palabas na ito. Hindi ko na marinig ang sinasabi nila kaya hinayaan ko na lang.

Palabas pa lang ako pero nakaabang na si Dick sa pintuan ng classroom. Lumapit ako sa kanya.

"Tumabi kayo. Nakaharang kayo sa pinto!" napalingon ako at si Carlisle pala ang nagsalita. Nagkaroon ng space para sa isang tao at naglakad na ito palayo sa amin.

"Sorry halimaw talaga ang isang 'yun. Huwag mo na lang pansinin." Ngumiti lamang si Dick at nagsabay na kaming lumabas ng building.

Hindi pa man kami nakakalayo ay nakaabang na pala si Rune. Kasama ang apat na lalaki. "Teka..." Napatingin ako kay Dick. Tinulak niya  ako ng bahagya.

"Go... Oras na para maging maayos ang lahat." Ilang minuto bago ko naintindihan ang pahiwatig niya.

Ngumiti ako at nag-bow kay Dick. "Kumawo." Gumanti rin naman siya ng ngiti at nagpaalam na sa akin.

Nilapitan ko ang aking mga kaibigan. Oo, kaibigan. Siguro nga iyon ang tamang term na dapat kong tanggapin simula ngayon.

"Ano..." Napahawak ako sa aking batok dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Tumingin ako sa itaas upang hindi magtama ang mga mata namin.

Nagulat ako sa pagyakap ni Rune. "Ely... Ayos lang. Huwag ka ng mag-explain."

"Noona. ulineun dangsin-ui sanghwang-eul ihaehabnida." (We understand your situation.) Sabi ni Francis.

"Elyon babes na-miss ka namin." Umarte pa itong naiiyak. "Payakap din ako." Nakaawang na ang mga braso nito pero hinawakan ni Akihiro ang manggas niya. "Ano ba Aki hindi ako makahinga. Panira ka naman ng moment eh." Nagtawanan kaming lahat dahil sa itsura ni Alexander.

"Finally, we've seen your smile." Sabi ni Reggie.

"Sore wa kawaī." (It's pretty) Napatingin kaming lahat kay Akihiro.

"Ano 'yun bro?" tanong ni Alexander pero umiwas na ito ng tingin. At dahil makulit si Alexander kaya hindi siya nito tinantanan. "Woi ano 'yung sinabi mo?"

"Tumahimik ka!" naglakad na ito palayo sa amin. Kaya nagsisunuran na rin kami.



-------------------------------------------------------



October 30

Kakatapos lang ng aming periodical exam at ngayon malalaman ang resulta. Kayalang hindi iyon ang concern ko sa ngayon.

"A-anong meron Rune?" takang tanong ko sa kanya. Hindi kasi siya nakasuot ng uniform, bagkus ay naka-costume siya. Color light blue ice ang dress na may feather sa bandang kaliwa na kinurbang pabilog. Parang kaliskis naman ang pagkakadisenyo sa magkabilang braso. Kung iyon nga ba ang tamang diskripsyon. May korona pa siya at makapal ang pagkaka-make up na color light blue rin.


"Ano ka ba Ely?! Hindi mo ba alam na ngayon ice-celebrate ang Halloween sa school?!"

Tumingin ako sa paligid ko at lahat ng estudyante ay naka-cosplay. Oo nga pala... Nawala sa isip ko ang bagay na iyon.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Rune. "Anong masasabi mo sa costume ko? Ang ganda diba?!" Hindi ako makapag-react sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong klaseng costume meron siya, pero halatang nag-effort talaga siya ng bongga rito. "Alam mo bang pangarap kong suotin ito? At ngayon natupad na ang pangarap ko." Halos kinikilig pa siya habang nagsasalita.

"A-anong klaseng costume ba 'yan?"

Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Rune. "I am the Witch Queen bitches! With my icy power I will conquer the world and Fuck up your lonely life! Mwahaha... Mwahahahha."

Noong una mukha siyang a-attend ng J.S pero ngayon nagmukha na siyang mangkukulam. Naihampas ko na lang ang noo ko dahil sa frustration.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at iniwan si Rune na humahalakhak pa rin.

"Ely... Wait lang!" sa wakas huminto na rin siya. Hinabol niya ako at nagpatuloy na kaming pumasok ng building ng grade 10.

"Attend tayo ng party mamaya ah."

"Ayoko." Nakarating kami sa bulletin board para i-check ang resulta ng exams. Nakipagsiksikan pa kami para lang makita ito.

Laglag ang magkabila kong balikat ng makita ko kung pang-ilan ako. Gusto ko nang magluksa. "Hindi na rin naman masama ah." Sabi ni Rune.

Pang-fifteen ako sa klase. Samantalang noong unang periodical exams pang thirteen pa ako. Patay na naman ako kay Master Luis.

Tiningnan ko si Rune at sinilip rin kung pang-ilan siya. Pang-nineteen siya sa klase pero parang okay lang sa kanya.

Lumayo kami sa nagkukumpulang estudyante. "Okay lang sa'yo ang resulta ng exams?" tanong ko kay Rune.

"Oo naman. Hindi naman ako ang kulelat kaya hindi na masama sa akin iyon. Saka tingin ko okay lang rin sa kuya ko ang ganoong grade. Hihi..." Hindi ko alam na may kuya pala si Rune, pero hindi ko na siya inusisa. Buti pa siya. Samantalang ako hindi puwede ang ganoon. "Sabi ni Kuya i-enjoy ko raw ang pagiging youth ko. Hanggat hindi naman ako nakakakuha ng sobrang babang score ay okay pa sa kanya. Saka alam niya kung ano talaga ang gusto kong gawin."

Bigla akong nakaramdam ng inggit. Hindi kasi ganoon ang mga tao sa paligid ko kahit sa totoo kong pamilya.

Naghiwalay kami ni Rune at nagtungo na sa aming klase. Ilang minuto lang ay pumasok na rin ang aming adviser.  "Good morning everyone! Gusto ko lang batiin kayo dahil finally natapos na ang unang semester sa taong ito. Maraming nangyari sa boong isang semester lalo na ang pagkamatay ng isa ninyong kaklase. Ganoon pa man kailangan nating magpatuloy sa buhay at gawing lesson ang mga nangyaring ito sa atin. Dahil tapos na ang exams kaya maagang matatapos ang klase and of course bilang celebration a-attend ang lahat sa Halloween Party. Okay ba?" naghiyawan ang mga kaklase ko. Maliban na lamang sa akin. 

Napatingin ako kay Carlisle... At sa isang ito. Hanggang sa matapos ang semester natutulog pa rin siya. Ibang klase talaga.

Ilang oras lamang ay kanya-kanya na kami ng ginagawa. Free time siguro ang tamang term sa amin.

Tumingin ako sa labas at nagkukumpulan na ang mga estudyante sa baba. Nagkakasiyahan na agad sila. 'Yung ibang mga kaklase ko nagsilabasan na. Samantalang ang iba naman nagti-take ng picture dahil sa costume nila.

May mga dayo rin sa school dahil sila lang ang bukod tanging hindi naka-costume.

Tumayo na ako at lumabas na ng classroom. Tsinek ko ang locker ko kung ano ang iuuwi kong gamit dahil may one week vacation kami ngayon bago mag-start ang second semester.

"Ely!" tawag sa akin ng pamilyar na boses pero hindi ko siya nililingon. Parang ang tagal na rin noong huling beses akong tinawag ni Dexter.

Nagmukha siyang prince charming sa costume niya. "Ely... Ano kasi..." Ang tagal naman ng sasabihin nito?! "Ahmmm... Bakit hindi ka naka-costume?" gusto ko siyang suntukin. Kailangan pa talaga niya akong tawagin para lang doon?!

"'Yun lang ba ang sasabihin mo?" walang kalatuy-latuy kong pagtatanong.

"Hindi... Ano kasi... So---"

"Elyon babes nandito ka lang pala." Hindi na naituloy ni Dexter ang sasabibin dahil sa pagsulpot nila Alexander. "Bakit hindi ka naka-costume?"

Okay pang ilan na nga ba si Alexander sa mga nagtanong? Big deal ba talaga sa kanila kung nag-costume ako o hindi? Tsk. Tiningnan ko silang apat sa itsura nila.

Nagmukhang dracula si Reggie. Pang-phantom naman si Francis dahil sa suot niyang maskara sa kaliwang bahagi. Cute. Habang pang bleach na anime naman ang suot ni Akihiro. Ang astig tuloy niyang tingnan. Pagtingin ko kay Alexander ay napatingin din ako kay Dexter.

"Omg!!!" tumili si Rune kaya parang gusto kong takpan ang tenga ko. "Omg, omg... Parehas pa kayo ni Dexter. Hangcute... Nagmukha kayong kambal!" gusto kong matawa sa itsura nilang dalawa pero pinipigilan ko lang.

"Sino ka nga bro?" tanong ni Alexander kay Dexter.

"Dexter classmate ni Ely." Kinamayan nito si Alexander at tinanggap naman niya.

"Ah... Kung ganoon senpai mo pala ako. Ayos lang naman sa akin kung gayahin mo ako. Mas 'di hamak na guwapo na---Aray... Ano ba Aki?!" binatukan siya ni Akihiro dahil kung ano-ano na namang pinagsasabi nito. 'Yung mukha tuloy ni Dexter ay parang hindi mo na maipinta.

"Ano nga ulit sasabihin mo?" tanong ko kay Dexter kaya sa akin na ulit nabaling ang tingin nila.

Humawak muna sa batok si Dexter bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kasi ano---"

"Dexter." Tawag ni Rune kaya naputol na naman ang sasabihin niya. "Ahmmm... Okay ba costume ko?" tanong nito sa kanya.

Pambihira. Ito talagang si Rune oh.


"Kyah!!!" 

Nagulat kami sa babaeng sumigaw. Namalayan ko na lang ang aking sarili na tumatakbo papuntang comfort room. Doon ko kasi narinig ang sigaw at doon din papunta ang ilang nakarinig.

Pagpasok ko ay tumambad ang nagkukumpulang mga babae kaya agad akong sumingit sa kanila. Nakita kong nakahandusay si Phoebe. May mahabang hiwa ito sa kaliwang pulso kaya malayang nakakadaloy ang sariwa nitong dugo. Hawak ng kanang kamay nito ang bubog kaya napatingin ako sa mirror ng comfort room. Basag na ito. Agad kong nilapitan ang kanyang katawan. Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit paano may pintig pa rin ang puso niya. "Buhay pa siya. Bilisan niyo tumawag kayo ang ambulansya!" sigaw ko sa kanila pero si Rune lang ang kumilos.

"What's happening here?" siyang dating ni Ginang Tagle. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil nakita niya ang nangyari kay Phoebe.

Agad siyang dinala sa hospital na nasa loob lamang ng Winter Town. Hindi naman iyon kalakihan pero sapat para sa mga residente at mga bisita.

Hindi na itinuloy ang halloween party at pinauwi agad ang mga estudyante para sa siguridad ng lahat.  May mga pulis na dumating pero hindi na kami nag-usisa pa.

"Sayang ang costume ko. Sobrang minsan na nga lang ako maki-join sa party naudlot pa. Bakit ganoon? Kung kailan na- appreciate ko na ang party ng school saka naman nangyari ito." Reklamo ni Rune. "...ano bang nangyayari sa mga kaklase mo Ely?"


Hindi ko sinagot ang tanong ni Rune. Kahit ako ay napapaisip sa nangyari. Sa lahat naman estudyante bakit sa mga kaklase ko pa? Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas ng academy.

"Speaking of classmate. Nasaan na ba 'yang kaklase mong gumaya sa costume ko at nang mapagsabihan ko nga. Sino nga ba 'yun Elyon babes?"

"Si Hyung Dexter," sagot ni Francis.

"Oo nga. Dexter nga ang name niya. Nasaan na nga ba iyon at ng maturuan ng magagandang the moves ko--- Aray!" binatukan na naman siya ni Akihiro.

"Puro kalokohan talaga 'yang nasa isip mo at gusto mo pa ng makakasama." Sabi ni Akihiro.

Napahinto ako sa aking paglalakad at tumalikod sa kanila. "Mauna na kayo." Tumakbo ako pabalik sa building ng grade 10.

"Elyon where you going?!" hindi ko pinansin si Reggie. Pagdating ko sa building ay hinarangan ko ang mga kaklase ko. Paiwas na sana sila pero itinaas ko ang magkabila kong braso.

"Nakita niyo ba si Dexter?"


ITUTULOY...




*Sorry kung super late sa pag update. Hope suportahan niyo pa rin ako kahit super late na.

*Tanong ko lang kung sino ang paborito ninyong character at bakit?

Hope may sumagot para magkaron pa ako ng inspirasyon para ipagpatuloy ito. Maraming salamat po.

Continue Reading

You'll Also Like

9.8M 532K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
123K 3.5K 91
How did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as s...
222K 1.6K 7
Eindy... ang pinakapaboritong i-bully ng kanyang mga kaklase since nung bata pa siya.. Mabait, masipag,.matulungin, at maganda kasi siya.. Kontento...
96K 3K 49
A girl named Mifuyu who has been reborn. In those countless time she reborn, this time the headmaster of Kurai Clan takes an action. They recruited D...