The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

32: DEEP CONCENTRATION

1.2K 58 0
By elyon0423


Pakiramdam ko gumagalaw ako at maingay sa aking paligid. Iminulat ko ng bahagya ang aking mata ngunit hindi ko maaninag ang mukha ng isang babae, maging ang sinasabi nito ay hindi ko maunawaan.

Balang araw... Mahahanap kitang muli.

Ito lamang ang aking narinig at tuluyan na siyang kinain ng liwanag. Pagdilat ko madilim na kapaligiran pa rin ang bumungad sa akin. Tumayo ako pero nahawakan ko ang aking ulo dahil pakiramdam ko nauntog ako.

Matapos pakiramdaman ang aking sarili, sinubukan kong tumayo at dahan dahang naglakad palabas ng kweba. Maliwanag pa rin naman sa labas at nakita ko si Master Hagiza na tila kadarating lamang galing sa pamumulot ng mga sanga.

Lumapit ako sa kanya kaya medyo nagulat naman siya. "Bakit nandito ka? Hindi ba sinabi ko sayo na boong maghapon ka magme-meditate sa loob?!"

"Natatandaan ko na." Pambungad ko sa kanya at umupo sa nakausling bato. "Ang lugar na ito... Kapag binagtas mo ang hilaga may dating baryo kang makikita pero ang alam ko wala ng nakatira sa lugar na iyon." Malayo ang aking tingin kung saan pinipilit alalahanin ng utak ko ang nakaraan... Ang nakaraan ng aking kamusmusan... "Nagbakasyon ang pamilya ko sa baryo ni papa upang dalawin sana ang aming lolo at lola. Isang beses nakakita ako ng mga batang naglalaro at naglalakad kaya sinundan ko sila. Noong panahong iyon ginagawa pa lang ang Winter town." Pinagpatuloy ni Master Hagiza ang kanyang ginagawa pero nagpatuloy pa rin ako sa aking pagkukwento. "Nang makita ako ng mga bata inutusan nila akong pumasok sa gubat at maghanap ng kahit anong hayop. Kapag nagawa ko iyon makikipaglaro na sila sa akin. Pumayag ako sa gusto nila pero wala akong nahuling kahit anong hayop. Hanggang sa nakakita ako ng isang malaking aso... Ngayon ko lang napagtanto na hindi iyon basta isang aso lamang kun'di isang lobo. Natagpuan ako ng isang batang babae na nagngangalang Luisa." Napatingin sa akin si Master Hagiza. Tiyak kong kilala niya kung sino ang tinutukoy ko. Si Luisa... Ang anak ni Master Luis. Ang liit nga naman ng mundo. "Niligtas niya ako sa hayop na iyon at nakagat ang kanyang braso. Napatay niya ang hayop pero may mga kasunod pa pala ito kaya nagtago kami sa kwebang pinasukan ko kanina. Sa huli nahanap pa rin kami ng isang lalaki kasama ang iba pa nitong alagang lobo at dahil sa'kin kung bakit namatay ang anak ni Master Luis." Bakit ngayon ko lang naalala ang bagay na iyon? Ang laki pala ng atraso ko kay Master Luis.

"Kung ganoon ikaw pala 'yung kupal na batang uhugin na nagsauli ng dagger sa akin." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"K-kung ganoon ikaw po 'yung mamang lalaki kumonyat sa akin noong magising ako sa ospital at hinanap si Luisa?!" ilang taon na nga ba ang nagdaan at tila ang laki agad ng pinagbago ng mukha ni Master Hagiza. Hindi ito nagsalita at nagpatuloy lamang sa kanyang ginagawa.

Kinuha ko ang aking dagger at siniyasat ito. Kayapala parang pamilyar ito sa akin.

"Una kong binigay iyan sa anak ni Luis," sabi ni Master Hagiza.

"Ano po bang dahilan kung bakit tayo naandito. Mukhang wala naman sa itsura niyo ang salitang meditation?"

Hinagisan niya ako ng hawak niyang punyal pero nasalo ko rin naman. "Joke lang po... Hindi na mabiro."

"Kupal ka talagang bata ka. Wala ka talagang matinong sinasabi ano?!" 

Hala nagsalita rin ang hindi matino.

"Pero seryoso po. Ano po bang ginagawa natin dito?" takang tanong ko sa kanya.

"Nasabi sa akin ni Luis na dalhin kita sa lugar na ito para makapag-relax dahil masyadong naging mabigat ang buhay mo sa school nitong mga nagdaang araw." Lumapit ito sa akin. Akala ko para aluin ako pero...


"Aray... Yah!" 


Kinutusan niya ako na halos mabasag ang aking bungo.

"Hindi ka nag-iingat bata ka! Mabuti na lamang at naandun si Luis kung hindi mawawala ang isa sa koleksyon ko!"

Pambihira, itong punyal lang pala ang importante sa kanya. Akala ko naman ako ang inaalala niya. Kinuha niyang muli sa akin ang punyal na hinagis niya at naglakad palayo sa akin. "Tumayo ka na diyan!"

Pagtayo ko ay bigla nitong hinagis ang panyo. Pamilyar sa akin ang panyo kaya napatingin ako sa kanya. "Huwag mo pong sabihing ---"

"Sabi ko naman sayo nandito tayo para mag-relax."

Mukhang hindi na naman maganda ang iniisip ng matandang hukluban. "Ano pong kinalaman ng panyong 'to sa salitang relax?"

Humarap siya sa akin at ngumisi ng nakakaloko. Patay na... Ito na naman po ako.

Pumasok kami sa loob ng kweba at unti-unting kinain ng kadiliman. Bakit kakailanganin ko pa ng piring sa mata kung madilim naman na sa loob? "Master!" tawag ko sa kanya. "Kailangan ko pa ba talagang magpiring sa mata?"

"Simula ngayon sasanayin mo ang sarili mong walang nakikita hanggang bukas."

"T-teka lang. Ang ibig niyo po bang sabihin kahit sa pagkain ay nakapiring pa rin ako?" ngumisi ito na para bang tama ang sinabi ko. Ang lupet talaga nito.

Wala na akong nagawa kun'di ang sundin ang gusto ng matanda.

Matapos kong gawin iyon ay katahimikan na ang sumunod. Pinapakiramdaman ko ang aking paligid. Ilang minuto lang nakaramdam ako ng pagkilos sa bandang kanan pero huli na ako. "Arggg." May sumipa sa akin, kasunod nito ang isang malakas na suntok sa mukha ko. Tumalsik ang katawan ko at tumama ang aking likuran sa pader ng kweba. Natutukso na akong tanggalin ang aking piring.

"Subukan mong tanggalin iyan!" banta ng matanda.

"Hinawakan ko lang po... Judgemental ka masyado." Pagbibiro ko sa kanya.

"Mag-concentrate ka. Pakiramdaman mong mabuti ang paligid mo. Damhin mo ang katahimikan upang malaman mo kung ano lamang ang kakarampot na ingay na maririnig mo." Ginawa ko nga ang nais niyang sabihin.

Tumahimik ang paligid. Tila nakakabingi ang katahimikan pero sinubukan ng aking pandinig na mag-adjust sa katahimikan. Ilang minuto akong nasa ganoong kalagayan at ang una kong narinig ay ang pintig ng aking puso, kasunod nito ang malalim kong paghinga.

Nakaramdam ako na may dumamping suntok sa aking sikmura kaya napabaluktot ako. Napaatras at napaubo ako sa suntok na iyon. "Ano ba? Nagco-concentrate po ako eh."

"Mabuti iyan pero kailangan kong guluhin ang konsentrasyon mo ha-ha-ha."

Nababaliw na naman ang matandang 'to. Letche talaga.

Nagbalik ako sa aking ginagawa pero pagkatapos ng ilang minuto muling nag-adjust ang aking pandinig. Naririnig ko ang patak ng tubig na nagmula sa kanang bahagi ilang pulgada ang layo mula sa kinatatayuan ko. Narinig ko ang tunog ng hangin dahil sa bilis kaya hindi ko agad nalaman kung saan iyon nagmula. Napausog ako ng kaunti dahil may sumipa sa likuran ko. Impit ang aking boses. Pinipilit kong hindi ma-distract sa ginagawa ni Master Hagiza.

Paulit-ulit ang ganoong sinaryo hanggang sa nakamit ko rin ang minimithi ko. Nakaramdam ako ng pagkilos ilang sentimetro ang layo sa akin. Kasunod nito ang tunog ng hangin papunta sa aking dibdib kaya pinagkrus ko ang aking mga braso. Pagdampi ng kamao ni Master Hagiza ay napaatras ako ng kaunti. Bumuwelo ako para sipain siya subalit wala akong natamaan.

"Kulang pa." Sabi ni Master Hagiza na may kalayuan ng kaunti ang kanyang boses hindi katulad kanina.

Pinustura ko ang aking katawan para paghandaan ang susunod na gagawin ni Master Hagiza. Ilang minuto at nakaramdam ako ng pagkilos at tunog ng hangin sa aking tagiliran kaya muli kong nasalag ang atake. Hinawakan ko ang kanyang paa upang baliin sana kayalang nayuko ako dahil siniko niya ako sa aking likuran at nabitawan ko ang kanyang paa.

Hindi ko malaman kung gaano kalayo ang kinaroroonan ni Master Hagiza. Ang tangi ko lamang magagawa ay alamin kung saan parte siya aatake. Masyadong maingat kasi ang kilos ni Master kaya hindi ko agad mahulaan kung saan siya nagmumula.

Tumalikod ako dahil aatakihin niya ako sa aking likuran. Sinalag ko ang sipa niya sa pamamagitan ng sipa ko rin. Pero may kasunod ang ataking iyon kaya yumuko ako upang hindi matamaan ng suntok niya kung suntok nga ba iyon.

Muli na naman siyang umatake ng sunod sunod na suntok at panay ang aking salag at iwas sa mga pag-atakeng iyon.

Tumakbo ako subalit "Ouch!!!" niyakap ng katawan ko ang bako-bakong pader ng kweba. Peste. Epic na naman.

"Ano na naman bang ginagawa mo?" tanong sa akin nang matanda na tila nang-iinsulto pa.

"Wala na po kayo d'un!" pagsusungit ko sa kanya. Muli akong tumayo at nag-concentrate. Dahil sa pagco-contrate ko sa mga gumagalaw nakalimutan ko ang mga obstacles.

Ilang minuto ay muli na namang umatake ang matanda kaya hinanda kong muli ang aking sarili. Sunod sunod ang atake niya kaya dinidepensahan ko ang aking sarili.

Tumukod ako sa kanyang balikat at tumambling upang makarating sa kanyang likuran at sinuntok siya subalit nakaramdam ako ng pagsalag ng kanyang kamay. Inangat ko ang aking kanang binti upang sipain siya pero wala akong naramdamang may dumampi roon. Naiwasan na naman niya ang atake ko.

Muli akong huminto at pinakiramdaman ang sarili. Ilang sigundo ay narinig ko na naman ang tunog ng hangin mula sa aking likuran kaya agad ko iyong sinalag ng aking kamay. Dumampi ang atake ni Master Hagiza pero dahil mas malakas ang atakeng iyon kaya napaatras ako bigla.

Muli akong tumakbo subalit nadadapa ako dahil sa bakong daan.

Hindi ako makapag-concentrate ng maayos. Hindi ko alam kung bakit? Napahinto na lamang ako. "Hi-hindi ko kaya!" sigaw ko sa kawalan. "hindi ko po magawa."

Naramdaman kong may lumapit sa akin. "Aray!" napa-upo ako sa sakit dahil binatukan ako ng malakas ng matandang hukluban.

"Ano bang nangyayari sayo? Parang hindi mo naman ginawa 'yan noon?! Dinagdag ko lang ang sarili ko."

Hindi ko alam kung bakit pero parang may humarang sa aking isipan. Hindi ako nagsalita at nanatili lamang ako na nakaupo sa lupa.

Katahimikan ang sumunod sa amin, pero agad din iyong binasag ni Master Hagiza. "Hmmm. Sa palagay ko alam ko na kung bakit gusto ni Luis na rito tayo mag-ensayo. Manatili ka muna rito sa loob ng kweba." Iyon lang at narinig ko ang hakbang ni Master palayo sa akin.

Hindi ako sigurado kung ilang oras na akong naka-upo sa lupa pero blanko pa rin ang aking isipan.

"Ano bang bumabagabag sa isipan mo?" napatayo ako dahil sa nagsalita. Tinanggal ko ang aking piring sa mata at hinanap ang pinanggagalingan ng boses.

Lumabas mula sa kadiliman ang isang batang babae.

Napakunot ang aking noo dahil tila kilala ko ang batang iyon.

Ngumiti ito sa akin. "Gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan. Maglaro nang maglaro sa kung saan saan." Tumawa ito na parang natutuwa sa kanyang sinasabi at umiikot pa na parang timang.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Rumihistro mula sa inosente nitong mukha ang pagtataka. "Huh? Diba gusto natin ng maraming kaibigan?! Gusto natin silang makalaro?! At makapunta sa ibat-ibang lugar. Wiii! Gusto natin silang makitang tumatawa kasama natin habang nagtatampisaw sa ilog, gustong gusto nating lumangoy kasama nila, kapag nadapa sila gusto natin lapitan at punasan ang tuhod nila, kapag umiiyak sila gusto natin silang patahanin... Diba ganoon ang ginagawa natin?!"

Hindi... Hindi ganoon iyon... Hindi iyon totoo. "Kung ganoon pala. Bakit hindi ko siya natulungan? Kung ganoon bakit siya namatay?"

"Si Luisa ba? Kalaro ko siya palagi..." Itunuro nito ang kanyang dibdib. "Dito..."

"Sinungaling... Hindi ako ikaw. Hindi matured mag-isip ang batang Jomelyn. Ang batang ako." Namalayan ko na lang ang aking sarili na lumuluha. Naalala ko na naman ang panahong iyon. Kung paanong binuwis ng batang iyon ang kanyang sarili para sa akin. Hindi ko siya nailigtas dahil sa kamusmusan ko. Sa takot ko... Napapikit na lamang ako upang hindi ko makita ang aking sarili dahil nakikita ko na naman ang kamangmangan ko.

"Huh? Hindi ako nagsisinungaling. Hindi mo ba natatandaan ang sinabi niya?"

Nandito lang ako.

Sa gulat kaya agad kong naimulat ang aking mata at ibinalik ang tingin sa batang ako.

Ngumiti ito ng matamis at mula sa kanyang likuran ay lumabas ang isang batang babae. Si ----

"Kamusta ka na?" para akong nakakita ng anghel. Halos kahawig nito si Nicole. Walang dudang isa siyang Dunstan. "Ang tagal na nating hindi nagkita? Nakakamangha ang taas mo."

A-anong ibigsabihin nito?

"Susunduin ko na nga pala si Jomelyn.  Kailangan na naming umalis. Tandaan mo hindi mo kasalanan ang nakaraan. Ang nangyari sa akin ay nakasulat sa tadhana kaya dapat mo nang kalimutan ito at magsimula ng makatotohanan. Huwag mong hayaan ang sarili mong malugmok dito dahil umuusad ang panahon. Imbis na magmukmok ka gawin mo itong inspirasyon upang magpatuloy. Isa pa hindi ka duwag dahil binalikan mo ako at hinawakan mo ang punyal kahit na wala kang kamalay-malay." Iyon lamang at tumalikod silang dalawa. Kung makapagsalita sila parang mga hindi bata.

"Oo nga pala..." Muling nagsalita ang batang ako. "Huwag mong kalimutan na gusto nating magkaroon ng kaibigan at makasama silang makalaro.... SA BUHAY."





ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 259 21
Si Alice ay isinilang na may dalang sikreto, ngunit lalaki siyang hindi alam ang buong kuwento. Ang akala niya'y nagsakripisyo ang ina upang iligtas...
228K 3.6K 53
[COMPLETED] [UNEDITED] This is a Fantasy Story. This work is not perfect so expect some grammatical and typographical words. All Rights Reserved.
153K 3.9K 68
12 ZODIAC SIGNS, 13 PROTECTORS. Why is it 13 kung 12 lang talaga ang Zodiac signs? Simple lang ang pamumuhay ng mga kabataan na 'to. Nabago na lang...
85.4K 1.8K 38
GODDESSES SERIES #1 A girl who treated her ability as a Curse. Akala niya ito ay isang sumpa na kailangang kasuklaman. Ngunit ika nga nila. "With gr...