The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

31: BUTTERFLY

1.2K 57 7
By elyon0423


Weekend

Ang mga kapwa ko estudyante kung hindi gumagala sa Village, baka nagmo-movie marathon, o kaya gumagawa ng assignments, o kaya bumibisita sa labas ng Wiinter Town at umuuwi sa kanilang tahanan, at kung ano-ano pa. Samantalang ako? Nanditong muli sa gubat at naglalakad kasama si Master Hagiza. "Saan po tayo pupunta?"

Muli kaming lumabas ng Winter Town sa pamamagitan ng sekretong pintuan. Paglabas sa ibang daan kami nagtungo. Saan na naman kaya kami pupunta?

Ilang oras ang lumipas at lalong nagiging masukal ang kagubatan at tila wala nang magnanais na magtungo rito. "Master..." tawag ko sa kanya pero pinigilan niya akong magsalita.

Mahina lamang ang boses niya sapat upang marinig ko. "Manatili ka lamang tahimik hanggang sa makarating tayo sa ating pupuntahan."

Sumang-ayon na lamang ako sa kanya kahit na hindi ko maunawaan kung bakit.

Lumipas ang ilang minutong katahimikan nang may naramdaman akong paggalaw sa aking paligid. Tiningnan ko ang mga halaman at puno kaya nakumpirma kong may mga nagtatago sa mga iyon. "Ma---"

Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil muli na naman niya akong pinahinto.

Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang lalabi ko upang pigilan ang aking sarili.

Ilang minuto pa ang lumipas--- Ang mga nilalang na nagtatago sa halaman at puno ay unti - unti nang nagsisilabasan at sumusunod sa amin.

Mga hayop sila subalit hindi ko alam ang kanilang mga uri, ngayon lamang ako nakakita ng katulad nila. Para silang walang pagkakakilanlan.

Kung kanina ay nakakaramdam ako ng takot ngayon ay pagkamangha na... Parang gusto ko silang hawakan kaya naman lumapit ako sa isa at nang hahawakan ko na ay may bigla na lang humatak ng aking kamay. Si Master Hagiza.

Umiling ito, tanda na hindi ko pwedeng gawin ang nais ko. Muli kong sinulyapan ang mga hayop bago nagpatuloy sa aking paglalakad hanggang sa ilang dipa na ang layo namin. "Sila ang mga hayop na hindi pa nadidiskubri ng mga tao."

"Ano po?" takang tanong ko sa kanya.

"May isang nagsabi sa akin na ang tulad nila ang nagbabantay ng mga liblib at berhen na kagubatan. Nakikidaan lamang tayo sa teritoryo nila kaya mas mainam nang hindi natin sila magambala."

Nakarating kami sa tapat ng kweba? "A-anong gagawin natin dito?" takang tanong ko kay Master Hagiza.

"Mainam ito para sa pagme-meditate."

"Me-di-ta-tion?" paputol putol ko pang pagtatanong.

"May isang binibini noon. Pumasok siya sa kwebang iyan at pakiramdam niya nasa kabilang mundo siya."

Lalong nangunot ang aking noo dahil wala talaga akong naiintihan sa sinasabi ni Master Hagiza.

"Hala, pumasok ka na sa loob ng mag-isa kung ayaw mong sipain pa kita."

Ano raw? Pa-pasok talaga ako sa kwebang ito ng mag-isa? Dahan dahan akong lumingon sa kanya. "Na-nagbibiro ka lang po 'di ba?"

Tinitigan niya ako ng masama kaya wala akong nagawa kun'di ang sundin na lamang ang matanda. Hindi ko alam pero parang hindi ko gusto ang ideya na pumasok sa isang kweba.

"Ano na bata? Huwag mong sabihing naduwag ka na naman? Ang layo na ng narating natin at malapit na ang kalbaryo mo."

"Ito na nga po eh... Papasok na."

"Nga pala bata..." Napalingon akong muli sa kanya. Inihagis nito ang isang bote ng tubig at isang malaking tinapay. "Boong maghapon kang magkukulong sa kweba at siguraduhin mong papasok ka sa pinakalooban kung saan wala kang maaninag na liwanag." Nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi niya. Gusto ko ng magreklamo dahil sa dami ng gusto niyang ipagawa sa akin. "Ano pang tinatayo mo diyan. Gusto mo talagang masipa ano?!"

Wala talagang kalambing lambing ang matandang 'to. Tumalikod na lang ako at nagtungo sa bukana ng kweba at pinasok iyon. "Tabi-tabi po. Makikiraan lang po." Para lang akong timang sa sinasabi ko pero wala eh. Tama si Master, tinamaan na naman ako ng kaduwagan.

Unti-unti na akong lumalayo sa bukana ng kuweba at unti-unti na ring nakakabingi ang katahimikan, pati ang liwanag na nakakamit pa ng aking mga mata ay unti-unti na ring nawawala. Huminga muna ako ng malalim saka umupo ng indian seat at ipinikit ang aking mga mata. Kung ilang minuto akong nasa ganoong kalagayan? Hindi ko alam. Pero isa lang ang alam ko. Sobrang dilim at ang tahimik. Kung ang tinutukoy ni Master na ibang mundo baka ito na iyon?

Ang katahimikan at kadiliman ang nagsisilbing parang nasa ibang mundo ka.

Ilang sigundo o minuto pa ang nagdaan pero wala namang nagbago kaya binalak kong imulat ang aking mata kahit alam ko namang wala akong makikita subalit hindi ko pa man ito nagagawa ay may biglang nag-flash back sa aking isipan. Isang paro-paro ang aking nakikita, katulad ito noong acquaintance party.

Lumilipad ito ng mag-isa sa kadiliman ng paligid.

Ayos ka lang ba?

Nagulat ako sa boses na iyon kaya napatayo ako sa takot dahil ang alam ko, ako lamang mag-isa sa lugar na ito.

Tatakbo na sana ako subalit nadulas at lumagapak sa mabatong lupa ang aking katawan.

"Ikaw." Naimulat ko ang aking mga mata at nilingon ang batang lalaki na hindi ko kilala. "Kung matapang ka pumasok ka nga sa gubat at manguha ka ng hayop! Kapag hindi mo ginawa bawal kang makipaglaro sa amin."

"Oo nga!!!" sabay sabay na sigawan ng iba pang mga bata.

"Kapag pumasok ako diyan makikipagkaibigan na kayo sa akin?" inosenteng kong tanong sa kanila.

Tumango lamang ang mga ito kaya nasabik ako sa bagay na iyon. "Sige payag ako basta ah... Lalaro tayo paglabas ko."

Sinunod ko ang nais nila at pumasok sa gubat. Naghanap ako ng hayop subalit nakarating na ako sa kasuluksulukan pero wala pa rin akong makita maliban sa mga ibon na maliliit. Kaya sinubukan kong pagbabatuhin ang mga iyon pero wala akong natamaan. Hindi kasi umaabot ang mga bato ko sa mataas na bahagi ng puno. Naiiyak na lamang ako dahil wala akong makuha.

Nahinto ako sa pag-iyak ng may paro-parong lumilipad sa harapan ko. Sa pag-aakalang hayop din ang paro-paro kaya sinubukan kong kunin ito subalit lumipad naman palayo sa akin kaya sinundan ko hanggang sa napahinto ako dahil sa narinig kong kakaibang tunog. Pagtingin ko ay nakakita ako ng isang malaki at maitim na aso.

"Mag-iingat ka!" napatingin ako sa aking likuran. Isang batang babae na kaidadan ko lamang. "Huwag kang gagalaw." Utos nito subalit hindi ko nagawa dahil natakot ako. Tumakbo ako kaya hinabol ako ng malaking aso. Hindi pa man ako nakakalayo ay napasubsob ako dahil sa nakaharang na sanga.

Inatake ako ng aso kaya napapikit na lamang ako pero wala akong naramdaman na kahit na anong sakit sa aking katawan nang tingnan ko 'yung batang babae na ang nasa harapan ko.

Napaiyak ako dahil sakmal na ng aso ang braso ng batang babae.

May hawak itong patalim at tinusok sa ulo ng aso. Umatras ito  at pinakawalan ng matatalim nitong ngipin ang braso ng bata subalit muling sinundan ng batang babae ang aso at muli nitong pinuntirya ang ulo. Bagsak ang kalaban niya ngunit bagsak din ang batang babae.

Nanginginig ang aking boong katawan at hindi ako makagalaw sa aking pwesto pero ilang minuto lamang ay gumalaw ang bata. Tila natauhan ako at dahan dahang lumapit sa babae.

"Ayos ka lang ba?" lalo akong umiyak dahil sa sinabi ng batang babae. Palibhasa musmos kaya hindi ko alam ang dapat na gawin kun'di ang umiyak nang umiyak lamang. Pinilit tumayo ng batang babae kaya inalalayan ko siya. "D-Dada-ting na s-sila Da-ddy pa-ti na rin si Lo-la Mar-ga-reth ka-ya h-huwag ka ng umiyak. Po-protek-ta-han ki-ta." Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon kahit wala naman akong alam sa sinasabi niya.

"Bilisan niyo! Hindi pa nakakalayo ang bata. Nararamdaman ko pa ang presensya niya."

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya subalit sumenyas lamang ito na tumahimik ako kaya sinunod ko naman.

"M-mag-ta-go ta-yo." Inalalayan ko siya at naglakad kami ng naglakad. Hindi ko alam kung saan kami tutungo subalit hinayaan na lamang kami ng aming mga paa hanggang sa makarating kami sa pamilyar na kweba. Pumasok kami roon at nagtago. Wala akong makita pero hindi ako nagreklamo.

Natatakot ako sa madilim na kweba dahil wala akong makita na kahit na ano. "H-hwag ka-ng mag-alala. N-nandito la-ng a-ko." Hindi ko makita ang mukha niya subalit sapat na iyon upang mapanatag ang aking kalooban. "A-anong pangalan mo?" naririnig ko ang mabigat niyang paghinga.

"Ako si Jomelyn." Pagpapakilala ko.

"A-ang gan-da ng pangalan... Ahh!" Nagulat ako dahil sa pagsigaw niya ng kaunti. "Pa-pasensya na." Umiling lang ako. May nakapa akong panyo sa bulsa ng aking short kaya agad ko iyong kinuha. Hindi ko makita kung saan parte ang sugat niya.

Hinawakan nito ang aking kamay at itinapat sa kanyang braso. Nahawakan ko pa ang sugat niya kaya rinig ko ang pamimilipit niya sa sakit.

"Pa-patawad..." Itinali ko sa kanyang braso ang aking panyo na hindi tiyak kung tama nga ba ang pagkakalagay.

"Sa-salamat... A-ako nga pa-la si Lui-sa." Nagulat kami sa kaluskos na hindi tiyak kung saan nagmula. Kasabay ng mga nagtatangis na ngipin ng mababangis na hayop ay ang unti-unting pagliwanag sa halos kabuuan ng kweba. At dahil doon kung bakit nabuhay na naman ang aking takot.

Ilang malalaking aso ang nagtakip sa liwanag na nanggagaling sa hawak na ilaw ng isang hindi ko maaninag na mukha.

"Aba, nandito lang pala ang matapang na munting binibini at mukhang may kasama ka pang kaibigan." Nakakatakot ang kanyang tinig kaya napayuko ako. Hinarang ni Luisa ang kanyang braso sa akin upang protektahan ako.

"H-hwag mo si-yang sa-saktan."

"Pinapahanga mo ako sa iyong katapangan ngunit ikinalulungkot ko lamang na hindi ko na masisilayan ang iyong pagdadalaga. Ipapaubaya na kita sa aking mga alaga." Kasunod ng kanyang pananalita ay ang nakakatakot niyang halakhak.

Paki-usap... Tulungan niyo po kami. Kahit sino po... Pakiusap po. Tulungan niyo po kami... Ito lamang ang kaya gawin kong gawin.

"H-huwag ka-ng ma-ta-kot. P-protek-ta-han kita."

Grrrrr.

Unti-unting lumalapit sa amin ang malalaking aso kaya lalo akong sumiksik kay Luisa. "Li-litu-hin ko s-sila pagka-tapos su-bu-kan mong ma-katakas at m-manghingi ng t-tulong." Hirap na hirap na siyang magsalita.

Tumango lamang ako kahit na hindi ako sigurado kung papaano ako makakatakas sa lugar na ito.

Pinilit niyang tumayo habang sapo ang kanyang braso. Lumabas ang lalaki dala ang munting liwanag kaya naging madilim na naman ang paligid. "Takbo!!!" sigaw nito kaya kahit nagkanda tisod na ako ay ginawa ko pa rin.

Hindi ko alam ang nangyayari. Basta ang naririnig ko lang ay ang nakakatakot na pag-ungol ng mga aso at ang sigaw ng batang babae. "Ahhh!" sigaw nito kaya napahinto ako at lumingon. Hindi ko alam kung babalik ako o hindi...

Pero sa huli muli akong tumakbo pabalik sa bata. "L-luisa!" Sigaw ko subalit wala akong narinig na pagtugon. "Luisa... Nasan ka?!"

Grrrr

Natakot ako sa pagtatangis ng ngipin ng asong hindi ko alam kung saan nagmumula. Sa aking pagtakbo ay natisod ako dahil sa nakaharang na katawan. Natakot ako dahil baka katawan iyon ng isang aso pero nakarinig ako ng mahinang ungol kaya kinapa ko ang katawang iyon. "Luisa..."

Muli ko na namang narinig ang nakakatakot na ingay na nagmumula sa mga aso. "H-hwag kayong lalapit." May nakapa akong patalim kaya agad ko iyong kinuha at niyakap si Luisa. "S-subukan n-nyong lumapit at p-papatayin ko kayo!" Sa sobrang takot ko ay naihi na ako sa aking salawal habang panay ang aking hikbi.

"Huwag... huwag!" Sumigaw ako ng pagkalakas lakas at kasabay noon ang ang pagsulpot ng paro-paro sa aking harapan. Ilang sigundo pa at dumating ang mga nagkikinangang paro-paro na tila mga bitwin sa langit. Nilusob nila ang malalaking aso.

Unti - unti nanlalabo ang aking paningin at tila mauubusan na ko ng lakas. Ang huli ko na lamang naalala ay ang pag-takbo palayo sa amin ng mga aso.





ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

222K 1.6K 7
Eindy... ang pinakapaboritong i-bully ng kanyang mga kaklase since nung bata pa siya.. Mabait, masipag,.matulungin, at maganda kasi siya.. Kontento...
4.9M 227K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
199K 6.6K 61
◈◈BOOK I of Curse Saga◈◈ I was just a thief in a division and eversince then I didn't expect that when I opened my eyes I already have a guardian. M...
182K 2.8K 35
Wearing a thick black wig to hide her insecurities and whole identity. Ayesha Luna's mission in this world is to become the people's Great Water Elem...