The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

27: TRAINING: DAGGER

1.4K 61 16
By elyon0423


Nakarating kami sa canteen pero naagaw ng atensyon namin ang tatlong babaeng mukhang espasol ang mukha na tila may binu-bully. Himala, ngayon ko na lang sila ulit nakita.



"You ugly bitch, how dare you doing this to me? How will you fix it?"

"My gosh bessy your uniform's really messy na. It's really gross you know?"

"Yeah, she's super duper to the highest level right."



'Yan na naman ang mga nakaka-irita nilang pagsasalita. Tiningnan ko ang babaeng binu-bully nila, natapunan pala ng pagkain 'yung uniform nang lider ata ng three idiots. Panay ang yuko nito at pinunasan ang kanyang uniform.

"Don't you touch my uniform again..." Pilit niyang tinatanggal ang kamay ng babaeng nakatapon sa kanya ng pagkain, "...with those filthy hands!"

Parang kilala ko 'yung babae. "Let's go." Yaya ni Reggie sa amin. Parang wala siyang pakelam sa nangyayari sa canteen.

"Kawawa naman 'yung chikabebot oh. Tulungan ko na ba mga bro?" tanong ni Alexander. Nagkibit balikat lang si Francis, Akihiro at Reggie. "Alright..." Mukhang excited pa siya sa gagawin niya.

Halos lahat ng estudyante sa canteen ay nakatingin sa kanila pero wala namang gustong mangialam sa nangyayari.

Lumapit si Alexander sa apat. "Hi Girls, kamusta kayo?" bati nito sa tatlong babae na tila naghugis puso pa ang mga mata. Bihasa talaga ang lokong 'to sa pagiging babaero.

"This girl kasi, tatanga - tanga sa dinaraanan namin."

"She ruined my uniform, look it's messy."

"Yeah, this girl was really tanga-tanga"

Pumila na kami upang bumili ng aming makakain pero panay pa rin ang tingin namin sa kanilang lima. Tiningnan ko ng mabuti 'yung babae. Para talagang nakita ko na siya eh. Masyadong na-focus ang isip ko sa kanila kaya hindi ko masyadong pinpansin kung anong pinagkukuha ko. Basta kuha na lang ako ng kuha.

Natabig ko ang apple at nahulog ito pero sinalo iyon ng paa ni Akihiro at inabot sa akin. Ang bilis nun ah! Inabot nito sa akin ang mansanas. "ku-kumawo..." kinuha ko iyon at ilalagay sana sa aking tray pero nagulantang ako dahil sa dami ng nakalagay.

"Gutom ka Ely?" tanong sa akin ni Rune.

Isang pilit na ngiti ang lumabas sa aking labi habang tinititigan ko ang aking tray. Ki-kinuha ko ba talaga ang lahat ng ito?

"Girls chilax hindi naman sinasadya nitong cute girl na matapunan ang uniform mo." Naagaw na naman ng atensyon namin doon sa lima. Kinindatan ni Alexander 'yung babae, dahilan ng pamumula ng pisngi nito. Sarap niyang batuhin ng mansanas sa totoo lang. Hindi talaga ako magtataka kung paminsan minsan nababato siya ng sandok ni Mr. Bill.

"Pero kasi ---"hindi na natuloy ng isa sa three idiots ang sasabihin dahil sa magic words nitong si Alexander.

"Ganito na lang girls, makikipag-date na lang ako sa inyo mamaya okay? Palampasin niyo na lang itong nangyari."

Tumango naman ang tatlong makakapal ang make up habang nakatingin kay Alexander. Para silang nakakita ng artista sa mga itsura nila. "Kakaiba talaga 'tong si Alexander ano?!" sabi ni Rune. Tumango na lang kami sa kanya bilang pagsang-ayon.

Lumapit sa amin si Alexander at naupo sa pagitan ni Reggie at Francis. "Hindi niyo man lang ako binilhan ng pagkain," para itong batang nagtatampo.

Inabot ko sa kanya ang mga sobrang pagkaing nakuha ko kanina. Nahiya na akong ibalik kaya binili ko na lang lahat. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Ang sweet naman ni Elyon babes."

"Sobra lang 'yan sa binili ko." Iyon lang at nagpatuloy na ako sa pagkain.

"Nahiya ka pa Elyon Babes, okay lang naman sa'kin kahit hindi mo sabihin."

Pinagsasabi nito? Bangag pa ba siya sa ginawa niya kanina? Binawi ko ang mga pagkaing binigay ko sa kanya dahil naiirita ako sa pinagsasasabi niya.

"Teka, teka... Ito naman hindi na mabiro." Akma na sana niyang kukunin muli ang pagkain nang lumapit sa amin ang babae kanina na na-bully noong tatlong mukhang espasol ang mukha.

Straight na mahaba ang buhok, May dalawang color ang kanyang buhok, brown sa ibaba at black naman sa bandang bunbunan, Morena, Halos kasing tangkad ko lang kung tutuusin, pero tila wala namang emosyon ang muha, at higit sa lahat? Tinatayuan ako ng balahibo sa kanya. Teka, itong pakiramdam na 'to.

"T-tha-nk yo-u." Pahinto-hinto siyang magsalita kaya parang hindi namin siya maintindihan.

Mukhang naunawaan niya ang expression ng mukha namin kaya kinuha niya sa bulsa ng blazer ang mobile phone at nag-type roon.

Matapos ang ilang minuto ay inabot niya kay Alexander ang kanyang phone. Nang mabasa nito ay agad nag-iba ang expression ng mukha niya. "Basta ikaw... Malakas ka sakin eh." Tugon nito sa babae.

Yumuko siya kay Alexander at tumalikod na rin upang lisanin ang canteen.

"Ang weird niya." Sabi ni Rune.

Nagsalita ang hindi wirdo. Tiningnan ko ang pintuan ng canteen kung saan lumabas ang babaeng tinulungan ni Alexander. "Are you alright Elyon?" napatingin naman ako kay Reggie. Tumango lang ako at tinapos ang pagkain.

Natapos ang boong araw ko sa school at agad ko na rin sana itong lilisanin. Paglabas ko nang building ng grade 10 ay naagaw ng atensyon ko ang babae na tinulungan ni Alexander kanina. Hindi ko alam kung bakit kada makikita ko siya tinatayuan talaga ako ng balahibo.

Bukod sa dala niyang bag ay may isa pa siyang bitbit na parang flute? Hindi ako sigurado.

Umiling ako upang magbalik sa katinuan. Kung titingnan mo siya para lang naman siyang ordinaryong estudyante pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa kanya? O baka akala ko lang iyon? Shems, kung ano-ano nang naiisip ko. dala lang siguro ng pagka-pressure dahil malapit na ang paligsahan. Tama, baka iyon nga?!

Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako paradahan ng bisikleta. Naabutan ko pa si Carlisle na tinatanggal ang lock sa kanyang bisekleta. Hindi ko siya pinansin at nagdiretsyo lamang ako sa pagkuha ng aking bike at umalis na.

Nang tuluyan akong makalabas ay nakita ko si Rune, tatawagin ko sana siya subalit hindi ko na naituloy dahil papalapit siya sa lalaking madalas nakatambay sa labas ng academy. May boyfriend ba si Rune? Siya ba 'yung palaging inaantay n'ung lalaking 'yun? Nang tingnan ko ang lalaki ay nakatingin na naman siya sa akin. Nasanay na ako sa kanya, siguro dahil nawiwirduhan siya sa akin. Muli kong iniwas ang tingin sa lalaki at nilampasan na lamang sila. 




Nakarating ako sa bahay ni Master Hagiza.

"Master!" tawag ko sa kanya subalit wala akong narinig na kahit na anong ingay. "Nasan na naman kaya siya?" nagtungo muna akong comfort room upang makapagpalit ng damit pero pagkalabas ko wala pa rin ang matandang hukluban. Nagtungo ako kung saan ako tinuruan ni Master Hagiza, nagbabakasakaling naandun siya pero wala pa rin akong nakikitang Master sa paligid.

Tiningnan ko ang mga sandatang naka-display sa mga pader. Napakarami namang koleksyon ni Master Hagiza, mandirigma ba siya dati? Ayaw niya akong pahawakin ng mga iyon pero since wala naman siya sa paligid kaya nagkaroon ako ng ideya na kilatisin ang kahit isa sa mga ito.

Hinawakan ko ang isang punyal. Sinayasat ko ang itsura at masasabi kong maganda ang pagkakagawa at talagang kaunting pagkakamali mo lang tiyak na masusugatan ka.

Nakaramdam ako sa aking likuran ng pagkilos at mabilis kong dinipensahan ang sarili ko sa pamamagitan ng punyal na hawak ko. Tumama ang isang bagay sa punyal pero dahil sa lakas ng impact ay kasabay ring nahulog ang punyal sa sahig.

"Hindi ba sabi ko sa'yo huwag mong pakikialaman ang mga sandata rito?!" ma-awtoridad niyang sabi sa akin.

Nahawakan ko ang aking kamay dahil pakiramdam ko ay nabali rin iyon dahil sa lakas ng impact. "Ang tagal mo po kasi kaya na-boring ako. Saan ka po ba nanggaling?"

Lumapit siya sa akin at pinulot ang nahulog na punyal at siniyasat nitong mabuti, siguro para tingnan kung may gasgas or ano pa man. Ganoon ba kahalaga sa kanya ang mga sandatang ito?

"Tayo na sa labas." Iyon lang at tuluyan na nga kaming lumabas ng bahay niya at nagtungo sa gubat upang muling magsanay.

Kinukundisyon ko pa lamang ang aking katawan pero bigla na lang akong nagulat dahil sa paghagis niya ng isang bagay. Mabilis ko naman iyong naiwasan at bumaon sa puno. "Yah!!!" Punyal pala yun... "Paano kung matamaan po ako n'un?"

Ngumisi lamang siya at may kinuha sa kanyang likuran. Nanlaki ang aking mata dahil may dalawa pa siyang punyal na hawak. "Te-teka lang. Anong plano mo?" masama ang pakiramdam ko rito.

"Maghanda ka dahil sa mga susunod na araw mas mabigat at madugo ang pag-eensayo mo." Nagbibiro ba siya?

Agad sumugod si Master Hagiza kaya wala akong nagawa kun'di ang bunutin ang punyal dahil konti na lang at tatamaan na niya ako.

Pagkabunot ko ng punyal ay siya ring paglapat ng isa doon. Nangilo ako sa ingay ng dalawang blade na nagkiskisan. Tinulak ko siya palayo para makabuwelo ako sa pag-atake. Madaya siya, hindi naman niya ako tinuruang humawak ng sandata.
Sunod sunod kong winagayway ang aking punyal pero lahat ng iyon ay nasasalag niya sa pamamagitan ng dalawang punyal. "Ang daya mo. Isa lang po sa'kin tapos sa'yo dalawa?"

"Matuto kang gumawa ng paraan sa panahong tulad nito." Tumambling siya at nang lumanding, nakalapat na agad ang dalawa niyang sandata sa aking punyal. "Hindi sa lahat ng panahon ay dedepende ka sa akin at sa turo ko..." Tinulak niya ako at napasubsub ako sa lupa. Winagayway niya ang isang punyal at tumama sa aking kamay. Nagkaroon ako ng maliit na galos at nabitawan ang aking sandata. Kukunin ko sana pero nahuli ako dahil tinutukan ng kanyang punyal ang aking leeg. "Ikaw mismo ang gumawa ng paraan kung paano ka magiging matatag hanggang sa huli." Mabigat ang aking paghinga at ilang sigundo rin bago ko napagdesisyunang hampasin ang kanyang kamay.

Pinatid ko siya at agad kong tinukod ang aking dalawang kamay upang makatayo ako at kinuha ang tumalsik na punyal sa lupa. Nang balikan ko ang tingin ay mabilis lamang siyang nakalapit sa akin kaya naman sinalag ng aking kaliwang braso at sinuportahan ng kanan kong kamay ang punyal na hawak niya upang hindi ito makalapit sa aking balat.

Ginamit niya ang tuhod upang atakihin ako sa aking tiyan. Napaubo ako at napaatras na naman.

Tumakbo ako upang makapag-isip ng gagawin pero ramdam kong nasa likuran ko lamang siya at hinahabol ako. Naramdam kong may palapit na bagay sa direksyon ko kaya agad kong iniwas ang aking ulo. Bumaon ang punyal sa katawan ng puno kaya nakahanap ako ng pagkakataon upang makuha iyon.

Tumapak ako sa katawan ng puno at hinugot ang punyal saka tumambling upang atakihin si Master Hagiza.

Narinig ko ang pagkiskisan ng tatlong punyal nang magdikit ang mga ito. Dalawa sa akin at isa lang kay Master. "Magaling! Pero kulang pa." Tinulak niya paitaas ang aking kamay at kasunod n'un ang pagsiko niya sa aking tiyan.

Napaatras ako pero sumugod na naman siya ng mabilis sa pamamagitan ng kanyang sandata. Nadaplisan niya ang aking pisngi. "Ahhh!" gusto pa ata niyang muling daplisan ang kabila, pero sinipa ko siya sa tagiliran dahilan ng pagyuko niya ng kaunti. Inikot ko ang aking katawan upang makabuwelo ng malakas na pag-atake. Sinipa ko ang kanyang kamay upang mabitawan niya ang punyal na nagawa ko naman. Subalit pagkasipa ko ay hinawakan niya ang aking binti at pinaikot ako at sinipa kaya lumanding ako sa lupa at nabitawan ko ang dalawang punyal.

Tiningnan ko iyon at ganoon din naman siya kaya naman nagpaunahan kaming makuha iyon.

Tatayo sana ako pero hinila niya ang aking paa, "Bitawan mo ang paa ko!!!" nagpupumiglas ako kaya naman sinipa ko siya pero pagsipa ko hinawakan na naman niya at tinaas at baba ang katawan ko sa lupa. Natatamaan ang mukha ko at ang aking katawan sa mga bato kaya alam kong magkakaron na naman ako ng kaunting galos doon. Hinagis niya ako at tumama ang katawan ko sa katawan ng puno. "Arggg." Pakiramdam ko may nabali sa likuran ko.

Nanlaki ang mata ko dahil hinagis ni Master Hagiza ang isang punyal kaya naman agad akong nagtago sa likod ng puno. "Teka lang po hindi pa ako ready." Hindi niya ako pinakinggan at papalapit na naman siya sa akin. Ang matandang 'to. Sobrang lakas niya.

Agad akong tumayo, binunot ang punyal at tumakbo. Kahit maraming nakaharang na puno sa dinaraan ko ay hindi ko iyon inalintana. Sa kabilang dako ay si Master Hagiza na halos kapantayan ko lang sa pagtakbo. Nagulat ako nang bigla siyang nawala sa paningin ko, pero pagtingin ko sa aking harapan ay naka-uwang na ang kanyang braso. Dahil mabilis ang pangyayari hindi ko nagawang huminto kaya naman nang dumikit ang leeg ko sa braso niya ay bumagsak na naman ako sa lupa.

Susugod siya pero agad kong inangat ang dalawang paa, sinipa ko siya at agad naman akong tumayo at hinagis ang punyal pero nadipensahan iyon ng punyal na hawak niya.

"Kyahh!!!" sumugod ako kahit wala na akong hawak na sandata.

Hinagis nito sa direkyon ko ang isang punyal pero lumiyad at tumambling ako paitaas upang maiwasan ang ataking iyon.

Parang biglang bumagal ang eksena... Pero akala ko lang talaga iyon dahil kitang kita ko ang bagal ng movement ng punyal. Astig.

Naramdaman ko ang paglapat ng aking paa sa lupa at mataman kong tinitigan si Master na hindi naman kalayuan sa akin.




ITUTULOY...

*Hi, subukan niyo rin pong basahin ang story ng kaibigan ko ring author na si jeoneunwangjihyun. Ang title po ay Maid in desire, humor ang genre.

Maraming salamat po.

Continue Reading

You'll Also Like

9.8M 533K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
30.7K 1.7K 26
She was called as the rebel of the skies, the heavens are her limits, the rules of the gods were nothing to her, the call of the guardians is somethi...
4.9M 227K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
178K 6.9K 54
Kamatayan. Isa 'yon sa pinakakinakatakutan ng lahat. May mga iilang nagsasabi na hindi ito mapipigilan, at lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan. Ngu...