The Cold Mask And The Four El...

Oleh elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... Lebih Banyak

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

25: EMOTION BEHIND THE MASK

1.4K 66 31
Oleh elyon0423


Binagsak na naman niya ako sa upuan. "Aray naman!" reklamo ko sa kanya, "Makabagsak naman parang hindi tao 'yung binuhat mo eh."

Tiningnan ko ang aking paligid. Nakapwesto na rin pala si Eman, Jane at Grace. Mukhang natututunan na rin ni Master Luis na pakibagayan ang mga tumutulong sa kanila ng patas. "Kumain na tayo," sabi ni Master Luis.

"Magdasal muna bago kumain." Napatigil siya sa pagsubo ng pagkain dahil nag-umpisa nang manalangin si Grace.

Matapos ang hapunan ay agad na sana akong aakyat para makapagpahinga. "At saan ka naman pupunta?" tanong ni Master Luis.

"Marami akong ginawa ngayong araw kaya gusto ko ng magpahinga." Hahakbang palang ako pero hinawakan niya ang blazer ko sa bandang kwelyo at hinila iyon. "Te--teka hi--hindi ako ma--kahinga ano ba?!"

"Sumama ka muna sa'kin."

Wala na akong nagawa kun'di ang magpatianod na lamang. Mukha lang siyang normal na tao pero hindi. Halimaw siya...

Malamig, madilim at tanging huni ng mga insekto lamang ang maririnig mo sa paligid pero wala kaming takot na maglakad.

Inilagay ko sa magkabilang bulsa ng blazer ang aking kamay dahil hindi pa ako masyadong sanay sa malamig na panahon. "Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Gusto ko lang malaman kung anong pinaggagagawa mo sa loob ng ilang buwan pamamalagi mo rito."

Tsk, parang hindi naman niya alam. "Hindi ako nagbubulakbol."

"Gusto mong makotongan? Hindi ako kasing brutal ni Master Hagiza pero pwede ka pa ring magkabukol sa akin."

"Tsk, Kung makapagtanong ka kasi parang hindi ko alam na may mata ka rito. Alam kong updated ka sa mga nangyayari sa akin ---- Aray... Ano ba?" kinotongan na naman niya ako.

"Gusto kong marinig mula sa'yo ang mga pinaggagawa mo. Gusto kong kamustahin ka."

Anyare sa kanya? At kelan pa siya naging interesado? "Magugunaw na ba ang mundo?"

"Gusto mong gunawin ko pagkatao mo?" 

Wow, bait niya.

"Ano bang gusto mong malaman?" tumingala ako sa langit na napapalamutian ng makikinang na bitwin. Ang ganda talaga ng langit kapag malayo sa Manila. Mas makinang at mas malaya mong nakikita ang kagandahan nito na walang nakaharang na building o wire ng kuryente. "Sa school ba? Hindi ako sanay sa mga mapangmatang mga estudyante. Siyempre hindi mawawala na na-bully ako noong mga unang buwan ko sa school dahil sa maskarang binigay mo sa akin, At 'yung exams ko? Pasensya ka na hanggang doon lang ang kaya ko. Hindi ako matalino kaya hindi ko ma-mi-meet ang expectation mo sa akin." Hindi ako lumilingon sa kanya at patuloy lang ako sa paglalakad. Ganoon din naman siya. "Kung tatanungin mo ako sa training ko? Ayun pinapahirapan lang naman ako ni Master Hagiza. Akalain mong ginawa pa niya akong alipin noong mga unang salta ko d'un?!" tumawa ako na parang tanga. "At higit sa lahat? Alam mo ba? ---- " Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya 'to pero kasi nahihirapan na rin ako. Wala akong ibang makausap at siya lang ang bukod tanging taong nangamusta sa akin. Kahit halimaw pa siya... "Nami-miss ko na ang totoo kong Pamilya..." Unti-unti nang dumaloy ang luha sa mga mata ko. Luha na ilang buwan ko na namang tinago. Parang ang lalayo ng sagot ko sa tanong niya, imbes na sabihin ko 'yung mga bagay na nagawa ko sa loob ng ilang buwan, iba ang lumabas sa bibig ko. "Ang lamig na ng panahon at tumatagos ito hanggang sa aking kalamnam maging sa aking puso..." Gusto kong magmura sa kadramahan ko ngayon pero kasi... Hindi ko alam... Hindi ko namalayan na huminto na pala ako sa paglalakad at napaupo na lamang na parang batang umiiyak dahil inaway ako ng kalaro ko. Ito... Ito ang totoong nararamdaman ng isang taong nagtatago sa isang maskara. Sa likod ng maskarang iyon ay ang boong pagkatao ko. Ang totoong ako...

Hindi ko alam ang reaction niya dahil madilim ang paligid at wala rin naman akong pakelam dahil mas napagtuunan ko ngayon ang emosyon ko. Dala na rin siguro ng pagod kung bakit naging emosyonal ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa ganoong kalagayan at hindi rin naman nagsasalita si Master Luis.

Nang wala na akong maiyak ay saka ako tumayo at nagyaya ng umuwi.

Bago kami makarating sa bahay ay bigla na lamang siyang nagsalita. "Nagkaron ka ng mga kaibigan at nag-improve ka sa training, hindi ka man umabot kahit sa top 10 lang ay hindi ka naman nauwi sa 20 pataas." Napatingin ako sa kanya na kasalukuyan nang nauna sa akin dahil napahinto pa ako. "Pero hindi ibigsabihin n'un ay okay na sa akin iyon. Ang gusto ko lang ipunto ay nagkaroon ng pagbabago sa pagsisikap mo, unti-unti nagbabago ang mundong akala mo hanggang doon lang ang bigay sa iyo." Umakyat na siya sa karwahe pero hindi pa man siya tuluyang nakapasok ay nagkaroon pa siya ng pahabol. "Ngapala, ayos lang magkaroon ka ng mga kaibigan pero mag-iingat ka pa rin sa mga kaiibiganin mo, at pagbutihan mo pa ang training dahil malapit na ang taglamig---gusto ko lang makasiguro na sayo mapupunta ang medalyon." Iyon lang at tuluyan na siyang pumasok sa karwahe. Tatalikod na sana ako pero bigla na namang may nagsalita sa likuran ko kaya nilingon ko siya. Grabe, ang dami namang pahabol nito. "Isa pa pala, okay na rin ako sa ranking mo pero mas mabuti kung nasa top 10 ka man lang."

"Tsk. May sasabihin ka pa ba?"

Imbis na sagutin ay tuluyan na nga niyang ipinasok ang kanyang ulo sa karwahe at nilisan na ang aming lugar.

Pagpasok ko sa kuwarto ay bumulaga sa akin ang isang cocktail dress na black and white at black ankle boots na halos three or four inches ata ang taas. Nagtungo ako sa higaan dahil napukaw ang atensyon ko sa isang puting box at nang silipin ko iyon isang kulay puting maskara na napapalamutian ng glitters pala ang nakalagay. Mukhang alam niya kung anong kulay ang gusto ko sa damit.






SOMEONE'S POV

"Thank you Ma'am and Sir please come again." Yumuko ako sa mga customers na papalabas na ng pintuan. Tumingin ako sa wall clock at halos mag-a-alas onse na ng hating gabi at kakaunti na lamang din ang mga customer ko. "Ikaw na munang bahala rito sa labas Frigelle at may aasikasuhin lang ako sa loob."

Tumango lamang ang aking part timer, "Sige po Sir."

Pumasok ako sa loob ng aking kwarto upang tapusin ang aking research sa isang unit o subject.

Nakaramdam ako ng kakaibang presensya na pumasok sa aking kwarto at isang tao lamang ang gagawa noon. Hindi ako nagsalita o lumingon man lang sa kanya.

"Nakakatamad naman." Reklamo nito sa akin. "Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa'yo."

"Kamusta ang pinapagawa ko sa'yo?"

"Okay naman, maayos naman siya." Walang gana niyang sagot.

"Good. Pagbutihan mo lang at dadagdagan ko ang allowance mo." Akala ko aalis na siya pero tuluyan na siyang lumapit sa akin. "Nakita ka ba ni Frigelle?"

"Sa bintana ako dumaan." Palagi na lang siyang ganyan. Buti na lang at nagkasya siya sa bintana. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang magpakita sa staff ko gayong nasa iisang school lang naman sila. Ayaw niyang makipag kaibigan sa mga kapwa niya estudyante. Kung hindi pa ako humingi ng pabor hindi siya magkakaroon ng isa.

"Ano bang plano mo? Bakit kasi hindi ka na lang magpakilala? At bakit kailangan mo pang mag-aral ulit? Eh hindi mo naman na ito kailangan?"

"Ang dami mo na namang tanong." Tiningnan ko siya at pinagmasdan ang kanyang pulang mata. "Himala hindi mo ata sinuot ang contact lenses mo?"

Nagkibit balikat siya. "Gabi naman eh." Lumayo siya sa akin at nagtungo sa bukas na bintana. "'Yung allowance ko ah. Huwag mong kalimutan kuya." 

"Bakit kasi ayaw mo na lang dito tumira para nakatipid pa ako." Hindi siya sumagot sa halip ay lumingon lamang siya ng bahagya at ngumiti. Kumaway muna siya bago tuluyang tumalon sa bintana.





Elyon Yu

"Ang ganda niyo Young lady." Papuri ni Grace sa akin. Inayusan niya ako para sa acquaintance party mamaya. Kinulot ni Grace ang buhok ko saka pinusod.

"Tama lang pala ang binibigay ni Master Luis na cocktail dress." Sabi naman ni Jane na kasaluyang nakaupo sa aking study table at may hawak na laptop.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin mula ulo hanggang paa. Ang weird lang pumili ni Master Luis dahil ankle boots ba naman ang pinares sa damit ko eh! Mabuti na lang at bumagay naman sa akin.

Matapos kong makapag-ayos ay agad na rin kaming umalis at nagtungo sa school. Sa gym gaganapin ang acquaintance party at dahil masquerade ang tema kaya expected kong walang makakakilala sa akin.

"Enjoy the night Young lady." Sabi ni Jane. Isang pilit na ngiti lamang ang iginawad ko sa kanya.

Pagbaba ko ng karwahe ay agad sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Mabuti na lamang at meron akong makapal na balabal kung hindi baka manigas na ako sa sobrang lamig. Nag-request ako kay Ms. Harmony na kung tutugtog ako ay sa umpisa pa lamang ng program para makaalis ako agad.

Pagkapasok ko sa gym ay agad huminto ang tugtugin at umakyat sa stage si Ms. Harmony. Tinanggal ko ang aking balabal dahil katamtaman naman ang init sa loob.

"Good evening everyone. Wow! I've seen so many beautiful and handsome yet mystical people at this event." Naghiyawan ang mga tao sa buong gym. "Before we start, please allow me to perform one of my favorite student in this school." Tumahimik ang buong gym at tinutok sa akin ang spotlight kaya bigla akong kinabahan. Bakit may ganito pang-effect?

Kinabahan man pero nagsimula pa rin akong maglakad papuntang piano.  Wala akong ibang naririnig kun'di ang takong ng sapatos ko. Humawi ang mga tao sa daraanan ko at hinayaan akong makarating sa gitna at maupo sa naka-ready ng piano.

Huminga muna ako ng malalim at saka tumipa sa piano.

I knew that i was different
Didn't think you'd understand
Nothing happens like you plan it
Anyway

Searching for a reason
Guess I never really knew
Where I belong

Yung pakiramdam na parang nasa gitna ka ng maraming tao pero hindi mo alam kung sino ang hihinto sa harapan mo upang sabihin na okay lang 'yan... Kaya mo 'yan...

I can see things clearly
But it's time to say goodbye
And then leaves me asking why
It took so long

I was always trying
To find that special thing inside
That made me strong

Nagulat ako dahil biglang nagsulputan ang napakaraming puting paro-paro na tila kumikinang pa sa kadiliman ng paligid. Nakakapagtaka kung paano nagkaroon ng paro-paro samantalang nasa close gym ang event. Kita kong halos gusto na nila akong palibutan pero kahit namamangha ay pinagpatuloy ko pa rin ang pagkanta.

Love is all I need
It's where it all began
You will always find me in your heart
I know that you can see
Just who I really am
So always know
I'm never far away
Keep me close another day
But you will always find me in your heart


"Wow, it's beautiful!"

"Ang ganda ng effect!"



Pagkamangha...

'Yan ang makikita sa mukha ng mga manonood. Kung effect lamang ito para magmukhang enchanted ang event masasabi kong ang galing nila, lalo pa na sinakto nila sa chorus ng kanta.

Looking for some answers
And questioning what's real
I was facing what I feel and what I know

Never quite beileving
I have the power to define what makes things true
So when I'm feeling different
When no one really cares
A little lonely, a little scared, or even blue
I just think of how you loved me
And I realized my heart belongs to you too

Kasabay ng pagtapos ng aking kanta ay unti-unting paglisan ng mga paro-parong iyon. Sa sobrang pagkamangha ko sa nangyari nagulat pa ako sa palakpakan ng mga tao sa paligid ko.

Yumuko ako sa kanila at agad na ring nilisan ang gitnang bahagi ng gym. Sumuong ako sa mga nagkukumpulang mga tao pero bago pa ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang sinabi ni Ms. Harmony. "That was amazing and magical. Thank you Miss Angel of music."

Tsk, hindi siya tumupad sa usapan. Hindi ko na nilingon pa ang gym at diretsyo na akong lumabas kaya naman sumalubong na naman sa akin ang malamig na panahon. Nakalimutan ko pala 'yung balabal ko.

Aakyat na sana ako pero napahinto ako dahil sa isang paro-paro na bigla na lamang sumulpot sa harapan ko.




ITUTULOY...





*Hi everyone, gusto ko lamang ipaalam ang the cold mask and four elements ay nakipag collab sa My Immortal lover ni Ate Magzz23. Kaya asahan niyo pong may mga characters na susulpot dito sa story na galing sa story ni Ate Magzz23. Salamat po Ate.

*@Frigelle Naipasok na po kita sa story. Hindi kita ma-tag. Ibigsabihin nagpalit ka ulit ng username?

*Sino pong magaling magdrawing? Wala lang natanong ko lang. Hehe. Baka lang may naiisip kayong pwedeng i portrayed (Kung yan ba ang tamang term). Hindi po ako marunong magdrawing kaya wala akong mapakitang muka ng mga characters. (sad)

Sana may mabuting pusong tutulong sa akin upang mapakita ko man lang ang mga muka nila... Kamsahamnida.

Elyon0423

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

48.8K 1.1K 56
"Once you enter, you can never turn back."
578K 20.3K 83
12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have...
621K 16.7K 78
15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that w...
196K 7.7K 61
[CLANNERS 01] She is Nariah Riye Velniroñia, a woman who had no idea who she really is. She only lives in an orphanage avoiding the people around her...