The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

18: GIRLS FIGHT SCENE

1.4K 71 5
By elyon0423

"Nakakatamad kaya ikaw nang bahala sa mga 'yan ha-ha-ha."

Loko-loko talaga ang matandang hukluban. Kahit nakakabuwisit ay agad na akong nagtungo sa likod bahay upang magsalok na naman sa balon.

Nagulat pa ako sa matatalim na matang nakatingin sa akin. "Ikaw? aba hanep ginawa ka nang alaga ng matandang hukluban na iyon?" ang baboy-ramong nahuli ko sa gubat ay nakatali sa isang punong malapit sa balon.

Hindi ko naman na siya pinansin at nag-asikaso na ako ng mga dapat kong gawin.

Matapos kong mapuno ang mga tapayan ay hinugasan ko na rin ang mga pinggan.

Ginawa ko lahat ng nakagawian kong routine bago ko nilisan ang bahay ni Master Hagiza.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumanhik sa aking kuwarto upang harapin ang mga takdang aralin. 





------------------------------------------------------

Seryoso ang lahat na nakatingin kay Ms. Harmony. Ngayon kasi ang huling pasahan ng project kaya lahat ay excited na sa announcement ng teacher namin.

"Okay, good job class gusto ko ang ginawa niyong music video. At dahil napabilib ako kaya lahat kayo ay bibigyan ko ng mataas na grado sa project." Naghiyawan ang mga kaklase ko na parang nanalo sa lotto. "May ginawa na akong page sa facebook. Doon niyo I-a-upload ang inyong mga gawa para mangalap ng reactions. Nakalagay na rin sa page kung kailan matatapos ang pataasan ng reactions at gaya ng sabi ko exempted sa periodical exam ang may pinakamataas."

Sa paglipas ng oras ay natapos din ang klase, kasabay ng mga taong papalabas ng kani-kanilang klase ay hinabol ko si Carlisle. Masyado siyang mabilis maglakad at halos mawala na sa mga nagkalat na estudyante sa hallway.

"Carlisle!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon o baka hindi niya ako narinig dahil nakikisabay na rin ako sa mga maiingay na estudyante. "Carlisle, wait lang!"

Nang makalapit ay agad kong hinablot ang kanyang braso. "Wait nga lang." Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. Gaya ng dati hindi ko na naman makita ang kanyang mga mata dahil natatakpan ito ng kanyang itim na buhok.

Magsasalita na sana ako pero natigil ako dahil inabot niya sa akin ang isang bagay, "Flash drive?"

"Ikaw na maglagay sa social media." Iyon lang at agad na rin itong tumalikod.

"Pero...." Hindi na ako nakapagsalita dahil itinaas na niya ang kanang bahagi ng kanyang braso kahit nakatalikod.

Gusto ko sanang sabihin na wala akong facebook pero naisip ko rin naman na marami na siyang nagawa para sa project namin. Wala na akong nagawa kun'di titigan ang flash drive na hawak ko ngayon at mapabuntong hininga.

"Lalim friendship." Napatingin ako sa babaeng biglang sumulpot sa tabi ko.

"Sino ka nga ulit?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi matandaan ang pangalan niya.

Napanguso siya, "Grabe ka, ang bilis mo namang nakalimutan ang pangalan ko." kunway nagtatampo ang boses nito. "Ako si Rune --- huwag mong kalilimutan ang pangalan ko Rune Saito."



"Malapit na ang acquaintance party ready na ba ang isusuot mo?"

"Yes, excited na talaga ako sa party."



Naagaw ng atensyon ko ang mga estudyanteng nakatingin sa nakapaskil na poster.

"Hm, lahat excited sa party kuno na 'yan. Eh puro paglalandian lang naman ang gagawin doon." Napatingin ako sa sinabi ni Rune.

"Wala ka ring interes sa acquaintance party?" tanong ko sa kanya.

"Mas gusto kong magbasa at magpinta sa bahay ko kesa makipagparty-party at makipagplastikan sa kanila --- Sige Elyon mauna na ako."

Tatalikod na ito pero pinigilan ko "Ano --- "

Hindi na niya natuloy ang pagtalikod at humarap muli sa akin. "Ano?"

"K-kasi --- Ikinagagalak kitang makilala." 'Yun lang ang nasabi ko pero nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.

"Ako rin." Matapos noon ay agad na rin siyang nagpaalam at umalis sa harapan ko.

Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan sa iilan at piling estudyante rito sa school. Lalo na kay Rune na may kakaibang awra para sakin.



------------------------------------------------------



Matapos ang aking training kay Master Hagiza ay agad na akong umuwi para maharap ang ilang takdang aralin.

Kinuha ko sa bag ang flash drive na binigay sa akin ni Carlisle. Binuhay ko ang laptop ni Jane at sinilip ang laman niyon.

Tanging video lamang ang nakita ko sa flash drive kaya tiningnan ko muna ang cover namin.

Masasabi kong maganda ang pagkakagawa ni Akihiro sa aming video cover kaya ng makuntento ako ay agad akong kumunek sa wifi at gumawa ng account sa facebook.

Ginamit kong information ang Elyon Yu para sa paggawa ng account. Nang matapos ay hinanap ko agad ang tunutukoy ni Ms. Harmony at agad inupload ang aming video cover.

Ilang sandali pa ang lumipas at natapos ang pag-upload ng video at agad ko namang tiningnan ang iba pang naka-post. Halos lahat na ata ng grupo ay nakapag-upload na, mukhang kami na lang ang nahuli.

Hindi ko na inaksayang silipin ang kanilang video. Mag log out na sana ako pero naka-received ako ng friend request. Napakunot ang noo ko kaya sinilip ko kung sino ang nag add sa'kin.

"Dexter Thompson?" hindi ko pa man napipindot ang delete ay agad na akong naka-received ng message. Online ang kumag.

Ely, accept mo friend request ko para ako ang una mong friend dito.

Narolyo ko ang aking mata dahil sa message niya sa'kin. Hindi ko in-accept ang friend request at agad kong nilog out ang aking account. "Tatapusin ko lang ang periodical exam at mag di-deactivate ulit ako."

Sunod kong ginawa ang iba pang assignments. Palalim nang palalim ang gabi at halos hindi ko na naiintindihan ang ginagawa ko dahil panakanaka na akong napapapikit hanggang sa hindi ko na nakayanan at napatungo na lamang ako sa lamesa.

Napabalikwas ako sa paggising sa akin ni Grace, "Young lady bakit dito kayo natulog?" Tanong niya sa'kin.

Nakatulog pala ako habang gumagawa ng mga assignments. Ginawa ko pang unan ang notebook ko sa Filipino.

Agad na rin naman akong nag-ayos ng aking sarili para pumasok sa school.

Pahikab-hikab pa ako habang naglalakad papunta ng building ng grade 10.


"Nakita mo mga video cover sa Grade 10?"

"Yes, ang astig ng teacher nila no nagpaproject ng ganoon."

"Kyah! Ang galing palang kumanta at tumugtog ni Troy Vergara."

"Sino yun?"



Ang aga-aga ito ang maririnig ko sa paglalakad sa malawak na campus ng school. Anyway, mas mabuti iyon sa amin para mas mabilis makakuha ng reactions. Ang tanong ngayon ay kung magkakaroon nga kaya kami ni Carlisle ng maraming reactions? Kung hindi man ayos lang din. Music naman 'yun eh. Walang problema sa akin kung hindi kami manalo.

Naramdaman ko na may kumalabit sa akin kaya nilingon ko iyon. Una kong napansin sa kanya ang kulay abo niyang mga mata. "Bakit sa dami ng kulay 'yan ang napili mo?"

"Huh?" nagtaka naman siya sa sinabi ko pero hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako papuntang locker area.

Malayo pa lang kita ko na agad ang babaeng anghel na hinulog ng langit dahil sa kapangitan ng pag-uugali. Wala akong balak na umiwas kaya direstyo lang ako sa paglalakad.

"Well, tingnan mo nga naman kung sino ang makakasalubong ko. The phantom and her chubby apprentice with ugly eyes. Ew." Nagtawanan ang mga kasama nito maging ang ilang taong nakarinig. "I was amazed because you found this girl who didn't know what is the definition of beauty."

Tiningnan ko ang nasa kaliwa ko. Si Rune pala ang tinutukoy niya, akala ko hindi niya ako sasabayan.

Tiningnan niya kami pareho. "You two are good together." At nagtawanan na naman ang mga nakarinig, maging ang ilang napapadaan sa paligid.

"Ah, so beauty na sa inyo 'yan. 'Yung ganyang mukha?" hindi na nakapagpigil si Rune kaya umiksena na ito. Tinuro niya ang ang mga kaibigan ni Nicole na may makakapal na make up. "Anong gamit niyong pintura sa mukha at hindi man lang naitago ang mga bulok niyong pag-uugali?! Kung ako sa inyo donate niyo na lang 'yan sa mga nangangailangan katulad ko nang mapakinabangan naman 'yan sa aking pagpipinta."

Nanggalaiti naman ang mga kasama ni Nicole. Pero teka! Bat si Nicole hindi nito sinama?

Nilapit ni Rune ang kanyang bibig sa tenga ko at bumulong, "Mahirap idamay 'yung anak ng may-ari baka mapalayas ako ng wala sa panahon."

Kung wala lang si Nicole at ang mga alipores nito baka nasapo ko na ang aking noo dahil sa pagkabigo.

"Hey, why do we need to donate our luxury make-up to your nonsense masterpiece?"

"As if you have a talent. You're just like others who pretend to have it... right girls?"

Ito ang pang-aasar ng mga alipores ni Nicole.

Sasagot na naman sana si Rune pero pinigilan ko na lang siya, "Huwag mo nang patulan ang mga walang kwentang tao na ang tanging alam lang sa buhay ay mag-inarte at magpakapit sa mas mataas."

"At ikaw." tiningnan ko sa mga mata si Nicole. "Attention seeker ka rin no?!" ngumisi ako ng nakakaloko kaya parang namula ang mukha niya. Marahil sa inis. "Alam mong hindi kita papansinin kaya gumagawa ka ng paraan para mapansin k---"

(Pak)

Sinampal niya ako ng malakas dahilan nang paghinto ko at bahagyang pag-dislocate ng aking maskara. Yumuko ako para ayusin ang aking maskara, mabuti na lamang at matibay ang tali na nakasabit sa aking tenga, pero siopao ang sakit n'ung sampal niya!

"How dare you bi--- "

(Pak)

Hindi ko rin pinatapos ang sasabihin niya dahil sinampal ko rin siya ng malakas. Loka 'tong babaeng 'to akala siguro niya hindi ko siya papatulan.

Hindi ko alam kung anong reaction ng mga tao sa paligid namin pero wala akong pake kung sino man 'tong kaharap ko.

Mabilis din siyang nakabawi at agad na naman niyang hahawakan ang maskara ko pero inawas ko ang aking ulo sa kanan, hindi siya tumigil at mabilis din itong nakabawi kaya iniwas ko ulit pakaliwa at umikot papunta sa kanyang likuran.

Nagulat na lang ako na siniko niya ang tiyan ko kaya napaatras ako sapo ang aking tiyan.

"Reveal your face bitch." Hindi pa man ako nakakabawi ay agad na siyang sumugod para tanggalin ang aking maskara kaya pinagkrus ko ang braso sa level ng aking mukha. Aatakihin niya ako sa tiyan kaya hinawakan ko agad ang kanyang kamay at pinilipit iyon.

Sandali ko lamang nagawa iyon dahil sinuportahan agad niya ng pagtuhod sa tagiliran ko kaya bahagya akong napayuko. Sumusobra na talaga 'tong babaeng 'to eh.

Tiningnan ko si Nicole ng masama ngunit ngumisi lamang siya sa akin.

"Enough Nicole!" napatingin ako sa mga nagkukumpulang mga tao. Masyado ata silang naa-amaze sa fight scene naming dalawa. Sapo ko pa rin ang aking tagiliran ay pinilit kong pumustura ng tama.

Nakita ko sa nagkukumpulan ang dalawang taong magkaiba ngunit magkapareho ang mukha.

Nilapitan nilang dalawa si Nicole, kasunuran nito ang isang babaeng parang nasa 40's na ang edad. "All involved in this chaos follow me at the guidance office --- now!" nakakatakot ang boses ng ginang ngunit wala namang sumunod sa kanya kaya huminto ito at lumingon sa direksyon namin.

"No one? Or gusto ninyo lahat kayo dito'y damay."

Sa itsura ng mga tao rito parang nirerespeto ang ginang kahit pa ang magkakapatid na Dunstan ay hindi rin umiimik.

"Si -- si Elyon p-po a-ang nagstart ng away." Pagsusumbong ng isa sa alipores ni Nicole. Tsk, sinungaling.

"Yes, she's right."

"Oo tama."

I rolled my eyes because of these people. Tama bang ibaling sa'kin ang kasalan ng iba? Hindi na lang ako umimik at naglakad na lang pasulong upang sumunod sa ginang.

"Sumunod ka na Nicole." Napatingin ang lahat sa lalaking nagsalita.

"But Kuya Dick, she's insulting me."

"Nicole." Saway naman ng kakambal ni Dick. Nakalimutan ko na ang pangalan niya. Ano na nga ulit 'yun? Dickies? Dicken? Ewan.

Nakita ko ang pagrolyo ng mga mata ni Nicole. "Fine." mataray niyang asta at papadyak na sumunod sa amin.

Inirapan niya ako nang magpantay kami sa paglalakad.

Kinagat ko na lamang ang labi ko para hindi na ako makapagbitaw ng salita na pwedeng masimulan muli ng gulo. Letche talaga.

Huminto muli ang ginang at tumingin sa paligid. "By the way, why all of you are still here? Classes must be start in five minutes. For those who will late in their respective class will given punishment."

Agad namang nagpulasan ang mga estudyate sa hallway kaya minuto lang bago tumunog ang bell ay naging malinis na ang paligid.



ITUTULOY....

Continue Reading

You'll Also Like

91.3K 3.6K 89
Ain't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDO...
578K 20.3K 83
12 Gems having 12 extra powers that can lead to 12 evil goals.. How can a seventeen year old girl find her 12 gems in a world where many things have...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
321K 7.7K 67
[Acre- UNDER MAJOR EDITING⚠️] Have you ever been in a situation that brought you to tears? Made you laugh? Made you smile? Made you broken into piece...