The Cold Mask And The Four El...

By elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... More

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

11: BILL RESTAURANT

1.8K 67 0
By elyon0423


Lumipas ang weekend at natapos na rin ang araw ng klase ko. Napakawalan ko na rin si Sky dahil umamo na siya sa akin pero hindi ko na siya ginamit para magpa-alam pa kay Master Hagiza na liliban muna ako sa training. Ako na mismo ang dumirekta sa kanya kahapon.

Tumakbo ako sa campus para hanapin ang nag-iisa kong kagrupo. Ayokong mag solo dahil wala akong social media. Nag-deactivate ako ng account ko sa FB dahil nagpalit ako ng identity at ayokong makita ang mga taong naging part ng buhay ko. Mas lalong ayokong malaman nila na buhay pa ako.

Nang makita ko siya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang braso niya. "Sumama ka sa'kin."

Hahatakin ko sana si Carlisle pero masyado siyang malakas kaya ako ang nahatak niya at nabunggo sa matigas niyang dibdib.

Nakaramdam ako ng bultahe sa katawan pero mabilis din akong lumayo dahil sa pagka-ilang. Papano siya naging ganoon kalakas?

Ngayong nalaman ko na malakas siya kaya binigay ko na rin ang puwersa ko para hatakin si Carlisle. Pambihira! Gusto ko pa namang i-save ang lakas ko para bukas pero mukhang hindi ko magagawa dahil sa kanya. "S'an mo ba ako dadalhin?" Walang kalatuy latoy niyang tanong.

"Sa music room magpa-practice tayo." Hatak ko na siya sa mga oras na ito.

"Hindi ako pumayag sa gusto mo diba!" Reklamo niya.

"Wala akong pake basta ikaw ang magiging partner ko."

"Tsk, ayokong mag-practice sa music room. Sumunod ka sa akin."

Sumunod naman ako sa kanya palabas ng academy at nagtungo sa paradahan ng mga bisikleta. Kinuha niya ang sarili niyang bisikleta at pinaandar na ito. Hindi man lang ako inantay, tsk. Kinuha ko na rin ang akin at sumunod na sa kumag.

"S'an ba tayo pupunta?"

"Huwag ka nang magtanong sumunod ka na lang."

Sungit.

Kasalukuyan kaming papunta sa Village. Mabilis siyang magpatakbo kaya medyo nahuhuli ako ng kaunti pero sinisigurado kong hindi siya mawawala sa paningin ko.

Huminto siya sa isang restaurant at pinarada ang bike sa gilid. Ganoon din ang ginawa ko at halos sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant.

Wala pang masyadong tao sa loob pero sinalubong kami ng isang matandang lalaki ng nakangiti.

"Carlisle, nandito ka na pala." Napatingin naman siya sa akin. "At may kasama kang dalaga."

"Ahnyonghaseyo, Elyon po classmate ni Carlisle." Pagpapakilala ko.

"Ah, akala ko kung ano na." Ngumiti na naman siya ng pagkalapad lapad. "Ako nga pala si Bill ikinagagalak kitang makilala binibini."

"Nandito po kami para mag pra---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may pumasok na dalawang lalaki na parang nagtatalo. Nakatingin kaming tatlo na mukhang hindi pa kami napapansin dahil busy sa kanilang ginagawa. Naka uniform sila ng kagaya sa amin pero naiba lang ang necktie. Mga senior high.

"Sige na Pare tulungan mo na akong pormahan 'yung chikabebot dun sa University."

"Ayoko mapapahamak pa ako sayo eh!"

"Magpapanggap naman tayong mga college students."

"Ang kulit mo tigilan mo nga ako!"

"Ehem." Naglinis ng lalamunan si Mr. Bill para bigyan ng attention ang dalawa.

Effective naman dahil napatingin sila sa direksyon namin. "Oy, may chikabebot." Nagmadaling lumapit sa akin 'yung isa.

"Aray!!!" Pinalo sa ulo niya 'yung sandok na hawak ni Mr. Bill.

"Umayos ka bisita ni Carlisle 'yan."

Parang hindi makapaniwala ang dalawang lalaki sa narinig nila mula sa bibig ni Mr. Bill. "Talaga pre may chikabebot ka na?"

Kanina pa 'yang chikabebot na 'yan. Wala bang ibang alam na sabihin ang lalaking 'to?

Hindi siya pinapansin ni Carlisle. "Tumahimik ka nga diyan hindi ka ba nahihiya sa bisita natin?" Saway ng isa.

Magsasalita pa sana ang isa pero tumunog na naman ang pintuan at pumasok ang dalawang lalaki, 'yung isa naka senior high din ang uniform. "Uy mga Pre bakit ngayon lang kayo?" Tanong n'ung mahilig sa chikabebot, ew! nahahawa na ako sa kanya.

"Ito kasing si Hyung Reg may binili pang libro sa book store." Yung lalaking mukhang korean ang nagsalita.

Lumapit ang dalawa sa amin.

"May bisita si Carl."

"Chikabebot, aray!" May bigla kasing naghagis ng santok at tumama mismo sa ulo ng mahilig sa chikabebot. 

Pamilyar sa akin ang sandok na iyon kaya napatingin ako kay Mr. Bill.

"Naku, nadulas sa kamay ko." kunwaring inosente ito sa kanyang ginawa.

Napangiwi tuloy ako lalo na ng ngumiti na naman siya sa akin.

"Sinadya niya 'yun eh." Parang batang hinihimas nito ang kanyang ulo habang nakanguso.

Tahimik lamang na umupo sa isang sulok si Carlisle. Iniwan niya ako sa mga lalaking hindi ko kilala. Buwisit talaga.

"Hindi ba kayo magpapakilala sa bisita natin?" Tanong ni Mr. Bill sa apat.

"Ako nga pala si Alexander Steve." Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Alexander pala ang name ng chixboy na 'to.

Hinatak naman siya ng lalaling mukhang Japanese ang hitsura. "Ano ba Aki?" 

"Hi I'm Reggie Baker." Nawala ang atensyon ko sa kanila at napatingin sa lalaking inaayos ang salamin niya sa mata.  "Pasensya ka na rito kay Alex. Ganyan lang talaga 'yan pero mabait naman siya."

Pilit na ngiti na lang ang ginawad ko.

"Konichiwa, watashi wa Akihiro Yamada desu." Sumaludo siya sa akin.

"Japnoy siya." Singit na naman ni Alexander kaya kinotongan siya ni Akihiro.

Sa totoo lang nakaka-awa na si Alexander dahil kanina pa siya napupuntirya sa ulo.

"Ahnyonghaseyo Noona, naneun Francis Park. Grade 9 pinakabata sa kanilang lahat."

"Kornoy siya. Oh sige subukan niyo akong kotongan." Nakasalag na ang dalawa niyang kamay sa ulo pero sa tiyan naman siya pinatamaan ni Ahihiro.

"Argggg."

"Ahnyonghaseyo everyone, naneun Elyon Yu. Grade 10 classmate ni Carlisle."

"Kilala ka na namin." Si Reggie ang nagsalita habang inaayos na naman ang salamin niya sa mata. Feeling ko mannerism na niya ito kahit maayos naman ang pagkakalagay niyon sa mata niya.

Tumango naman silang lahat. "Madalas kang nababanggit sa school ng mga estudyante." Si Akihiro naman ang nagsalita.

"Saka nakamaskara ka kasi kaya halatang ikaw 'yung tinatawag nilang Phantom." Natawa ako sa sinabi ni Alexander.

Nag-effort pa ako kilala naman pala nila ako.

"Pero hindi namin alam na classmate ka pala ni Hyung Carl Noona." Matangkad si Francis at medyo matured na ang itsura kaya hindi mo mahahalatang mas matanda ako ng isang taon sa kanya.

"Tama na muna 'yan magmeryanda na muna kayo." Hindi ko napansin na nawala na pala sa tabi namin si Mr. Bill.

Naglabas siya ng mga pagkain para sa maramihan kaya napatingin ako kay Mr. Bill. "Minsan lang magdala ng bisita si Carlisle dito kaya libre na 'yan."

"'Yan ang gusto ko sa'yo Bill dapat palagi tayong magdala ng bisita para bawas gastusin. Aray!!!" nabatukan na naman sa ulo si Alexander ni Mr. Bill.

"Puro ka talaga kalokohan." Matapos niya itong mailapag ay muli na itong pumasok sa  kusina.

Hinatak ako ni Francis kaya napaupo na rin ako kasama ng apat, pero umakyat sa taas si Carlisle at hindi nakisalo sa amin. "Ganyan talaga 'yan si Hyung Carl."

"Saan siya pupunta?"

"Magpa-practice." Kumuha si Alexander ng nugget.

Pagkatapos kumain ay agad na kaming umakyat at pumasok sa isang studio. Naabutan namin si Carlisle na hawak ang electric guitar. "Ang bagal niyo." reklamo niya.

"Sorry na pre ikaw naman minsan lang magbigay ng libreng miryenda si Bill eh." Hinawakan na ni Alex ang microphone.

Ina-adjust na rin ni Reggie ang base guitar, pinalo naman ni Akihiro ang drums, samantalang nagtipa naman ng keyboard si Francis.

"Bilisan niyo may gagawin pa kami!" Demand ni Carlisle sa mga kasama.

"Gagawin? May gagawin kayo ni Elyon? Sama ako." Naka mic pa siya habang nagsasalita.

"Ano, may practice rin kami para sa project." Paliwanag ko sa kanila.

"Akala ko kung ano na." Dismayado naman si Alexander.

"Tumigil ka na mag-practice na tayo para may time pa sila Elyon makapag-practice. " Si Reggie ang nagsaway kay Alexander. Sumignal siya ng tatlong beses sa pamamagitam ng drum sticks.

Nag umpisa na silang tumugtog at ako naman ay naupo sa bakanteng upuan.

I heard you're doing okay,
But I want you to know
I'm adic, I'm addicted to you.
I can't pretend I don't care,
When you don't think about me.
Do you think I deserve this?

Masasabi kong maganda at magaling ang banda nila.

I tried to make you happy but you left anyway.

Tiningnan ko kung gaano kaseryoso si Carlisle sa pagtugtog ng electric guitar. Sa personality niya hindi mo aakalaing may mga kaibigan pala siya.

I'm trying to forget that
I'm addicted to you.
But I want it and I need it,
I'm addicted to you.
Now It's over
Can't forget what you said
And I never wanna do this again
Heartbreaker

Matapos ang ilang kanta ay iniwan na rin kami ng apat ni Carlisle.

"May gusto ka bang i-cover?" Tanong ko sa kanya dahil wala pa rin akong ma-isip na puwede sa aming dalawa.

"Wala, ikaw ang may ideya nito kaya dapat ikaw ang mag-isip."
Malamig niyang tugon.

Sabi ko nga eh. Kinuha ko ang phone ko at pinapakinggan ko sa kanya 'yung gusto ko sanang maging cover namin. Napakunot naman ang noo niya. "Bakit 'yan?"

"Mag-focus ka sa meaning nang kanta kung hindi mo feel ang kumakanta."

Wala naman siyang nagawa kaya pinakinggan niya hanggang sa matapos. "May piyesa ka na?" Tanong niya sa akin.

"Wala. Ikaw ang gagawa kasi wala akong gamit sa bahay at hindi rin ako nagi-internet."

"Tumutugtog ka pero wala kang gamit. Tsk." Naiiling siya.

"Huwag ka nga magreklamo riyan ako na nga nag-isip ng I-cocover natin eh." Ang sarap niyang hambalusin ng gitara.

Nag-umpisa na siyang magsulat ng chords habang pinapakinggan ang kanta.

Nagkaron ako ng pagkakataong titigan si Carlisle dahil masyado siyang nagiging seryoso sa ginagawa niya. "Matutunaw ako."

"Hindi kita tinitingnan huwag kang ano diyan." Napaiwas ako ng tingin.

May kumatok ng tatlong beses. "Sorry Hyung and Noona pero kailangan na raw pong mag-set up sa baba." Si Francis ang nasa bukana ng pintuan.

"Susunod ako."

Kumaway sa akin si Francis at ginantihan ko naman ito ng ngiti.
"Gagawin ko to mamaya i-send ko na lang sa email mo." Malamig niyang wika.

"Pero wala kasi akong email." Tumingin siya sa akin na parang nagtataka "Ga....gagawa palang ako ng email."

Inayos na niya ang mga gamit at nauna nang bumaba. Hindi man lang ako niyayang bumaba.

Pagkababa ko naabutan ko naman na silang nagse-set up sa stage ng mga gamit. Nakita ako ni Alexander kaya dali-dali niya akong nilapitan. "Uy, Elyon mamaya ka na umuwi panoorin mo muna kami."

"Gabi-gabi ba kayo tumutugtog?"

Umiling siya. "Hindi. Kasi may iba pang ginagawa sila Carl tuwing gabi."

Bigla akong nagkainteres sa sinabi ni Alexander, 'yun siguro ang dahilan kung bakit natutulog si Carlisle sa umaga. "Sinong sila?"

"Si Aki at Carl lang ang madalas umaalis sa gabi pero hindi naman sila magkasabay kung umalis."

Hindi na ako nagtanong pa kahit gustong gusto kong malaman kung anong pinagkaka-abalahan nila tuwing gabi.

"Upo ka muna d'un malapit sa amin." Yaya ni Alex sa akin pero tumanggi ako. Mas pinili ko ang dulong upuan, 'yung walang masyadong makakapansin sa akin kung sakaling gustuhin ko nang umalis.

Nilapitan ako ni Mr. Bill at hinainan ng isang dinner meal at strawberries and cream na Frappe "Kamsahamnida Ahjussi." Inabutan ko siya ng pera pero tumanggi siya.

"Minsan lang kami magkaroon ng bisitang babae kaya libre na 'yan at isa pa Bill na lang din ang itawag mo sa akin." Sinabayan na naman niya ng isang malapad na ngiti kaya ginaya ko na rin siya.

Iniwan na ako ni Mr. Bill at inasikaso na ang mga customers niya.

Humigop ako ng frappe habang pinagmamasdan sila Carlisle sa stage.

"Dali bes malapit ng magsimula sila Papa Alex."

Nakaagaw ng atensyon ko ang tatlong babaeng kakapasok palang ng restaurant. Hindi na sila naka-uniform pero hinding hindi ko sila makakalimutan. Ang tatlong babaeng mukang espasol ang mukha. Hindi ko akalain na pumupunta pala sila rito.

"Hello everyone. Mukhang madamidami ang mga tao ngayon ah."

"Kyah!!!" Tili ng mga babae sa restaurant partikular sa tatlong mukhang espasol na kumakaway kaway pa kay Alexander.

Tsk, ang haharot.

"Tonight we would like to sing an inspiring songs. Kaya hindi na namin patatagalin."

Sometimes I lay
Under the moon
And thank God I'm breathing
then I pray
Don't take me soon
Cause I am here for a reason

Naghiyawan ang mga kababaihan, at halos lahat ay pumapalakpak na rin kaya nakigaya na ako.

Sometimes in my tears I drown
But I never let it get me down
So when negativity surrounds
I know some day it'll all turn around

"Sabay sabay tayo sa chorus guys." Itinaas ni Alexander ang kanyang kaliwang kamay at winagayway.

Nakakatuwang nagsibay nga ang karamihan na nasa loob ng restaurant lalo na 'yung mga babaeng mukhang espasol.

All my life I've been waiting for
I've been praying for
For the people to say
That we don't wanna fight no more
There'll no more wars
And our children will play

One day
One day
One day

Masyado akong nag-enjoy sa pakikinig kaya hindi ko namalayan ang oras.

Pagtingin ko sa pambrasong orasan 8:36 pm na kaya dali-dali akong lumapit kay Mr. Bill para magpa-alam kahit hindi pa natatapos ang pagkanta nila Carlisle. Sa gilid ako dumaan ng nakayuko para walang masyadong makakita sa akin.




ITUTULOY...

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 127K 54
Allisea is a lady that had a dark past. She ran away from the life she used to have and that's to chase her dreams ----- to be a teacher. Will she be...
91.3K 3.6K 89
Ain't it fun living in the real world. Kaya nang mapadpad ako sa MUNDO ni Meiji. Sinabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito ang mundong gusto ko'. ISANG MUNDO...
13.1K 1.5K 120
Si Jethro Magnus, ang pinakamagaling na espesyalista sa armas sa mundo, ay nalipat sa isang alternatibong mundo. Pinagsama ang kanyang kaluluwa sa Re...
48.8K 1.2K 56
"Once you enter, you can never turn back."