The Cold Mask And The Four El...

De elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... Mais

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

7: SUSPICIOUS RIVALS (1)

2.1K 76 2
De elyon0423


Someone's POV

Tumagilid ako at hinawakan ng mahigpit ang kahoy na espada. Inihanda ko ang sarili ko sa pag-atake.

Sandali lang kaming nagsukatan ng tingin at inumpisahan din niyang sumugod. Inantay ko munang makalapit siya sa akin saka ko iwinasiwas ang aking espada. Nagagawa kong salagin ang atake niya at kapag may pagkakataon ay ako naman ang umaatake.

Umikot ako at iwinasiwas ang espada papunta sa kanang bahagi ng kanyang katawan. Mabilis naman niyang sinalag mula sa taas ng kanyang ulo ang hawak niyang espada. Tinulak niya ako at sumugod ulit sa akin, akma niyang pupuntiryahin ang aking ulo pero mabilis ko ring napigilan. Muntik na ako. Buwisit!

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi na hindi ko nagustuhan. "Gumagaling ka na."

Hindi ko siya kinausap at nagpatuloy lang ako sa pag-atake. Mabilis niyang naiiwasan ang mga atake ko pero wala akong pakialam. Ang goal ko ay matamaan ang kahit anong parte ng kanyang katawan.

"Kalma, huwag masyadong daanin sa init ng ulo." Nakangiti pa rin siya at halos pumikit na ang kanyang mga mata.

Sa totoo lang hindi ko gusto ang ngiting iyon. Hindi ko kasi malaman kung totoo ang ngiting binibigay niya sa amin.

"Isa pa." Demand ko sa kanya.

"Ha-ha-ha, sige kung 'yan ang gusto mo."

Ako naman ang unang sumugod. Tumalon ako paitaas at iwinasiwas ko ang aking kahoy na espada pero mabilis niya iyong naiwasan. Isa pa sa nakakainis ay mukang wala lang sa kanya ang bawat atakeng binibigay ko. Para lang siyang sumasayaw sa hangin sa tuwing iniiwasan niya ang mga tira ko.

Pero hindi ako madaling sumuko ang balak ko talaga ay lituhin siya at humanap ng tamang pagkakataon.

Habang tumatagal ay bumibilis na ang bawat kilos namin. Lumingat siya ng konte kaya nagkaron ako ng pagkakataong puntiryahin ang leeg niya.

Huminto kaming dalawa na nakalapit ang kahoy kong espada sa leeg niya "Panalo ako."

Ngumiti na naman siya dahilan ng pagkunot ng noo ko. Tsaka ko na lang naramdaman na parang may nakadikit sa tiyan ko. Pagtingin ko nakatutok pala ang espada niya sa akin. Kainis.

"Hindi na masama. Mas mabilis ka na ngayon." Hinagis niya ang kahoy na espada sa isang direksyon at lumanding ito sa isang lalagyan.

Tagatak ang pawis at habol ang hininga ko pero hindi ito katulad nung nag uumpisa pa lamang ako.

"Tama na muna ito sa ngayon. Kailangan mo ng mag pahinga at may pasok ka pa bukas." Iyon lang at iniwan na din niya akong mag isa.



Elyon Yu

Nakalatag sa study table ang mga textbook at notebook ko. Kailangan kong gawin ang lahat ng assignments ko para bukas.

Napabuntong hininga ako dahil hindi ko makuha ang tamang formula sa Math. Masyadong advance ang Winter Academy pagdating sa academics kaysa sa public school. Nakakalat na sa sahig ang mga scratched papers na ginamit ko. "Ayoko talaga ng major subjects." Naihagis ko ang ballpen dahil sa frustration. Napatungo na lang ako sa study table dahil kahit anong gawin ko walang pumapasok sa utak ko marahil dala na rin ng pagod at antok.

Nasa ganoon akong kalagayan ng may pumasok sa utak ko.

"Pagdating ng taglamig aabisuhan ang lahat ng nais maging sisidlan na sumailalim sa pagsubok kung sino ang matitira ang siyang makakakuha ng medalyon."

Kung ganoon sino-sino sila? Nag-aaral din kaya sila sa Winter Academy? Baka isa sa mga bumu-bully sa akin sa school dahil alam nila kung ano talagang pakay ko sa lugar na ito.

Mas kakailanganin ko palang mag-ingat dahil baka isa sila sa makakalaban ko. Bumalik ako sa pagkakaupo at napatingin ako kay Sky na kasalukuyang nakatingin din sa akin. "Bakit ka nakatingin?" As if namang sasagutin ako ng ibong ito. Hinampas ko ang aking noo para mapabalik ko ang aking sarili sa katinuan.

Hinarap kong muli ang mga assignments ko. Ginusto ko kaya dapat panindigan ko.




Martes

Halos tanghali na akong nagising dahil piniga ko talaga ang utak ko para sa mga assignments ko.

"Good morning young lady." Bati sa akin ni Grace.

"Morning." Halos walang kabuhay buhay kong bati sa kanya. Humikab pa ako at tumayo ng nakapikit ang mga mata. Wala ako sa kundisyon para gamitin ang pakiramdam ko kaya kinapa-kapa ko na lang ang paligid kung may mababangga ba ako.

Pumasok ako ng comfort room para makapag-ayos ng sarili. Pagkalabas ko nililigpit na ni Grace ang mga kalat ko kagabi.

"Nakakuha na ba ng pagkain si Eman para kay Sky?" Tanong ko sa kanya.

"Opo, nasa baba na po young lady."

Kinuha ko ang hawla at bumaba na papuntang kusina pero hindi ko sila nakita kaya lumabas ako ng bahay at pumunta ng bakuran. Nakita ko naman si Jane at Eman na abala sa ginagawa nila.

"Ito na po ang pagkain young lady." Si Eman ang nagsalita. Napangiwi ako dahil sa amoy "Nalinis ko na po iyan."

"Mukha nga." Inabot sakin ni Jane ang gloves pero tinanggihan ko. Next time mag-aalmusal muna ako bago kita pakainin. Hindi ko siya nilabas sa hawla niya dahil baka bigla siyang lumipad kaya binuksan ko na lang ng bahagya ang pinto na kasya sa kamay ko.

Inabot ko sa kanya ang maliit na karne na sakto lamang sa bibig niya. Hindi naman siya nagpabebe at kinain din niya agad. Paulit ulit ko itong ginawa hanggang sa maubos niya ang lahat ng hinanda ni Eman.

Pagkatapos kumain ni Sky ay ibinilin ko siya kay Grace na pakainin ng tanghalian at isama mamaya sa pagsundo sa akin.



Sa Winter Academy

Naglalakad ako papunta sa building ng grade 10. Marami akong mga kasabay na estudyante. Kung hindi busy sa kanya-kanya nilang ginagawa ay pinagtitinginan ako. Hindi ko maiwasang mag-isip kung sino sa kanila ang may potential na maging sisidlan. Mukha kasi silang mga ordinaryong kabataan na tila walang kamalay-malay sa totoong misteryo ng buhay, partikular sa apat na elemento.

Pagpasok ko dumiretsyo agad ako sa upuan at tumingin sa tanawin sa labas.

Ilang minuto pa ay dumating na rin si Sir Ilagan. Pinasa namin ang texbook para sa assignment namin.

Muntik pang ma-late makapagpasa si Carlisle dahil nakaligtaan kong sipain ang lamesa niya. Nasasanay na talaga siya ah!

Pagkatapos niyang mag-discuss agad naman siyang nagpaquiz.  Lima lang ang tama ko sa sampung equations. Sumabit pa.

Mabilis natapos ang klase ng Math at English. Palabas na sana ako ng may makita akong papel sa lapag. Pinulot ko iyon at nakita ang pangalang Carlisle Montefalco nanlaki ang mata ko ng makita ang scores niya sa quiz namin sa Math.

10/10 perfect scores. Napatingin ako sa lalaking natutulog sa puwesto niya. Inipit ko iyon sa lamesa at lumabas na ng classroom. Akalain mong matalino pala ang kumag. Samantalang akong madalas makinig, eh pasang awa lang. Pinamumuka tuloy sa akin 'nun na hindi ako matalino.

Pumunta ako sa canteen para bumili ng pagkain ng may naghagis sa akin ng ballpen. Naiwasan ko iyon.
Lumingon lingon ako kung may mga nakakita. Mabuti na lang din at walang tao sa hallway. "Yah!!!" Sigaw ko kay Nicole.

Oo siya ang naghagis. Mukhang wala syang paki-alam kahit nasa hallway pa sya "Neo michyeoss-eo?" 

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Tama nga ang sinabi nila na may nagbago na sa'yo. Magaling! at least mas magiging makabuluhan ang pag aagawan natin ng medalyon."

Kung ganoon isa pala siya sa nagbabalak maging sisidlan. "Sigurado akong nakarating na sa iyo ang balita."

"Wala akong pake kahit ilan pa kayong nais maging sisidlan." Bakit hindi ko naisip na may posibilidad na isa siya sa may potensyal at posible ring lahat ng anak ni Master Zeus.

"Mayabang ka pero sige tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo." Ngumiti siya ng nakakaloko at umalis na.

Gusto ko siyang sugurin at pagsasampalin pero naisip ko na baka mas malakas pa siya sa akin ngayon kaya kinimkim ko na lang ang inis na nararamdaman ko. Pumunta pa rin ako ng canteen dahil mas lalo akong nakaramdam ng gutom.

Bumili ako ng ham and cheese sandwich at soda, pagbayad ko ay naglakad na ako palabas ng canteen pero may humarang sa daraanan ko. Tiningala ko ang may katangkarang lalaki.

"Annyeong Elyon."  Binati ako ni Dick habang nakataas ang kanyang kanang kamay. Muntik ko nang makalimutan na iba nga pala ang pagpapakilala ko sa kanya noong wala akong maskara.

Yumuko ako at binati rin siya. "Ahnyonghaseyo." Hininaan ko lang baka kasi makilala niya ang boses ko. Akma na akong aalis ng hinawakan niya ang braso ko.

"Wae?" Takang tanong ko sa kanya pero tinitigan lang niya ako kaya bahagya akong yumuko. Kinikilatis ba ako nito?

Umiling lang siya saka binitawan ang braso ko "Amugeosdo." Kumaway siya habang lumalayo. "See you when I see you."

Nakahinga naman ako ng maluwag at lumayo na sa canteen. Pumunta ako sa building ng grade 10 at doon kinain ang binili kong pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay tumingin ako sa ibaba. Nakita ko ang mga estudyanteng naglalakad sa ibat-ibang direksyon. May magkakagrupong masasayang nagtatawanan, ang iba nagbabasa ng libro habang naglalakad, ang iba parang walang paki-alam sa paligid. Mukha lang silang normal tingnan mula rito sa itaas pero may iilan sa kanilang may tinatagong sekreto kagaya ko. Ang tanong ngayon paano kaya nila pinaghahandaan ang sarili nila?

Tunog ng bell ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Nagmadali akong bumaba at bumalik sa classroom namin.

May nakatoka ng araw na iyon para mag-report sa Filipino subject pero wala ako sa mood makinig. Nakakaramdam kasi ako ng antok dahil sa pagod at puyat sabayan pa na may natutulog sa bandang kaliwa ko. Nakakahawa ang katamaran niya.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin ang Filipino subject. Sunod naman ang History at ang topic ngayon ay tungkol kay Adolf Hitler.

Pinatay ng teacher ang ilaw at binuksan ang lente ng projector. Nagbigay siya tungkol sa family background ni Hitler kasama ang iilang larawan niya noong bata pa lamang ito.


"Ang inosenteng batang nakikita ninyo ay si Adolf Hitler. Hindi mo akalaing ang inosenteng batang iyan ay magiging diktatoryal pagdating ng panahon at papatay sa libo-libong jews. Mga babae, lalaki, bata, matanda, may sakit buntis, etc..." May panibagong litratong pinakita.

Mga inosenteng bata ang nasa litrato may selyo ang kanilang damit patunay na isa silang hudyo "Pinasakay sila ng train upang ilipat ng lugar, lahat ng maletang dala nila ay pinaiwan." May panibagong litrato na naman siyang pinakita. Mga taong sumasakay sa train, mga batang nagpapabuhat para makasakay ng train, wala silang kamalay malay sa sasapitin nila pagdating sa lugar na ipinangako sa kanila. Para silang nagpapabuhat kay kamatayan. Sa bawat pagtaas ng kanilang mga braso para bang sinusuko na nila ang kanilang buhay.

Sa mga hudyong natira pinagsusunog ng buhay sa mga concentration camp na pinag dalhan sa kanila.

Nararamdaman kong nakikinig ang lahat. Sino bang hindi? Ibalandra ba naman sa harap mo ang kalunos lunos na ginawa ng isa sa pinakamalupit na pinuno sa mundo. Pakiramdam ko tuloy bumabalik ako sa nakaraan. Nagpatuloy ang discussion.


"Dahil siksikan kaya nakatayo silang lahat. Halos walang hanging pumapasok sa train kaya ang iba sa kanila doon na namamatay. At para naman sa mga natira ipahuhubad sa kanila ang kanilang natitirang yaman. Ang kanilang samplot sa katawan. Papipilahin ng hubodhubad at pagkatapos paglalakarin hanggang sa makarating sila sa isang malaking hukay."

"Tama na!" Sigaw ng isa kong kaklase. "Hindi ko na po kayang marinig lahat ng ginawang kasamaan ni Hitler." Halos maiyak na siya sa pagsasalita. Binuksan ng teacher ang ilaw at nakita ko ang ilang mga kaklase na halos nakayuko at humihikbi na.

"Sige hanggang dito na lang muna tayo sa ngayon. Bukas gusto kong paghandaan ninyo ang inyong mga sarili. Alam kong masyadong mabigat ang daloy ng discussion natin ngayon kaya maaga tayong mag-di-dismiss." Iyon lang at lumabas na ang teacher namin. Napatingin ako kay Carlisle. Himalang hindi pala saya natulog sa History ngayon.

Lumabas na ang mga kaklase ko kasama na si Carlisle. Tahimik akong nakamasid sa labas "Nakasalalay sa pinuno ang buhay ng mga taong pinamumunuan niya." Nagtalumbaba ako. Kapag nagkamali ng magiging sisidlan maraming buhay ang mapapahamak. Libo-libo hindi milyon milyon ang maaring manganib sakaling makontrol ng isang maling tao ang apat na elemento o kaya makontrol siya ng apat na elemento. Napabuntong hininga muna ako bago lumabas ng classroom.




ITUTULOY...

*Bigla kong namiss ang teacher namin sa history.

Continue lendo

Você também vai gostar

222K 1.6K 7
Eindy... ang pinakapaboritong i-bully ng kanyang mga kaklase since nung bata pa siya.. Mabait, masipag,.matulungin, at maganda kasi siya.. Kontento...
9.8M 533K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
199K 6.6K 61
◈◈BOOK I of Curse Saga◈◈ I was just a thief in a division and eversince then I didn't expect that when I opened my eyes I already have a guardian. M...
579K 28.4K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...