Loving The Cold Blue (GxG)

By leonloves_blue

763K 21.7K 2.6K

All rights reserved More

Intro
CHAPTER -1
CHAPTER-2
CHAPTER-3
CHAPTER-4
CHAPTER-5
CHAPTER-6
CHAPTER-7
CHAPTER-8
CHAPTER-9
CHAPTER-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-26
Chapter-27
note :)
Chapter-28
Chapter-30
Chapter-31
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-34
Chapter-35
Chapter-36
Chapter-37
Chapter-38
Chapter-39
Chapter-40
Chapter-41
Chapter-42
Chapter-43
Chapter-44
Chapter-45
Chapter-46
Chapter-47
Chapter - 48
Chapter - 49
Chapter - 50
Chapter - 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62⚠️
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66

Chapter-29

12.6K 407 53
By leonloves_blue

Blue

"Blue, maligo ka na nga. Pinapapunta ka ng ilang prof mo ngayon sa school mo 'di ba?" napakunot muna ang noo ko bago itigil ang paglalaro sa phone, Iniisip ko kung anong oras ako pinapapunta doon.

"Oo nga ate, Lunes na ngayon. Baka akala mo na naman Linggo" pinaningkitan ko naman ng mata si Kate. Alam niya kasing ang alam ko tuwing Lunes ay Linggo kaya ayan, napagsabihan na naman ako. "Joke lang ate, ligo ka na. Ang asim mo" pang-aasar niya pa.

"Ano ako, ikaw?" ganti ko naman. Ang aga-aga kasi ay bini-bwisit ako.

"Parehas lang kayong maasim, kaya magsiligo na kayo"

"Ma!" sabay naming reklamo ni Kate kay mama. Ganyan 'yan tuwing magkukulitan kami ni Kate eh, mas malala pa siyang mang-asar.

"Ligo na nga ako" umisang irap muna ako sa kapatid ko at hindi na hinintay ang ganti nito saka tumalikod na.

While having a bath, nag-iisip na ako kung anong isusuot ko. Baka makita ko si Stella at mukha na naman akong ewan.. wait, wala naman siguro 'yon sa school.

After kong maligo at magbihis ay dali-dali na akong pumunta ng sasakyan. Naalala kong 10am pala ako pinapapunta at forty minutes na lang ang oras ko para bumyahe at tumakbo sa pataas na pathway ng school papuntang faculty room.

Matapos ang ilang minutong pagtakbo ko papuntang faculty room ay pawis na pawis kong binuksan ang pinto niyon. I greeted the teachers first before going to my prof's desk.

"Good morning ma'am... ano pong balita?" alanganin ang ngiti ko dahil kabado ako sa result ng tinake kong exam sa kanya. May hangover pa kasi ako no'n at hindi talaga ako nakapagfocus.

"Well, kakacheck ko lang ng paper mo at tingin ko ay papasa ka naman" sagot niyang parang hindi ako nakumbinsi. Paano ba naman ay parang bored na bored siyang kausap ako. Tumingin siyang muli sa 'kin at pilit naman akong ngumiti. "Saan nga pala ang excuse letter na hinihingi ko?" masungit niya pang dagdag. Umirap ako pagkatalikod ko at nagsimulang maghanap sa bag. I silently pray na sana ay dala ko iyon kundi lagot talaga at hindi niya idadagdag 'yong score ko sa in-exam ko sa kanya.

Nang makita ko ang gusot na excuse letter ko ay agad ko itong binigay sa kanya. "heto ma'am. May pirma na rin 'yan ni Dean" haha! This time ay hindi na pilit ang ngiti ko dahil natutuwa akong nasa bag ko 'yong papel na 'yon.

"Sa susunod dapat before ito or after na mag-aabsent ka ha? Hindi after make-up exam mo at dapat hindi rin gusot" pinagdiinan niya talaga yung word na gusot kaya napatango-tango na lang ako. "Sige na, pwede ka nang makaalis" pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay umalis na ako. May isa pa akong pupuntahang prof ko sa College of Arts and Humanities' faculty room. Nakakainis man dahil magkabilang dulo ang dalawang faculty room ay kailangan ko namang maglakad. Baka mamaya ay tuluyan akong ibagsak ng isang prof ko.

Gaya ng kanina, binati ko muna ang mga prof pagkabukas ko ng pinto bago pumunta sa desk ng naghihintay kong prof. Gusto ko sanang sabihing 'hi baby' rito kaya lang ay baka maissue na naman kami nitong si ma'am. Dati kasi kaming nagkaroon ng affair at napagtsismisan, buti at walang maipakitang ebidensya at natigil ang pagkalat ng tsismis.

Pagkaharap ko sa kanya ay agad ko siyang hinagod ng tingin at nginitian saka umupo sa upuan katabi niya. Sa isip ko ay ang sexy niya talaga. Malaki ang hips, maliit ang beywang at medyo may future. Morena at makinis siya na type na type ko sa physical appearance niya. Plus pa yung way niya magturo na talagang hahangaan mo dahil matututo ka. Kung wala lang si Stella ay baka siya ang babaeng kinababaliwan ko ngayon maliban kay Alexa... hmm what?.. Erase!

"Flirt" she muttered that made me chuckle.

"Hindi ba masyadong mataas ang performance ko para mahila ang written tasks ko?" ngingiti-ngiti kong bulong at sinabayan pa ng pagtaas-baba ng kilay.

"Wag ka nga maingay, pinagtitinginan na nga tayo eh" lumingon-lingon pa siya sa paligid para i-check kung may tumitingin pa sa 'min. Ako naman ay kalmado lang na nakatingin sa laptop niya. Medyo mababa ang grade ko sa kanya, pero okay lang para matigil na yung ibang hanggang ngayon ay hindi pa makamove-on sa 'min ni ma'am sexy kapag nalaman nilang mababa ang grade ko rito.

"Satisfied ka na dyan?" tanong niya pa.

"Ikaw ba?" I gave her my famous playful smile saka bumaba ang tingin ko sa dibdib hanggang sa pinakaiingat-ingatan niya kaya nahampas niya tuloy ako na ikinatawa ko lang. Buti at marunong ako magpigil ng pagtawa ng malakas kundi ay tsismis na naman ang aabutin namin.

"Blue! Mahal ko ang trabaho ko" galit niyang bulong. Ako naman ay ibinigay ang assignment ko sa kanya, sabi niya kasi ay gawin ko iyon at siya na ang bahala sa grade ko. Sigurista kasi siya masyado, baka daw magduda ang iba na ipinasa niya ako eh ilang beses lang naman akong pumasok. Baka daw kasi hanapan siya ng kung anong proof kaya ayan, halos lahat ng namissed ko sa kanya ay pinasagutan niya sa 'kin, mostly essay pa.

Tumingin na lang muli ako sa screen ng laptop niya at ngumiti. "Okay na 'yan ma'am. At least pasado" sabi ko at sumaludo muna ako sa kanya saka lumabas ng faculty room nang tanguan niya ako.

Naglalakad na akong mag-isa papuntang parking lot nang may umakbay naman sa 'kin.

"Ano, pasado lahat?" boses pa lang ay agad nang kumunot ang noo ko. Ang asungot na si Lei. 

"Ako pa ba?" sabi ko na lang at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa 'kin.

Napangiti pa ako nang makita si Stella sa gilid niya. Agad akong lumapit sa kanya saka siya inakbayan.

"Hi 'by" bati ko rito at hinalikan sa pisngi. "Lunch date tayo" pangyayaya ko ngunit hinila siya sa 'kin ni Lei at inilagay sa gilid niya.

"Kami may date ngayon!" pinanliitan niya 'ko ng mata saka hinapit si Stella, hayop na Lei 'to wag niya sabihing may gusto siya kay Stella ko! Bubulagta talaga siya ngayon din!

"Napapansin ko, lagi kayong magkasama" nagseselos na wika ko, nakakainis! Close na close pa sila.

"Nagpapalakas kasi ako dito kay Stella, ang chics kasi ng kapatid niya-Aray naman!" parang nag-iimagine niyang sabi nang batukan naman siya ng baby ko.

"Lei fifteen years old pa lang ang kapatid ko!" hinampas pa ng isang beses ni Stella ng bag niya si Lei bago naglakad muli.

"Kala ko ba straight ka na?" pang-aasar ko kay Lei, natatawa ako ngayon sa itsura niya.

"Sa ganda ng kapatid ni Stella, 'di na 'ko straight ulit 'no" nang marinig ni Stella iyon ay hinampas niyang muli si Lei.

"Kalma na 'by" sabi ko nang akbayan ko siya.

"Pa'no ako kakalma eh may kilala akong obsessed sa kapatid ko, naku mamaya kung anong gawin niya do'n!" wika niyang nakasimangot at pinandilatan pa si Lei ng mata.

"Stacy... Stacy... stay with me" paulit-ulit na chant ni Lei na ikinatawa ko lalo. Baliw na baliw siya kay Stacy na kapatid ni Stella.

"Kita mo 'yang kaibigan mo! Nakuuuu ang sarap i-staple ng bibig, naririndi ako tuwing kinakanta niya 'yan" nanggagalaiti niyang sabi sa tabi ko.

"Bestfriend mo rin kaya 'yan" komento ko pagkatapos kong humalakhak.

"Hoy Williams, huwag na huwag mo 'yang hahayaang ipagpatuloy ang nararamdaman sa kapatid ko! Bigyan mo 'yan ng maraming lalaki o babae" galit na utos niya sa 'kin na akala mo'y pinagbabantaan ang buhay ko. Ang cute hahaha!

"Kahit sinong ibalandra mo sa harap ko, kahit nakahubad pa 'yan.. hindi magbabago ang pagtingin ko sa kapatid mo" seryosong wika ni Lei. Hays... inlove nga ang loko.

"Age doesn't matter 'by" I smiled but she just rolled her eyes bago tuluyang kinurot si Lei. Kawawa naman yung asungot...

"Saan ba tayo kakain 'by?" tanong ko kay Stella nang tumigil na sila ni Lei.

"Gusto ko magmall, kaya sa mall tayo kakain" nakasimangot pa rin siya dahil sa pikon kay Lei kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko ang pisngi niya.

"Smile na 'by, ako bahala dyan kay Lei" kumindat pa ako para i-assure siya.

"Totoo?" mahinang bulong niya para hindi kami marinig nung isa na nasa harap namin. Tinanguan ko lang siya bago itinaas ang palad ko.

Nang ngumiti na siya ay napangiti na rin ako. Balak ko sanang yayain ng lunch si Alexa kaya lang ay baka busy naman, wala kasi siyang text ngayong umaga tsaka nandito naman na si Stella. Ang bait talaga ni lord sa 'kin.

Matapos bumyahe ng ilang minuto ay ngingiti-ngiti akong naglakad papasok ng mall, si Lei naman ay nauuna sa 'ming dalawa ni 'by.

"'By saan tayo kakain?" tanong ko Kay Stella na busy sa phone niya, nang silipin ko ay halos matameme ako at hindi makagalaw. Nagtetext sa kanya si Steve. Hindi naman siya nagrereply dahil magkakasunod lang ang mga messages ni Steve, baka umiiwas ang baby ko.

"Bakit hindi mo replyan?" bigla kong sabi, masakit kaya maignore.

"Because I love him" tumahimik lang ako dahil biglaan iyon, hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko. Dati rati ay halos maluha ako kapag sinasabi niya 'yan pero ngayon ay parang sanay na sanay na ako. "At ayaw ko siyang pansinin dahil gusto kong matuloy ang kasal. Kailangan ng pamilya mo si Alexa" kunot ang noo kong humarap sa kanya.

"You know that?" tinanguan niya lang ako bilang sagot at itinago na ang phone niya.

"Ikaw? Anong gagawin mo kapag ikakasal na ang taong mahal mo?"

"I'll kidnap her the day before the wedding" I sternly said while thinking about Alexa.

"So, you'll kidnap Alexa?" sabay nilang sabi ni Lei. Hindi ko alam na andito na pala ang asungot at nakaakbay na sa 'kin.

"Wag nga kayo!" kainis, nakaraan pa nila ako inaasar!

Sabay naman silang tumawa at nag-apir pa. Mga walang hiya!

"Pulang-pula ka dyan Blue, alam ko 'yang mga ganyan mo eh. Parang nung inaasar ka sa 'kin dati bago maging tayo" natatawang tuya pa ni Stella. Kainis!

"Kinikilig 'yan Stella, kita mo oh... nagpipigil ng ngiti" tinuro pa ni Lei ang bibig ko bago tumawa. Ngumiti na lang ako dahil 'di ko talaga kayang pigilan. Naiinis ako na natatawa, ewan... parang ang gaan ng pakiramdam ko.

Nakahapit pa rin sa 'kin si Stella at nauuna ulit na maglakad si Lei. "Wait lang ha?" sabi nito at may nilapitang babae na matangkad. Nang humarap ito ay agad ko itong namukhaan. Si Jessey, yung leader ng sisterhood at dating captain ball ng basketball team noon kaya kilala ko.

"Hey" lahat kami napalingon nang may babae namang dumating, napahigpit pa ang kapit ko kay Stella nang makita si Alexa na sexyng-sexy sa suot nitong blue na hanging shirt at puting mini skirt. Tumabi siya kay Jessey na ikinataka ko.

"Dyan ka na pala" nakangiting sabi ni Jessey at bumalik ang tuon kay Lei.

"Libre mo na lang kami ng lunch" pakikipagkulitan pa ni Lei. Ako naman ay kinapa ang phone ko sa bulsa at kinuha ito dahil nagriring.

Saglit na nagkatinginan pa kami ni Alexa bago ko sagutin ang tawag. Kita ko pa itong tinitigan ang pagkakahapit ko kay Stella. I don't know what she's thinking pero parang may iba sa mata niya, hindi ko lang mahulaan.

"Hello ma?" Bungad ko rito.

"Nakita mo ba yung remote para sa videoke?" nag-isip muna ako kung saan ba nakalagay iyon. Mahilig kasing kumanta si Kate at mama at nakakalimutang ligpitin yung remote kaya ako ang nag-aayos.

"Nasa taas ng speaker ng computer ma" sagot ko.

"Sige. Umuwi ka ng maaga, okay? Magluluto ako"

"Opo" binaba niya na ang tawag at saktong lumapit naman sa 'min si Lei.

"Tara lunch tayo sa bagong resto ng pinsan ko" nakangiting imbita nito.

"Pinsan mo 'yon?" tukoy ni Stella kay Jessey.

"Hindi 'yan, lilibre niya lang tayo doon" tumango-tango naman si Stella at balak ko na sanang umalis nang hilain niya ako.

"Saan ka pupunta?" nagtataka niyang tanong.

"Ah, wala" ngumiti ako ng pilit at naglakad na rin kasama siya. Nasa harap namin sila Jessey at Alexa, they're talking na parang close na close at nagtatawanan pa. Iba rin kung tumitig si Jessey kay Alexa, parang may gusto ito roon na ikinainis ko. Hindi naman impossible ang hinala ko dahil bisexual ito.

Sabi ko na ay hindi magandang sumama ako eh, kundi lang dahil kay Stella ay baka wala na ako rito.

Nang makapili kami ng pwesto sa resto ng pinsan ni Lei ay ipinaghila ko si Stella ng upuan sa tabi ko, pansin kong gano'n rin ang ginawa ni Jessey kay Alexa kaya mas lalo akong napasimangot. Gawain ko yun minsan eh!

"Ngiti ka naman dyan" bulong sa 'kin ni 'by. Hindi ko siya pinansin at nagscroll scroll lang sa phone ko habang naghihintay ng pagkain at nang dumating ito ay nagsimula na silang magkwentuhang lahat. Hindi ako umiimik at nagconcentrate lang sa pagkain ko.

Nang matapos sa isang dish ay inenjoy namang kainin 'yong karneng lasang adobo, well adobo talaga siya pero tuyo.

Iyong dalawa naman sa harap ko which is Alexa and Jessey-ngit ay mukhang malalim na ang napapag-usapan, minsan na lang ngumunguya eh.

A smile drew along my lips and before I knew it, nahubad ko na ang sapatos at footsocks ko. Medyo malapit ang long legs sa 'kin ni Alexa dahil kaharap ko siya kaya patay malisya akong kumain at pinadausdos ang paa ko sa legs niya hanggang thighs.

I smirked when she stopped chewing kaya pinanlakihan niya ako ng mata.  Just so you know Alexa ay ayaw kong napupunta ang atensyon mo sa iba.

Maya-maya pa ay nagvibrate ang phone ko at agad ko namang binuksan ang message. "Blue, stop nag-uusap kami" pabalya kong ipinasok sa ang phone ko sa bag matapos mabasa ang message niya. Naiinis na naman ako lalo!

Itinigil ko na rin ang panggugulo ko kay kanya at pinanood lang silang mag-usap tungkol sa pagmamanage ng hotel and restaurant. May-ari kasi si Jessey-ngit ng ilang kilalang hotel and restaurant kaya hook na hook itong si Alexa.

Si Stella naman ay close na agad iyong dalawa sa harap namin, nasabi rin nitong idol na idol niya si Alexa na ikinaikot ng mata ko.

"Ang bait talaga ng mahal mo ano?" bulong pa nito sa 'kin.

"Oo, 'by ang bait mo" sabi ko rin at inilapit ang mukha ko rito. Lakas niyang mang-asar eh.

"Che!" sagot nito sa 'kin na ikinangiti ko, ngunit napawi din iyon nang tumawa ng malakas yung mga nasa harap namin, pati si Lei sa gilid ay tumawa rin. Mga tanga.

Sa kawalan ng gana ay nag-cr muna ako. Mabagal akong kumilos sa loob at inenjoy na lang ang pag-ihi ko, nang makalabas ng cubicle ay naabutan ko si Jessey-ngit na naghuhugas ng kamay.

"Masama yata ang timpla mo ngayon?" pagkausap nito sa 'kin.

"Pinagalitan kasi ako sa bahay" I lied, ang totoo ay naiinis ako kung paano niya titigan si Alexa, kung paano mamungay ang mata niya sa harap nito na kala mo ay nagpapacute. Nakakabwisit tingnan. Ang landi! Yung isa naman ay nagpapalandi rin!

"About?" makatanong, feeling close...grr!

"Pake mo?" sagot ko habang nagpupunas ng tissue. Tiningnan niya lang ako bago ngumiti at umiling. "May gusto ka ba sa kanya?" I hope she's smart enough para maintindihan kung sinong tinutukoy ko.

"Obvious ba?" ngiting asong sagot nito, confirmed.

"She's getting married with my brother" pagpapa-alala ko, incase nakalimutan niya kung sinong nilalandi niya.

"Sa papel lang iyon at kaya ko namang itago ang magiging relasyon namin" nangitngit ako sa sinabi niya, halos masira pa ang bagang ko sa taas sa pagdiin ko rito ng pang-ibabang ngipin ko. Nanggagaiti ako ngayon at gusto ko siyang suntukin.

"Magiging" madiin ko na lang na sabi bago siya binangga nung dumaan ako. Kapal ng mukha!

Akala niya naman magiging sila, anong akala niya ay hahayaan ko 'yon?

In her wildest dreams!

---

Salamat sa pagbabasa. Try ko mag-ud bukas depende sa reactions niyo ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...