Two Bad Boys Beside Me (COMPL...

נכתב על ידי Princess_Jenpaumevi

5.9M 171K 16.8K

"I'll break you, Spring. I'll fucking break you. Mark my words." *** Spring Cruz is your typical A plus stude... עוד

Chapter 1: Helios Bad Boys
Chapter 2: The Video.
Chapter 3: The Necklace
Chapter 4: Three Years Ago
Chapter 5: Lifeless
Chapter 6: Fate (Part 1)
Chapter 6: Fate (Part 2)
Chapter 7: Weak and Chaos
Chapter 8: I wish I never met you.
Chapter 9: She's nothing to me.
Chapter 10: The Truth 1/2.
Chapter 10: The Truth 2/2.
Chapter 11:HURTING
Chapter 12: I'll break you.
Chapter 13 (Part 1): Another Tragedy
Chapter 13 (Part 2): Another Tragedy.
Chapter 14: Destiny's Game.
Chapter 15:Light's Curiosity.
Chapter 16: Topless Cane.
Chapter 17: Heartbeat.
Chapter 18: Curiosity kills a cat.
Chapter 19: Eavesdropping.
Chapter 20: Stop blaming yourself.
Chapter 21: Start of a New Friendship.
Chapter 22: Chaos Breakfast.
Chapter 24: I'm sorry. I'm really sorry.
Chapter 25: Changes.
Chapter 26:The Deal Between Them.
Chapter 27: An Ugly Duckling turn into a Swan.
Chapter 28: She's still an ugly duckling.
Chapter 29: Drunkard Spring.
Chapter 30: What happened last night?!
Chapter 31: Amnesiac Spring
Chapter 32: Almost Kiss
Chapter 33: Kuya Paeng & Paupau
Chapter 34: Drag Race
Chapter 35: Stalking the Nerd.
Chapter 36: What happened that night.
Chapter 37: He's Normal but for me He's not
Chapter 38: The Reason Why.
Chapter 39: Lights' Game
Chapter 40: Different Side of Torn & Cane
Chapter 41: Things are getting better... or not?
Chapter 42: Thesis Proposal.
Chapter 43: Challenge Accepted?
Chapter 44: Savannah 'Vannie'.
Chapter 45: Papa Cane? Papa Torn?
Chapter 46: Good luck on your audition.
Chapter 47: Closer.
Chapter 48: Charm and Cane?
Chapter 49: Crying Cane plus 'Ali'?
Chapter 50: Let's be friends.
Chapter 51: Clueless.
Chapter 52: Revelations.
Chapter 53: First Kiss
Chapter 54: End of First Half.
♥SECOND HALF♥
Chapter 55: It's all my fault.
Chapter 56: I want to live.
Chapter 57: I can be your slave.
Chapter 58: Why did I save him?
Chapter 59: Don't cry.
Chapter 60: Stay by your side.
Chapter 61: I no longer hate you.
Chapter 62: Drastic Changes (Part 1)
Chapter 62: Drastic Changes (Part 2)
Chapter 63: Hurricanes' Past.
Chapter 64: Do you like him?
Chapter 65: Two truths and one lie.
Chapter 66: Tornado (Part 1).
Chapter 66: Tornado (part 2)
Chapter 67: Moving out?
Chapter 68: Tension between them.
Chapter 69: I think... what?
Chapter 70: Knowing the Truth
Chapter 71: I like you.
Chapter 72: Confused.
Chapter 73: Hurricane Thoughts.
Chapter 74: Happenings.
Chapter 75: Battle of the Twins.
Chapter 76: Talking with the Bad Boys.
Chapter 77: Cyclone Helios
Chapter 78: The Fiancée.
Chapter 79: I really did fall for him.
Chapter 80: Last Time.
Chapter 81: Don't cry.
Chapter 82: Pain.
Chapter 83: Mistaken Identity
Chapter 84: Holding Hands.
Chapter 85: Congratulations, Tornado Helios.
Chapter 86: Again.
Chapter 87: It's nothing.
Chapter 88: Treat you better.
Chapter 89: Biggest Regret.
Chapter 90: Luna.
Chapter 91: Let's runaway.
Chapter 92:Why can't we be together?
Chapter 93: One Day Happiness (Part One)
Chapter 93: One Day Happiness (Part Two)
Chapter 93: One Day Happiness (Part Three)
Chapter 93 One Day of Happiness (Last part)
Chapter 94: Giving up.
Chapter 95: Bad Boys Tears
Chapter 96: Her loved ones.
Chapter 97: Closure.
Chapter 98: A date to remember.
Chapter 98: A Date to Remember (Part 2)
Final Chapter
Hurricane Helios

Chapter 23: Touch her and you're dead.

61.4K 1.7K 131
נכתב על ידי Princess_Jenpaumevi

"Pwede bang bilisan mong kumain?!"

Napasimangot ako habang nanakit na ang bagang ko dahil sa wagas kong pagnguya. Dito ko na lang ibinubunton ang inis ko dahil hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses nang sinabi ng damuhong si Cane na bilisan kong kumain. Sino bang nagsabi na gusto kong sumabay sa kanya?

Ito nga ang dahilan kung bakit halos umapaw na ang plato ko sa dami ng nilagay kong pagkain dito sa pagbabakasakali na mainip sa akin ang hudyo at iwanan na ako.

"Hindi ka ba pinapaka---"

"Cane... shut up at sumama ka muna sa akin."

Nagtaas ako ng paningin mula sa pagkakayuko at binalingan si Light na seryosong nakatingin sa kapatid niya.

Saan naman sila pupunta?

"Where?"

"In my room. Nakalimutan ko ang susi ng kotse mo. Samahan mo ako." Mariing saad ni Light halatang inis na sa kapatid niya.

"Malaki ka na. Kaya mo na 'yan." Nakapangalumbaba habang nakasimangot na saad ni Cane.

Tumayo si Light at lumapit sa kapatid niya. At muli hindi ko na naman inaasahan ang ginawa niya. Hinila niya ang kaliwang tenga ni Cane na nagsimulang sumigaw sa sakit.

"Kapag sinabi kong samahan mo ako. Sasamahan mo ako!"

Hindi ko naman maiwasang matawa sa hitsura nila habang hila-hila ni Light si Cane. Sino nga bang mag-aakala na ang sigang bad boy ng HU ay parang bata kung ituring ng kapatid niya?

I wonder kung ganito din sila ni Tornado?

"Spring, kumain ka lang d'yan. Take your time." Saad ni Light at kahit na malayo na sila ay dinig na dinig ko pa rin ang sigaw ni Cane.

Napakunot-noo ako matapos kong silipin sa relo ko kung anong oras na. Mahigit tatlumpong-minuto na ang nakakalipas nang umalis ang dalawa. Gaano ba kalayo ang kwarto ni Light para magtagal sila?

Pero teka bakit ko pa ba sila inaantay? Hindi ba mas maganda kung umalis na ako ngayon para makaiwas ako sa bad boy na 'yon?

Sa naisip ay dali-dali akong tumayo pero hindi pa nga ako nakakahakbang ay dumating na sila.

Aish, bakit ko pa ba kasi hindi naisipan na umalis na lang kanina?

"Are you done eating?"

Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni Cane dahil hindi ko maiwasang manibago sa tono at hitsura niya habang nakatingin sa akin. Wala nang bahid ng inis ang boses niya at wala na rin ang masama niyang tingin sa akin.

"You should go now, Spring. Mag-ingat kayo ng kapatid ko." Napabaling ako kay Light na nakalapit na pala sa akin nang hindi ko namamalayan.

"A-ano p-pwede---" Hindi ko na nagawang makatutol pa nang ngitian ako ni Light.

Si Light na nga ang nagmamalasakit, ikaw pa ba ang tatanggi huh Spring? Stop making people worry about you...

"You're saying?"

Umiling ako. "Wala. Salamat Light."

"Let's go. We're going to be late."

In the end, I will spend my morning riding a car with the bad boy.

Oh God Help me, please.



HOLY crap! Ayoko pang mamatay!

Sa isip-isip ko habang mariin akong nakapikit at nakakapit sa handle ng kotse. Dahil ang walanghiyang katabi ko ay parang puma-fast and furious ang peg sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya. Idagdag pa ang nakakabasag eardrums na tugtugin niya.

Sinasabi ko na nga ba, papatayin talaga ako ng lalaki na 'to.

Hindi ko na kaya. Wala akong pakialam kung malate ako sa school. Hindi ko na kayang magtagal pa sa loob ng kotse na 'to.

Malalim akong bumuntong-hininga at dumilat. "Stoppppppppppppppppppppp!"

Halos sumubsob ako sa dashboard nang bigla niyang itinigil ang kotse. Masama ang tingin ko siyang binalingan.

"What?" Tila bored ang boses niyang saad habang gumagalaw ang ulo at mukhang siyang-siya sa nakababasag niyang tugtugin. Lumunok ako at gamit ang nanlalamig kong kamay ay pinatay ko ang nakamamatay na tugtugin.

"Pakitabi ang kotse mo at bababa na ako." Saad ko at tinuro ang tabing kalsada. Nasa gitna kami ng highway at hindi pa naman ako baliw para bumaba dito.

"No." walang kaemo-emosyon niyang saad at muling binuksan ang stereo. Inabot ko naman ito at muling pinatay. Tila nauubusan ng pasensyang tumingin siya sa akin pero nakapagtatakang hindi niya ako sinisigawan.

"What's your problem?" malumanay pa rin ang boses niyang saad pero halatang naiinis na sa akin.

Humalukipkip ako. "Ikaw ang problema. Look, I know na napipilitan ka lang na pasakayin ako dito sa kotse mo kaya nga bibigyan na kita ng pabor dahil alam ko naman na ayaw---"

"No. Bababa ka lang sa kotse na 'to kapag nasa HU na tayo." aniya at muling binuksan ang stereo.

"Fine! Pero please lang pakibagalan naman ang pagmamaneho mo at baka pwede ring hinaan mo ang---"

"This is how I drive. From now on, be used to it. You should be thankful that you're a friend of my sister. If not, I'm going to throw you out of this car because right now, you really annoy me a lot."

Napalunok ako at hindi na ako umimik pa. Mahirap na at baka mapalipad nga ako palabas ng kotse na 'to.

"SIS, can you slap me? As in now na... I think I'm hallucinating right now..."

Gusto mo ako sumampal sa 'yo? Conyo pa more!

"Did he just get out from Canes' car?"

Mukha ba akong lalaki? Bakit he? Grammar please!

"Oh my gosh! I thought she's dead na?"

Kung patay na ako malamang minulto ko na kayo. Echosera!

Parang mga bubuyog ang tao sa paligid ko nang bumaba ako sa kotse ni Cane na walang lingon-likod akong iniwan. Sanay na ako sa mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga tao dito sa HU kaya hindi na ako naninibago pa. Kaya balewala akong naglakad at hindi sila sinusulyapan. Gayunpaman hindi pa naman ako bingi para hindi marinig ang mga pinagsasabi ng mga bwisit kong kamag-aral.

Sinasabi ko na nga ba, bakit ba kasi hindi na lang ako bumaba ilang metro bago kami makarating sa HU? Ganoon na ba ka-big deal para sa kanila na makita akong bumaba sa pinakamamahal nilang si Hurricane?

Malamang oo ang sagot.

Sino nga bang mag-aakala na sasakay ako sa kotse ng bully ko?

Wala kang naririnig.
Wala kang naririnig.
Wala kang naririnig.

Paulit-ulit kong mantra sa isipan ko habang nakayuko akong naglalakad sa hallway ng HU. Halos huminto ang tibok ng puso ko nang may kamay na humila sa braso ko. Sa sobrang lakas nang pagkakahila niya ay napasubsob ako sa dibdib ng salarin. Nanlalaki ang matang iniangat ko ang paningin ko at nag-umpisang kumabog nang mabilis ang tibok ng puso ko ng makita kung sino ito.

Hurricane.

"Watch out." Saad niya habang nakatingin sa likod ko. Bagama't naguguluhan ay mabilis akong kumawala sa pagkakasandig sa kanya at nilingon ang tinitignan niya.

I almost forgot their daily routine of bullying me...

Sa isip-isip ko habang pinagmamasdan ang pamilyar na timba at ang nagkalat na tubig pero kung dati ay tubig lang ito. Ngayon ay may kasama na itong mga basura na nahihinuha kong ilang ligo ang gagawin ko bago maalis ang amoy sa katawan ko kung sakaling bumagsak ito sa akin.

Pinagmasdan ko ang paligid ko. Nanlalaki ang mga mata at halos hindi makapaniwala ang mga estudyante na nagkalat sa hallway. At naiintindihan ko ang nararamdaman nila. Dahil ako mismo hindi makapaniwala.

Binalingan ko si Cane na parang walang nangyari na iniaayos ang nagulo niyang t-shirt. Bubukas-sara ang bibig ko dahil may gusto man akong sabihin or rather itanong dito ay hindi ko masabi. Tahimik ang paligid at wala ni isa man ang kumikilos kahit na nga ba ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang klase sa HU.

"Hurricane! What the f&ck is wrong with you?!"

Napalunok ako nang marinig ang pamilyar na tinig na nagmumula sa likod ko.

Tornado.

Galit ang boses niya at mukhang alam ko na ang dahilan. Pinagmasdan ko si Cane na parang balewala pa rin dito ang ginawa niya at nagawa pang ngumisi. Muling nanlaki ang mata ko nang bumaba ang ulo niya palapit sa akin.

"You owe me a lot, Tagsibol." Bulong niya sa gilid ng tainga ko makaraan ay binaling niya ang paningin sa likod ko na siyang nakapagpalingon sa akin doon. Kung saan nakatayo si Torn na masama ang tingin pero kung dati ay para sa akin lang ang tingin na 'yon. Ngayon ay alam kong para na din ito sa kakambal niya.

"Did you just save this woman a while ago?" mariin ang boses na saad ni Torn.

"Yes."

"Why?!"

"Just because."

"What?! Are you kidding me right now?!"

Nawala ang mapaglarong awra ni Cane at seryosong tinignan si Torn. "Let's talk but not in this place."

"No. Wala ng dahilan pa para mag-usap tayo." Pumitik si Torn at nag-umpisang kumabog ang puso ko nang magsilapitan ang mga alagad niya. "Get her."

Napapikit ako at inantay na lang na may kumaladkad sa akin. Wala na akong planong lumaban pa. I decided that I will just let Torn hurt me the way he wants. Kung tatanungin niyo kung bakit? It's because I am still feeling guilty about what happened with his girlfriend.

"Stop. Touch her and you're dead."

Napadilat ako sa narinig ko at napabaling kay Cane.

What the--- Why is he doing this? He's scaring me... I don't understand it at all... What happened to him?

TBC

המשך קריאה

You'll Also Like

44.6K 3.9K 36
Limampung taon na mula nang mawala ang hinirang ng Ikauna bilang bantay ng kanyang huling testamento. Limampung taon na rin mula nang isilang ang iti...
7.8M 167K 61
The LeFevre Maria Series: Theodore LeFevre's story
271K 7.3K 53
"I fell in love the way you fell asleep: Slowly, and then all at once." #TNCwp
2.5M 34.4K 58
Eight persons in a house. One man. Seven women. Relationship with each other? None. Just TOYS and a master. Sex slaves? Nah. Definitely morethan that...