"I told you many times na kaya ko namang maglakad. Ibaba mo na lang ako Trent." saad ko habang pasan-pasan ako sa likod ng pinsan ko.
Naglalakad na kami sa lobby ng bago niyang condo. Trent loves being independent kaya hindi na ako nagtataka kung umalis siya sa bahay nila Tita Snow at Tito Brent.
"Kaya mo? 'e pagbaba pa lang natin sa kotse muntik ka nang matumba kung hindi kita agad nahawakan. Just take a rest, Spring. At ano bang pinag-aalala mo? That your heavy? 'e mas mabigat pa nga sa'yo si Leo." tukoy niya sa labrador niyang alaga kaya naman tumahimik na lang ako.
Ang totoo niyan masama pa rin ang pakiramdam ko.
Pero hindi naman kasi 'yon ang inaalala ko. Naiilang ako sa mga taong tumitingin sa amin mula nang pumasok kami sa building na ito.
There's only two things na alam kong iniisip ng tao kapag nakita akong kasama ng mala-model kong pinsan.
It's either katulong ako ni Trent o girlfriend niya ako.
Wala man lang nag-assume na pinsan ko si Trent. Well, wala naman talagang maghihinala na magpinsan kami kung pagbabasehan ang mga hitsura namin.
At sa tingin ko ang panghuli ang nasa isip ng mga tao kaya naman hindi ko maiwasang hindi maging komportable.
Duh! Ang incest kaya 'non!
Napatigil lang ako sa pag-iisip at nakahinga ako nang maluwag nang makitang nasa harap na kami ng elevator. Sa wakas ay mawawala na sa paligid---
Kagya't akong napatigil sa iniisip ko nang bumukas ang elevator at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang bumungad sa amin ng pinsan ko.
Standing in front of us is Hurricane Helios.
What the--- Isa siya sa pinakahuling taong gusto kong makita ngayon! Pero tignan mo nga naman ang tadhana...
Hindi nakaligtas sa akin ang nagulat niyang mukha base sa bahagyang panlalaki ng mga mata niya. Pero agad din itong naglaho at napalitan ng masamang tingin.
Pero hindi ko alam kung para sa akin iyon o sa pinsan ko.
Kilala niya ba si Trent?
"Cane? wait--- Torn? Darn you---" hindi na natapos ng pinsan ko ang sinasabi niya nang lagpasan kami ni Cane pero hindi pa rin nakaligtas sa akin ang blanko at tila galit niyang paningin.
"Anong problema 'non?" nagtatakang tanong ni Trent habang hinabol pa ng paningin si Cane.
"K-kilala mo siya T-Trent?" nagugulat kong saad. Alam ko na 'oo' ang isasagot niya pero hindi ko pa rin naihanda ang sarili ko sa sinabi niya.
"He's Light's brother." saad niya sabay pasok sa elevator.
Pumikit ako at huminga nang malalim. "Who is L-Light?" tanong ko.
"Nakalimutan mo na? She's my girlfriend."
Napapikit ako at naalalang Light nga pala ang pangalan ng girlfriend niya na ikinukwento niya sa akin.
Darn, hindi na ako magtataka kung anong iniisip ng bad boy na iyon ngayon! Argh!
CANE
"SO babe... kailan ulit natin gagawin ito?" Napalingon ako sa babaeng hindi man lang nag-abalang takpan ang hubad niyang katawan habang nakahiga pa rin sa kama.
Sinuot ko naman ang damit ko at ngumisi sa kanya. "Never again. I'm done with you."
Napanganga siya sa sagot ko at binato ko nang nahagip na unan na nailagan ko at tumama sa pader. "Asshole!" sigaw niya sa akin.
Bago pa siya muling magsalita ay dumiretso na ako papalabas sa pinto ng kwarto niya. Narinig ko pa ang sigaw niya sa pangalan ko pero anong pakialam ko.
Gustong-gusto din naman niya ang ginawa namin. Mabuti nga at pinatulan ko pa siya.
"Spring!" Napatigil ako sa paglalakad sa narinig ko.
Tagsibol?
Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ang isang batang babae na umiiyak habang karga-karga ng marahil ay ina nito.
"Spring naman kasi, I told you not to run. Look what happe---"
Napatigil sa pagsasalita ang babae nang mapansin ako na masama ang tingin sa kanila. "Anong problema?" nakataas-kilay nitong tanong sa akin.
"There's so many fvcking names in the world, why does it have to be Spring?!"
Niyakap niya nang mahigpit ang batang umiiyak pa rin at tinignan ako na para bang nababaliw ako. Bago pa ito muling makapagsalita ay naglakad na ako at pumasok sa kabubukas lang na elevator.
'Ang dami-daming pangalan sa mundo iyon pa ang pinangalan niya sa anak niya!'
"What the fvck--- why am I reacting like this dahil lang sa pangalan na 'yon?!"
Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa tabi ko nang tignan ako nito. Mabuti naman at nauna itong bumaba kung hindi ay baka nasapak ko na siya sa klase ng tingin na iginagawad niya sa akin.
Muli akong napapikit sa inis nang maalala ang nangyari kanina. Bakit nga ba ganoon na lang ako maka-react nang marinig ko ang pangalan na iyon?
At bakit ba kanina ko pa iniisip ang babaeng 'yon na may pangalan na Spring?
Hindi nga ba't ito rin ang dahilan kung bakit nainis sa akin ang kakambal ko kanina?
At pagkatapos kong makipaglaro sa babaeng 'yon, tuluyan ng nawala sa isip ko ang babaeng apat ang mata na 'yon! Pero sa lahat naman ng pangalan na pwedeng itawag sa batang nadapa kanina. Spring pa talaga!
Tuloy ay bumalik na naman sa isipan ko ang walang malay na hitsura ng babaeng iyon kanina.
May sa mangkukulam talaga ang Tagsibol na iyon!
'Forget that nerd. Forget that four-eyed woman. Forget that b!tch who kicked your ba!!s. Forget that nobody. She is nothing but your toy. She is nothing. So she doesn't---'
Napahinto ako sa iniisip ko nang bumukas na ang elevator.
And now tell me, how can I forget that freaking woman if she is the one I'm seeing right now?
Because standing in front of me, is the one who keeps on messing my mind.
Spring 'freaking' Cruz.
Fvck.
Great. Just fvcking great.
I wasted my time thinking about if she's fine. Just to see her with the man whom I've met a month ago.
How fvcking great, isn't it?
Nakita ko kung gaano manlaki ang mata niya habang nakapasan sa lalaking pinakilala sa akin ng kapatid ko bilang boyfriend nito.
"Cane? wait--- Torn? Darn, you---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng lalaking ilang beses ko nang pinatay sa isipan ko at masama ang tingin ko silang nilagpasan.
Hindi ko inaakala na may itinatago pa lang kalandian ang babaeng iyon.
But then, wrong move Spring.
Sa lahat ng lalaking papatulan mo pagmamay-ari pa ng kapatid ko. Light's can be annoying sometimes but I don't want anyone to hurt her. She's my sister and I promise to protect her.
And that Spring and that as$hole. They'll pay for this.
Ni hindi ko man lang kinakitaan ng gulat ang amerikanong hilaw na 'yon. Tignan lang natin kung anong mangyayari sa kanya kapag nalaman ni Light ang kalokohan n'ya.
Because if I am known as a Bad Boy.
Walang pagkakaiba sa akin si Light.
One rule kung gusto mo pang matahimik ang buhay mo: Never mess with my twin and especially our crazy sister.
Napangisi ako sa naisip ko. Pero agad naglaho ito nang lumabas ako at makita ko kung sino ang babaeng kababa lang ng kotse ko sa harap ng building ng condo na kinaroroonan ko.
Introducing Light Ryie Helios.
Saglit lang akong nagulat pero agad itong napalitan ng isang ngiti.
Isang ngiting demonyo...
'Oh..How I love trouble...'
Especially when it involves my precious little toy.
Spring.
TBC