MY WRONG KIND OF GIRL (Self-P...

By fedejik

4.8M 133K 9.8K

Isang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi... More

Teaser
Teaser 2
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8.1.2
Chapter 8.2.2
Chapter 9
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2
Chapter 11.1.2
Chapter 11.2.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue 1.2 (My Right Kind Of Girl)
Epilogue 2.2 (My Right Kind Of Girl)
To be Self-Published
Want more?

Chapter 40

73.8K 1.6K 234
By fedejik


Dear Angels and Readers,

Dati ko pong binura ang SPG part na ito dahil na rin sa restriction ni Watty noon. Pero para safe pa rin na 'di siya ma-rate na mature, edited pa rin ang version na ito.  Ang full version po ng chapter na ito ay matatagpuan pa rin sa bukod na book na may title na MWKOG Private Chapters.  Though, 'di naman need na mabasa siguro iyon at mild lang talaga. Hindi ko lang po talaga alam kung ano nagiging problema ni Wattpad noon. 

Oh well, salamat po sa pagbabasa.


CHAPTER 40

DALISAY's POV

Matapos ang proposal na iyon ni Danzel ay saglit kaming nakihalubilo sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa negosyo para ipakilala sa mga ito nang pormal. May pailan-ilan na bakas ang pagka-dismaya sa akin pero wala na akong pakialam pa roon. Ang importante ay mahal ako ni Danzel. At ang opinyon ng iba ay hindi lang din makakapagpasaya sa akin. Masuwerte nga akong matatawag dahil may isang lalaki na nagmahal sa akin nang buong-buo kahit pa mas marami naman talagang hihigit pa.

"Are you tired?" alalang tanong pa sa akin ni Danzel matapos na makipagkuwentuhan sa grupo ng mga kaibigan umano niya sa negosyo.

"Ayos lang." Pinisil ko ang kanyang kamay na nakahawak sa akin at hinding-hindi ako makakaramdam nang pagod basta't siya ang kasama ko.

"Hmmm..." Tumango lang siya at hinila ako papasok sa kanilang mansion.

Pailan-ilan na lang din ang kanilang mga bisita lalo pa nga't maghahating-gabi na rin. Hindi ko na nga rin natatanawan si Rosel at possibleng nakatulog na.

Pagpasok namin sa loob ay nadatnan agad namin ang kanyang mga magulang pati na rin ang mga San Carlos na napako ang tingin sa aming dalawa. Kasama rin doon sina Scarlette at Patty na parehas na nagdidilim ang mga mukha.

"Una na kaming magpahinga sa inyo," maagap na sabi pa ni Danzel sabay halik sa kanyang mommy. "Happy birthday again, Mom."

"Thank you, dear," nakangiting sagot naman ni Tita Nenita.

"Happy birthday po, Tita," nahihiyang bati ko rin naman pero mabilis siyang umiling at hinalikan ako sa pisngi. "Mommy na rin dapat ang tawag mo sa akin. You'll soon be part of this family, Isay. Get used to it, okay?"

Wala ako sa sariling tumango at ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.

"Sige na, magpahinga na kayo. Kami na ang bahala sa mga bisita." Si Tito Danilo na matamis rin namang ngumiti.

"Alright, Dad." Matamis pang ngumiti si Danzel at tamang humiwalay lang din saglit sa akin para makapagpaalam nang maayos sa mga San Carlos.

Hindi naman nagtagal ay agad niya akong binalikan at mabilis na ginagap ang aking kamay.

Umakyat kami sa ikalawang palapag ng mansion at binagtas ang daan patungo sa kanyang kwarto. Nang buksan niya ang pinto ay sumalubong sa amin ang lamig sa loob. Pero mas lalo akong nasorpresa nang buksan niya ang ilaw ay tumambad sa akin ang sobrang daming red and white roses na nakakalat sa buong kwarto! Nagkalat din ang mga rose petals sa sahig.

"Oh my God..." Napahawak ako sa may pinto at nanuot sa aking ilong ang bango ng kanyang kwarto. "P-para sa akin ba 'to?"

"Only for you, my Isay," nakangiting sagot pa niya habang inalalayan ako papasok sa loob. Mukha na kaming nasa garden sa dami ng mga roses. At ultimo bed ay punung-puno ng rose petals. "Magpropose sana ako sa ibang araw kaso ito 'yung pagkakataon na mas marami ang makaka-witness kaya I decided na ituloy na lang din today."

"Danzel..." Naiiyak akong tumitig sa kanya dahil sobrang nakakataba talaga ng puso ang effort niya.

"Ano ba, Isay..." Lumapit siya sa akin at agad na pinunasan ang aking luha. "Bakit ba kanina ka pa iyak nang iyak? Masaya ka ba talaga?"

Tumango ako at pinilit kong pakalmahin ang aking sarili.

"Sobrang masaya lang ako. Akala ko panaginip lang ang lahat ng ito, Danzel. Bakit ako?"

"Anong bakit ikaw?" Bahagya siyang kumunot at hinaplos ang aking pisngi.

"Wala akong kayang ipagmalaki sa'yo. Wala ako ni kahit ano. Apelyido ko na nga lang, kahiya-hiya pa. Pero bakit ako ang minahal mo?"

"Hindi na ba kita puwedeng mahalin kung na sa iyo na lahat, Isay? Minahal kita hindi dahil sa kung ano ang mayroon at wala ka. Mahal kita dahil iyon ang nararamdaman nito." Itinuro niya ang tapat ng kanyang puso at malagkit na tumitig sa akin.

"Mahal kita, Isay, dahil gan'un din ang ipinaparamdam mo sa akin. At masaya ako d'un. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin nang ganito. Ikaw lang..." Yumuko siya at sinakop ang labi ko. Dinampian niya ako nang banayad at nakakabitin na halik.

"Isang Montenegro ang magpapabago sa surname mo, Isay. And, you should be happy about it, right? You don't need to suffer with that surname of yours."

"Ang sama nito..." Mahina ko siyang hinampas sa dibdib at manipis siyang natawa.

"I was just kidding, babe." Muli ay sinakop niya ang labi ko pero mas may diin at gigil. "I love you, Isay. I love you."

"I love you too, Danzel. Sobra." Kinabig ko siya sa batok at ako na mismo ang humalik. Hinapit niya ako sa baywang at napakapit naman ako sa kanyang leeg.

Gumapang ang kanyang kamay sa naka-expose kong likod at halos mapasinghap ako sa paghaplos niya sa bahagi kong iyon.

"We need to get out," tila nanghihina pa niyang sabi at mariing pumikit. "You're too tempting right now, Isay."

Pero sa halip na makinig ay muli ko siyang kinabig sa batok at hinalikan. Ibinuka ko ang kanyang labi at napaungol siya nang ipasok ko ang aking dila sa kanyang bibig.

"God, Isay... Stop initiating!" may panermong sabi pa niya at pilit na humiwalay.

Napangiti ako at buong pwersa ko siyang itinulak sa kama.

"What the hell?!" Laglag ang pangang tumitig siya sa akin habang tinutunton ko ang zipper ng aking dress sa aking tagiliran. "Isay..." mahinang usal pa niya habang mataman akong pinagmamasdan sa aking ginagawa. Ilang beses din siyang lumunok habang umiiling-iling.

Mabilis siyang bumangon sa bed at kinabig ako palapit para pigilan ako sa aking ginagawa.

"I can wait on our wedding day, Isay," iiling-iling pa niyang sabi at muling isinara ang zipper ng aking dress.

"Kaya kong gawin ang lahat para sa'yo, Danzel."

"You're not ready for this." Malalim pa siyang napabuntong-hininga at mariing pumikit bago ulit dumilat para titigan ako sa mukha. "I can wait..."

Umiling ako at muli kong tinunton ang zipper ng dress ko.

"Pipikutin na rin kita makasiguro lang akong papakasalan mo talaga ako," pabirong sabi ko pa kahit na sa totoo lang ay malamig pa ako sa bangkay ngayon.

Manipis lang siyang napahalakhak at mariin akong hinalikan sa labi.

"There's no way I am running away, Isay. Dahil dumating man ang araw na takbuhan mo ako, sisiguraduhin kong tatakbo rin ako para sundan ka."

"Ang cheesy mo na talaga ngayon. Nahawa na kita." Pinisil ko ang kanyang mapulang pisngi at noon na siya tumayo.

"Kagagawan mo 'to, Isay. Masyado ka kasing nakakabaliw magmahal."

"Dapat lang mabaliw ka, para 'di mo isiping iwan ako kahit kailan." Tuluyan kong hinubad ang aking suot na dress at napatikhim lang siya nang malayang mapagmasdan ang aking kabuuan. Ilang beses din siyang napalunok at napalitan nang pagnanasa ang kanyang mga mata.

"Are you sure about this?" alanganin pa ring tanong niya.

Marahan akong tumango at naglakbay ang aking kamay sa suot niyang suit. Hinubad ko ang kanyang coat at mas lalong bumigat ang kanyang paghinga.

Niluwagan ko ang kanyang neck tie at nanindig ang balahibo ko sa katawan nang humaplos ang kanyang kamay sa aking baywang.

Tinanggal ko ang butones ng kanyang inner sleeve at halos dumagundong ang dibdib ko sa kaba nang dumampi ang daliri ko sa kanyang balat sa dibdib pababa sa kanyang tiyan.

"I love you..." bulong pa niya hanggang sa tuluyan na ring mahubad ang kanyang long sleeve. Mariin kong kinagat ang aking labi at hinaplos ang kanyang dibdib pababa sa kanyang abs.

Bago pa man ulit ako makagalaw ay nahapit na niya ako at mariing hinalikan sa labi. Naramdaman ko ang kanyang dila sa aking bibig at ibinalik ang mas mainit na halik.

Lumapat ang aking likod sa bed at ramdam ko rin ang rose petals sa aking likod. Malamig ang kwarto pero sobrang init ng aming mga balat.

Pinagsaluhan namin ang mga sandaling iyon na punong-puno ng pagmamahal para sa isa't-isa.

"I'm glad I'm your first, Isay..." malambing pang sabi niya habang marahang hinahaplos ang aking pisngi. "We'll get married soon."

Tumango ako at wala naman din akong pinagsisisihang ibinigay ko iyon sa kanya.

"Mahal kita, Danzel." Sinuklay ko ng aking mga daliri ang kanyang buhok na nagulo dahil sa pagsabunot.

Matamis lang siyang ngumiti at buong pagmamahal ulit akong hinalikan. At kahit pa mahapdi pa ang bahagi kong iyon ay muli ko ulit inialay ang aking sarili nang walang pag-aalinlangan. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 5.2K 6
She's Mine Side Story Devon's face turned red with rage. "You bitch" He said sharply. I laughed, lips curled up in amusement. "I'm what you said, tha...
17M 270K 62
"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then you'll have to endure the pain." He was a...
706K 14.9K 42
Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama s...
12.4M 152K 86
Lahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakaila...