MY WRONG KIND OF GIRL (Self-P...

By fedejik

4.8M 133K 9.8K

Isang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi... More

Teaser
Teaser 2
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8.1.2
Chapter 8.2.2
Chapter 9
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2
Chapter 11.1.2
Chapter 11.2.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue 1.2 (My Right Kind Of Girl)
Epilogue 2.2 (My Right Kind Of Girl)
To be Self-Published
Want more?

Chapter 38

65.3K 1.9K 846
By fedejik

CHAPTER 38

DANZEL ERSHAD's POV

Almost past seven o'clock nang magdatingan ang mga bisita namin ni daddy. Sa tagal ko sa negosyo, sanay na ako sa ganitong mga okasyon. At a very young age, nahasa na rin ako ni dad sa pakikitungo sa ibang tao. Isang susi raw kasi sa successful na negosyo ay ang magandang pakikisama sa mga client. Which I believed is true because tried and tested ko na rin for the past years I'd been handling the family business.

Mabilis na dumagsa ang mga bisita namin pero hindi ko pa rin nakikita sina Rosel at Isay. I have to admit, nand'on 'yung excitement na makita si Isay sa kakaibang ayos. Hindi dahil nagsasawa ako kundi dahil curious ako kung kaya pa nga ba siyang lalong pagandahin ni Rosel.

Hindi naman din nagtagal ay dumating ang mga San Carlos kasama ang magpinsang Patty at Scarlette.

Nagsalubong ang titig namin ni Scarlette at tipid akong ngumiti. Well, Scarlette was a beauty queen. I think we hang-out for weeks and I enjoyed having her in my bed. But just that.

"Danzel. Ershad. Montenegro..." Marahan pang bigkas ni Scarlette sa pangalan ko at nakita ko rin ang pagbabago ng aura sa mukha ni Patty.

"Scarlette." Tumango ako at binati ko rin si Patty na himalang hindi masyadong makulay ang suot ngayon. "Patty."

"Hello, Danz." Abot-tainga pang ngiti ni Patty at humalik sa aking pisngi. "It's good to see you again."

"Same here, Patty," pormal namang sagot ko lang at humakbang nang isang beses paatras.

"You're looking good, Danz." Si Scarlette na pinasadahan pa ako nang tingin mula ulo hanggang paa.

"Thank you, Scarlette," pormal lang din na sagot ko at gusto ko nang umalis. Mas gugustuhin ko pang kausap sina Tito Fortunato at Tita Miranda kaysa sa kanilang dalawa.

"I missed you, Danz." Mabilis pang nakalapit sa akin si Scarlette at niyakap ako. This was really awkward.

"T-that's nice, Scarlette." Tinapik ko siya sa likod at pasimpleng dumistansya sa kanya.

"Remember the old times, Danz..." Malagkit pa siyang tumitig sa akin at mariing kinagat ang kanyang labi.

"Umm..." Napasulyap lang ako kay Patty na nagdidilim ang mukha. "It's been a while. I am really busy." Pag-iwas ko pa at ayoko na pag-usapan pa ang nakaraan na. What we had before was pure lust. Nothing really special. "What about you? Are you handling family business too?"

"I hate your topic, Danz. That will bore me." Ngumuso siya at mabilis na namang nakakapit sa akin. Iniikot niya ang kanyang mga kamay sa aking leeg at agad ko ring hinawakan iyon para tanggalin.

"Scarlette..."

Pero naging mabilis ang kanyang pagkilos at nakabig na kaagad niya ako sa may batok at mariing hinalikan sa labi! Shit!

"Kuya!" Hindi ko alam kung papaano ko naitulak si Scarlette na nakangisi pa at sumulyap din kay Rosel na nagdidilim ang mukha. Pero nanlamig ako nang mabalingan si Isay na nasa likod lang ni Rosel at nagdidilim din ang mukha.

"I-isay, I can explain..." Mabilis akong lumapit sa kinatatayuan niya at nananatiling seryoso ang kanyang mukha. "You—" Saglit akong natigilan sa pagtitig sa kanya at wala akong masabi sa kanyang ganda. I must commend Rosel, my Isay is a goddess. Straight at na-retouch na rin ang kulay blonde niyang buhok. May fresh red rose pa siyang kulorete sa kanyang buhok at red lipstick na nagpalutang pa nang husto sa kanyang ganda. She's wearing a simple red dress but enough to reveal her flawless white creamy skin. "You look so beautiful, Isay." Hindi ko na rin napigilang sabihin at ang hirap ihiwalay ang tingin ko sa kanya.

Narinig ko ang pag-ismid ni Rosel at tila inis na umirap naman si Isay.

"Danzel!" Natutop ko lang ang aking noo sa mabilis na paglapit na naman ni Scarlette kasunod si Patty na tila wala rin sa mood. "I'm bored... 'Wag mo naman akong iwan," naghihinampo pang sabi niya at kumapit na naman sa braso ko.

"Saglit lang akong nawala, kung kani-kanino ka na nagpapahalik," masungit na sabi pa ni Isay habang nakahalukipkip naman si Rosel na nakasimangot din.

"Who is she?" Kunot-noo pang tanong ni Scarlette na nananatiling mahigpit pa rin ang kapit sa braso ko.

"Girlfriend lang naman ni Kuya Danz, Ate Scarlette," sarcastic pang sabat ni Rosel at namaywang pa.

"Danz?" Madilim pa ang mukhang tanong ni Scarlette habang matamang nakatitig sa akin.

"Isay is my girlfriend, Scarlette." Pasimple kong inalis ang kanyang kamay na naka-angkla sa aking braso at agad na lumagay sa tagiliran ni Isay na nakasunod lang din ang tingin sa akin. "The beautiful lady in red is my lovely girlfriend." Ngumiti ako at hinapit siya sa baywang.

"Bolero." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at alam kong hindi siya galit.

"I did not kiss her," bulong ko pa at malalim lang siyang bumuntong-hininga.

"Nakita ko." Nilingon niya ako sabay ngumuso. "Pero ayoko nang may ibang humahalik sa'yo."

"I don't like it either. It's only your lips that I want to kiss, Isay." Sumeryoso ako at tila mas pumula ang kanyang pisngi. "Damn, you're so beautiful." And, I truly meant it.

"Thank you. Pero may kasalanan ka pa rin," sabi pa niya sabay irap.

"What do I have to do for you to forgive me?"

"Hmmm..." Naglaro ang ngiti sa kanyang labi sabay nagtaas ng kilay. "Halikan mo ako."

"Oh..." That's way too easy. Ngumiti ako at bahagyang umiling. "I would be very happy to do that, babe." Walang pasabing hinapit ko siya sa baywang at ikinulong sa aking mga braso.

"Joke lang. Ang bilis!" Natatawang tinapik niya ako sa dibdib at mabilis akong yumuko upang hulihin ang kanyang labi.

"My God, Kuya. Kakaayos ko lang kay Ate!" Natatawa ring sabi ni Rosel at pasimpleng inginuso sina Scarlette at Patty na parehas laglag ang panga sa pagtitig sa amin ni Isay.

"But anyway, kiss proof naman 'yan." Kumindat pa si Rosel at nagpigil nang ngiti.

"Danz..." Noon na lang ulit kami napabaling nang tingin kay Scarlette na tila iritang-irita.

"Sorry..." Saglit kong binitiwan si Isay pero nakaikot pa rin ang isa kong kamay sa kanyang maliit na baywang. "Scarlette, this is Isay, girlfriend ko. And my babe, Isay, si Scarllete. Cousins sila ni Patty," pormal na pakilala ko sa kanila.

"Isay? What's your family name?" mapakla pang tanong ni Scarlette.

"C-capekpek," maagap namang sagot ni Isay at 'di ko napigilan ang mapangiti. Si Rosel naman ay mariin lang ding kinagat ang kanyang labi at tumingin kung saan para rin pigilan ang pagngiti.

"Capekpek?" mangha pang tanong ni Scarlette habang si Patty ay 'di na talaga napigilan ang mapahagikhik. "What kind of surname is that?"

"May problema ka sa apelyido ko?" masungit na tanong pa ni Isay at sinamaan ako nang tingin. "Ang sama mo, a." Inirapan niya ako at manipis lang akong napahalakhak.

"She'll be a Montenegro, Scarlette," sagot ko naman at nakangiting umirap pa sa akin si Isay.

"Montenegro?" Biglang nabago ang aura ni Scarlette na para bang hindi inaasahan ang sagot ko.

"Yup." Tumango ako at matamang nakipagtitigan kay Isay na tila nagtatanong. Isip siguro niya ay biro lang ang sinasabi ko.

"You're out of your mind, Danz," dismayado pang sabi niya.

"I think I am, Scarlette," sagot ko naman at muling tinitigan si Isay. "...because I am so crazy about her."

Mariing kinagat ni Isay ang kanyang labi at parang kilig na kilig.

"Galing mo na magpakilig, Kuya. Promise." Si Rosel na namumula rin ang pisngi habang matamang nakatitig sa aming dalawa.

"Learn the business mingling, kiddo." Muli kong ibinalik ang tingin kay Isay. "And, I'll take care of my lady here."

"But Danz..." Si Scarlette na tila sumasaklolo pa nang tingin kay Patty.

"Enjoy the food, ladies." Putol ko na rin naman sa kanya sabay hapit kay Isay palapit. "But for now, dito muna ako sa Dalisay ko."

"Bolero..." pabulong pa niyang sabi at ngumiti lang ako.

"Excuse us." Hinila ko na palayo si Isay doon dahil knowing Scarlette, jeez, nasisiguro kong gagawa lang siya nang gulo.

"Ayoko sa Scarlette na 'yun," inis pang sabi ni Isay habang hinihila ko siya palayo sa mga tao.

"Are you jealous?" natatawang tanong ko pa lalo pa nga't ang cute niya magselos.

"Hinalikan ka niya, anong hindi nakakaselos d'on?" nakasimangot pa niyang sabi. Mabilis ko siyang kinabig paharap sa akin.

"Wala kang dapat ipagselos sa kanya dahil ikaw lang ang mahal ko, Isay. Ikaw lang ang Capekpek sa buhay ko." 'Di ko mapigilang matawa sa tuwing bibigkasin ko ang kanyang apelyido. The sound was really weird.

"Tantanan mo na nga pagbigkas sa apelyido ko. Kinikilabutan akow, e." Nalukot ang kanyang mukha at malakas akong tinapik sa dibdib.

Napahalakhak ako at ginagap ang kanyang mukha.

"You're perfect for me, Isay... even if your surname sounds horrible."

"Ang sama mo talaga!" Mas lalong nalukot ang kanyang mukha at umiling lang ako sabay halik nang manipis sa kanyang labi.

"Rosel did a good job on you, huh?" Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Damn, she's gorgeous. Sino ba mag-aakalang ang stalker kong si Isay ay ganito kaganda?

"Dati na akong maganda. Aminin mo na!" Ngumuso siya at umirap. Natawa lang ako at niyakap ko siya nang sobrang higpit. Pailan-ilan man ang mga tao sa pwesto namin ay halatang kami pa rin ang pinagtitinginan nila. Well, I can understand that. I'd never been this showy with my past girlfriends. I think naiiba talaga si Isay sa lahat.

"Oo na. Gusto pa talaga marinig," natatawa ko pang sabi habang inaamuy-amoy ang kanyang mabangong buhok.

"Ang bango mo naman, babe. Pa-tsansing naman o!" Gigil na niyakap niya ako pabalik at 'di ko naiwasang mapahalakhak nang malakas.

"Baka higit pa sa tsansing ang magawa ko sa'yo, Isay... kapag ganyan ka kaganda."

"Sus!" Nakangiti niya akong tiningala at nagpa-cute. "Ang gwapo mo rin kaya."

"Well, matagal ko nang alam 'yan." Yumuko ako at muling sinakop ang kanyang labi. "Maybe, we can go somewhere private?" Nakakaloko ko pang sabi.

"Hahanapin ka ng parents mo." Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at halos lahat ng mga mata ay sa amin nakatutok. Jeez...

"Hmmm..." Niluwagan ko ang yakap sa kanya at nagmasid din sa paligid. "Come on." Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay patungo sa set-up stage.

Hindi naman na siya umalma pa pero ramdam ko ang lamig ng kanyang mga kamay.

Nakangiting sumenyas sa amin si Rosel at kumindat lang ako sa kanya. This is it, Danz. This is really it.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 50.5K 54
Mga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si T...
706K 14.9K 42
Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama s...
61.5K 1.7K 54
Isang malaking aksidente ang naganap at kinailangan ni Sharla ng heart transplant para mabuhay, ngunit kasabay ng pagkakataong mabuhay ay ang pagkaka...
8.4M 163K 95
"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pagsusumamo ni Vincent. "You left me alone...