MY WRONG KIND OF GIRL (Self-P...

By fedejik

4.8M 133K 9.8K

Isang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi... More

Teaser
Teaser 2
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8.1.2
Chapter 8.2.2
Chapter 9
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2
Chapter 11.1.2
Chapter 11.2.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue 1.2 (My Right Kind Of Girl)
Epilogue 2.2 (My Right Kind Of Girl)
To be Self-Published
Want more?

Chapter 29

71K 1.9K 93
By fedejik

CHAPTER 29

DALISAY's POV

Sa araw-araw na magkasama kami ni Danzel ay mas lalo ko siyang nakikilala at mas lalo ko siyang minamahal sa mga magagandang katangian niya. May mga panahon na naiilang lang ako kapag nasa opisina na dahil talagang walang alinlangan siyang nagpapakita ng sweetness sa akin kahit pa nakikita ng kanyang mga empleyado. At hindi na kailangan ng salita para lang patunayan kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Danzel.

"Ikaw ha, Isay. Anong ginawa mo kay Sir?" naiintriga pang tanong ni Ms. Lianne.

Bahagya pa kaming napatingin sa opisina ni Danzel at mukhang hindi pa niya alam na nandito na ako.

"Wala naman, Ms. Lianne. Sadyang maganda lang ako kaya nabaliw sa akin si Danz," nakangiting biro ko pa at iiling-iling siyang humalakhak.

"I still can't believe it." Nagtataka pa siyang napaisip at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Kataka-taka lang." Ngumuso ako at ibig ko yatang mainis sa paraan nang pagtitig niya. "Well, puro modelo ang karaniwang dinedate ni Sir Danzel bago ka pa man dumating."

"Mukha naman akong modelo, a." Tinaasan ko siya ng kilay at malakas lang ulit siyang tumawa.

"Kung ano man gayuma mo, share mo naman, Isay," nang-iinis pang sabi niya at sa halip na pumatol ay idinaan ko na lang sa ngiti ang pang-aalaska niya. Gayon pa man, may bahagi sa aking napapaisip din. Pero ramdam ko ang pagmamahal ni Danzel. Hindi naman siguro gawa-gawa lang ang lahat.

"Good morning, Isay." Sabay kaming napalingon ni Ms. Lianne sa pinanggalingan ng boses. Diretso ang tingin sa akin ni Danzel na halos magpalusaw sa tuhod ko.

"Good morning, Babe," nakangiting bati ko pa at iiling-iling naman siyang ngumiti kay Ms. Lianne na parang hindi pa rin makapaniwala talaga.

"Nakaubos ka na?" Sinulyapan pa niya ang dala kong basket na wala na ngang laman.

"Yup." Tumango ako at tahimik na umatras palayo naman si Ms. Lianne. "Kumain ka na?"

"Medyo busog pa ako." Hinipo pa niya ang kanyang tiyan at bahagyang ngumuso sa akin. "Sa opisina muna tayo." Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at agad na nahagip ng mga mata ko ang tingin ng mga masisitsit na empleyado roon.

Nang madaan kami sa table ni Ms. Janella ay abot-tainga din ang kanyang ngiti. Tamang tinanguan lang siya ni Danzel pero wala namang sinabi.

Pagpasok namin sa opisina ay agad akong hinapit ni Danzel sa baywang at walang pasabing hinalikan. Palaging ganito ang eksena namin sa araw-araw. Parehas kaming adik sa halik at ang hirap magpigil.

"This is what I missed everyday, Isay..." malambing pang sabi niya habang paunti-unting hinahalikan pa rin ang labi ko.

"Para namang hindi tayo magkasama sa suite mo." Kinurot ko siya sa tagiliran at nakangiti naman niya akong hinarap.

"It never felt that way, Isay. Meaning lang, kulang pa rin ang oras na kasama kita." Muli ay hinalikan niya ako at masyado na nga akong nalulunod sa pagmamahal ko.

"Sabi ko na sa'yo, e, meant to be tayo," natatawa pang sabi ko at iiling-iling naman siyang humalakhak.

"Hindi ko naisip 'yan, Isay. Pero mukhang tama ka nga. Ang galing mo kasi manligaw."

"Ako pa!" Kinabig ko ulit siya palapit at gigil na hinalikan ulit sa labi. "Wala kang magagawa kapag 'di pa ako umuwi." Hinaplos ko ang kanyang batok at malalim naman siyang napabuntong-hininga.

"Oo nga. Three days 'din ang team building. Sama ka, ha."

"Nakakahiya naman sa mga tauhan mo," alanganin pang sabi ko lalo pa nga't ibang level naman na ang relasyon naming dalawa.

"They are not dumb, Isay. Hinahalikan nga kita sa harap nila, diba?"

"Oo nga. Iba na kasi ang pakiramdam ngayon."

"Of course. Iba na ngayon kasi mahal na kita, Isay," seryosong sabi pa niya at iyon ang mga salitang pinakamasarap sa tainga ko.

"Mahal na mahal din kita, Danzel. Gusto mo bang kantahan kita ulit Oh Babe?" Kinindatan ko siya at malakas naman siyang natawa.

"Oo na, Isay. Ang baduy ng kanta mo pero hulog na hulog ako sa kanta mong 'yan." Gigil niyang pinisil ang pisngi ko at natawa lang ako.

"Sabi ko na, e." Niyakap ko siya nang mahigpit at pinagsawa ang sarili ko sa kanyang mabangong amoy. Wala man lang yatang pagkakataon na bumaho siya kaya sobrang nakakagigil.

"Ayusin mo na ang mga gamit mo, ha," paalala pa niya at napatango lang ako.

"Ang mga gamit mo gusto mong ayusin ko na?" Tiningala ko siya at bahagya naman siyang umiling.

"Ako na ang bahala d'un. Madali na 'yun."

"Sige na nga, iwan na kita."

"Iiwan mo ako?" Kumunot ang kanyang noo na para bang nagtatampo.

"Ibig kong sabihin, aalis muna ako para 'di na kita maabala." Umirap ako at umismid lang siya.

"Alright. I'll see you later."

"Ayaw mo bang maglunch muna?"

"Full pa talaga ako." Muli ay hinimas niya ang kanyang tiyan. "Ikaw ang 'wag magpabaya, okay?"

"Opo. Sige na." Tinapik ko siya sa dibdib at noon na niya ako binitiwan.

"Dala mo ba ang cellphone na ibinigay ko sa'yo? Baka iniwan mo na naman sa suite?" may parungit pa niyang tanong.

"Opo, dala ko. Ang sungit!" Ngumuso ako at napailing lang siya. Binilhan kasi niya ako nang mamahaling cellphone na ayaw ko man sana tanggapin ay wala na lang din akong magawa.

"Naniniguro lang, Isay. Ayokong mamatay sa sobrang pag-aalala sa'yo palagi," nag-aalala pang sabi niya at parang hinaplos ang puso ko sa pagkakataong iyon.

"Oo na po. 'Wag ka na po mag-alala, hmm?" Banayad kong hinaplos ang kanyang pisngi at marahan naman siyang tumango.

"I'll miss you the whole day again," malambing pa niyang sabi at tila kiniliti naman ang tiyan ko sa sobrang kilig.

"Ang sweet mo talaga, Babe. Kinikilig ako!"

Malakas siyang humalakhak at mabilis ulit akong dinampian nang halik sa labi.

"You need to go before I even decide to keep you here with me," pagtataboy pa niya at nakangiting umirap naman ako.

"Oo na. See you later, Babe." Noon na ako lumayo sa kanya at malamlam ang kanyang mga matang tumitig sa akin.

"See you later, Babe," malambing na sabi pa niya at halos mapunit ang labi ko sa pagkakangiti. Madalang man niya akong tawaging 'Babe' ay sobra-sobra naman ang kilig na nararamdaman ko sa tuwing tatawagin niya ako nang gan'un.

"Paano pa ako magkakaanak nito?" maktol ko pa sa may pintuan.

Kumunot siya na parang naguguluhan sa sinabi ko.

"What do you mean?"

"Pinapasabog mo kasi ang obaryo ko sa tuwing tinatawag mo akong Babe."

"Puro ka kalokohan, Isay," natatawang sabi pa niya at sinenyasan akong lumabas na.

"I love you, Babe," pahabol ko pa at hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Masaya ako kay Danzel at iyon lang ang nararamdaman ko ngayon.

Nang makalabas ako ng building ng Montenegro ay gayon na lang ang gulat ko nang biglang may humablot sa braso ko! At halos magtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan sa pagkakita kay Tatay Estong!

"Tito..." Agad na nanginig ang katawan ko at matagal na panahon ko na rin siyang hindi nakikita. Akala ko ba ay binabantayan siya ni Odik? Bakit nandito siya?

"'Wag ka na gumawa ng ingay, Isay. Kung ayaw mong bumaon sa'yo ang kutsilyong hawak ko," nakangisi pa niyang sabi at noon ko na lang napansin na may hawak nga siyang nakatago sa kanyang maduming long sleeve.

Sa hitsura niya ay mukha na talagang nagpabaya sa sarili at amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo sa kanyang katawan.

Marahan akong tumango at sumunod na lang muna sa kanyang gusto. Nanlalamig ako at pakiramdam ko ay hindi ko maihakbang nang maayos ang aking mga paa.

Dinala niya ako sa maliit na park sa harap din mismo ng building ng Montenegro. Pinilit niya akong paupuin sa sementong upuan at nakaakbay pa siyang tumabi sa akin habang nakatutok pa rin ang isang kamay na may hawak na patalim sa tagiliran ko.

"Balita ko nagsasama na kayo n'ung mayamang boyfriend mo, a." Dinungaw niya ako gamit ang nakakalokong ngiti.

"P-pinapatira lang p-po niya ako d'un." Pinilit kong kumalma kahit na parang maiihi na ako sa takot. Higit na nakakatakot ang hitsura ni Tatay Estong ngayon dahil sa bigote at balbas niya sa mukha. Namumula rin ang kanyang mga mata na tila sabog sa droga.

"Ibinigay mo na ba ang bataan mo sa kanya, huh, Isay?" may gigil pang tanong niya at hindi ko malaman ang dapat na isagot.

"O-opo," naisagot ko na lang sa pag-asang tatantanan na niya ako.

Napatikhim siya at mas hinapit ako palapit sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at iiling-iling pang tumitig sa akin.

"Sabi ko na nga bang malandi ka rin, e, 'no? Alam ba niyang plano mo pa rin ang lahat nang ito? Balak mo magpabuntis para makuha ang gusto mo, huh, Isay?"

"M-mahal ko p-po si Danzel, Tito." Tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan.

Napangisi siya sa akin na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Ang mayamang kagaya ng boyfriend mo, hindi magpapatali sa kagaya mo, Isay," matigas pa niyang sabi habang hinaplus-haplos ang aking ulo. Gusto ko na sana siyang itulak pero nauunahan ako nang takot. "At habang kaya mo pa siyang hawakan sa leeg, perahan mo na." Dinungaw ulit niya ako pero nag-iwas ako nang tingin. Hindi ko kayang titigan ang mala-demonyong ekspresyon ng kanyang mukha.

"'Di ko po m-magagawa k-kay Danzel 'yun..."

"'Wag kang tanga, Isay!" pagalit pa niyang sabi. "Alam nating parehas na hindi ka seseryosohin ng gagong 'yun! Sinong tanga ang papatol sa kagaya mong nasa iskwater lang?"

"Mabait na tao po si Danz." Pinigilan ko ang panginginig ng aking labi at humugot nang isang malalim na buntong-hininga.

"Bait-baitan dahil pinapakinabangan pa niya ang katawan mo, Isay. Kapag lumipas na ang libog niya sa'yo, nakakalamang na itatapon ka na lang din niya kung saan. At babalik ka rin sa putikang pinanggalingan mo," tiim-bagang pa niyang sabi at hindi ko alam kung ano bang dapat na isagot pa d'un. Natatakot akong kapag kinontra ko siya nang todo ay mas lalo siyang magalit at magawan ako nang hindi maganda. "Kailangan ko ng pera, Isay. Kalahating milyon. At ikaw lang ang makakapagbigay noon sa akin."

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi at napatitig sa kanyang pawisang mukha.

"S-saan po ako kukuha nang ganoong h-halaga?"

"Sa boyfriend mo. Hingan mo siya! 'Wag kang tanga!" alsa-boses pa niyang sabi sabay umiling-iling. "Pinapakinabangan naman niya ang katawan mo, hingan mo ng pera. Bibigyan ka n'un!"

"H-hindi ko po k-kaya..." Mabilis pa akong umiling at galit naman niyang kinabig ang ulo ko at isinandig sa kanyang balikat. At mas lalong nanginig ang katawan ko dahil naramdaman ko ang talim ng kanyang kutsilyo sa aking tagiliran.

"Kailangan ko ang perang iyon, Isay. Makabayad ka man lang ng utang na loob sa pamilyang nag-aruga sa'yo," mariing sabi pa niya. "Pero kung kakalabanin mo ako, baka gusto mong sabihin ko sa boyfriend mo kung sino ka ba talaga?"

"P-po?" Napalunok ako at agad na namahay ang takot sa dibdib ko. Natatakot akong mawala si Danzel. Baka hindi niya ako mapatawad! "'Wag po, Tito. 'Wag po."

"Kailangan ko ang perang iyon, Isay. Pero 'wag kang mag-alala. Bibigyan kita nang mahaba-habang panahon para d'yan. At sana kapag naibigay ko na ang panahong iyon sa'yo, maibigay mo na rin ang hinihingi ko. Maliwanag ba?"

Wala ako sa sariling napatango kahit na alam kong hindi ko kayang gawin iyon kay Danzel.

"Good girl." Nakangisi pa niya akong pinakawalan at hinaplos ang ulo ko na parang bata. "Wag mo akong gagaguhin, Isay. Kung ayaw mong pagsamahin ko kayo ng boyfriend mo sa libingan."

Tumango na lang ulit ako at naglandas ang luha sa aking mga mata. Hinalikan niya ako sa noo at napakuyom na lang ang aking palad sa galit.

Nakangisi siyang lumayo sa akin at naglakad na parang wala lang. Naiwan akong luhaan at wala pa ako sa sariling napatingala sa matayog na building ni Danzel. Iniisip ko pa lang ang magiging reaction niya kapag nagsabi ako ay tila dinudurog na ang puso ko. Alam kong iiwan niya ako. At hindi ko yata iyon kaya.


********

Dear Angels and Readers,

Happy Anniversary sa mansion natin. Actually kahapon pa. Mag UD nga sana ako bilang gift para sa lahat kaso naman pamatay ang net. Kalerks. Sana nga magpost ito ngayon. I love u guys so much at salamat sa walang sawa na nagpaparamdam suporta sa oras na kailangan ko siya. Libre ang talong at upo sa hacienda. Tara na! 😂

❤ Ate Mommy Dean



Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 128K 56
Raynesha Deanise Samaniego or Ysha loves the freedom too much. Kaya naman nang mawala ang kalayaan sa kanya ay ganoon na lang ang kanyang paninibago...
706K 14.9K 42
Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama s...
4.7M 82.9K 46
Hindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar...
16.1K 408 53
Liam and Billy were each other first love since they are Elementary. But they are meant to fall apart because of the incident that none of them expec...