MY WRONG KIND OF GIRL (Self-P...

By fedejik

4.8M 133K 9.8K

Isang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi... More

Teaser
Teaser 2
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8.1.2
Chapter 8.2.2
Chapter 9
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2
Chapter 11.1.2
Chapter 11.2.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue 1.2 (My Right Kind Of Girl)
Epilogue 2.2 (My Right Kind Of Girl)
To be Self-Published
Want more?

Chapter 19.1.2

69.7K 2.4K 198
By fedejik

CHAPTER 19.1.2

DALISAY's POV

May kung ilang araw na rin ang nakakaraan at nawala na naman si Danzel. Mukhang iniiwasan na naman niya ako katulad nang dati at hindi ko mapigilan ang malungkot.

"Hoy! Biernes santo na naman ang mukha mo, Isay," puna pa ni Odik sa akin na noo'y abala sa paggugupit ng buhok ng isa niyang customer.

"Ako? Bakit mo naman nasabi?" Umirap ako at dumiretso nang upo.

"Kilala kita." Umirap din siya at ngumuso. "Kahit na gabi-gabi ka dinadalaw ni Harold, wala akong makitang bituin sa mga mata mo."

Natahimik ako at hindi ko kayang magsinungaling kay Odik. Ilang araw na hindi ko man lang nakikita si Danzel at hindi rin siya nagte-text. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kwarto at bigla na lang ay nagkaganoon na siya nang pagtrato sa akin. Nagmukha ba akong pokpok noong gabing 'yun? Masyado ba akong aggressive? Haist...

"Namimiss mo si Danzel, 'no?"

"Hindi, a," pagkakaila ko pa.

"Siraulong 'yun! Paasa rin," nakasimangot pang sabi niya habang nakatuon ang atensyon sa ginugupitan.

Hindi ako kumibo at baka kung ano pa ang masabi ni Odik. Tama naman kasi siya.

"Labas lang ako. Hanap ako makakain," iwas ko na lang at hindi talaga ako komportableng mausisa pa.

"Uwian mo ako," sabi pa niya habang palabas ako ng pinto.

Tumango ako at naglakad palayo roon. Habang binabagtas ko ang masikip at maruming eskinita ay hindi ko maiwasang makaramdam nang matinding lungkot. Napakatagal na panahong wala man lang ipinagbago ang buhay ko. Nakakalungkot isipin na kahit anong pagsisikap ko ay hindi ko magawang makaahon sa putikang ito.

"Isay!" Naantala ang aking pag-iisip sa pamilyar na boses na iyon. Si Harold.

Huminto ako sa paglalakad at mapaklang ngumiti sa kanya. Kulang na lang ay sa apartment na ni Odik siya tumira dahil sa walang palya niyang pagdalaw sa akin.

"Saan ka pupunta?" nakangiting tanong pa niya.

"Maghahanap nang makakainan," simpleng sagot ko lang at sa totoo lang ay mas gusto kong mapag-isa. Pero mukhang wala akong magagawa sa kakulitan ni Harold kapag nagkataon.

"Sama ako. Sa parke tayo." Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa sakayan ng jeep.

"Lalayo pa tayo."

"Okay lang 'yan, Isay," hindi pa paawat na sabi niya at wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa gusto niya.

At dahil medyo padilim na ay kamangha-mangha talaga ang tanawin sa siyudad. Nang makarating kami sa parke ay nagkalat din ang mga namamasyal at mga kumakain ng street foods.

"Alanganin naman ang merienda natin, Isay," natatawang sabi pa ni Harold habang tumutuhog ng fishball.

"E, dapat kasi chitchirya na tig pipiso lang ang bibilhin ko, e, dito mo ako dinala." Umirap ako at nagsimula na ring kainin ang fishball ko.

"D'un tayo!" Itinuro niya ang malapit na stone bench at tumango naman ako.

Maraming nagde-date na nakapaligid sa amin at ibig kong mailang dahil hindi naman kami magkasintahan ni Harold.

"Ang ganda pala dito kapag gabi, Isay," sabi pa niya habang nakamasid sa mga taong nagdaraan sa aming harapan.

"Oo nga," sang-ayon ko naman at tumitig sa fountain na paiba-iba ang kulay.

"Okay ka lang ba?" alalang tanong pa niya.

"Oo naman!" Pinilit kong ngumiti nang maluwag. "Bakit mo naman naitanong?" Pumaling ako sa kanya at pinanood ang kanyang ekspresyon.

"Hmm..." Malalim pa siyang nag-isip bago muling ibinalik ang titig sa akin. "Namimiss mo siya, 'no?"

"Huh?" Napamaang ako at ngumuso. "Sino naman mamimiss ko?" Nag-iwas ako nang tingin at nagkunwaring walang idea sa sinasabi niya.

"'Yung may ari ng building na 'yan." Nag-angat siya nang tingin at tiningnan ang matayog na building ng Montenegro.

"'Di ko alam ang sinasabi mo." Umirap ako at ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pagkain ng fishball.

Humugot siya nang isang malalim na buntong-hininga at wala naman nang sinabi. At matapos nga naming kumain ay naglakad-lakad kami sa palibot ng parke.

Kung tutuusin ay hindi mahirap mahalin si Harold. Mabuti siyang tao at maraming pangarap sa buhay hindi katulad nang iba na kuntento sa patambay-tambay. Pero nasa kalagitnaan kami nang paglalakad nang marinig ko ang kantang Oh Babe. Ayos na timing talaga. Umiling ako at parang may kurot akong naramdaman sa dibdib ko. Shit lang.

♫♪ Oh Babe, isang ngiti mo lang

Pawi na ang aking uhaw

'wag ka lamang tatawa

baka ako'y malunod na... ♪♫

Bigla pang sumabay si Harold at gusto ko yata siyang pigilan sa ginagawa niyang pagkanta. Pero hindi pa man natatapos ang kanta ay agad akong natigilan nang may isang lalaking nakatayo nang diretso sa lalakaran namin. Naka-hood siya at kahit pa hindi gaanong kaliwanag sa kinalalagyan niya ay kilala ko ang mga matang iyon. Kumalabog ang puso ko at hindi ko malaman kung magkukunwari ba akong hindi siya nakikita.

♫♪ Oh Babe, ako'y talagang patay na patay sa'yo

Sa true love mo ako mahihimlay

Babe, ano nga bang tunay na sikreto mo

At ako ay nabihag mo nang husto... ♪♫

Wala ako sa sariling kumapit sa braso ni Harold at nakangiti pa siyang bumaling sa akin na para bang natuwa sa ginawa ko. Nag-iwas ako nang tingin kay Danzel na alam kong masama ang titig sa akin. Pero siguro nga, ito ang paraan upang makaiwas sa sakit. Magkunwaring masaya at hindi siya namimiss.

Nang malapit na malapit na kami sa kinakatayuan niya ay panay pa rin ang kanta ni Harold na hindi alintana ang nangyayari. Napilitan akong dungawin si Danzel na noon ay diretsong nakatingin sa akin at madilim ang mukha. Mabilis kong binawi ang tingin at hinila si Harold.

"O bakit, Isay?" takang tanong pa niya nang malagpasan na namin si Danzel.

"Uwi na tayo, matatae ako," naikatwiran ko naman at malakas na napahalakhak lang si Harold.

"Ang dami mo kasing nakaing fishball. Ayan tuloy. Dali na at baka sa daan ka pa magkalat." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at nagpatianod na lang sa kanya.

~~

Kinabukasan ay wala sana akong balak magdeliver ng ulam sa Montenegro building pero bigla ko namang nakahiyan na tumanggi dahil dinaanan pa talaga ako nang matanda sa apartment para pakiusapan. Hindi raw kasi niya kayang maglakad nang malayo dahil sa kanyang kumikirot na rayuma. Gusto ko sanang isama si Harold kaso naman ay hindi siya nagpaparamdam.

Kaya naman nang makarating ako sa building ay ganoon na lang ang kaba ko. Hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit parang ayoko nang pumunta rito.

"Hi, Isay..." nakangiting bungad pa ni Ma'am Isabel.

"Hello po." Ngumiti ako at nagsipaglapitan na kaagad ang mga empleyadong may order sa akin. Gusto ko nang maubos ang hawak ko para makauwi na rin kaagad.

"Isay, ipinapatawag ka ni Sir Danzel." Nakangiting lumapit pa sa akin si Janella at kinuha na rin ang kanyang ulam sabay abot nang eksaktong bayad.

"Sige po." Tumango ako pero wala akong balak pumunta.

Nang tumalikod siya ay dali-dali kong kinuha ang basket at mabilis na naglakad patungong elevator. Pero pagbukas ng elevator ay iniluwa noon ang nilalang na gusto ko sanang iwasan.

"Going anywhere, Isay?" Seryoso pa niya akong tinitigan habang hawak ang button sa loob. Bagong gupit siya at nakakamangha talaga ang kanyang kagwapuhan.

"Uuwi na po." Umatras ako at paakyat ang elevator niya.

"Hindi ka ba sinabihan ni Janella, Isay?"

"Sinabihan po." Yumuko ako at nag-iwas nang tingin. Nagtatampo ako sa kanya. Kahit na hindi ko pa rin maintindihan kung ano mayroon sa pagitan namin, umasa pa rin kasi ako. "Pero kailangan ko na po umuwi. M-may importante po kasi akong gagawin." Pagkasabi ko noon ay saktong bumukas ang isang elevator pababa at mabilis akong pumasok doon.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
17M 270K 62
"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then you'll have to endure the pain." He was a...
4.1M 128K 56
Raynesha Deanise Samaniego or Ysha loves the freedom too much. Kaya naman nang mawala ang kalayaan sa kanya ay ganoon na lang ang kanyang paninibago...
1.6M 50.5K 54
Mga bata pa lang sina Kirsten at Chance ay natatangi na ang pagtingin nila sa isa't-isa. Pero dahil kaibigan ni Chance ang kapatid ni Kirsten na si T...