MY WRONG KIND OF GIRL (Self-P...

By fedejik

4.8M 133K 9.8K

Isang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi... More

Teaser
Teaser 2
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8.2.2
Chapter 9
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2
Chapter 11.1.2
Chapter 11.2.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue 1.2 (My Right Kind Of Girl)
Epilogue 2.2 (My Right Kind Of Girl)
To be Self-Published
Want more?

Chapter 8.1.2

75.1K 2.1K 132
By fedejik

CHAPTER 8.1.2

CHAPTER 8

DALISAY's POV

Nagmamadali ako sa paggayak dahil halos makalimutan ko na may charity work nga pala akong pupuntahan ngayong araw. Volunteer lang din ako na mag-aasikaso sa mga batang papakainin sa basketball court. Kung sabihin kasi ni Odik ay pa-birthday daw iyon ni Mayor. At kahit pa walang bayad, madalas talaga akong mag-volunteer sa ganoong mga gawain. Alam ko kasi kung paano ang maging mahirap. Alam ko ang pakiramdam ng mga batang lumaki sa hirap. At kahit na sa maliit kong paraan ay magawa ko man lang makatulong sa iba. Iyon din kasi ang iminulat sa akin ni Tatay noong siya'y nabubuhay pa. At dahil sa alalahanin na 'yun ay hindi ko na naman naiwasan ang malungkot. Kung sana nabubuhay lang si Tatay...

"Hoy, Isay, ipag-uwi mo ako nang sobra, ha!" mahigpit na bilin pa ng bakla.

"Hindi gan'un katapang ang mukha ko, Odik. Tantanan mo nga ako!" Umirap ako at ipinusod ang basa ko pang buhok. Sobrang maalinsangan ang panahon at paniguradong maliligo ako ng pawis sa court.

"Sus! Magdala ka ng supot!" Umirap pa siya at umiling lang ako. Hindi ko naman kasi gawaing mag-uwi ng pagkain maliban na lang kung may sumosobra.

"Ayoko," matigas na sagot ko pa. "Tulungan na lang kita mamaya, ha."

"Ang tiyaga mo. Wala ka namang suweldo." Ngumuso siya at namaywang sa harap ko. "Ano bang mapapala mo sa ganyan?"

"Masaya ako sa ginagawa ko, Odik," seryosong sagot ko at matamang tinitigan ang sarili ko sa salamin. Isang simpleng baby t-shirt at shorts lang ang suot ko dahil ito lang ang preskong isuot sa ganitong kainit na panahon.

"Wala kang mapapala sa ganyan, Isay. Binabaril lang sa Luneta ang mga katulad mo," nakaismid pang sabi niya pero hindi ko na lang pinansin. Sa tuwing mag-volunteer kasi ako sa ganitong gawain ay palagi niya akong kinokontra. Lalagpas daw ako sa langit sa mga ginagawa ko. Sanay na nga yata ako sa ganoong mga salita niya.

"Mauna na ako. Mamaya na lang, okay?" Tinapik ko siya sa balikat at mabilis na bumaba sa unang palapag.

Agad kong nabungaran sa may sofa ang Tatay ni Odik na mukhang lango na naman sa alak.

"Tatay, punta lang po ako sa court," paalam ko pa pero ang kanyang mga mata ay sa hita ko nakatuon.

"Ang g-gandang b-bata mo, Isay. May boyfriend ka na b-ba?" Noon lang siya nag-angat nang tingin at sobrang pula ng kanyang mukha.

"Wala po." Umiling ako at mabilis na naglakad palapit sa pinto. Nahagip ng mga mata ko ang kanyang mga matang nakatitig pa rin sa legs ko. Masyadong nakakatakot ang Tatay ni Odik nitong nakakaraan. Pero hindi ko naman 'yun masabi dahil malaki pa rin ang utang na loob ko sa pagkupkop nilang mag-ama sa akin. "Babalik na lang po ako mamaya." Nagmamadali pa akong lumabas at halos dumagundong nang husto ang dibdib ko sa kaba.

May kakaiba sa mga titig niya at d'un ako natatakot. Ayoko sanang isipin, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Lango sa alak at droga si Tatay Estong sa araw-araw. At ang ekspresyon ng kanyang mukha ay naghahatid nang kilabot sa buong sistema ko.

Halos veinte minutos ko rin nilakad ang patungong court. Pagdating ko ay nagkakagulo na ang mga batang galing lang din sa iskwater na tinipon ng mga barangay tanod. Nang makakita ako nang kakilala ay agad din akong lumapit at tumulong sa pagre-repack ng mga pagkain.

Nahagip ng mga mata ko ang tarpaulin na nakadisplay 'di kalayuan at nakalagay doon ang mukha ni Mayor.

"Akala ko hindi ka na makakarating, Isay," nakangiting bati pa ni Vernida. Kapitbahay ko siya dati sa iskwater na inalisan namin ni Odik. Tulad ko ay madalas din siyang laman ng mga ganitong gawain. Natural na talaga sa kanya ang pagiging mabait at matulungin.

"Nahimbing ako nang tulog, Verni," pag-amin ko rin naman. "Muntik ko na talaga makalimutan," natatawang sabi ko pa.

"Ako nga ginising lang din ni Kapitan. Wala pa raw nag-aasikaso sa court, e, tangahali na," natatawang pag-amin din naman niya. Bukod kay Odik, maituturing ko ring malapit na kaibigan si Vernida. Iyon nga lang ay nagkahiwalay na kami ng tirahan dahil magkaiba na kami ng barangay. "Oo nga pala, nagkita na kayo ni Harold?"

"Nandito na si Harold?" Si Harold ay kapitbahay din namin sa dating iskwater. Halos limang taon ko na rin yata siyang 'di nakikita dahil nagtrabaho siya sa Dubai bilang isang personal driver.

"Oo. Noong nakaraang Linggo pa yata. Hinahanap ka nga niya at may pasalubong daw siya sa'yo," nanunukso pang himig niya at napailing lang ako. Dati kasing nanligaw sa akin si Harold. Pero dahil mga bata pa kami ay hindi ko siya sinagot.

"Saan na ba siya nakatira ngayon?" Bahagya akong pumaling sa kanya at parehas na kaming pinagpapawisan sa sobrang init.

"Sa kabilang barangay," tipid na sagot pa niya sabay hawi sa kanyang buhok. "Ang ganda na nga ng bahay niya, Isay. Asensado na. Puwede mo na sagutin," nanunukso pa ring sabi niya at inikot ko lang ang mga mata bilang sagot.

Inaamin kong dati kong crush si Harold. Laking hirap man kami parehas, hindi matatawaran ang determinasyon niyang makaangat sa buhay. Kaya nga nagsikap din siyang makapagtrabaho abroad. Halos apat na taon din ang tanda niya sa akin.

"Ang gwapo niya ngayon. Medyo pumuti at kuminis," dagdag pa niya at parang nand'un ang pagkasabik kong makita ulit siya. Kung sabagay ay gwapo naman si Harold. Lalaking-lalaki ang kanyang hitsura at medyo kayumanggi. Matangkad din siya at balingkinitan ang katawan.

"Talaga? Magkikita rin siguro kami. Bakasyon lang ba siya dito?" pasimpleng usisa ko pa.

"Oo. Ang alam ko three months din siya magbabakasyon," nakangiting sagot pa niya sabay kuha ulit ng mga styro na sasalinan ng pagkain.

May limang volunteers din kaming tulung-tulong sa pagtatarya ng pagkain. Hindi ko kilala 'yung tatlo pero namumukhaan ko naman sila.

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Mayor kasama ang mga opisyal ng barangay. Sa pagkakaalam ko kasi ay nagpapalakas talaga siya para makakuha nang magandang boto sa susunod na eleksyon.

Nagkagulo sa court at pakiramdam ko ay mas lalong uminit. May electric fan mang malapit sa amin ay sobrang init pa rin.

Nagsalita si Mayor at binati ang mga bata na halos umabot din yata sa 50. Nagpalinga-linga ako at halos mapuno pa rin ang court sa rami ng mga taong nakikiusyoso at umaasa sa pagkaing matitira. Hindi na bago ang ganoong tanawin. Napaghahalatang marami pa ring mahihirap na mamamayan sa Pilipinas.

Naglitanya rin ang ibang mga opisyal ng barangay pero wala naman ang atensyon ko sa sinasabi nila. Ang gusto ko na lang ay matapos ito at makauwi. Naliligo na ako ng pawis.

"Oh my God!" Nagdudumilat pang lumapit sa akin si Vernida na para bang kinikilig.

"Oh, anong nangyari sa'yo?" natatawang tanong ko pa at para kasi siyang bulateng inasnan ng asin.

"Nand'yan 'yung gwapong anak ng mga Montenegro!" Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi at agad na lumingon sa nagkakagulong kadalagahan malapit sa gate ng court. Si Danzel!

"Shit! Ang gwapo!" kinikilig pang sabi ni Vernida na halos patakbo pang bumalik ulit papunta sa gate.

Isang simpleng t-shirt at faded jeans lang ang suot ni Danzel, pero hindi matatawaran ang angkin niyang kagwapuhan. Halos magtilian ang mga babae sa paligid namin at hindi ko naman sila masisi dahil nakikita ng mga mata ko ang nakikita nila.

Lumapit sa kanya si Mayor at nakipag-kamay. May kabuntot siyang dalawang lalaki at isang pagkaganda-gandang dalaginding na babae na kung hindi ako nagkakamali ay ang nag-iisa niyang kapatid.

Muli ay nagsalita si Mayor at ipinakilala si Danzel at ang kapatid nito sa mga bata. May mga dala silang laruan na ipapamigay din sa mga bata.

Nang umakyat siya sa stage ay gulat siyang napatitig sa akin at parang nagtatanong kung anong ginagawa ko roon. Ngumiti ako at umiling dahil sa totoo lang ay natutuwa rin akong makita siya roon.

Saglit siyang nagsalita sa stage para batiin si Mayor at sabihing may dala siyang regalo para sa mga bata. Pero matapos noon ay bumaba na rin siya at gan'un na lang ang gulat ko nang magdiretso siya nang lakad palapit sa akin! Shit!

"Don't tell me you're stalking me, Isay?" Nagtaas siya ng kilay at hindi ko naiwasan ang ngumiti.

"Hmm... medyo?" pabirong sagot ko naman at agad naman siyang natawa.

"No, really, what are you doing here?" Nagpalinga-linga pa siya sa paligid pero ibinalik din niya ang tingin sa akin. Halos magliparan ang mga paru-paro sa aking tiyan. Siya na yata ang may pinakamagandang mga mata na nakita ko.

"Volunteer lang sa pag-repack ng pagkain para sa mga bata. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

"Kaibigan ni Dad si Mayor kaya ayan, bilang regalo nagdala kami ng mga laruan para sa mga bata."

"Ahh... kaya pala." Tumangu-tango ako at hindi ko naiwasang maconcious dahil pawis na pawis ako at siya naman ay fresh na fresh pa rin ang dating kahit may butil na ng pawis sa kanyang noo.

"Kuya!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan nang boses at agad kong nasalubong ang diretsong titig n'ung kapatid niya sa akin. Hindi ko alam kung sinusuri ba niya ako o papaano. Bahagya kong dinaanan ng mga kamay ang aking t-shirt sa pag-aalalang hindi ako presentable tingnan.

"Why kiddo?" nakakunot-noo pang tanong ni Danzel sa kapatid.

"Iniwan mo kasi ako d'un," nakanguso pang sabi niya sabay balik ulit nang tingin sa akin. Nag-init ang aking pisngi sabay nag-iwas nang tingin. Para kasing may ibig siyang ipakahulugan base na rin sa kanyang paninitig sa akin.

"Sino siya Kuya?" Noon na lang ako nag-angat nang tingin at nasalubong ko ang malamlam niyang mga mata. Ang ganda talaga niyang bata. Ang liit ng kanyang mukha na binagayan nang matangos na ilong at mapulang labi. Medyo curly din ang kanyang buhok at kuha din niya ang bughaw na mga mata ni Danzel.

"Ah, si Isay. Nagtitinda siya ng lunch at merienda sa company. Katuwang siya ni Nana Claring. Remember the old lady?"

"Oh, I see..." Tumangu-tango pa siya pero nananatili ang titig niya sa akin. "Parang nakita ko na siya before."

Literal na nanigas ang katawan ko sa sinabi niyang iyon at bahagyang kumunot ang noo ni Danzel.

"Really? Saan naman?" Mataman pa siyang tumitig sa kanyang kapatid bago ibalik ulit ang tingin sa akin.

"Hmmm..." Malalim pa siyang napaisip habang matamang nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung sasalubungin ko ba ang tingin niyang iyon o hindi. "Sa magazine, Kuya. Ang ganda niya kasi, diba? Parang may kamukha siyang model." Nagliwanag ang kanyang mukha at kumindat pa sa akin.

Noon na lang din ako nakahinga nang maluwag at halos manlamig talaga ako sa sobrang kaba.

Ngumiti lang naman si Danzel at bahagyang ginulo ang buhok ng kapatid.

"Sandali lang, iwan ko muna kayo. Magpapamigay lang kami ng pagkain," paalam ko pa kay Danzel na matamis namang ngumiti.

"Wait, I'm Rosel," pakilala pa niya sabay lahad ng kanyang kamay.

"Isay..." Inabot ko ang kanyang kamay at matamis na ngumiti. Mukhang mabait naman siyang bata kahit pa parang ang magiging unang impression sa kanya ay masungit dahil sa aura at kasosyalan.

"Dalagang Pilipina ang pangalan mo, Ate Isay," nakangiting sabi pa niya sabay kapit sa braso ni Danzel.

"Salamat," sabi ko naman sabay baling sa kinalalagyan ni Vernida na abot-tainga na ang ngiti sa akin. "Pasensya na, tutulong lang akong magpamigay ng pagkain saglit," paalam ko pa ulit.

"No problem, Isay," mabilis din namang sagot ni Danzel at noon na ako tuluyang tumalikod.

Halos mapunit na ang bibig ni Vernida sa pagkakangiti sa akin at tila ba kinukwestiyon niya kung papaanong kilala ako ni Danzel.

At hindi nga ako nagkamali nang bungaran niya ako nang tanong patungkol kay Danzel.

"Kilala ka ni Danzel? Seryoso, Isay? Paano?" takang tanong pa niya at kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag dahil wala siyang alam.

"Nagdedeliver ako ng lunch at merienda sa Montenegro building," walang interes na sagot ko sabay kuha sa isang malaking supot ng pagkain. "Mamaya na ang tsismis, Verni." Dinilatan ko siya at agad naman siyang umirap.

"Tama bang magdamot." Ngumuso siya pero hindi na rin naman nagtanong. Nilapitan namin ang mga batang nakaupo sa monoblock chairs at binigyan ng pagkain isa-isa.

********


Continue Reading

You'll Also Like

37.3K 1K 37
Being loyal and liking someone for a long time is not an easy battle. Lalo na't kung NAPAKASUNGIT nito at ipaparamdam talaga sa'yong... you're not e...
8.4M 163K 95
"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pagsusumamo ni Vincent. "You left me alone...
120K 2K 23
[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal n...
17M 270K 62
"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then you'll have to endure the pain." He was a...