Camellia

By ItsMeYav

6.7K 601 53

Ako si Angelico Summers, mas kilala bilang Echo. Isa akong anghel. Sa mundo na ginagalawan ko payapang namumu... More

I - Grand Oak Academy
II - Test
III - B Class
IV - Luca McMillan
V - Gaby Sander
VI - Nickname
VII - Sand Castle
VIII - Sweet Tooth
IX - Treven Tree
X - Devon Pierce
XI - Yellow
XII - Ysmael Willowtale
XIII - Dawn Oak
XIV - Cafeteria
XV - Rules
XVI - Chain
XVII - Room
XVIII - Necklace
XIX - Cookies
XX - Library
XXI - Book
XXII - Lauren
XXIII - Past
XXIV Past 2
XXV - A Class
XXVI - He
XXVII - Powers
XXVIII - Melancholy
XXIX - The Musician
XXX - Joke
XXXI - Vision
XXXII - Level
XXXIII - Lesson
XXXIV - She
XXXV - Bullet
XXXVI - Flightless
XXXVII - Healer
XXXIX - Race
XL - Telepathy
XLI - Metal
XLII - Wound
XLIII - Fire Demon
XLIV - Feast
XLV Clean
XLVI Spring
XLVII - Rhea
XLVIII - Therecian
XLIX - Therecian 2
L - Play
LI Slap
LII - Concrelus

XXXVIII - Apology

82 5 0
By ItsMeYav

Pagkarating ko sa bahay, wala pa si Uncle Devon. Dumiretso ako sa banyo para maligo at makapagpalit na rin ng damit. Pagkatapos, pumunta na ako sa kwarto para makapagpahinga. Buti na lang at wala pa siya. Sana hindi niya alam yung nangyari sa akin kanina, dahil kung nangyari, katakot takot na sermon na naman ang aabutin ko.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Sir Ysmael. Alam ko, kahit na mahina lang ang pagkakasabi niya, malinaw kong narinig ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

"Nakuha mo ang pakpak ng iyong ama."

Malinaw kong narinig iyon, pero parang hindi man lang niya pinansin ang mga tanong ko sakanya. Ayaw ko ng ganito. Lahat sila, si Sir Ysmael, Dawn at Mona piling ko talaga meron silang tinatago.

Ayaw ko ng isipin ito pero paulit-ulit lang silang bumabalik sa aking isipan. Hinihiling ko na lang na huwag na sanang dumagdag pa ang Fallen at halimaw na pareho kong nakikita sa aking panaginip. Meron kaya silang kinalaman dito?

Tinignan ko ang oras, alas siyete na ng gabi pero wala pa rin si Uncle Devon. Bumaba ako sa kusina pa kumuha ng isang basong tubig at tumingin na rin ng makakain. Merong pa ring mga sariwang prutas na nakalagay sa mesa. Kinuha ko ang gamot na ibinigay ni Ma'am Ana at ininom ito. Ganun pa rin ang lasa, ang pangit. Agad kong isinunod ang saging para mawala ang pait ng lasa. Pero iba talaga ang gamot na to. Antagal bago mawala ang lasa.

Pagkatapos non, pumunta na ako sa kwarto at humiga, hindi ko namalayan na unti-unti na akong hinihila para makatulog.

Sana.

Sana huwag muna akong managinip.

~~~~~~~~~~~~~
Pagkalipas ng dalawang araw.

Lunes. Pasukan na naman. Opisyal na pangalawang linggo na namin dito sa Academy. Yung unang linggo ay parang buwan para sa akin. Napakaraming nangyari.

Pagkarating ko sa main gate ng campus, marami na ang mga estudyanteng naroon.

Nung nagsimula na akong naglakad napansin ko na nakatingin sa akin lahat ng mga B Class. Oo nga pala, alam nila, nakita nila.

Ilan-ilan lang naman ang mga kaklase kong naroon. Nakakailang lang ang pakiramdam na mula paglakad mo sa kanila papalapit, hanggang sa papalayo ay nakatingin lang sila sa'yo. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam, tinignan at pinapanood, pero wala akong magagagawa.

Hindi ko na lang sila pinansin at patuloy akong naglakad papunta sa hagdan. Nakakailang baitang palang ang hakbang ko nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Mr. Summers." Sabi niya, isa lang ang tumatawag sa akin ng ganun at nung lumingon ako, nakita ko si Sir Ysmael.

"Mr. Summers, magandang umaga. Buti na lang at naabutan pa kita." Ngiti niyang sinabi.

"Magandang umaga rin po." Sagot ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Mabuti na po. Buti na lang at madali pong naagapan ni Dawn at ni Ma'am Ana."

"Mabuti naman." Isang ngiti na naman ang ibinigay niya. Hindi ko alam kung hindi ba siya napapagod na ngumiti. Minsan nakakatakot na siya. Para bang palaging siyang masaya kahit na may pangyayari naman na dapat hindi ikasaya. Kabaligtaran talaga siya ni Uncle Devon. Kung si Uncle Devon ay hindi mapigilang sumigaw o magalit sa loob ng isang oras, si Sir Ysmael naman ay hindi mapigilang ngumiti. Ang mga ngiti niyang may itinatago. "Pagpaumanhin mo ako, gusto ko sanang bumisita noong nasa clinic ka kaso nga lang hindi ko nagawa. Pagpasensyahan mo na rin na napalakas ko ata ang ibinigay kong hangin sayo." Sa pagkakataong ito, sumeryoso ang kanyang mukha.

"Ayos lang po yun, tanda po iyon na hindi pa po ako ganoon kalakas para tanggapin ang kapangyarihan ninyo."

"Hindi, ako ang may kasalanan. Noong nakita kong iniladlad mo ang iyong pakpak, masyado akong namangha. Akala ko madali mo lang na mapipigilan ang hangin. Pag paumanhin mo ako." Sabi niya.

"Ayos lang po." Ngiti kong sinabi sakanya. "Sa susunod pwedeng hinaan niyo lang po?" Biro ko.

Pagkatapos niyang marinig iyon, bumalik na ang ngiti sa kanyang mukha.

"Kung ganoon, mabuti at tinggap mo ang aking paumanhin. Asahan mo na hindi na ito na ito mauulit pa." Ngiti niyang sinabi. "Mauna ka na sa silid natin at hintayin niyo na lang ako doon."

Tumango na lang ako at siya naman ay tumalikod sa akin at nagsimulang naglakad. Hindi ko na nagawa pang tanungin kung kumalat ba sa buong academy yung nangyari sa akin. Hindi na rin ako nagkaroon ng lakas na loob na tanungin kung kilala niya ang aking ama. Sa tingin ko hindi niya rin naman ito sasagutin at lalo lang itong makakadagdag sa aking mga iniisip.

Naglakad na ako papunta sa silid, pagkarating ko, tinitigan na naman ako.

"Angelico ayos kana?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

Ngumiti ako bago sumagot. "Oo naman." Pagkatapos non agad na akong umupo. Wala pa si Dawn. Iilan pa lang kami sa loob, maaga pa naman.

Nung nakaupo na ako, tumigil na sila sa pagtingan sa akin at itinuloy ang kanilang ginagawa.

Sa wakas.

Mukhang hindi kumalat sa academy ang nagyari sa akin, tanging ang mga kaklase ko lang yata ang may alam.

Yata.

Pwede rin naman na kumalat sa buong academy pero wala silang pakielam dahil isa lang akong B class.

Medyo maingay na ang klase dahil unti-unti nang nagsisidatingan ang iba. Yung mga bagong dating napapatingin sa akin pero hindi rin naman nagtatagal.

Nakatingin lang ako sa pintuan, hinihintay si Dawn, hanggat sa mahagip ko ng tingin si Gerald.

Ngayon ko lang napansin na nakatitig siya sa akin. Masama ang tingin niya, hanggat sa simulang bumuka ang kanyang bibig. Walang boses na lumabas pero nabasa ko kung ano ang sinabi niya.

"Flower boy." Isang mayabang na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Para bang naghahamon ng isang away.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sakanya, pero ngayon gustong-gusto ko siyang labanan. Nakakita ako ng isang halaman malapit sa kinauupuan niya. Kayang-kaya ko yung gamitin para ipanlaban sa kanya pero hindi ko na ginawa. Aksaya lang ng oras at kapangyarihan.

Ilang minuto pa ay dumating na rin si Dawn.

"Echo kamusta na?" Tanong niya agad.

Ngumiti muna ako bago sumagot, "Mabuti. Mabuti na pakiramdam ko."

"Buti naman ito oh, tanggapin mo." May inabot na maliit na kahon sa akin si Gaby. Parang alam ko na ito.

"Cookies?" Tanong ko.

"Cupcakes" Ngiti niyang sagot. "Sinubukan ko lang gawin, sana magustuhan mo."

Agad ko namang tinanggap. "Salamat." Sagot ko. "Ahh Dawn, may ginawa ka pa bang iba bukod dito?" Tanong ko.

Tinignan niya muna ako bago sumagot "Wala na eh, yung ibinigay ko lang sayo ang ginawa ko. Bakit?" Tanong niya.

"Wala lang." Sagot ko. Sa totoo lang bigla na lang pumasok sa isip ko si Gaby. Naalala ko nong binigyan ako ni Dawn ng cookies at sinabi ko sakanya, bigla na lang siyang nagalit. Nung una nagtataka ako kung bakit siya nagkaganun hanggat sa naisip ko na lang na baka nagseselos siya.

Selos? Si Gaby? Kay nino? Kay Dawn?

Nakakatawa.

Natawa ako nung naisip ko yun, pero wala na akong maisip na ibang dahilan kung bakit siya bigla na lang nagalit.

Oo nga pala sinabi niya na,

"Hindi ko kakayaning mawala ang isang kaibigang katulad mo Echo. Mahal kita, bilang kaibigan."

Aray. Ang mga salitang tumagos sa puso ko.

"Huy! Echo, nakatulala ka na naman." Sabi ni Dawn. Hindi ko napansin yung iba pa niyang sinabi.

"Pasensya ka na Dawn." Sabi ko.

"Hmm, may iniisip ka ba?" Tanong niya.

"Meron. May bigla na lang kasi akong naalala." Sagot ko. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Sir Ysmael.

Naroon na ang buong klase bago pa man siya dumadating. Ang isang linggong pasukan ay parang buwan na lumipas pero ang dalawang araw na pahinga, ay parang oras lamang.

Kagaya ng dati isang bati ang ibinigay niya sa amin.

"Magandang umaga sa inyong lahat, tapos na ang unang linggo niyo dito sa academy kaya asahan niyo na unti-unti nang hihirap ang mga pagsasanay at pagaaral na ating gagawin. Uli, humingi ako ng tawad sa nagawa ko sa'yo Mr. Angelico." Deretso niyang tingin sa akin.

"Sir" Sabat ko sa kanya. Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko dahilan para matigil siya sa pagsasalita. "Hindi po kayo ang may kasalanan. Ako po. Hindi ko po sinabi sa inyo na, hindi ko kayang lumipad." Sabi ko na ikinagulat ng buong klase, pero parang hindi niya ito tinangap.

"Pakiulit mo nga ang iyong sinabi." Sabi ni Sir Ysmael.

Huminga ako ng malalim bago sumagot, nakatingin na ang buong klase sa akin.

"Hindi...Po...Ako...Marunong...Lumipad." mabagal at malinaw kong sinabi sakanya.

Napansin ko sa mga mukha ng mga kaklase ko ang halong, ngiti at gulat. Ang iba ay nagtataka, ang iba naman ay parang gusto ng tumawa. Napansin ko na namang nakatingin si Gerald sa akin at nung nagkita kami ng tingin, isang mayabang na ngiti na naman ang ibinigay niya.

Nanahimik lang siya, walang reaksyon ang kanyang mukha. Hindi siya nakangiti, hindi gulat at hindi rin nagtataka. Wala. Wala lang.

Nanatili lang akong nakatayo at siya naman, ay natangin lang sa akin. Ilang minuto pa ay unti-unto ng gumalaw ang kanyang bibig.

"Pumunta kayong lahat ngayon sa Battle Stadium." Sinabi niya iyon ng hindi galit at hindi pasigaw.

Seryoso.

Pagkatapos non, agad na lang siyang umalis, hindi na hinintay kung ano pa ang sasabihin namin.

Alam na nilang lahat ang sikreto ko. Anghel na hindi nakakalipad.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Dawn.

Ngiti na lang ang sinagot ko sakanya. Isa-isa na nilang inayos ang kanilang mga gamit. At unti-unti nang lumabas ng silid.

Sinadya kong magpahuli, hinintay lang ako ni Dawn.

"Ayos lang ako Dawn" ngiti kong sinabi sakanya. Pagkatapos non sabay na kaming pumunta sa Battle Stadium.

Tahimik lang kaming naglakad hanggat sa nakapunta na kami roon. Naghiwalay kami para makapagpalit ng damit.

Sa locker room pagkapasok ko, unang-una kong nakita si Gerald. Nakangisi.

Parang ipinagmamayabang ang kanyang katawan. Hindi pa niya suot ang kanyang Battle Suit. Oo nga na mas malaki ang kanyang katawan kesa sa akin, pero hindi ganun kami nagkakalayo.

Hinubad ko ang aking suot, para ipakita na meron din akong kayang ipagmayabang. Hindi kami nagsalita, puro tinginan lang.

Pagkatapos niyang gawin yun, bigla na lang niyang iniladlad ang kanyang pakpak. Alam ko na kung anong ibig sabihin nito.

Lalong lumaki ang kanyang ngisi. Gusto talaga niyang maghamon ng away. Nakasarado na ang aking mga kamao, handa ko ng gamitin para suntukin siya pero, hindi ko na ginawa.

Ayaw ko mang tanggapin, isinuot ko na lang ang aking battle suit at agad na ring lumabas. Natalo ako ngayon.

May oras ka rin Gerald.

Agad ko namang hinanap si Dawn, nakita ko siyang kasama pa ang iba babae.

"Antagal mo namang nagbihis. Naunahan pa kita." Ngiti niyang sinabi.

"Pasensya ka na. Medyo marami kasi kami dun." Palusot ko.

Ngayon ko lang siyang nakitang malapitan na suot ang kanyang Battle Suit. Grabe, lalo siyang gumaganda. Kahit na medyo may kaliitan siya, hindi naman iyon masyadong napapansin dahil sa kanyang maamong mukha. Lalo pang pumuti ang kanyang balat dahil sa itim na kulay ng suit.

Ilang minuto pa ay lumabas na rin si Sir Ysmael. Seryoso pa rin ang kanyang mukha. Magmula nung sinabi ko sakanya na hindi ko kayang lumipad, hindi ko pa siya nakitang ngumiti.

"Ipagpapatuloy na natin ngayon ang inyong pagsasanay. Kagaya ng sinabi ko sa inyo kanina, unti-unti ng hihirap ang ating mga gagawin.

Pero bago iyon, Mr. Summers pwede bang pumunta ka dito sa harapan?"

Ayaw ko man dahil siguradong matutuon na naman sa akin ang kanilang atensyon, sinunod ko na lang siya.

Pagkarating ko sa harap, bigla na lang niya akong tinanong.

"Kung hindi ka nakakalipad, pwede bang sabihin mo kung papaano ka nakakarating dito aa academy?"

"Pwede niyo po ba akong bigyan ng isang minuto?" Tanong ko sakanya.

Bigla na lang kumunot ang kanyang noo pero pinagbigyan niya rin naman ako. Agad na akong tumakbo papalabas ng stadium at pumito ng malakas. Kahit na medyo malayo ang lugar kung saan ko itinago si Bullet, alam kong maririnig niya iyon sa dahil sa talas ng kanyang pandinig.

Ilang segundo pa ay narinig ko nang pumapagaspas ang kanyang pakpak. Agad ko siyang sinakyan at pumasok na sa loob ng stadium.

Nagulat ang buong klase dahil nakita nila akong nakasakay sa kanya at nakakalipad. Nakita ko nang muli ang ngiti ni Sir Ysmael, para bang nabuhayan siya ng loob. Ilang minuto pa ay bumaba na rin ako.

"Isang pegasus." Ngiting sinabi ni Sir Ysmael. "Hindi ko alam na meron pa palang nabubuhay na uri nila." Lalapitan sana ni Sir Ysmael si Bullet para hawakan pero agad ko siyang pinigilan.

"Sir baka magwala po si Bullet kapag hinawakan niyo, ayaw niya pong nilalapitan o hinawakan ng iba." Babala kong sinabi sakanya pero hindi niya ako pinakinggan.

"Sir baka masaktan po kayo." Diin kong sinabi sa kanya pero parang wala lang siyang narinig.

Inilapit niya ang kanyang kamay sa ulo ni Bullet. Inamoy niya ito bago nagpahimas na parang isang pusa. Bigla na lang pumasok sa aking isipan ang alaga niya, si Cotton. Baka malapit lang din siya sa hayop kagaya ni Dawn.

-------------------------
AN: I'm baaaack! Sorry guys for waiting you this long for just one update. Hope that you can forgive me :)

Keep on reading, voting and commenting. Thanks :D

Continue Reading

You'll Also Like

171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...