Camellia

By ItsMeYav

6.7K 601 53

Ako si Angelico Summers, mas kilala bilang Echo. Isa akong anghel. Sa mundo na ginagalawan ko payapang namumu... More

I - Grand Oak Academy
II - Test
III - B Class
IV - Luca McMillan
V - Gaby Sander
VI - Nickname
VII - Sand Castle
VIII - Sweet Tooth
IX - Treven Tree
X - Devon Pierce
XI - Yellow
XII - Ysmael Willowtale
XIII - Dawn Oak
XIV - Cafeteria
XV - Rules
XVI - Chain
XVII - Room
XVIII - Necklace
XIX - Cookies
XX - Library
XXI - Book
XXII - Lauren
XXIII - Past
XXIV Past 2
XXV - A Class
XXVI - He
XXVII - Powers
XXVIII - Melancholy
XXIX - The Musician
XXX - Joke
XXXI - Vision
XXXII - Level
XXXIII - Lesson
XXXIV - She
XXXV - Bullet
XXXVII - Healer
XXXVIII - Apology
XXXIX - Race
XL - Telepathy
XLI - Metal
XLII - Wound
XLIII - Fire Demon
XLIV - Feast
XLV Clean
XLVI Spring
XLVII - Rhea
XLVIII - Therecian
XLIX - Therecian 2
L - Play
LI Slap
LII - Concrelus

XXXVI - Flightless

83 10 2
By ItsMeYav

Sa tulong ni Bullet, maaga akong nakarating sa academy. Mag-iisang linggo palang kaming nag-aaral pero parang napakarami ng nangyari sa akin.

"Salamat kaibigan." Sabi ko kay Bullet. "Dito muna kita iiwan. Kung magugutom ka, kainin mo lang yung mga damo. Yung damo lang ah, huwag yung mga halaman baka magalit sila sa atin."

Kahit na kainin niya ang mga halaman basta't may butong natira ay madali ko lang itong mapapatubo. Naalala ko pa noon ang sinabi sa akin ni Gaby na hinding-hindi daw ako mamatay sa gutom at pwede pa akong makapagtayo ng isang pamilihan para sa mga sariwang prutas at gulay pati na rin ang mababango at makukulay na bulaklak.

Si Gaby.

Minsan naisipan ko rin iyon pero papaano naman ang mga maayos na naghahanap-buhay na magsasaka? Pinagtyatyagaan nilang magtanim ng manwal at pinagpapawisan, samantalang ako sa isang pilantik lang ng kamay ay agad-agad ng uusbong ang kung ano mang halaman.

Iniwan ko siya sa isang puno malapit sa gate ng academy, malago naman ang mga halaman dito kaya walang mag-aakalang may nakatagong pegasus dito.

Papaalis na sana ako ng meron akong biglang naalala.

"Bullet, aalis ka lang dito kapag tatawagin kita ha." Sabi ko sakanya sabay kumpas ng aking kamay upang makapagpatubo ng sariwang damo sa kanyang paanan.

"Pakabusog ka."

Tinignan lang ako ni Bullet habang dahan-dahan akong nawawala sakanyang paningin.

~~~~~~~~~~

Ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa main gate ng Academy. Pagkapasok ko, nakita ko na marami-rami na rin ang mga nakakalat na estudyante. Nakasuot ng kani-kanilang mga uniporme. Dilaw, pula, at asul ang kulay na pumuno sa lugar.

Naroon pa rin ang mga paintings na gawa ng mga estudyante at maayos na nakahelara ang mga larawan ng lahat na naging pinuno ng Concrelus, labing apat lahat, pinakabago si Ms. Lucy.

Sa pangalawang pagkakataon, napahinto ako pagkarating sa dulo, ganito rin ang pakiramdam na naranasan ko ng makita ko ang kanilang larawan sa silid aklatan.

Tinitigan ko lang ang larawan sa pagitan ni Ms. Lucy at ang bago sakanya, hindi ko alam pero parang pakiramdam kong merong kulang. Parang merong tinakpan o itinago.

Ilang minuto akong nakatingin sa mga larawan hanggat sa makaramdam ako ng isang mahinang tapik sa balikat. Pagkaharap ko isang babaeng nakangiti.

"Ikaw pala Dawn." Sabi ko.

"Ano bang tinitignan mo diyan?" Tanong niya.

"Ah itong mga larawan ng mga naging pinuno ng Concrelus." Sagot ko.

"Hmmm ok, sabay na tayong pumasok." Ngiti niyang sinabi, tumango naman ako.

Nagsimula na kaming maglakad sa corridor papunta sa silid nang makasalubong namin ang isang pamilyar na babae.

Makintab, mahaba at unat na unat ang kanyang maitim na buhok, kasing tangkad lang ni Dawn, na-aalala ko ang babaeng ito.

"Mona." Sabi ni Dawn. "Siya yung babaeng nabunggo natin noong isang araw."

Tama si Dawn, siya nga. Hindi pa rin nawawala sa aking isipan kung ano ang naging reaksyon niya ng makita niya ako ng harapan.

Lalapitan sana ni Dawn si Mona, pero nung nakita ni Mona na kasama niya ako, bigla na lang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha.

Nagsimulang tumaas ang mga balahibo ko nang makita ko ang kanyang reaksyon. Nakita ko sa kanyang bilugang mata ang takot. Takot na parang nakakita ng isang mabangis na halimaw. Ganitong-ganito rin ang kanyang reaksyon ng una namin siyang nakita. Pagkatapos non ay bigla na lang siyang kumaripas ng takbo.

Napansin ko na lang na nakatitig sa akin si Dawn, marahil nagtataka.

"Bakit?" Tanong ko.

"Anong ginawa mo sakanya?" Tanong ni Dawn. "Bakit bigla na lang siyang tumakbo papalayo?"

"Hindi ko alam." Sagot ko. "Ni hindi ko nga siya kilala. Diba sabi ni Gaby na walang kumakausap sakanya? Baka hindi lang siya sanay na makihalubilo sa iba."

Sa totoo lang natatakot na rin ako sakanya, parang may alam siyang nakakatakot tungkol sa akin. Sana tama ang hinala ko na hindi lang siya sanay na makihalubilo sa iba. Ayaw ko ng madagdagan pa ang mga takot na nararanasan ko.

Bigla na lang pumasok sa aking isipan ang malaking halimaw na naka-kadena sa aking panaginip pati na rin ang Fallen Angel na kasama nito.

Tinignan lang ako ni Dawn ng sumagot ako, parang hindi pa rin naniniwala.

"Sigurado ka?" Tanong niya. "Sigurado kang wala kang ginawa sakanya?"

"Dawn naman, itong gwapo kong ito, sa tingin mo kaya kong manakit ng isang babae?" Biro kong sinabi sakanya. Pero hindi niya ito pinansin sa halip ay lalo niya lang akong tinitigan hanggat sa lumabas sa kanyang labi ang isang ngiti.

"Gwapo? Sino ikaw? Haha nagiging Luca ka na Echo." Tawa niyang sinabi. "Naniniwala naman ako sayo Echo, alam kong hindi mo kayang manakit."

"Bakit hindi ba totoo na gwapo ako? Mas gwapo pa nga ako kay Luca." Mayabang kong sinabi.

"Ewan ko sayo, pumasok na nga lang tayo."

"Sabihin mo na kasi. Gwapo ako, sige pogi na lang."

"Echo, hindi sapilitan na sinabi yang mga ganyan. Bakit kapag nagsabi ka ba ng "mahal kita" pinilit ka ba ng taong pinagsabihan mo?"

"Mahal mo ako?" Biro kong tanong sakanya.

"Ah hindi ah!" Bigla na lang siyang namula. "Hindi iyon ang ibig sabihin ko!"

"Alam ko." Seryoso kong sinabi sa kanya. "Alam ang ganda mo kapag namumula ka." Ngiti kong sinabi sakanya sabay haplos ng aking kamay sakanyang buhok.

Agad naman niya itong pinigilan. Sabay palo sa aking kamay.

"Aray!" Sigaw ko.

"Manyak!" Sabi niya. "Huwag na huwag mo na ako uling hahawakan!"

"Ito naman, kala mo naman kung ano yung nahawakan ko, buhok mo lang yun." Sabi sakanya.

"Ah basta! Huwag mo na akong mahawak-hawakan!" Galit niyang sinabi.

"Namumula ka naman." Pang-aasar kong sinabi sakanya.

Sa pagkakataong ito bigla na lang siyang tumalikod sa akin at tumakbo papasok sa silid namin.

"Hintay Dawn." Sinabi ko pero agad na siyang nawala. Pagkapasok ko sa silid nakaupo na siya pero iniiwasan niya akong tignan. Wala pa naman si Sir Ysmael.

"Dawn." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin.

"Dawn, Dawn, Dawn Oak. Oak Dawn? Breaking Dawn? Dawn Zuleata? ArmegaDawn? Dawnisaur? Dawnation? Dawnaminator?" Pang-aasar kong sinabi sakanya pero hindi niya ito pinansin hanggat sa dumating na si Sir Ysmael.

Katulad ng dati mawili niya kaming binati.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Alam ko na ilan sa inyo ay nababagot na dahil puro pakikinig at pagsusulat lang ang ginawa natin. Kaya ngayon, naisipan ko na doon tayo sa Battle Stadium mag-aaral. Simula ngayong araw at sa susunod pa, sisimulan na natin ang pagsasanay. Lumipas na ang isang linggo at sa tingin ko, napag-aralan na natin lahat ng tungkol sa buong Zernia. Ang Skylark, Massadora at ang Grand Oak Academy. Oras naman ngayon upang palakasin ang inyong kapangyarihan. Ilang linggo na lang ang meron tayo para sa kauna-unahan niyong battle test. Kaya inaasahan ko ang inyong buong kooperasyon. Tayo lang ang buong araw na gagamit nun.

Kunin niyo na ang inyong mga gamit at doon na lang tayo sa Battle Stadium magkita." Paliwanag ni Sir.

Pagkatapos niyang magsalita ay isa-isa na naming inayos ang aming mga gamit. Ganun pa rin si Dawn, hindi ako pinapansin.

"Dawn." Sabi ko, pero nagmadali lang siyang ayusin ang kanyang mga gamit at bigla na lang umalis. Pinanood ko na lang siya kung papaano unti-unting makalabas. Kasalanan ko naman.

Masyado lang siguro akong nasaktan sa sinabi ni Gaby, pero wala naman talaga siyang kasalanan.

Ako.

Ako ang nag-akala na higit pa sa kaibigan ang turing sa akin ni Gaby, maari nga na higit pa sa kaibigan. Nakatatandang kapatid siguro?

Si Dawn, sakanya ko naibuhos ang sakit na nararamdaman ko.

Aaminin ko na nagkagusto na ako agad sa kanya noong una kaming nagkita. Noong una niya akong tinawag. Nagtaka rin ako kung bakit ko naramdaman iyon, ang kasiyahan na tanging nararanasan ko lang kapag kasama ko si Gaby ay naranasan ko rin sakanya. Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng loob ko sakanya kahit na hindi ko siya kilala. Para bang meron akong koneksyon sa kanya.

Nararamdaman niya rin kaya iyon? Kailangan kong humingi ng tawad sakanya.

Naiwan akong mag-isa sa aming silid.

Pagkalabas ko, agad na akong pumunta sa Battle Stadium. Mabuti na lang at ipinakita ito sa amin ni Sir Ysmael dahil kung hindi, malamang mawawala na naman ako o hindi kaya matatagalan upang hanapin ito.

Nakahiwalay ang Battle Stadium, sa mismong academy kung saan nakalagay ang mga silid ng estudyante.

Ilang minutong lakaran din ang kailangan para matunton ito. Malilim naman ang daan dahil sa mga malalago na puno na nakatanim.

Madalas din itong tinatawag na Battle Dome dahil sa hugis nito.

Pagkarating ko, napansin kong ako ang huling dumating, agad kong hinanap si Dawn. Nagkita ang mga mata namin pero agad niya rin itong iniwas, para bang hinahanap niya rin ako.

"Maligayang pagdating sa Battle Stadium." Ngiting sinabi ni Sir Ysmael.

"Nakatayo kayo ngayon kung saan lahat ng naging estudyante ng Grand Oak Academy at myembro ng Concrelus ay nagsanay. Ito ang lugar kung saan pinalakas ng mga estudyante ang kanilang kapangyarihan. Dito rin ginaganap ang buwanang Battle Test"

Napakalaki ng Battle Stadium. Sa loob ang upuan na sapat siguro sa lahat ng estudyante, at sa gitna naman ang malaking stage. Meron ding lugar ang mga guro at myembro ng Concrelus.

"Pero bago tayo magsimula, pumunta muna kayo sa locker room. Mahahanap niyo doon ang inyong battle suit. Hiwalay ang sa babae at sa lalaki. Magpalit na rin kayo dahil sukat sa inyo ang mga damit na iyon."

Sa magkabilang dulo ng Stadium ay mayroong dalawang pintuan para sa locker room.

Pagkapasok namin ay may nakita kaming kulay itim na damit. Ito na siguro yung battle suit. Bawat estudyante ay mayroong tig-iisa. Kinuha namin ito at isa-isang isinukat. Nakakamanghang napakakomportable pa lang gumalaw dito.

Gawa ang suit sa goma, at fit na fit sa aming katawan, kulang na lang ang helmet at magmumuka na kaming maglalakbay sa kalawakan. Biro lang, pero pwede na.

Nang matapos ng isuot ng mga kaklase ko ang kanilang mga suit, na pansin ko na, lumabas ang tunay nilang katawan dahil sa damit. Marami ang may magagandang katawan, kagaya ko. Ba, madalas kaming magsanay ni Uncle Devon kaya pwede ko ng ipagmalaki ang katawan ko. May ilan-ilan ding mapapayat at matataba na tiyak na pagtatawanan mamaya. Buti na lang, dagdag pogi points ang katawan ko. Bwahaha.

Pagkatapos naming magbihis ay agad na rin kaming lumabas, wala pa ang mga babae. Mga babae talaga, matagal kumilos.

Ilang sandali pa kaming naghintay hanggat sa isa-isa nang lumabas ang mga babae. Bigla na lang napa-pito ang ilan sa mga lalaki, siguro ay nagulat at ngayon lang nakita ang ilan sa ganda ng katawan ng aming mga kaklase. Whoo.

Hinanap ko kung nasaan si Dawn, ngayon ko lang napansin na maganda rin ang katawan niya, kahit na may kaliitan siya, nakaka-akit pa rin siyang tignan. Nung nakita ko siya, kumaway ako at ngumiti pero ibinaling niya sa iba ang kanyang paningin. Kailangan ko na talagang humingi ng tawad.

"Mga estudyante." Sabi ni Sir na bigla na lang lumitaw, at hindi pa rin nawawala sa kanyanng labi ang ngiti. "Battle Suit yang suot niyo. Kung mapapansin niyo na paka komportableng gumalaw dahil gawa iyan sa mga hibla ng pinaka magandang klase ng goma. Mapapansin niyo na merong maliliit na bumbilyang nakalagay sa gitna ng iyong dibdib. At alam niyo kung para saan iyan."

Nagtanong na naman siya, kahit na alam niya na wala sa amin ang may alam ng sagot.

"Ang mga maliliit na bumbilyang iyan, ay may kakayahang sukatin ang kapangyarihan natatanggap ng inyong katawan, oras na hindi na makayanan ng inyong katawan ang lakas na tumama sa inyo, iilaw yan na hudyat na hindi na kayo pwedeng lumaban. Ginagamit lang ang battle suit tuwing merong pagsasanay at sa buwanang Battle Test.

Naalala niyo pa ba yung ikaapat na batas dito sa academy?" Tanong niya. Walang nagtaas ng kamay at kapag ganito, siguradong mapipilitan siyang magtawag ng pangalan. Buti na lang, at buti na lang merong nagtaas ng kamay.

" Ikaapat. Bawal gamitin ang battle stadium ng walang pahintulot ng guro." Sabi niya.

"Magaling, malaking kaparusahan ang paggamit nitong stadium ng walang pahintulot ng mga guro. Magmula ngayong araw na ito, dadalhin niyo ang inyong battle suit araw-araw. Pero hindi pa muna tayo gagamit ng inyong kapangyarihan."

Seryoso siya? Pinagsuot niya kami nito tapos hindi pa kami magsasanay? Kaya ng battle suit ang tawag dito.

"Sisimulan muna na natin ang tamang paraan ng paglipad." Sabi niya.

Tama ba yung narinig ko?

Paglipad.

Bukod kay Uncle Devon at Gaby, sila lang ang may alam na hindi ako nakakalipad. Noong bata ako halos ginawa na namin lahat ni Uncle Devon para lang magamit ko ang aking mga pakpak para makalipad, pero ni isa walang gumana. Nakakapagtaka lang na nang makita ako ni Uncle Devon sa gubat ay kasama ko na si Bullet. Para bang talagang ibinigay siya sa akin para magsilbi kong pakpak.

Halos mamatay naman sa tawa si Gaby ng malaman niyang hindi ko kayang lumipad. Kinalaaunan ay tinanggap ko na lang ito.

Napaka-karaniwan sa isang anghel at demonyo ang paglipad. Parang kakayahan lang ito kagaya ng paglalakad at pagtakbo.

"Hindi porke nakakalipad kayo, ay ganoon lang yun. Marami pa kayong pwedeng gawin upang mas mapaunlad niyo ang tamang paraan para lumipad. Kailangan niyong matutunan ang paggamit ng hangin para mamentena niyo ang paglutang sa ere ng hindi gumagamit ng masyadong maraming enerhiya para makalipad.

Ang lahat ng ito ay makakatulong upang mapalakas ang inyong pisikal na katawan at kapangyarihan.

Ngayon, gusto kong maghiwalay ang mga babae at lalaking demonyo at anghel. At isa-isa ninyong iladlad ang inyong mga pakpak."

Sinunod namin ang kanyang sinabi, kahit na hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang hindi ko kayang lumipad.

"Kung ano ang hitsura ng inyong mga pakpak ay may kinalaman sa inyong lakas. Kung makintab ang inyong mga balahibo sa pakpak para sa mga anghel, ibig sabihin ay malusog ang inyong pangangatawan. Kung mapula naman ang pakpak niyo para sa mga demonyo, malusog kayo."

Ngayon, gusto kong isa-isa kayong pumunta sa harapan para ipakita ang inyong mga pakpak. Magsimula tayo sayo." Sabay turo sa kay Gerald.

"Naalala niyo pa ba yung ginawa ko kay Gerald?"

Yung pinalipad niya si Gerald sa isang iglap gamit lang ang isang daliri. Gamit ang isang malakas na hangin. Oo, hinding hindi IIIko malilimutan kung papaano ko nakita ang kanyang reaksyon pagkatapos niyang makabalik.

Sumagot kaming lahat ng may halong kaunting ngiti, malamang hindi pa rin nawawala sa kanya ang kahihiyan .

Agad namang sinunod ni Gerald ang ipinaguutos ni Sir Ysmael, pumunta siya sa harapan at dahan-dahang iniladlad ang kanyang pakpak.

"Mapula ang kulay ng iyong pakpak.

Uulitin ko lang kung ano ang ginawa ko sayo noon, pero mas mahina ang hangin na ilalabas ko. Kailangan mo lang pigilan ang pagtilapon mo gamit ang iyong pakpak. Sa ganitong paraan, malalaman natin kung gaano kalakas ang inyong mga pakpak.

Kapag malayo ang narating niyo at hindi niyo agad napigilan ito, mahina kayo, este mahina pa ang pakpak niyo.

Nakikita niyo yung dingding na iyon? Masyado nang malayo ang distansya dito mula doon at iyon ang iiwasan niyong marating. (Sabay turo sa may dingding.)

"Malinaw ba tayo?" Tanong niya sa amin, lahat naman kami sumagot ng oo, maski ako. Ako ang natatanging anghel na hindi nakakalipad. Parang sinabi mo na rin na isdang hindi marunong lumangoy.

"Kung ganoon Gerald, ihanda mo na ang iyong sarili. Sa dibdib mo tatama ang ilalabas kong hangin. Mas mahina lang ito kaya hindi kayo masasaktan."

Itinutok ni Sir Ysmael ang kanyang hintuturo sa dibdib ni Gerald at nagbilang ng tatlo pababa. Nang matapos ang kanyang bilang, lumabas sa kanyang daliri ang hangin. Tumilapon si Gerald pero agad niya rin siyang huminto. Hindi ganoon kalayo ang narating niya.

"Magaling Gerald." Pagbati na sinabi ni Sir Ysmael. "Maupo ka muna doon at magpahinga.

Isang mayabang na ngiti ang ibinigay ni Gerald.

"Ikaw naman ang susunod." Turo sa lalaking nasa harapan ko. Akala ko ako na.

Salit-salitan ang pagtawag niya sa mga estudyante. Babaeng demonyo, babaeng anghel, lalaking demonyo at babaeng anghel.

Lahat sila ay maayos na nagawa ang pinagawa ni Sir Ysmael lalong lalo na si Dawn. Lalong gumanda siya nang makita ko sa unang pagkakataon ang kanyang pakpak.

"Ikaw naman Mr. Summers." Kahit na minsan hindi ko narinig na tawagin ako ni Sir Ysamel sa pangalan ko, ganun din kay Dawn.

Dahan-dahan akong pumunta sa harapan. Piling ko, naglalakad ako para pumunta sa lugar kung saan ako bibitayin. Naramadaman kong nakatutok sa akin ang panigin lahat ng kaklase ko at ito ang pinaka-ayaw kong pakiramdam.

Pagkarating ko sa harap, dahan-dahan kong iniladlad ang aking pakpak. Nakita ko sa mukha ni Sir Ysmael ang pagkamangha at pati na rin sa mga kaklase ko.

Kung meron man akong maipagmamayabang bukod sa aking katawan ito na siguro yung pakpak ko. Masasabi ko na ang pakpak ko ang pinakamaganda sa buong klase. Ok na sana. Ok sana kung nagagamit ko ito para lumipad pero hindi.

"Nakuha mo ang pakpak ng iyong ama." Ngiti at mahinang sinabi ni Sir Ysamael. Tama ba yung narinig ko? Sinabi niya ang "pakpak ng iyong ama". Napahinto ako ng marinig ko ang mga salitang iyon at tinignan siya.

"Sir," sabi ko. "Ulila po ako, kilala niyo po ang ama ko?" Tanong ko pero hindi niya pinansin ito, parang hindi niya nga narinig.

"Maganda ang pakpak mo, Mr. Summers, inaasahan ko na madali mo lang mapipigilan ang gagawin ko sayo. Handa ka na ba?" Hindi ko gaanong pinansin ang mga sinabi niya, sa halip tinanong ko siya uli.

"Sir kilala niyo ba ang aking ama?" Titig kong sinabi sakanya pero ngiti lang ang sinagot niya sa akin.

"Wala akong ideya sa mga pinagsasabi-sabi mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon, itinutok niya ang kanyang daliri sa aking dibdib at nagsimulang magbiglang ng tatlo pababa.

Ang pagpikit na lang ng mata ko ang huli kong nagawa.

Ilang segundo matapos kong mataggap ang hangin, ang huli kong naramdaman ay ang pagtama ng aking likuran sa matigas na dingding.

Kasunod nito ay ang kadaliman.

-----------------

AN: Hi, pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-update. Sana mapatawad niyo ako :). Para makabawi ako, pinahaba ko ang chapter na ito. Patuloy niyo lang sana na basahin ito.

Thanks :)

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...