Camellia

By ItsMeYav

6.7K 601 53

Ako si Angelico Summers, mas kilala bilang Echo. Isa akong anghel. Sa mundo na ginagalawan ko payapang namumu... More

I - Grand Oak Academy
II - Test
III - B Class
IV - Luca McMillan
V - Gaby Sander
VI - Nickname
VII - Sand Castle
VIII - Sweet Tooth
IX - Treven Tree
X - Devon Pierce
XI - Yellow
XII - Ysmael Willowtale
XIII - Dawn Oak
XIV - Cafeteria
XV - Rules
XVI - Chain
XVII - Room
XVIII - Necklace
XIX - Cookies
XX - Library
XXI - Book
XXII - Lauren
XXIII - Past
XXIV Past 2
XXV - A Class
XXVI - He
XXVII - Powers
XXVIII - Melancholy
XXIX - The Musician
XXX - Joke
XXXII - Level
XXXIII - Lesson
XXXIV - She
XXXV - Bullet
XXXVI - Flightless
XXXVII - Healer
XXXVIII - Apology
XXXIX - Race
XL - Telepathy
XLI - Metal
XLII - Wound
XLIII - Fire Demon
XLIV - Feast
XLV Clean
XLVI Spring
XLVII - Rhea
XLVIII - Therecian
XLIX - Therecian 2
L - Play
LI Slap
LII - Concrelus

XXXI - Vision

118 14 4
By ItsMeYav

Mona's POV

Mona Crown, oo yung korona nga yung apelido ko. Kakaiba diba? Tama lang kasi kakaiba rin naman ako. Kakaiba kasi kinatatakutan.

Mona Roxette Crown, ang buong pangalan ko, isang demonyo, at labing walong taong gulang. Marahil nagtataka kayo kung bakit ko kaapelido ang pinakapinuno ng Concrelus ngayon, si Ms. Lucy.

Siya lang naman kasi ang tita ko, siya na rin ang tumayo kong magulang. Bakit? Namatay sa isang digmaan ang ama ko bago pa ako isilang at ang ina ko naman ay namatay dahil nahirapan na ipanganak ako.

Hindi naging normal ang buhay ko noong bata pa ako. Limang taon palang ako ng matuklasan ko na ang kapangyarihan ko. Noon puro sa panaginip lang nagyayari iyon.

Mga mukha ng mga di kilalang tao ang nakikita ko, lalaki, babae, bata at matanda. Gabi-gabi isang mukha ang nakikita ko at kasabay nito ang paraan kung papaano sila mamatay.

Pinatay, napatay o aksidente sa bawat panaginip na nararanasan ko ay nakikita ko kung papaano isa-isa silang nawawalan ng buhay. Naririnig ko ang kanilang mga sigaw, hinagpis at sakit na kanilang nararanasan. Ang mga sigaw na paghingi ng tulong, walang nakakarinig sa kanila bukod sa akin.

Isunumpa ko ang nakuha kong kapangyarihan, hindi ito isang biyaya, isa itong bangungot.

Isang gabi, nanaginip ako tungkol sa isang batang lalaki, siguro anim na taong gulang. Nagising siya at umiiyak, marahil na alimpungatan. Sinubukan niyang tawagin ang mga magulang niya pero walang nakakarinig sakanya. Nagsimula siyang hanapin ang kanyang magulang hanggat sa nakita niya ang kanyang magulang na nakahandusay, walang malay at duguan. Dahan-dahan niyang nilapitan ang walang buhay na katawan nito at simulang umiyak. Maya-maya pa ay may nakita siyang dalawang pulang mata sa sulok at bigla na lang sinunggaban ng malaking lobo ang bata. Sa isang iglap wala na ang buhay nito, ito rin ang pumatay sa kanyang magulang.

Kinabukasan ay nabalitaan na lang namin na merong pamilyang natagpuang patay. Mag-asawa at ang kanilang anak, namatay daw dahil inatake ng malaki at mabangis na lobo. Malapit lang daw di umano ang bahay nito sa gubat, kaya malapit talaga sa kapahamakan lalong-lalo na sa mga gutom namababangis na halimaw.

Nanghina ako ng marinig ng marinig ko ito, hindi ko akalain na ang isang panaginip ay magkakatotoo.

Pangitain.

Pangitain ang mga nakikita ko.

Ilang gabi kong dinanas ang mga bangungot at walang tulog na gabi hanggat sa mawala ito noong umabot na ako sa walong taon gulang.

Akala ko tapos na, pero hindi pa pala.

Akala ko lang.

Dahil nga ulila ako at si na lang ang kaisa-isahang kong kamag-anak si Ms. Lucy na ang tumayo kong ina, kahit na papaano ay ipinaranas niya sa akin ang buhay bilang isang bata.

Madalas niya akong pinapasyal sa parke upang makahalubilo ang mga batang kapareho ko lang ng edad.

Noong una masaya, habulan takbuhan, taguan. Akala ko magiging normal na ang buhay ko.

Dalawang taon na akong hindi nakakaranas ng mga bangungot, wala na akong naririnig na mga sigaw at paghingi ng tulong pero nagbago lahat ito ng umabot na ako sa sampung taong gulang.

Kung dati sa panaginip lang iyon nangyayari ngayon oras na nahawakan ko ang isang tao, makikita't makikita ko kung papaano, kailan, saan, siya mamamatay.

Nagsimula ito isang buwan matapos ang ika-sampu kong kaarawan. Ipinasyal na naman ako ni Ms. Lucy sa isang parke, kailan man di sumagi sa isipan ko na tawagin siyang ina o tita. Ok lang naman sakanya iyon.

Agad naman akong pumunta sa mga bata upang makipaglaro, ilang minuto napagpasyahan namin na ang lalaruin namin ay
habulan at ako ang magiging taya.

Iginuhit muna namin ang mga lugar na kung saan ay pwede at hindi pwedeng tumakbo. Pagkatapos non ay ilang minuto kaming namahinga upang maghanda.

Nagsimula na silang tumakbo at sinumulan ko na rin ang paghahabol nang umabot ang kmnay ko sa isang braso ng bata, bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo at ang kasunod nito ang dahang-dahang pagitim ng aking paligid. Hanggat sa wala na akong makita kundi ang batang kaharap ko.

Habang tumatagal ay humihigpit ang kamay ko, pero hindibko ito gusto.

"Bitawan mo na ako Mona, nahuli mo na ako."

Pagmamakaawang sabi ng bata pero hindi ko ito sinunod.

Bigla akong sumigaw ng pagkalakas-lakas na ikinagulat ng batang nasa harapan ko at ng lahat ng nasa parke napatakbo sila sa akin para tignan.

Ang naabutan nila ay isang batang babaeng kulay itim ang mga mata at matindi ang pagkakapit ng kamay sa braso ng batang lalaki.

Maya-maya pa ay nagsimula akong nagsalita,

"Andy Scale, mamatay ka bukas ng hapon sa bahay niyo mismo. Masusunog ang bahay niyo at hindi ka makakalabas. Huli ng darating ang mga magulang mo at sunog na bangkay ka na lang ang maabutan nila!" Hindi ko namalayan na lumabas na pala ang mga salitang iyon sa aking bibig.

Nakita ko ang takot sa mukha ni Andy, ng kanyang magulang at lahat ng naroon. Ngayon ko lang napansin na namakat na ang kamay ko sa kanyang braso sa higpit ng pagkakahawak ko.

Napaatras ako dahil sa gulat at takot, nakita ko ang galit sa mata ng ina ni Andy, agad akong tumakbo kay Ms. Lucy, umiiyak.

"Wala akong kasalanan, hinawakan ko lang siya tapos hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga salita na sinabi ko. Hindi ko alam." Pagtangis kong sinabi kay Ms. Lucy agad niya akong niyakap at nagmadali ng umalis sa parke. Nakita ko na umiiyak pa rin si Andy at galit parin silang lahat sa akin.

Napatahan lang ako ng dumating na kami sa bahay.

"Huwag kang matakot, kaya mong makita ang hinarap Mona. Kapangyarihan mo ito." Paliwanag ni Ms. Lucy.

"Hinaharap? Hinaharap kung kailan sila mamatay. Ayoko ng ganun, ayokong nakikita kung paano sila mamamatay." Sabi ko sakanya. Nakita ko sa mata niya ang mga pangamba.

Pagkatapos kong sabihin yun, tumakbo na ako agad sa kwarto upang makapahinga. Humiga ako at di ko na napigilan oang umiyak, hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako.

Ayoko na sanang sumapit oaaang umaga baka magkatotoo ang sinabi ko kay Andy. Sa hindi inaasahang pangyayari hindi nga nagkatotoo!

Namatay si Andy ng umaga dahil sa isang sunog, umaga hindi hapon. Nanghina naman ako ng marinig ko ang mga balitang iyon.

Ilang oras lang nakalipas ng makarinig kami ng malakas na kalampag sa aming pintuan, pagkabukas namin ng pinto ay ang ina ni Andy, luhaan at galit.

"Nasan na yang mamatay na bata na iyan!" Galit na sigaw niya.

"Wala kang karapatang pumasok dito sa bahay ko at magsisigaw." Sabi ni Ms. Lucy.

"Ilabas mo na ang pumatay sa anak ko!" Sigaw niya.

"Pumatay? Namatay ang anak mo dahil sa isang aksidente! Nasunog siya tapos sinong pinagbibintangan mo si Mona?! Sinabi lang niya kung ano ang nakita niya, kapangyarihan niya iyon." Matigas na pagpapaliwanag na sabi ni Ms. Lucy.

Bigla na lang nawala ang galit niya at napalitan ng kalungkutan, parang natauhan sa mga pinagsasabi ni Ms. Lucy.

"Ang anak ko." Nanghihinang sinabi ng ina ni Andy.

"Wala na siya, walang may gusto sa pagkawala niya. Mas makakabuti kung tanggapin mo na. Buti pa umuwi kana." Malumanay na sabi ni Ms. Lucy, habang ako tahimik lang na nakikinig sa isang sulok.

Nang marinig kong umalis na siya wala na akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak sa aking kwarto.

Taon ang ginugol ko sa loob ng kwarto, nagkukulong. Kumalat sa lugar ang kapangyarihan ko, kinatakutan. Hindi ko rin naman sila masisi.

Ilang beses akong pina-aalahanan ni Ms. Lucy na merong buhay sa labas ng kwarto ko.

Kinalaunan ay natanggap ko rin ang kapangyarihan ko, pagkatapos non tsaka ko pa lang nalaman na isa rin pala akong spell caster kagaya niya.

Nagawa ko ng kontrolin ang kapangyarihan ko, kapag nakakahawak ako ng di kilalang tao, ay napapatigil na lang ako. Hindi katulad dati na sumisigaw at nangingitim ang mga mata ko. Nalaman ko rin na kapag matagal ko ng kilala ang isang tao ay hindi ko na makikita kung papaano ito mamatay. Dahilan kung bakit di ko alam kung papaano, kailan at saan mamamatay si Ms. Lucy.

Nagkalakas na rin ako ng loob para lumabas, at kumuha ng exam para sa Grand Oak Academy. Sa kabutihang palad ay nakapasa ako at naging A class pa.

Normal na sana ang lahat pero mukhang hindi ko ata mararanasan ang salitang "normal".

Labing walong taong gulang ako ng bumalik ang panaginip ko. Pero isa lang ito at paulit-ulit.

Nakikita ko ang dalawang nilalang na parang mga anghel pero iba, imbes na puti ang kanilang mga pakpak, itim ito. Nasa ibang lugar sila di ko alam kung saan, lugar kung saan maraming patay na puno at natatakpan ng kulay abo na ulap ang langit. Kulay itim ang lupa. Patuloy lang silang naglalaban. Parehong sugatan, duguan at naghihina, pero wala sa kanila ang gustong sumuko.

Magigising na lang akong pawisan at hanggang doon lang ang panaginip ko.

Iba ito. Ibang klaseng pangitain. Digmaan at giyera.

------------------

Katatapos lang magsalita ni Sir Devon, halos isang linggo na kaming nag-aaral pero wala pa ni isa sa mga kaklase ko ang naki-pagusap sa akin. Hindi katulad ng isang babae, Gabriella ata pangalan niya, lapitin ng mga lalaki. Nakakainggit siya. Nakakainggit na maraming gustong makipag-usap sakanya, di katulad sa akin.

Hinintay ko munang lumabas lahat bago ako sumunod at di inaasahang pangyayari bigla ko na lang nabunggo ang isang B class na lalaki, may kasama ito B class na babae at mukhang mga kaibigan ito ni Gabriella.

"Okey ka lang ba?" Tanong sa akin ng B class na babae, hindi ko na tinignan ang mukha niya dahil abala ako sa pagkuha ng mga librong nahulog. Sumagot naman ako ng oo.

Hindi ko alam na pinulot pala ni Gabriella ang ilan sa mga libro ko at hindi ko naiwasang mahawakan ang kanyang kamay.

Bigla na lang akong napahinto at nakita ko siyang nakasuot ng puting gown, nakahiga sa sahig, may sugat sa tagiliran at dumudugo, sa kamay niya ay isang puting bulaklak na may bahid ng dugo. Nakita ko kung papaano siya mamatay pero hindi ko alam kung saan at kailan. Ayoko ng ganito.

Agad ko ng kinuha ang mga libro kay Gabriella at iniabot naman ng kaibigan niyang lalaki ang mga nakuha niya. Hindi ko rin napigilang mahawakan ang kanyang kamay.

Nanlamig ang buong katawan, kahit na segundo lang pagkakahawak ko ay parang oras ito sa akin.

Nakita ko sakanya ang kulay luntiang matang naging kulay itim, ang pakpak ng puti ay dahan-dahan ding naging itim, humaba ang kanyang buhok at lumabas sa kanyang bibig ang matatalas na pangil. Hindi! Ganito ang nilalang na madalas kong nakikita sa aking panaginip!

Nanlaki ang mga mata ko sa takot at binilisan kong kinuha ang mga libro at tumakbo papalayo.

Sino ba siya?!

Hindi ko alam pero ramdam ng buong katawan ko ang takot, para bang nakaharap ko ang isang malakas at nakakatakot na halimaw.

---------------------------
This Chapter is Dedicated to JulieMarieLegaspi :)

AN: Hi salamat sa pagbabasa ng Chapter 31! Yes, binabati kita at nakaabot ka dito. Comment at Vote naman kayo :)

Nagustuhan niyo ba ang bagong character?

Salamat sa mga silent readers :)

Thanks:)

Continue Reading

You'll Also Like

171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...