Camellia

By ItsMeYav

6.7K 601 53

Ako si Angelico Summers, mas kilala bilang Echo. Isa akong anghel. Sa mundo na ginagalawan ko payapang namumu... More

I - Grand Oak Academy
II - Test
III - B Class
IV - Luca McMillan
V - Gaby Sander
VI - Nickname
VII - Sand Castle
VIII - Sweet Tooth
IX - Treven Tree
X - Devon Pierce
XI - Yellow
XII - Ysmael Willowtale
XIII - Dawn Oak
XIV - Cafeteria
XV - Rules
XVI - Chain
XVII - Room
XVIII - Necklace
XIX - Cookies
XX - Library
XXI - Book
XXII - Lauren
XXIII - Past
XXIV Past 2
XXV - A Class
XXVII - Powers
XXVIII - Melancholy
XXIX - The Musician
XXX - Joke
XXXI - Vision
XXXII - Level
XXXIII - Lesson
XXXIV - She
XXXV - Bullet
XXXVI - Flightless
XXXVII - Healer
XXXVIII - Apology
XXXIX - Race
XL - Telepathy
XLI - Metal
XLII - Wound
XLIII - Fire Demon
XLIV - Feast
XLV Clean
XLVI Spring
XLVII - Rhea
XLVIII - Therecian
XLIX - Therecian 2
L - Play
LI Slap
LII - Concrelus

XXVI - He

97 11 0
By ItsMeYav

Gaby's POV

Mag-isa ko lang ngayong nakaupo. Halos lahat ng kaklase ko gulat pa rin sa nakita nila. Hindi sila makapaniwala na sa isang iglap, bigla na lang napaluhod ang kalaban namin. Nabasag lang ang pangyayaring ito nang magtawag na si Sir Devon ng pangalan para sa susunod na laban.

Ilang oras akong nakaupo, habang pinapanood lang ang ibang kaklase kong naglalaban. Lumipas ang oras na mag-isa ko lang, walang kausap at tahimik, hanggat sa sinabi ni Sir Devon na pwede na kaming kumain para sa pananghalian. Agad na akong pumunta sa palikuran para magpalit ng damit. Tinanggal ko na ang battle suit at inilagay sa locker room. Suot ko na ngayon ang kulay pula kong uniporme.

Dumiretso na ako agad sa silid nila Echo, sa pagkain ko na lang ibubuhos lahat ng nararamdaman ko. Haha.

Malayo palang tanaw ko na siya at mukhang kasama niya uli si Dawn. Mukhang sila na mismo ang naghihintay sa akin.

"Oh ano kain na tayo?" Ngiti kong tanong. Pero ang sagot niya ang bumasag sa ngiti sa aking mukha.

"Pasensya na Gaby, pero hindi ako kakain ngayon, may aasikasuhin kasi ako. Kayo na lang ni Dawn ang kumain." Sagot niya.

Seryoso ba siya?? May aasikasuhin siya? Kailan pa siya naging abala? Buti na lang at nariyan si Dawn para samahan ako.

Patuloy ko siyang tinanong kung ano ang gagawin niya at sinabi niya itong importante. Baka matagalan siya kung hihintayin pa namin at baka hindi raw kami makakain. Kasalan pa daw niya. Wala na akong nagawa pero nagpresinta naman siyang ihatid kami hanggang sa cafeteria.

Pagkatapos nun ay umalis na siya. Hindi namin alam kung saan siya pupunta. Ilang minuto pa ay nakakuha na kami agad ng makakain ni Dawn.

"Dawn pwede bang magtanong?" Tanong ko sakanya habang kinakain ang piraso ng chocolate cake.

"Pwede ano ba iyon?"

"Anong tingin mo kay Echo?"

"Kay Echo??" Parang bigla pa siyang nasamid nung tanungin ko siya.

"Oo kay Echo, anong tingin mo sa kanya?"

"Ah, mabait siya. Maginoo."

"Yun lang? Hindi ka ba nagwagwapuhan sakanya?"

Bigla na lang siyang namula, at kung tama ang hinala ko. Baka. Baka may gusto ito kay Echo.

"Ha??? Hindi ko naman tinitignan yung pisikal na kaanyuan ng isang tao eh."

"Ganun talaga? Uulitin ko gwapo ba si Echo o hindi?' Madiin kong tanong.

"Gaby bakit mo ba ako tinatanong ng ganyan?" Namumula siya lalo.

"Mahirap ba sagutin yun, Dawn? Oo hindi lang naman."

"Oo gwapo si Echo. Masaya ka na?"

"Haha, bakit parang galit ka Dawn, tinitignan ko lang naman kung ano yung tingin mo sa bestfriend ko."

"Ah okey." Bigla na lang siyang napabuntong hininga at sumubo ng pagkain.

"Ito, sino mas gwapo si Luca o Echo? Gusto kong maging tapat ka sa sasabihin mo."

"Nanaman Gaby? Puro lalaki lang ba ang pag-uusapan natin?"

"Oo ayaw mo ba?"

"Hindi naman. Gusto mo ba talagang malaman kung sino talaga ang mas gwapo para sa akin?"

"Oo naman. Sige sabihin mo na." Sabi ko habang sumisipsip sa strawberry shake.

"Para sa akin mas gwapo si Luca kesa kay Echo."

"Haha, sabi ko na nga ba hindi lang ako ang nakakapansin. Mas gwapo nga si Luca pero mas gusto mo naman ang ugali ni Echo." Sa totoo lang kahit na ayaw ko sa ugali niya, na-aakit parin ako sa itsura ni Luca. Aaminin ko, nung una ko siyang nagkita iba ang tingin ko sakanya, pero nung nakita ko ang ugali niya, nalaman ko na mayabang pala siya at isa yun sa mga bagay na ayaw ko sa mga lalaki.

"May tanong ka pa ba Gaby?" Kunot na sinabi ni Dawn.

"Meron pa syempre."

"Oh ano naman yun?"

"Bakit ka namumula kapag kausap mo si Echo o kapag pinag-uusapan man lang siya. May gusto ka ba sakanya??" (Huli kang babae ka.)

"Ha??" Hindi mapakaling sagot ni Dawn, hindi niya alam kung titingin siya sa akin at mukhang hindi siya naging kumportable sa sagot ko.

"Namumula ka ngayon Dawn." Ngiti kong sabi sakanya. "Alam mo sabi aa akin ng isang kaibigan ko na hindi madaling itago ang nararamdaman mo sa isaag lalaki lalo na kung babae ka. Ngayon tatanungin kita uli Dawn, may gusto ka ba sa bestfriend ko??" Lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya.

Kung sakaling magkagusto nga siya kay Echo, siya lang ang magiging karapatdapat na maging karibal ko. Kayang niyang sabayan ang kagandahan ko dahil natural na siyang meron nito. Kaya noong una ko siyang nakita, napansin ko na maganda siya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. May kaliitan siya pero di naman ganun kapansin dahil kapag tumingin ka sakanya, mababaling ang attensiyon mo agad sa kanyang maamong mukha.

"Ano Dawn? Mananahimik ka na lang ba diyan? May gusto kaba kay Echo? Meron o wala." Ngayon ay tinakpan niya ang kanyang mukha, marahil ay nahihiya dahil namumula at mukhang hindi niya maiitatago ang katotohanan.

"Meron o wala. Meron o wala. Malamang meron Dawn." Paulit-ulit ko itong sinasabi sakanya at kahit na anong gawing kong pangungulit sa kanya ay nanatili lang siyang nakatahimik hanggat sa parang ibubuka na niya ang kanyang bibig. Pero merong isang pesteng nanira ng pagkakataong ito.

"Hi mga Miss, pwede bang makiupo dito??" Tanong ng isang S class na lalaki. Hindi na ituloy ni Dawn ang sasabihin niya dahil napunta ang kanyang atensyon niya dito. Sa harap naming dalawa ang isang lalaking may kalakihan ang katawan at kung pagbabasehan ang pisikal na itsura, hindi maikakaila na malakas nga ito.

"Hindi, tapos na kaming kumain at aalis na kami. Halika na nga Dawn." Kinuha ko na ang mga gamit ko at tumayo pero, napigil ang paglakad ko dahil hinawakan ako ng mahigpit sa kamay ng lalaki.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sakanya. Nakita kong parang natakot si Dawn.

"Huwag ka namang maingay Miss Sungit, gusto ko lang namang makipagkaibigan. Ssshh." Mayabang niyang sinabi sa akin.

"Bitawan mo ako kung ayaw mong masaktan." Matapang kong sinabi sa kanya.

"Bitawan mo na siya!" Sabi ni Dawn habang hawak niya ang kanyang gamit, handang ihamapas sa lalaki ano mang oras.

"Aba, hindi ka lang pala masungit, matapang ka rin." Sabi niya, habang mas mahigpit ang hawak niya sa akin.

"Ano ba bitawan mo na nga ako! Nasasaktan na ako!." Kahit na anong oras ay kaya kong gamitan sakanya ang kapangyaraihan ko pero bigla na lang ding nangyari ang di inaasahan.

Bigla ko na lang maramdaman na may humila sa akin at nakawala na ako sa pagkakapit ng lalaking iyon. Sa sobrang lakas ng pagkakahila niya sa akin nawalan ako ng balanse at napasandal ako sa dibdib ng lalaking humila sa akin.

"Pre, mukhang hindi mo alam kung papaano trumato ng isang babae." Galing sa lalaking humila sa akin at alam ko kung kanino ang boses na iyon, pagkatingala ko ay nakita ko ang mukha niyang galit na galit. Si Luca. Sa unang pagkakataon ay biglang bumilisang tibok ng puso ko.
Kagwapo niya.

"Ano bang pakielam mo?!" Galit na sabi ng lalaki akmang susuntukin niya si Luca pero agad niyang itong nasalo gamit lang ang kanyang kanang kamay at sa isang iglap biglang may lumabas na kung ano sa kaliwa niyang kamay at itinutok ito sa leeg ng lalaki.

Biglang napahinto ang lalaki at kusa na lang umalis tumalikod sa amin at naglakad papalayo. Nawala na rin ang matulis na bagay sa kamay ni Luca at tinignan akong habang nakangiti.

"Okey lang ba kayo?" Tanong niya. Ano ba itong nararamdaman ko? Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko, lumalim ang hininga ko, pilingbko tumigil ang oras sa paligod ko at anoba talaga ito? Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kaligayahan at nakita ko siya.

"Huy! Ok lang ba kayo?" Bigla na lang bumalik ang ulirat ko. Agad ko siyang tinulak palayo.

"Ok lang ako, kaya ko naman ang sarili ko bakit mo pa ginawa yun?"

"Hmm di ko alam bigla ko na lang kasi kayong nakitang parang may kaaway
kaya yun, agad akong pumunta para tumulong. Bakit parang galit ka pa." Bigla na lang siyang parang nalungkot. Tinignan ko ang relo ko at 1 na pala. Huminga ako ng malalim at nagsalita sa kanya.

"Salamat" ngiti kong sinabi sakanya. Mga salitang kailan may hindi ko inaakalang sasabihin ko sakanya. "Mauna na kami ni Dawn."

Agad ko na lang hinatak si Dawn papalayo sa kanya.

"Huwag mong sasabihin ito kay Echo ah. Ipangako mo Dawn."

"Bakit? Ok ka naman na."

"Basta huwag mong sasabihin sakanya, ayaw kong mag-alala siya."

Pagkatapos nun ay naghiwalay na kami ng daan papunta sa aming silid.

Pagkarating ko sa silid wala pa naman si Sir Devon kaya nagkaroon ako ng oras para makapagpahinga. Pagkatapos siguro ng dalawampung minuto ay dumating na rin si Sir Devon. Nagturo lang siya tungkol sa kasaysayan ng Zernia. Hindi ako gaanong nakinig sakanya dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kanina at ang naramdaman ko kay Luca.

"Gaby hindi pwede. Hindi pwedeng magkagusto ka sa lalaking iyon!" Sabi ko sa aking sarili. Hindi ko namalayan na lumipas ang limang oras na iba ang iniisip ko hanggat sa magpa-alam na si Sir Devon hudyat na uwian na.

Pagkalabas ko agad ko ng hinanap si Echo, nakita ko siyang hinihintay ako at naroon aa rin Bullet. Pagkasakay ko tinanong ko kung saan siya galing. Sabi niya na nagpunta sa silid-aklatan upang hanapin ang librong pinapakuha sa kanya ni Sir Devon. Tinanong niya ako kung nakakain kami at binalik ko naman sakanya ang kanyang tanong.

Nagulat ako ng marinig ko ang sagot niya. Binigyan pala siya ng cookies
ni Dawn! Cookies?! Tanong ko sakanya at nagawa pa akong alukin ni Echo. Agad ko naman itong tinanggihan. Ang babaeng iyon talaga, humanda siya sa akin bukas! Hindi niya parin sinasagot ang tanong ko!

Tinanong ako ni Echo kung bakit ako sumisigaw pero hindi ko na siya sinagot. Naging tahimik ang aming biyahe hanggat sa makarating kami sa bahay ko. Agad akong bumaba at nagmadaling naglakad papunta sa pintuan. Tinanong ako ni Echo kung ano raw ba ang nagawa niyang kasalanan hanggat sa marating ko ang door knob ng pintuan.

"Hindi mo talaga alam noh Echo? Wala. Wala kang kasalanan at hindi mo kailangang humingi ng tawad." Pagkatapos kong sabihin yun agad akong pumasok sa pintuan at inilock ito, nakita kong nakasimangot si Echong umalis. Dumiretso na ako sa aking kama at humiga.

"Ano ba Gaby? Bat kaba nagkakaganyan? Binigyan lang ng cookies ni Dawn si Echo agad ka ng nagagalit. Masyado ka namang pahalata. Matagal mo ng kilala si Echo, sa tingin mo ganun ganun lang siya maakit?" Tanong ko sa sarili ko, habang nakatingin sa kisame.

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko, parang may kirot sa aking puso. Hindi pwede ito, hindi pwedeng nararamdaman ko ito. Hindi pwedeng nagseselos ako!

Bigla ko na lang naipikit ang aking mga mata at tuluyan ng nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

10.3M 474K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
42.4K 1.7K 41
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
20.6M 759K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
2.4M 184K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...