Camellia

Por ItsMeYav

6.7K 601 53

Ako si Angelico Summers, mas kilala bilang Echo. Isa akong anghel. Sa mundo na ginagalawan ko payapang namumu... Más

I - Grand Oak Academy
II - Test
III - B Class
IV - Luca McMillan
V - Gaby Sander
VI - Nickname
VII - Sand Castle
VIII - Sweet Tooth
IX - Treven Tree
X - Devon Pierce
XI - Yellow
XII - Ysmael Willowtale
XIII - Dawn Oak
XIV - Cafeteria
XV - Rules
XVI - Chain
XVII - Room
XVIII - Necklace
XIX - Cookies
XX - Library
XXI - Book
XXII - Lauren
XXIII - Past
XXIV Past 2
XXVI - He
XXVII - Powers
XXVIII - Melancholy
XXIX - The Musician
XXX - Joke
XXXI - Vision
XXXII - Level
XXXIII - Lesson
XXXIV - She
XXXV - Bullet
XXXVI - Flightless
XXXVII - Healer
XXXVIII - Apology
XXXIX - Race
XL - Telepathy
XLI - Metal
XLII - Wound
XLIII - Fire Demon
XLIV - Feast
XLV Clean
XLVI Spring
XLVII - Rhea
XLVIII - Therecian
XLIX - Therecian 2
L - Play
LI Slap
LII - Concrelus

XXV - A Class

127 10 0
Por ItsMeYav

Gaby's POV

Sa wakas, nakarating na rin ako sa academy! Grabe nakakapagod ang lumipad, medyo malayo pa man din ang bahay namin.

Pagkapasok ko sa silid, agad naman akong binati ng mga lalaki ng magandang umaga. Sumagot naman ako ng "Maganda talaga ako", nakita ko namang nagsibulungan ang babae sa likuran ko, alam kong ako ang pinaguusapan nila. Nginitian ko sila, nginitian din naman nila ako pabalik. Mga plastik.

Noong unang araw ng pasukan halos lahat ng lalaki ang lumapit sa akin para makipagkilala, sinabi ko naman ang pangalan ko pero wala akong pakelam sa mga pangalan nila, wala rin naman akong balak na magtagal dito sa section nito.

Balak ko, kapag naging A class na si Echo at naging magkaklase na kami tsaka kami sabay na magtratraining upang maging parehong S class. Ba, hindi bagay ang kagandahan ko sa section na to, kailangan nandun ako sa mga pinakasikat at pinakahinahangaan. Wala namang problema kay Echo dahil alam kong kaya rin niyang makipagsabayan sa mga S class konting training lang.

Nakaupo ako sa harapan sa gitnang parte, para kapag tumayo ako't sumagot, kitang-kita nila ako. Ayoko kayang nasasapawan, lalong-lalo na kapag sa ibang babae. Masasabi ko naman hindi lang puro mukha ang meron ako, meron din akong utak. San kapa, lahat na nasa akin.

Ilang minuto lang ay dumating na rin si Sir Devon, mukhang wala sa mood. Nakasimangot. Palagi naman.

Sanay na ako sa ugali niya, halos siya na rin ang nagsilibi kong ama, dahil sa dalas kong papunta sa kanila. Hindi pala nila alam na si Sir Devon ang nag-alaga kay Echo at hindi rin nila alam na matagal ko na siyang kilala. Pag nasa loob kami ng klase, estudyante lang ang turing niya sa akin at guro lang naman at turing ko sa kanya. Sa ganitong paraan maiiwasan ang pagsasabing baka ako ang maging paborito niyang estudyante dahil kakilala niya ako.

Hindi ko alam kung hindi siya nauubusan ng boses kapag nagtuturo, palagi siyang nakasigaw. Ang resulta? Palagi kaming nakikinig.

Ngayon ay papunta kami sa combat stadium para magtraining. Pinagsuot kami ng protective gear. Kulay black siya na fit na fit sa katawan. Parang gawa siya sa goma, napakakomportableng gumalaw. Sa loob daw nito ay merong tagasukat ng kapangyarahing natatanggap. Pag hindi na kayang tanggapin ng damit ang kapangyarihang tumatama sayo, mag-iiba ito ng kulay hudyat na natalo kana sa kalaban mo.

Marami sa mga kaklse ko ang knights at spell caster. Mag-isa ko lang na rare pero ang sinabi ko force field maker ako, dalawa nga din pala ang kapangyarihan ko. Ang Gravity Alter at Forcefield maker. Noon ko lang natutunan na gumamit ng forcefield. Bago kasi kami pumasok dito sa academy, sinabi ni Sir Devon na huwag muna naming ipapakita ng buo ang aming kapangyarihan. Dahil magagamit yun ng ibang estudyante para talunin kami pag hahamunin nila kami sa isang battle test.

"Alam kong matagal pa ang kauna-unahang buwanang Battle Test, pero gusto ko na marami sa inyo ang makararing na sa S class. Nakakahiya kayo kapag sa unang test ay bumagsak kayo agad sa B Class. Kaya magmula ngayon pagiigihan natin ang inyong training. Kumuha kayo ng inyong kapartner at magta-tag-team battle tayo. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para makahanap ng inyong kapartner."

Pagkatapos sabihin yun ni Sir Devon agad naman ng nagsilapitan ang mga lalaki sa akin. Nagprepresintang sila na daw ang maging kapartner ko at wala akong gagawin dahil sila na lahat ang kikilos. Iba nga naman ang kagandaghan ko.

Pero wala akong balak na mag-astang prinsesa, kailangan ko ring lumaban para lumakas. Nakita ko ang isang kaklase ko sa isang sulok. Nakatayo lang siya habang tinignan ang iba na masayang nakahanap na ng partner, siguro siya yung tipong maghihintay kung sino ang wala pang nahanap at silang dalawa na lang ang natitira.

Ngiting alok ng mga lalaki kong kaklase pero ni isa sakanila wala akong pinaunlakan. Bigla ko silang hinawi at pumunta sa kinaroroonan ng babae kong kaklase na nakatayo sa sulok.

"Ui babae, ikaw ang magiging partner ko." Sabay turo ko sa kanya.

"Ako??" Tumingin siya sa likod. "Ako talaga??" Pagtataka niyang tanong.

Tahimik siyang babae, hindi gaanong pansinin. Nakasalamin, katamtaman lang ang laki at medyo payat.

"Oo ikaw nga. Bakit ayaw mo?"

"Di naman. Sige salamat."

"Ano nga uli pangalan mo at ano yang kapangyarihan mo?"

"Sue ang pangalan ko at isa akong Summoner. Card Summoner. Ikaw si Gabriella diba? Ano naman yung kapangyarihan mo?"

"Isa akong force field maker."

"Ikinagagalak kitang makilala Gabriella." Ngiting sinabi niya.

"Ako rin." Ka ko.

"Oh sige tama nayan. Ngayon sa tingin ko nakahanap na kayo lahat ng kapartner niyo. Pumunta na kayo dito sa harapan at magsisimula na tayo. Aakyat sa platform ang matatawag kong pangalan."

Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa harap ng platform at kung sinuswerte ka nga naman talaga. Pangalan namin ang unang tinawag, makakalaban pa namin yung dalawang babaeng ewan ko kung babae talaga.

"Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para talunin ang inyong kalaban. Tagteam battle to kaya magtulungan kayo. Oras na umilaw na ang battle suit ng inyong kasama o kalaban kahit na magisa niya, ititigil niyo na ang laban. Kung sinong panig ang unang makapagpailaw ng suit ng kalaban ang tatanghaling panalo. Malinaw ba??" Sabi ni Sir Devon.

Sabay naman kaming sumangayon pagkatapos ay sabay na ring umakyat sa platform. Nasa magkabilang dulo kami nito. Lumapit muna ako kay Sue upang sabihin kung ano ang magiging plano namin. Pagkatapos ay suminyales na ako kay Sir na handa na kami.

"Tignan natin kung may mukha kapang ihaharap mamaya oras na talunin namin kayo." Mayabang na sabi ng makakalaban ko. Di ko na siya sinagot. Di ko siya kalebel kaya di na kailangan, tsaka isa pa, sigiradong kami naman ang mananalo eh.

Itinaas ni Sir Devon ang kanyang kanang kamay at nagbilang papaba. Hudyat para simulan na ang laban.

Agad na sumugod ang isa sa kalaban namin, gaya ng inaasahan ko, isa nga sakanila ang Knight. Agad siyang naglabas ng dalawang espada at mukhang ako ang pupuntirahin niya buti na lang at agad ng nakapagtawag ng spirit si Sue. Tinawag niya mula sa baraha niyang hawak ang isang malaking ahas. Napatigil ang knight naming kalaban, at medyong napaatras. Pero hindi siya agad natinig, iniligan lang nito ang mga atake ng ahas tsaka lumipad papunta sa akin.

"Sue! Kaya mo bang tumawag ng dalawang spirit??" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi pero kung babaan ko ang level ng monster baka pwede."

"Sige hayaan mo na, puntiryahin mo na lang yung isang kasama niya. Spell Caster yan kaya di pa gumagalaw."

Agad naman akong sinunod ni Sue, inutusan niya ang malaking halimaw para atakihin yung isa pa. Agad naman lumipad ang knight para tulungan yung spell caster pero napigilan ko siya. Alam kong gagawin niya yun kaya agad akong naglagay ng force field para hindi niya magawang lapitan ang kasama niya.

Ang kahinaan ng mga spell caster ay minsan matagal gumana ang kanilang spell lalo na't kung mahina ang gumagawa nito.

Ang mga sumusunod na pangyayari ang hindi ko inasahan. Nabasag agad ng knight ang force field na ginawa ko at nagawa nitong atakihin sa likod ang halimaw na tinawag ni Sue. Pagkatapos non tsaka palang kumilos ang spell caster, umatake gamit ang isang spell at may kalakasan yun, pareho niya kaming tinamaan ni Sue. Hindi ko nagawang lagyan ng shield ang sarili ko dahil sa bilis ng pangyayari.

Nagkamali ako, masyado ko silang minaliit. Agad na lumipad pabalik sa akin si Sue, nawala na ang spirit na tinawag niya.

"Hahaha mahina kayo, ano ka ngayon? Maganda ka pero mahina ka lang Hahahah." Sabi ng kalaban namin. Nakakabwisit ang itsura niya.

Kailangan magbago ng plano.

"Sue, tumawag ka ng dalawang spirit kahit na mahina na."

"Sige, tinatawag ko ang kambal na lobo! Lumabas ka!!" Bigla na alang lumabas ang dalawang lobo, ang kulay nila ay puti at itim.

"Humanda ka Sue, tayo naman ang suaugod ngayon."

Agad kaming lumipad papunta sa kanila, oras na para makabawi.

Agad naman kaming hinarangan ng Knight pero may plano na ako sakanya, siya na mismo ang nilagyan ko ng force field para hindi makagalaw.

"Sue! Sugurin mo na yang spell caster ako ng bahala dito sa knight!" Sigaw ko.

"Inuutasan ko kayo! Mga anak ng buwan atakihin niyo yang babaeng yan!" Sigaw niya, sa isang iglap biglang nawala ang dalawang lobo at bigla na lang itong sumulpot sa harapan ng kalaban. Ang mga lobo ay pinagkakagat ang katawan ng kalaban pero nakakapagtakang bakit parang hindi man lang ito nasasaktan. Tsaka lang namin nalaman na isa lang pala itong clone. Gumamit siya ng isa sa mga spell para makagawa ng kaperaha. Hindi ko inaasahan na nasa itaas pala siyang lumilipad hanggat siya mismo ang umatake kay Sue.

Hindi ko alam na ganon siyabkabilis na nakapag-isip ng plano. Masyado ko nga talaga silang minaliit. Sa isang atake lang niya, bigla ng umilaw ang kanyang suit.

Talo kami.

Tinalo kami.

Natalo ako.

Hindi ko kayang tanggapin.

"Haha! Sinasabi ko sa inyo! Itong babaeng masyado niyong hinahangaan ay mahina. Mahina ka! Haha." Nagpintig ang mga tenga ko nung narinig ko ang mga salitang iyon.

Hindi ko na kaya itong tiisin. Wala na akong pakealam kahit na malaman pa nila kung ano talaga ang kapangyarihan.

Bigla na siyang napaluhod at unti-unting bumagsak ang kanyang katawan sa sahig. Hindi siya makatayo ngayon, pinagmamasdan ko ang kanyang katawang walang kalaban-laban.

"A-anong gingawa mo sa akin???" Tanong niyo pero hindi ko siya sinagot sa halip ay lalo ko pang tinaasan ang gravity sa kanyang katawan. Hindi na siya makagalaw.

"Gabriella! Itigil mo na yan!" Sigaw ni Sir Devon. Bigla na lang akong nahimasmasan at tinanggal ko na rin ang kapangyarihan ko sa kanya.

Lumapit ako sa babaeng knight at iniabot ko ang aking kamay para tulungan siyang makatayo, natatakot pa siyang kunin ito pero ginawa niya rin.

"Binabati kita, tinalo mo nga kami." Ngiti kong sinabi sa kanya. Agad na akong bumaba at nakita ko sa mga kaklase ko ang takot at pagkabigla.

Agad na akong umupo sa bench at namahinga.

Seguir leyendo

También te gustarán

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...